Chapter 1
Olivia's POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa kaharap ang laptop, inaayos ko ang mga pending reports na hindi ko nagawa nitong mga nakaraang araw.
"Yes! Yes!"
Napatingin ako sa hagdanan nang marinig ang masayang sigaw ng anak kong dalaga at ang maingay na mga yabag nito pababa ng hagdan.
Nakangiti kong itinigil ang ginagawa, inilapag ko ang laptop sa center table saka tumayo at sinalubong ito na siya namang niyakap ako ng mahigpit. Nakikita ko sa mga mata nito ang kasiyahan.
"Mommy, look!" masayang turan nito sa akin saka ipinakita ang email na nag-notify sa cellphone nito. It was an email from the Wilson King Advertising Company, ito lang naman ang pinaka-malaking Advertising Company sa buong bansa.
Pangarap talaga ng anak ko na sa kompanyang ito mag- intern at nangangarap na baka ma-absorb ng kompanya, sino ba ang hindi nangarap na makapasok sa ganitong klaseng kompanya? Halos lahat naman yata ay gustong magtrabaho sa kompanyang ito.
Bachelor of Science in Business Marketing ang kurso ng anak kong si Jasmin kaya nababagay lang din ito sa isang Advertising Company magtrabaho. She is 21 years old, a graduating student.
Mataman akong nakatitig sa mukha nito habang paulit-ulit nitong binabasa ang email na nakapasa ito sa initial interview for internship at bukas ay final interview na.
Parang kailan lang hinihele ko pa siya, ngayon ay dalaga na. Sa edad na nineteen years old ay ipinagbuntis ko siya, akala ko ang ama na nito ang forever ko pero hindi ako nito pinanagutan, madami pa akong naka-relasyon noon pero nauwi lang sa wala kaya nagsawa na ako.
Sa ngayon ay 41 years old na ako at hindi ko na pinangarap pa na makatagpo ng lalaking makakasama habang buhay, saka pakiramdam ko ay masyado na akong matanda para pumasok pa sa isang relasyon, kontento na ako sa anak ko at trabaho.
"Mom," untag sa akin ni Jasmin.
"Yes, baby?" nakangiti kong sagot.
"You're zoning out, Mom. I said if you are free tomorrow because i want you to come with me. I need a lucky charm, please?" pakiusap nito sa naglalambing na boses, nag-puppy eye pa ito sa akin.
Linggo ngayon kaya pareho kaming dalawa na walang pasok. Kapag araw ng linggo ay bonding naming mag-ina. Ikinawit nito ang dalawang kamay sa braso ko saka iginiya ako paupo sa sofa, inihilig nito ang ulo sa balikat ko.
"Hindi kaya mapagkamalan kang mommy's girl kapag sinamahan kita bukas?" amused kong tanong dito, nagpapadyak ang mga paa nito saka mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa braso ko. Minsan talaga ay umaakto ito na parang bata.
"Ngayon lang naman ako magpapasama sa'yo, Mom. Masyado akong kinakabahan at mas mabuti nang nandoon ka para kapag bumagsak ako sa final interview at least may mayayakap ako kaagad." Masiglang sabi nito, tumawa ako.
"And about the mommy's girl thing, wala akong pakialam kasi hindi ko kinakahiya na mommy's girl talaga ako." Proud nitong sabi.
Napangiti ako, kumawala ako sa pagkakahawak nito saka sinapo ang magkabilaan nitong pisngi at pinanggigilan.
"Think positive, okay? I know you can do it." Puno ng pagmamahal na sabi ko rito, she's my everything. Nandahil sa kanya ay na kayanan ko ang dagok ng buhay na pinagdaanan ko noon, akala ko ay hindi na ako makakabangon pa.
"Sasamahan mo ba ako?" she asked.
"Of course, sasamahan ko ang baby ko." Masaya kong sagot, mag-e-email na lang ako mamaya sa HR ng kompanya namin na magli-leave ako bukas. When it comes to my daughter, she is my number one priority.
"Yes! Thank you, Mom. You're the best!" masayang sabi nito sabay halik sa pisngi ko saka nagmamadali na ulit umakyat sa taas. Napapailing na lang ako, kaya siguro hindi pa ito nagkaka-boyfriend kasi masyadong clingy sa akin.
Hindi ko naman ito pinaghihigpitan pagdating sa mga ganoong bagay basta ang pinapaalala ko lang rito ay alam nito ang limitasyon sa sarili. Pero mukhang wala pa yata itong balak na magka-boyfriend na siyang pinagpapa-salamat ko.
Kinabukasan, maaga akong gumising para maghanda ng umagahan naming dalawa ng anak ko. Ginawan ko siya ng tuna sandwich na siyang paborito niya at pancakes with strawberry syrup.
"Good morning." Bati ko sa kanya nang bumungad ito sa kusina, hinila nito ang upuan sa mesa saka umupo.
"Good morning, Mom." Bati nito sa walang ganang boses, kapag bagong gising ito ay parang wala ito sa mood pero kapag nakaligo na ay hyper na hyper naman.
"Eat up and get ready for your interview later." Sabi ko saka inilapag ang pagkain sa mesa.
"Thanks, Mom." Usal nito sa mahinang boses. Napapailing na lang ako.
After we finish our morning routine, agad na kaming umalis ng bahay dahil baka ma-traffic pa kami sa daan. Sakto alas otso ng umaga ay nakarating kami sa malaki at malawak na building ng Wilson King Advertising Company.
Alas nwebe pa ang simula ng interview ni Jasmin kaya may oras pa kaming mag-usap at i-briefing ito para sa tanong at sagot. Ipinasok ko na ang sasakyan sa malawak na parking area ng building. Inihinto niya ang sasakyan mismo sa may entrance papasok sa lobby. May entrance sa harapan at meron din sa likod kung saan ang parking area.
"Mauna ka na sa loob, susunod ako." Sabi ko rito. Maghahanap pa ako ng space kung saan p'weding i-park ang kotse ko.
"I will wait you in the lounge area." Sabi nito, saka hinalikan ako sa pisngi bago bumaba sa kotse.
Muli kong binuhay ang engine ng kotse, naghahanap na ako ng space kung saan ako magpa-park. Nagpalinga-linga ako habang marahan na nagmamaneho. Hindi ko inaasahan na halos puno na agad ang parking lot gayong maaga naman kaming dumating.
Nang may makita akong space sa dulo ay inikot ko ang manibela pa-reverse para maka-bwelo ngunit nanlaki ang mga mata ko nang may malakas na tunog akong narinig mula sa likuran ng kotse. May na atrasan yata ako o ako ang binangga.
Mariin akong napapikit dahil pakiramdam ko ay ako nga ang may kasalanan.
***