Chapter 4

1167 Words
Chase POV "Sir, waiting na lahat ng mga applicants for their final interview." Kaagad na salubong sa akin ni Daisy, my secretary. Siya na rin ang nagbukas ng pinto sa opisina ko kaya deretso akong pumasok, kasunod siya. I chuckled and look at the calling card. Na kagat ko ang ibabang labi nang mabasa ang naka-sulat. Olivia Melendrez Sales Agent in SDC +639086870972 Tumaas ang isang sulok ng labi ko habang paulit-ulit na binabasa ang pangalan nito. Nai-imagine ko ang hitsura niya. So, isa siyang real state sales agent sa Sudalga Developer Company (SDC). Kilala ko ang nagmamay-ari ng developer company na iyon. Sa totoo lang, malaki ang company ni Mr. Sudalga at ilang beses na rin itong nagtangkang lapitan ang Kings Advertising Company para sa promotional ads ng kompanya nito pero ilang beses ko na ring tinanggihan. It was personal reasons kung bakit tumatanggi ako. Hindi ako ang may problema kay Mr. Sudalga at sa kompanya nito, kundi ang daddy ko. Isa lang talaga ang pakiusap nito sa akin na tanggapin ko lahat ng projects ng mga clients ko maliban sa SDC. Dahil matagal nang may alitan ang dalawa since their adolescence days. They were friends before pero dahil sa babae ay nag-away ang dalawa. My dad was possessive and territorial in regards to his love interest. Sinulot lang naman ni Mr. Sudalga ang babaeng unang siniryuso ng daddy ko. Para kay Mr. Sudalga ay wala na iyong alitan na namagitan sa kanilang dalawa ni daddy, pero masyado itong dinibdib ni daddy. Na hanggang ngayon ay kaaway pa rin ang tingin niya kay Mr. sudalga. Napapailing ako, sometimes my dad was acting so childish. Magmula nang mamatay si mommy, mas naging malapit pa kami ni daddy sa isa't isa kaya marami siyang nai-kwento tungkol sa kabataan niya noon. "Chase, are you listening to me?" untag sa akin ni Daisy, nawala na ang pagiging pormal ng boses nito at nabahiran ng iritasyon. I look at her, naka-taas na ang isang kilay nito at naka-halukipkip ang dalawang braso sa harapan ng dibdib. Mas lalo tuloy lumuwa ang cleavage nito na sinadya namang ipakita. Isang manipis na v-neck camisole top na pinatungan ng blazer ang suot nito. She was not only my secretary but also my f–ck buddy. Mas bata ito ng tatlong taon sa akin, she's very attractive and hot. Walang lalaking hindi nahuhumaling dito. Alam nito ang pagiging womanizer ko at umpisa pa lang nilinaw ko na sa kanya–that I don't do relationship or commitment. She was fine with our set-up. "Yes, of course." Maagap kong sagot sa kanya, saka umupo na ako sa swivel chair. "Here's the list of the applicants," bumalik na ang pagiging pormal ng boses nito, sabay lapag ng applicant's list sa harapan ko. Unang nahagip ng paningin ko ang pangalang Jasmin Melendrez. "Papasukin mo na si Ms.Melendrez." Utos ko sa kanya, naging pormal na rin ang boses ko at hindi pinapahalata kay Daisy ang pagiging unfair ko sa ibang applicants . "Chase, nasa huling list si Ms.Melendrez dahil huli siyang dumating." Reklamo ni Daisy. "Are you questioning me, Ms. Cruz?" wika ko sa napaka-pormal na boses. "Fine." Saad nito, halatang naiinis pero hindi na ako kinontra. Kaagad itong lumabas sa opisina ko, mayamaya ay pumasok na ang isang magandang babae. Napaka-charming ng ngiti nito. "Good morning, Sir." She greeted me. Isang tipid na ngiti ang isinagot ko rito, sumenyas akong umupo ito sa upuang kaharap ng mesa ko. Mabilis naman itong umupo at iniabot sa akin ang dala nitong resume. Kunwari ay binasa ko lahat ng information na nakalagay sa resume niya pero ang totoo niyan ay isa lang ang tiningnan ko, ang parents nito. Nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya, kaagad naman itong ngumiti. Halatang kinakabahan. "You're Jasmin Melendrez, 21 years old. BS-Marketing Management in St. Jude College." Pagpapahayag ko sa basic information nito para hindi naman masyadong halata na hindi ako interesado sa information niya. "Yes, Sir." Pag-confirm nito sa sinabi ko. Hinahaplos ko ang baba ko na animo'y nag-iisip. "The name of your mom is Olivia Melendrez, right?" paninigurado ko. "Yes, Sir." I wanted to ask her about her father dahil wala namang nakalagay sa resume niya, but it seems that it was a sensitive topic for her. "How old your mom is?" seryoso kong tanong. "Forty-one years of age, Sir." She answered politely. Marahan akong napatango at naihilamos ang isang kamay sa mukha ko. I can't believe that I am attracted to older women. Akala ko nasa 30's lang ang edad nito. God damn it! Ngayon lang ako nagkaganito. Older women aren't my type. Mahilig ako sa mas bata pa sa akin. But why I am so f–cking restless right now? Isang tikhim ang nagpabalik sa katinuan ko. Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko, pilit naman itong ngumiti sa akin. "Okay, you're hired." Napasinghap siya sa sinabi ko, tila hindi makapaniwala. "Sir, seryoso?" "Mukha ba akong hindi seryoso Ms. Melendrez?" amused na saad ko sa kanya. Pinilit ko na hindi maging sarcastic ang tono ng pananalita ko. Isang pilit na ngiti ang isinagot nito sa akin. Tinawagan ko na si Daisy sa pamamagitan ng intercom na naka-connect sa table nito. Mabilis naman itong pumasok sa office ko, naka-paskil ang matamis na ngiti sa labi. "Yes, Sir?" "Hired na si Ms. Melendrez, bukas na siya magsisimula." Ani ko kay Daisy. Nawala ang matamis nitong ngiti sa labi, kumunot ang noo nito at pairap na tiningnan ang dalaga. "Really?" tanging usal ni Daisy. "Yes," mabilis kong saad, "About the other applicants, ipasa mo na sila sa HR, sila na lang ang magpatuloy sa final interview. All we need are five intern." "Pero Chase–" reklamo ni Daisy pero itinaas ko na ang isa kong kamay para pigilan itong magsalita. "Do what I said, Daisy." Mariing kong saad. Bumuntonghininga ito, saka muling binalingan si Jasmin. "Follow me." Malamig ang boses na saad ni Daisy rito. Kaagad namang tumayo si Jasmin at tiningnan siya. "Sir, tapos na po ba talaga ang interview ko?" paninigurado nito. "Yes," tipid kong sagot. "Pero hindi niyo pa po ako tinatanong tungkol sa academic skills ko, ang tinanong niyo lang po ay tungkol sa akin." Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ni Daisy at pagtiim bagang nito. "Ms. Melendrez, tungkulin kong alamin at kilalanin ang lahat ng mga taong pumapasok dito sa kompanya ko." Seryoso kong sagot dito. "I'm sorry," saad nito, halatang nahiya sa sarili nitong tanong. Hindi na ako umimik at nagkunwari na lang na tinitingnan ang mga files na nasa harapan ko. "Follow me, Ms. Melendrez." Narinig kong muling saad ni Daisy. Saka na ako nag-angat ng tingin nang marinig ang pagbukas at sarado ng pinto. I tap my fingers on the table while my other hand caressing my jawline. Napapaisip ako kung bakit bigla akong nagnasa sa isang may edad na babae, simple lang naman ang suot nito pero ang lakas ng dating nito sa akin. And damn her age! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD