Hindi magawang magsalita ni Sydney ngayong kaharap niya ang lalaking Zach ang pangalan. Matagal na niyang kinalimutan ang nagawa niyang pagkakamali ng gabing iyon tulad ng paglimot niya sa nangyari sa kanila ni Jack. Pero ipikit – imulat man niya ng maraming beses ang kanyang mga mata, ang nakangiting imahe nito sa kanyang harapan ang kanyang nakikita.
“Have a seat,” sabi nito sa kanya at inalalayan siyang makaupo sa upuan na nasa harap ng mesa nito. Nang makaupo siya ay naupo rin ito sa tapat niya imbes maupo sa swivel chair nito. Titig na titig ito sa mukha niya na tila kinakabisado iyon. Gusto na niyang kumaripas ng takbo.
Marahil ay naramdaman nito ang pagiging uneasy niya kaya hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.
“Relax. I won’t bite you,” tila nakakalokong sambit nito.
Mabilis niyang binawi ang mga kamay.
“If you will keep on doing that, I better leave. Tingin ko naman walang mangyayari sa usapan na ito kung haharassin mo lang ako,” nilakasan na niya ang loob na sabihin iyon. Wala siyang pakialam kung magsumbong man ito sa boss niya sa ginawa niyang pagtataray.
Nakita niyang napangiti ang lalaki, binawi ang mga kamay at itinaas iyon ng tila sumusuko.
“My bad if you think I am harassing you,” nakangiti pa rin nitong sagot nito sa kanya.
“Let’s talk about your company requirements please,” sabi niya dito.
Bumuntong – hininga ito tapos ay tumayo at lumipat na sa swivel chair nito. Naipagpasalamat niyang ginawa iyon ng lalaki. Hindi na yata siya makakatagal kung uupo lang ito sa harapan niya at tititigan siya.
“Our company decided to give incentives to our Account Managers and initially, we need ten units of car. Can you provide me that?” sabi nito sa kanya.
“I’ll call our office first,” sagot niya dito at kinuha ang cellphone sa kanyang bag at idinayal ang numero ng opisina.
Sinamantala naman ni Zach na busy ang dalaga sa ginagawa at pinagsawa ang sarili sa pagtitig sa kabuuan ng babae. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng dalawang taon ay nasa harapan na muli niya ang babaeng napakatagal niyang hinanap. Walang gaanong ipinagbago ang babae. Nagkalaman ng konti ang katawan nito kumpara noong una niyang makita. Bumagay naman dito ang mabilog na katawan dahil mataas itong babae. Wala sa loob na hinawakan niya ang kuwelyo ng damit. Pakiramdam niya ay nanuyot ang kanyang lalamunan ng maalala ang nangyari noon sa kanila.
Iniba niya ang direksiyon ng tingin ng makitang tapos na sa pakikipag – usap ang dalaga.
“We only have five units available for your requirement. If you want, puwedeng sa next month na lang ang mga requirements mo,” sabi nito sa kanya.
“That’s fine with me. Five units then. Ikaw na ang bahala kung kailan mo mapo – provide sa akin ang remaining orders na kailangan ko,” sagot niya dito.
Nakita niyang iniligpit na ng babae ang mga gamit nito at akmang tatayo na.
“I need another car. It’s a gift for my mom. Do you think you can provide me one tomorrow? I want it to be delivered in our house in Mandaluyong,” sabi niya sa babae.
Gustong mapangiti ni Zach sa nakikitang reaksiyon ng dalaga. Alam niyang pigil na pigil ang inis na nararamdaman nito sa kanya but he still finds her pretty.
“What model? What color?” tanong nito sa kanya habang inilalabas ulit ang planner at calculator.
“Kahit ano. Kung ano ang available. Basta I want it to be delivered tomorrow,” sagot niya dito habang pinagmamasdan maige ang babae.
Nakita niyang nag – compute – compute ito sa hawak na calculator tapos ay nagsulat – sulat sa hawak na papel. Tumawag sa telepono at nagsulat – sulat ulit. Pinigil ni Zach ang ngiting nanulay sa bibig niya ng makitang tumingin sa kanya ang babae.
“All we have is a black top of the line V8 car. Price is one million two hundred fifty thousand,” sabi nito sa kanya.
“No problem. Ipapa – ready ko na ‘yung manager’s check para mapa – ready mo na rin ang kotse,” sabi niya dito.
Nakita niyang huminga ng malalim ang babae at tumayo. Tingin niya ay gustong – gusto na talaga nitong umalis.
“I have to go. Thank you,” sabi nito sa kanya at mabilis na tinungo ang pinto. Pero maagap din siya at inilang hakbang lang ay nasa tabi na siya ng babae. Pinigilan niya ang door knob. Kita niya ang kalituhan sa mukha nito ng hawakan niya ang kamay.
“I was really glad to see you again, Syd.” Sabi niya dito.
“I – I have to go,” iyon lang ang nasabi nito at mabilis na binuksan ang pinto. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigil pa ang pag – alis ng babae.
“Si Mitch na lang ang magde – deliver ng kotse ni Mr. Vargas, Boss. Nag – usap na ho kami. May isa pa kasi akong kliyente na darating ngayon,” gusto nang umiyak ni Sydney sa pakikiusap sa boss na huwag na lang siya ang magdeliver ng sasakyan ni Zach. Pagpasok pa lang niya ng sumunod na araw ay kinakausap na niya ang boss tungkol dito.
“Ikaw ang magdeliver ng kotse ni Mr. Vargas. Personal request niya iyon. Saka don’t you want to have a good relationship with our new client? Imagine, he ordered ten units from us. Then next month another ten. Aba, Sydney, over quota ka na niyan,” sagot ng boss sa kanya.
“Kahit na, Boss. Inayos ko na ang release papers ng kotse niya. Ida – drive na lang iyon ni Mitch sa bahay nila sa Mandaluyong,” todo pa rin ang pakiusap niya.
Nakita niyang sumeryoso ang mukha ng lalaking boss.
“Tell me, do you know Mr. Vargas personally? Para kasing kilalang – kilala ka din niya at ikaw talaga ang ni-request niyang humawak ng accounts nila,” sabi nito sa kanya.
Mabilis siyang umiling.
“I don’t know Mr. Vargas. Please boss? Padating na ang client ko in a few minutes,” sabi pa niya.
“Ikaw ang magdedeliver ng kotse ni Mr. Vargas and that’s an order. Si Mitch ang paharapin mo sa kliyente mo,” dama na niya ang inis sa boses nito. Marahil ay nakulitan na sa kanya.
Napahinga na lang siya ng malalim at gusto niyang itapon sa basurahan ang release papers ng sasakyan.
“Hindi ka pa ba aalis? Ala – sais na. Mr. Vargas is expecting it at seven pm,” narinig pa niyang sabi nito.
Walang imik siyang lumakad at at tinungo ang releasing area. Nakita niyang nakaparada na roon ang kotse at gustong – gusto niyang hatawin iyon.
Buwisit talaga!
Gustong – gustong isigaw iyon ni Sydney. Inis niyang inihagis ang folders at ang mga gamit sa loob ng sasakyan bago sumakay tapos ay malakas na kinabig ang pinto. Gusto nga niyang masira iyon para may dahilan siyang madelay ang delivery.
“Get it over, Syd. Wala ka din namang magagawa kundi sundin ang utos ng boss mo. Ibigay mo lang ang sasakyan tapos umalis ka na. You’ve done your part.” Parang sira – ulong kausap niya sa sarili habang nagsisimulang sagupain ang traffic sa EDSA papunta sa bahay ng lalaki.
Nasa bandang SM North na siya ng maalala niyang hindi pa pala niya alam ang eksaktong address ng bahay nito. Ang tangi lang niyang alam ay Mandaluyong area bukod doon ay wala na.
Tiyempong stop ang sign sa traffic light na nadaanan niya kaya pahalbot niya kinuha ang folder at tiningnan ang address na nakasulat doon. Napakunot ang noo niya. Ngayon lang niya napansin ang address na nakasulat. Ito ang address ng bahay ni Jack.
Pakiramdam niya ay may bumundol sa kanyang dibdib ng malaman iyon. Pilit man niyang isipin kung sino si Zacharias Vargas. Kaapelido pa ito ni Jack. Kung kamag – anak man ito ng dating nobyo, hindi niya ito kilala.
Malalakas na busina lang ang tila gumising sa kanya. Napatingin siya sa stop light at nakita niyang go na ang signal. Mabilis niyang pinaarangkada ang sasakyan.
Ilang minuto pa at binabagtas na niya ang daan malapit sa subdivision na nakasulat sa address. Napalunok – lunok siya. Maraming ala – ala ang bumabalik kahit pa nga sabihin na dalawang – taon na nakalipas mula ng magkahiwalay sila ni Jack. Napatingin siya sa relo at nakita niyang sampung minuto na lang bago mag – alas siyete. Ihininto niya ang kotse sa isang gilid. Gusto na muna niyang mag – isip.
“Are you sure about this?”
Napalingon si Zach sa lalaking nagsalita sa likod niya at napangiti siya ng makilalang si Greg iyon.
“I don’t see anything wrong. I just bought a car from her,” sagot niya dito.
“That “her” happened to be your brother’s ex – fiancée and we both know that you and that “her” already had a past,” sabi nito sa kanya.
Napahinga siya ng malalim at tumingin sa garden.
“It’s now or never, Greg. I’ve lost her once. I don’t want to lose her again,” sagot niya.
“Pero sa tingin mo ba tama itong ginagawa mo? She doesn’t know who you are. Tapos nandito pa ang kapatid mo at ang asawa niya. Alam mo naman kung ano ang nangyari sa kanila. Malaking gulo ito, pare.” Tila paalala nito sa kanya.
“Bahala na,” sagot niya dito at kinuha ang telepono at nagsimulang mag - dial. Pasado ala siyete na at hindi pa dumadating si Sydney. Nababahala na siya na baka nga hindi na ito dumating.
Bahagyang napapitlag si Sydney ng marinig na nag – ring ang phone niya. Napahinga siya ng malalim.
“S – sir,” tanging nasambit niya. Kilala na niya kung kaninong number iyon.
“Are you lost? Past seven na kasi wala ka pa baka naligaw ka. Do you want me to fetch you?” narinig niyang sabi ng lalaki.
“N – no. Malapit na rin ako. Don’t worry. Five minutes diyan na ako,” sabi niya at binabaan na ito ng telepono.
Hindi naman niya kailangan kabahan na ma-late dahil ilang bahay na lang naman ay naroon na siya sa bahay ng lalaki. Napahinga siya ng malalim at nag – drive na lang.
Bukas na ang gate ng mapatapat siya sa bahay na pakay. Pakiramdam niya ay libong daga ang nagtatakbuhan sa dibdib niya. Maraming ala – ala ang bumalik ng makapasok siya sa loob ng garahe. Nakita niya agad na nakatayo sa gitna si Zach. Tila inip na sa paghihintay sa kanya.
Hindi niya mapigil ang hindi humanga sa kaguwapuhan ng lalaki. Kahit naman kasi hindi niya aminin, talagang malakas ang dating nito. Relaxed na relaxed ang hitsura nito sa suot na plaid shorts at white polo shirt. Naka – sanuk sandals lang ito. Tila ang bango – bango kahit hindi niya naaamoy.
Humugot siya muli ng malalim na hininga bago pinatay ang makina ng kotse. Binitbit niya ang lahat ng mga papeles at bumaba. Agad namang lumapit ang lalaki sa kanya at inalalayan siya.
“I thought you were lost kaya tinawagan kita. Nag – alala kasi ako na baka nahirapan kang hanapin itong bahay namin,” sabi nito sa kanya.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Pero talagang gustong – gusto na niyang matapos at makaalis na. Inayos lang niya ang mga folders at itinuro dito ang mga dapat pirmahan.
“Nice car,” narinig niyang sambit ng kung sino.
Napatingin siya at nagulat siya ng makilala iyon.
“Greg?! What are you doing here?” takang tanong niya. Hindi niya pansin si Zach na titig na titig sa kanya.
“He invited me,” sagot nito sa kanya sabay turo sa binatang nag – uumpisang pirmahan ang mga hawak na papeles.
Gulat na napatingin siya sa lalaki. Kung kilala nito si Greg, siguradong kilala din nito si Jack. Kaano – ano ni Jack ang lalaking ito?
“You knew each other?” paniniguro niya.
“Since grade school,” sabi pa ni Greg.
“I need to go. Please sign all the documents,” sabi niya kay Zach. Hindi na niya kayang magtagal doon. Napakaraming ala – ala ang bumabalik sa kanya. Ayaw na niyang malaman kung ano ang relasyon ng lalaking ito sa dati niyang nobyo.
“Zach! Bagong kotse na naman?! Kakabili mo lang ‘nung isang buwan ah!”
Lalo ng parang kinulog ang dibdib niya ng makilala kung sino ang nagsalita. Hindi man niya tingnan, kilalang – kilala niya ang boses na iyon.
“Regalo ko kay Mama,” narinig niyang sagot ni Zach.
Oh my God! Oh my God! No! This is not happening!
Pakiramdam niya ay nangangalog ang tuhod niya. Hindi niya magawang humarap sa lalaking alam niyang palapit sa lugar nila.
“Regalo? But my birthday was two months ago,” narinig pa niyang sambit naman ng isang may edad na babae.
Maang na napatitig siya kay Zach at nakita niyang nakatingin lang din ito sa kanya.
“You’re Jack’s brother?” halos siya lang ang nakarinig ng sabihin niya iyon. Ito ang kapatid ni Jack na nakatira sa Amerika na ayaw ipakilala sa kanya dahil gusto daw ni Jack na sa personal sila magkita ng kapatid nito.
Alam ni Sydney na sukol na siya at hindi na niya kaya pang magtago sa mga taong lumapit sa kanila. Pinilit niyang nilakasan ang loob at humarap sa mga taong dumating. Kitang – kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Jack ng makita siya.
“S – Sydney?” tila hindi ito makapaniwala ng makita siya.
“A – Aba’t – Si Sydney nga! Naku iha! Kamusta ka na? Ang ganda – ganda mo naman. Anong ginagawa mo dito?” kitang – kita niya ang kasiyahan sa mukha ng mama ni Jack at niyakap pa siya.
“K - Kamusta din po, Mrs. Vargas,” sabi niya.
“Ano bang Mrs. Vargas ang sinasabi mo diyan. Mama ang tawag mo sa akin noon ‘di ba? Wala namang nagbago,” sabi nito at hinawakan siya sa braso at pilit siyang iginigiya papasok sa loob ng bahay. “Halika at pumasok ka na muna. Dito ka na mag – dinner. Naku, kung alam ko lang na darating ka ipinagluto ko ang mga paborito mo,” sabi pa nito.
Napatingin siya sa gawi ni Zach at nakatingin lang ito sa kanya. Si Jack naman ay tila nalulon ang dila at parang estatwang nakatingin lang din sa kanila.
“Hindi na po, Mrs. Vargas. Kailangan ko na rin pong umalis,” sabi niya at marahang inialis ang kamay na nakahawak sa braso niya.
“Ganoon ba? Ipapahatid na lang kita kay Zach. Siya ang anak ko na nakatira sa Amerika. Dito na siya nakatira ngayon,” sabi pa nito sa kanya.
Hindi siya kumibo at lumapit sa lalaki.
“If you’re done signing the papers then I have to go,” sabi niya dito.
Ibinigay naman nito sa kanya ang mga papel at ng makuha iyon ay lumakad na siya palabas.
“Pumunta ka na lang din dito, hindi mo man lang ba ako kakamustahin?”
Napahinto siya ng marinig ang tinig na iyon. Bumuntong – hininga siya at napilitang humarap. Nakita niyang naroon ang kanyang ate Margot at bitbit ang anak nitong babae na sa tingin niya ay mga dalawang taon ang edad.
Pinigil niya ang nararamdamang pag – iyak dahil muling bumalik ang masasamang alaala na ginawa nito sa kanya. Silang dalawa ni Jack.
“Its nice seeing you again,” iyon lang ang nasabi niya at tumalikod na rin dito. Mabibilis ang hakbang niya na makaalis sa lugar na iyon. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ng ina ni Jack sa kanya.
Mabibilis ang kanyang mga lakad habang palayo sa bahay na iyon. Halos tumakbo na nga siya. Wala siyang kotseng dala kaya mapipilitan siyang mamasahe pauwi. Nasa loob pa naman siya ng village at sigurado siyang walang taksi na daraan doon kaya kailangan niyang mag – traysikel hanggang gate.
Lalo niyang binilisan ang paglakad ng marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Alam niyang si Zach iyon.
“Sydney wait!” sabi pa nito pero hindi niya pinansin. Dire – diretso lang siya sa paglakad.
Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa braso ng maabutan siya.
“Wait. I know I owe you an explanation,” humihingal na sabi nito ng maabutan siya.
Pero imbes na sumagot ay malakas niya itong sinampal. Hindi na niya napigil ang mapaiyak.
“You know who I am and yet ganito pa ang ginawa mo? Ano pa ang gusto mong gawin sa akin? What happened between us was a mistake and I regret that night that I met you same as I regret loving your brother!” galit na galit na sigaw niya dito.
Pakiramdam ni Zach ay may kumurot sa puso niya sa sinabing iyon ng babae. Para sa kanya, ang gabing nagkasama sila nito ay ang pinakamahalaga ng gabi sa buhay niya.
“Those people made my life a living hell. They took everything from me. And now, nandito ka para ipaalala sa akin lahat iyon?” sumbat pa nito sa kanya.
“It’s not what you think, Syd. The moment I met you, I know you’re all I want. Hinanap kita.”
Nakita niya ang kalituhan sa mukha ng dalaga ng marinig iyon kaya sinamantala niya. Mabilis niyang kinuha ang kamay nito.
“Please, maniwala ka sa sinasabi ko. I am not my brother. Magkaiba kaming dalawa,” sabi pa niya dito.
Mabilis na binawi ng dalaga ang mga kamay at pinara ang dumaang traysikel sa harap nila.
“Hindi ko kailangan ang awa mo Mr. Vargas,” sabi nito sa kanya. “Alam kong iyon lang ang nararamdaman mo para sa akin at hindi ko kailangan iyon. Nakaya kong mabuhay ng mawala si Jack at lalong mas kaya ko ngayon. I don’t need someone who will remind me of the pain they gave to me,” matigas nitong sabi sa kanya at mabilis na sumakay sa humintong traysikel sa tabi nila.
Wala na siyang nagawa ng mabilis na paandarin ng traysikel driver and motor. Napahinga na lang siya ng malalim at iiling – iling na tinungo pabalik ang kanilang bahay. Sigurado siyang kukulitin siya ni Jack kung paano niyang nakilala si Sydney.
Papasok pa lang siya sa gate ng bahay ay natanaw na niya ang kapatid na nakatayo malapit sa binili niyang bagong kotse. Ang mama naman niya ay kausap si Margot at si Greg. Napahinga siya ng malalim. Alam niyang magtatanong at magtatanong sa kanya ang kapatid kung paano sila nagkakilala ni Sydney.
“Zach, how did you know her?” iyon agad ang bungad sa kanya ng kapatid ng makalapit sa sasakyan.
Nagkunwa siyang hindi interesado sa tanong nito at inabala ang sarili sa pag – iinspeksyon sa kotse.
“Tell me how did the two of you meet?”
Napatingin siya sa gawi ng kapatid at nakita niya ang desperasyon sa mukha nito.
“I knew her because she is my car agent that’s all,” tanging sagot niya.
Nakita niyang tumingin ito sa gawi ng asawa na nakatingin din sa gawi nila.
“I missed her, Zach. I so badly missed her. Hindi mo lang alam na gustong – gusto ko siyang yakapin kanina,” sabi nito sa kanya.
Pakiramdam ni Zach ay may kumurot sa puso niya sa narinig na sinabing iyon ng kapatid.
“Are you hearing yourself, Joaquin? You are married with her sister,” gusto niyang suntukin ito sa naririnig na sinasabi.
“I wanted to leave Margot. Matagal ko ng gustong gawin iyon kaya ako nag – decide na bumalik na lang kami dito. For two years, wala siyang ginawa kundi magselos kay Sydney and I am tired of that,” sabi nito sa kanya.
“You are selfish, you know that? Kayo ni Margot. All you think about are yourselves. Hindi ninyo iniisip ang damdamin ng ibang tao. Sydney is okay now tapos guguluhin mo na naman? And what about your kid? Kaya mong iwan ang anak mo?” naiinis na siya sa mga naririnig na sinasabi ng kapatid.
Napailing – iling lang si Jack.
“I don’t know. Desperado na lang siguro talaga ako na makawala sa relasyon namin ni Margot. Nasasakal na ako sa kaseselos niya siguro dahil alam niyang wala naman talaga akong pagmamahal para sa kanya,” malungkot pang sabi nito.
“Fix your life, Jack. Kalimutan mo na si Sydney. Don’t ruin her life again,” iyon na lang ang nasabi niya at iniwan na ang kapatid.