Chapter Six

2637 Words

“Syd.” Iyon ang kanina pa naririnig ni Sydney na pagtawag ng kaibigang si Carla sa kanya. Kanina pa siya nito ginigising at kanina pa naman siya gising dahil magdamag halos siyang hindi nakatulog dahil sa nangyari. “Syd, wake up,” sabi pa nito at naupo sa gilid ng kama niya. “Bakit ba?” inis niyang tanong at padaskol ang ginawang pagbangon. Kita niya ang pinipigil na ngiti ng kaibigan habang nakatingin sa kanya. “What?!” inis na siya sa inaakto nito. “Ito naman, bakit ba ang sungit mo. Dapat nga ako pa ang magtampo sa iyo kasi naglilihim ka na sa akin,” sagot nito sa kanya. Napakunot ang noo niya. “Ano ba ang sinasabi mo?” taka niya. “May manliligaw ka palang guwapo at sobrang thoughtful hindi mo man lang sinasabi sa akin,” dugtong pa nito. “Anong manliligaw ang sinasabi mo?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD