bc

Love comes in

book_age0+
1.1K
FOLLOW
7.2K
READ
love-triangle
second chance
drama
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa sobrang depression sa pangyayaring hindi niya inaasahan, Sydney Avila almost had an accident. Mabuti na nga lang at napigilan iyon ng lalaking tumulong sa kanya at magpapagulo ng kanyang buhay.

Zacharias Vargas just came from America to attend his brother's wedding when he met this beautiful but lonely stranger on the road. Attraction and desire sets in only to find out that the woman he wants is the fiancee of his brother.

PS. This story is written in Filipino

chap-preview
Free preview
Chapter One
Napakunot ang noo ni Sydney ng makita niyang nakaparada sa garahe nila ang kotse ng kanyang nobyo na si Jack. Mahigit isang oras siyang naghintay dito sa modista na tumatahi ng kanyang wedding gown pero hindi man lang ito tumawag na hindi makakarating. Usapan na nilang dalawa na doon magkikita para sa kanyang final fitting at para na rin masamahan siya nito sa pagbabayad ng full p*****t para naman sa venue ng kanilang kasal. Pero dahil nga sa hindi ito dumating, siya na lang ang mag – isang pumunta sa Wack Wack Golf and Country Club para magbayad. Habang ipina – park niya ang kanyang sasakyan sa garahe ay mixed emotions siya. Gusto niyang magalit dito dahil sa hindi pagsipot sa usapan nila pero parang lumalambot naman ang kanyang puso dahil pinuntahan siya nito sa bahay. Sa loob anim na buwan nilang pagiging magkasintahan, ay kilalang – kilala na niya ang ugali nito. Mahilig ito sa mga sorpresa. Hindi lang iilang beses siyang nagugulat sa mga ginagawa at binibigay nito sa kanya na sa tuwina naman ay ikinatataba ng puso niya. Mahal na mahal niya si Jack kaya ng mag – propose ito ay hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin iyon kahit pa nga maraming nagsasabi na parang napaka – aga pa para magpakasal silang dalawa. Hindi siya naniniwala sa long engagement. Mula ng makilala niya sa Jack mula sa isang kasalan din ay alam na niyang ito na gusto niyang makasama habang – buhay. Maingat niyang isinara ang pinto ng kanyang kotse para hindi ito lumikha ng kahit na anong ingay. Ayaw niyang malaman ni Jack na nandito na siya para ito naman ang masorpresa sa bigla niyang pagdating. Pagpasok pa lang niya ay agad na siyang sinalubong ng kanilang kasama sa bahay na si Nana Lucing. “Nana, nasaan na ho si Jack? Nakita ko ho ang kotse niya sa labas,” tanong niya dito habang hinuhubad ang sapatos. Nagtaka siya kung bakit parang gulat na gulat ang matanda sa pagdating niya. Napansin din niyang medyo naging mailap ang mga mata nito at halatang medyo nataranta sa tanong niya. “Ah, eh dumating nga siya kanina. Sinalubong pa nga ng ate Margot mo pero hindi ko na alam kung nasaan na sila. Kanina pa kasi ako nasa kusina,” sagot nito sa kanya. “Hindi ho pumasok sa trabaho si ate Margot?” takang tanong niya. Umiling lang ito tanda ng pagsagot. Hindi na lang siya kumibo at nagkibit na lang ng balikat. Paakyat na lang siya sa itaas ng kanilang bahay ng tawagin nito. “I – iha,” narinig niyang mahinang tawag ng matanda. Nagtatanong ang tingin niya rito. “Huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko sa iyo, pero sigurado ka na ba kay Jack? Sigurado ka bang hindi ka niya sasaktan?” Napatawa siya sa naging tanong na iyon ng kanyang yaya. “Nana Lucing naman. Iyan pa ba ang itatanong ninyo? Hindi ‘nyo ba nakita kung gaano ako kamahal ni Jack? Ikakasal na ho kami in three weeks time,” natatawang sagot niya rito. Umiling lang ang matanda. “Gusto ko lang makasiguro na magiging masaya ka sa kanya,” iyon lang ang sagot nito at umalis na rin upang bumalik sa kusina. Napapailing na napapatawa siya sa narinig na tanong na iyon. Umakyat siya sa second floor ng kanilang bahay para pumunta sa kanyang silid. Ilang hakbang na lang siya sa kanyang kuwarto ng mapansin niyang bahagyang naka – awang ang silid ng kanyang ate. May lamig din na nanggagaling mula doon kaya sigurado siyang bukas ang aircon. Napa – iling siya. Sigurado siyang naiwan na naman ng kanyang ate ang aircon sa silid nito na madalas nitong ginagawa kaya dire – diretso na siyang pumasok para patayin iyon. Iyon pala ang sorpresa na naghihintay sa kanya. Isang sorpresa na talagang ikinagulat niya at hindi niya alam kung kakayanin niya. Naroon sa kama ng kanyang ate at ang pinakamamahal niyang lalaki. Nakayakap ito sa kanyang kapatid. Kapwa tulog at kapwa walang damit sa katawan. Tanging ang comforter lang sa kama ang nakatabing sa hubad na katawan ng dalawa. Pakiramdam niya ay nanigas ang buo niyang katawan. Hindi siya makakilos. Hindi siya makapagsalita. Parang may bato sa kanyang lalamunan at para siyang hihimatayin sa kanyang nakikita. Ang luha niya ay patuloy sa pag – agos mula sa kanyang mga mata. Ipikit – imulat man niya ang kanyang mga mata ay ang tagpong iyon pa rin ang bumubulaga sa kanya. “Sydney?” Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig at nakita niyang ang kanyang daddy iyon. Alam niyang kakauwi lang nito mula sa pagte – tennis. Mabilis itong lumapit sa kanya ng makita siyang umiiyak. “Sydney, what’s wrong? What’s –“ Hindi na naituloy ng kanyang ama ang sasabihin at mabilis na bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. Alam niyang nakita na nito ang nakikita niya. “Mga punyeta! Mga walanghiya! Ang kakapal ng mukha ninyo! Binababoy ‘nyo ang bahay ko!” malakas na sigaw ng kanyang ama at mabilis na dinaluhong sa kama si Jack na pupungas – pungas at gulat na gulat. “M – Mr. Avila!” gulat na gulat ito at natigilan ng makita siyang nakatayo sa pinto. Mabilis itong nagsuot ng pantalon at akmang lalapit sa kanya pero mabilis din itong sinuntok ng daddy niya. “Demonyo kang walanghiya ka! Pinagkatiwalaan kita pero wawalanghiyain mo lang ang mga anak ko!” galit na galit ang kanyang ama at sinuntok muli si Jack. “Daddy, stop it!” sigaw ng kanyang ate Margot. Hindi ito makaalis sa kama dahil wala itong suot na damit. Nakatapi lang ito ng kumot sa ibabaw ng kama. “Isa ka pang babae ka! Hindi ka na nahiya! Dito pa sa pamamahay ko!” at malakas din itong sinampal ng kanyang ama. “M – Mr. Avila, sir, pabayaan ‘nyo po akong magpaliwanag. Mali po kayo ng inaakala. Wala pong nangyari sa amin ni Margot,” sabi nito sa kanyang ama. Halos maglumuhod ito sa harap ng daddy niya. “At gagawin mo pa akong tanga?! Hindi ako bobo! Napakawalanghiya mo!” at muli ay susugurin ito ng kanyang daddy pero mabilis na tumakbo ang kanyang ate na nakatapi ng kumot at yumakap kay Jack. “Daddy please! Tama na! Huwag mo siyang saktan!” umiiyak na ang kanyang ate Margot. Wala naman siyang magawa sa nangyayari. Gulat na gulat siya sa kanyang nakikita at talagang para siyang robot na nanonood lang ng nangyayari doon. Pakiramdam niya ay isang panaginip lang iyon. Isang masamang panaginip. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Walang sinuman ang naglalakas loob na magsalita. Nakita niyang nanatiling nakayuko si Jack habang yakap ng ate niya. Lalo ng parang dinurog ang puso niya. Maya – maya ay narinig niyang malakas na bumuntong – hininga ang kanyang daddy tapos ay nagsalita. “Pakakasalan mo ang anak ko, Jack. Ayokong nabababoy ang pangalan ng anak ko,” narinig niyang sabi ng kanyang ama. Kitang – kita niya ang pangangatal ng mga labi nito sa sobrang galit. “S - Sir, handa po akong pakasalan si Sydney kahit ngayon na. Hindi na po namin hihintayin ang date ng kasal namin,” sagot ng lalaki. “Si Margot ang papakasalan mo! Akala mo ba ay papayag akong hindi mo panagutan ang ginawa mong paglalapastangan sa kanya? Kailangang maikasal kayo sa madaling panahon!” sigaw ng kanyang ama. Doon na siya tuluyang bumigay. Mabilis siyang tumakbo paalis sa lugar na iyon. Hindi na niya inintindi ang pagtawag sa kanya ng kanyang daddy o maging ng kanyang nobyo. Basta ang gusto niya ay makaalis sa tila bangungot na eksenang iyon. Tumingin si Zach sa kanyang suot na relong pambisig. Pasado alas –dose na. Napailing siya habang itinutok ang paningin sa kalsada na kanyang dinadaanan. Ginabi na naman siya. Ilang gabi na ba siyang puyat sa kakadalo sa mga party na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Magmula ng dumating siya mula sa Amerika tatlong ang nakakaraan ay wala pa rin siyang matatawag na pahinga dahil sa tila walang katapusan na mga party ng kanyang mga kaibigan. Matagal din kasi siyang na-base sa ibang bansa bilang Manager for Marketing ng USA-Phils. Isang kumpanya na nag – e – export ng mga glasswares sa iba’t – ibang bansa. Magmula ng makatapos siya ng college mula sa kursong Business Management ay nakapagtrabaho agad siya sa nasabing kumpanya bilang Assistant Manager sa branch nito sa Hongkong at ilang taon nga ang nakalipas ay napromote naman siya sa posisyong kanyang kinalalagyan ngayon. Ilang buwan lang ang lumipas ay inilipat naman siya sa branch nila sa Amerika kung saan nga siya tumagal ng limang taon. Kaya nga lang umuwi siya dito ay para saksihan ang kasal ng nag – iisang kapatid at isinama na rin niya ang isang buwan na bakasyon. Pagdating pa lang niya ay talaga namang bumubuhos ang party ng lahat ng kanyang mga kakilala. Pagbawi daw iyon sa matagal na panahong pagkakawala niya sa sirkulasyon. Diniinan pa niya ang pag – apak sa gas ng sasakyan upang lalo iyong bumilis. Wala na siyang kasabay na mga sasakyan dahil madaling araw na iyon. Paliko na siya sa isang madilim na kurbada sa may Marcos Highway ng biglang isang itim na Toyota Altis ang kanyang makakasalubong at tila pagewang – gewang ang pag –andar nito. Malakas siyang bumusina. “What the -“ Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil malapit na ito sa kanyang harapan. Mabilis niyang ikinabig sa kabilang lane ang kanyang sasakyan upang makaiwas dito. “Damn it!” malakas niyang sigaw at mabilis na bumaba ng kanyang sasakyan. Nakita niyang nakahinto sa kabilang gilid ang itim na kotse. Mabilis siyang lumapit dito upang komprontahin ang kung sino man na driver nito. Hindi tinted ang kotse na muntik ng bumangga sa kanya kaya kita niya ang driver na nakayukyok ang ulo sa manibela. Natatabingan ng mahabang buhok ang mukha nito kaya nasisiguro niyang babae ang nagmamaneho noon. Wala siyang pakielam kung babae man ang driver ng kotse. Muntik na siyang maaksidente. Malakas niyang kinatok ang bintana ng sasakyan. Nakita niyang nag – angat naman ng mukha ang babae at nagbaba ang bintana. “What?!” malakas nitong singhal sa kanya. Napangiwi siya sa lakas ng amoy ng alak ng hininga nito. Tingin niya ay lasing na lasing ang babae. Wasted na wasted ang hitsura nito. Hindi nga niya maisip kung paano pa nito nakakayang mag – drive sa ganoong kalagayan. “Are you trying to kill yourself?” iritadong tanong niya. Pero imbes na sumagot ay muling yumuko ang babae at yumakap sa manibela nito. Tapos maya – maya ay naririnig niyang umiiyak ito. Para namang kinurot ang puso niya ng makitang umiiyak ito. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay nakakakita ng babaeng umiiyak. “M - Miss, are you alright?” may halong pag – aalala na ang tanong niya. Umiling – iling lang ito habang nakayuko. “He left me. They cheated on me. He left me all alone,” sa pagitan ng mga hikbi ay sambit nito. Napahinga ng malalim si Zach at napatingin sa kanyang paligid. Madilim na madilim ang kanilang kinaroroonan. Sigurado siyang kung mayroong masasamang loob na makakakita sa kanila ay siguradong wala silang kalaban – laban. Nakita niyang nag – angat ng ulo ang babae tapos ay tumingin sa kawalan. Nang makita niyang hinawakan nito ang susi ng kotse at muling binuhay ang makina ng sasakyan ay doon na siya nagpasyang makialam. Mabilis niyang dinukwang ang lock ng pinto ng kotse nito at binuksan. Tapos ay mabilis niyang pinatay ang makina ng sasakyan at inagaw ang susi sa babae. “Ano ba?!” malakas nitong sigaw sa kanya. Bumaba ito sa sasakyan at pagewang na lumapit sa kanya at tinangkang agawain ang susi sa kanya. “You’re not going to drive. You’re too drunk to drive,” sabi niya dito. “Wala kang pakielam! Gusto ko ng mamatay!” malakas nitong sigaw at muli ay humagulgol ito at napaupo sa kalsada. Wala naman siyang magawa. Nakakaramdam lang siya ng awa dito. Hindi niya alam kung ano ba ang tila malaking problema ng babae. “Miss, if you want I can take you home. Just tell me where you live. But in your situation now, I cannot allow you to drive,” sabi niya dito. Hindi naman ito sumagot. Patuloy lang ito sa pag – iyak. Napailing na lang siya at napahinga ng malalim. Ano ba itong napasukan niya? Bakit kasi ang hilig – hilig niyang makielam sa problema ng iba? “My car is there. Come on. I’ll just call someone to pick up your car,” sabi pa niya dito. Tatawag na lang siya sa Wheelers Club dahil nakita naman niyang miyembro dito ang sasakyan ng babae. Nakita niya ang sticker ng wheelers club sa windshield nito. Inalalayan niya itong tumayo at sumakay ng kanyang kotse. Hindi na ito naghihisterikal. Patuloy lang sa tahimik na pag – iyak. Hindi na siya nagsalita pa. Mamaya na lang niya ito tatanungin kung saan ito nakatira para maihatid. Habang binabagtas nila ang kalye ng Cubao ay hindi pa rin nagsasalita ang babae. Tahimik lang itong nakatingin sa labas at tila ang layo – layo ng iniisip. Tingin niya ay napakalaking problema ang dinadala nito. “I’m Zach,” pagpapakilala niya at para mabasag ang katahimikan na namamagitan sa kanila. Hindi ito umimik. “What’s your name?” tanong pa niya. “Syd,” mahina nitong sagot. “Where do you live, Syd?” tanong niya dito. Hindi na ito sumagot. Nanatiling nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi na rin siya nagsalita. Itinutok na lang niya ang paningin sa kalsada. Nasa Makati na sila ng mapansin niyang nakalungayngay na ang ulo ng babae sa headrest ng sasakyan. Nakatulog na ito marahil sa sobrang kalasingan, pagod at problema. Hindi naman niya alam kung saan ito dadalhin kaya naisip niyang umuwi na muna sa kanyang condo sa Makati ng makapagpalit siya ng damit. Kaninang umaga pa niya suot ang damit niya. Ipinapark na niya ang kanyang kotse sa parking lot ng gusali ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad niyang sinagot iyon upang hindi makalikha ng anumang ingay. “Greg,” sabi niya sa tumawag. “Hindi ka na ba pupunta dito sa Bistro? Kanina ka pa namin hinihintay,” narinig niyang sambit ng lalaki mula sa kabilang linya. “I can’t. Something came up. Bawi na lang ako next time,” sagot niya dito at sinulyapan ang tulog na babae sa passenger side. “Something came up o naka – pick up ka na naman?” panunudyo nito at nakarinig siya ng pagsisigawan sa background. Inaalaska siya ng mga kaibigan. Napatawa din siya at napakamot ng ulo. “Hindi. May nangyari lang talaga kaya hindi na ako makakasunod,” sabi niya. “Gago ka! Pagpahingahin mo naman ‘yang lawit mo!” tudyo pa nito. Nakita niyang marahang gumalaw ang babae. “Sige na, sige na. I’ll call you tomorrow,” sabi niya sa kausap at mabilis na pinatay ang telepono kahit nagsasalita pa ito. Nakita niyang tuluyan ng nagising ang babae at napatingin sa kanya. Pinilit niyang ngumiti dito. “I – I don’t know where to bring you kaya naisip kong dumaan na muna dito sa condo ko. I’ll just change my clothes then ihahatid na kita sa bahay ‘nyo,” sabi niya dito. Hindi ito sumagot. “Do you want to come inside?” tanong pa niya. Hindi pa rin sumagot ang babae. Tila tulala lang itong bumaba sa kotse niya at sumunod sa kanya papasok sa loob ng kanyang condo. “Okay,” iyon lang ang nasabi niya at inalalayan itong makapasok sa loob.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy's naughty Princess

read
3.1M
bc

Owned by a Speed Racer

read
36.5K
bc

MY CHEATING HUSBAND

read
77.9K
bc

Chased by the billionaire

read
158.4K
bc

One Sunny Day (ManxMan)

read
41.6K
bc

Revenge 3 : Blake's Revenge

read
109.5K
bc

A Love Like No Other [MxM]

read
103.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook