Chapter Four

2510 Words
Abalang – abala si Zach sa pagpipirma ng mga papeles na nasa kanyang harapan ng tumunog ang kanyang intercom. “Yes, Sassy?” tanong niya sa kanyang sekretarya. “Sir, mama ‘nyo po nasa line one,” narinig niyang sabi nito. “I’ll take it. Thank you,” at pinindot ang number one key sa intercom sa kanyang harapan. “Yes, ‘ma?” sagot niya sa ina habang pumipirma pa rin sa mga papel sa kanyang harapan. “Baka makalimutan mo, ngayon darating sina Jack. Kailangan kumpleto tayo dito sa bahay,” paalala nito sa kanya. “Alam ko, ‘ma. Tumawag na sa akin si Jack kanina. Ipinasundo ko na sila kay Greg,” sagot niya dito. “Baka lang kasi nakalimutan mo sa dami ng trabaho mo diyan sa opisina. Hindi ka na nga bumalik ng Amerika para dito magtrabaho pero parang hindi pa rin kita kasama,” may himig pagtatampo ang boses ng kanyang ina. Natawa siya. “’Ma, ngayon ka pa ba magtatampo? Linggo – linggo na nga kitang dinadalaw ‘di ba? Saka alam mong nandito lang ako sa Pilipinas. Napakalapit ng Makati sa Mandaluyong,” sagot niya. “Kahit na. Siyempre, nami – miss naman kita. Wala naman akong kasama dito sa bahay kundi si Rosing lang,” nakarinig siya ng buntong – hininga nito. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ganito talaga ang tumatanda, lagi ng nag – iisa.” Medyo gumaralgal na ang boses nito. “Okay. Maaga akong pupunta diyan. Sige na, ‘Ma. Tatapusin ko na itong mga trabaho ko,” sagot niya dito para huminto na. Sanay na siya sa mga drama ng kanyang ina. Hindi lang iisang beses umiiyak ito sa kanya magmula ng umalis si Jack dalawang taon ang nakakaraan. “O sige, iho. Nagluto ako ng mga paborito ninyong ulam ni Jack. Saka makikita ko na rin ang apo ko,” iyon lang at ibinaba na nito ang telepono. Iiling – iling si Zach bahang ibinababa ang telepono. Inihinto na muna niya ang ginagawang trabaho at sumandal sa inuupuang swivel chair. Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang ng ikasal ang kapatid niya at umalis ang mga ito para manirahan sa Australia. Mayroon na ring anak si Jack kay Margot. A two year old girl named Jam. What happened to her? Iyon ang tanong na laging nasa kanyang isipan. Dalawang taon na nga ang matuling lumipas pero hindi pa rin maalis sa kanyang isip si Sydney. Ginawa niya ang lahat para mahanap lang ito pero sa malas ay para itong bula na bigla na lang naglaho. Kahit ang sarili nitong ama ay hindi alam kung saan ito matatagpuan. Parang talagang isinarado nito ang sarili sa buong mundo dahil sa nangyaring kasawian sa buhay nito. Lagi ngang sinasabi ni Greg sa kanya na kalimutan na niya si Sydney at maghanap na lang iba. Kahit makita daw niya si Sydney ay gulo lang daw ang kahahantungan noon. Pero talagang iba ang ginawa nito sa kanya. That woman shook his life. She was different among those girls that he met in his entire life. Napapikit siya habang nakasandal sa kanyang kinauupuan. Hanggang ngayon ay sariwang – sariwa pa rin sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ng gabing iyon. Malakas na tunog ng telepono ang gumising sa pangangarap niya. Nakita niyang ang pangalan ni Greg ang nag – register sa kanyang cellphone. “Where are you?” tanong niya dito. “I’m on my way to pick up your brother. May dumating kasing bisita sa office ko and hindi ko naman siya maiwan agad. You don’t need to worry. I won’t be late,” sagot nito sa kanya. “Sige, pare. I owe you. Thanks,” sabi niya dito. “Wait. Hindi mo ba itatanong kung sino ang bisita ko?” “Should I? I know isa lang iyon sa mga babae mo na pilit mong inirereto sa akin,” sagot niya dito. “No. I’m sure this time you will be eager to meet this woman,” tatawa – tawang sagot nito. “Okay, who is she?” sinakyan na lang niya ang kaibigan. “I’m really sure that you will be – “ “Cut the bull, Gregorio. You are wasting my time,” naaasar na siya sa pangungulit ng kaibigan. “Its Sydney,” mabilis na sagot nito. Hindi kaagad siya nakasagot sa sinabi nitong pangalan. “Zach, are you still there?” narinig niyang sabi ni Greg ng matagal siyang hindi nagsalita. “Yes.” Iyon lang ang nasabi niya. “It was an accident. I was about to leave ng makita ko siya sa office ng Purchasing and talking to my staff. Siya pala ang nagha – handle ng corporate accounts sa office. She is into selling cars,” sabi pa nito. Hindi pa rin siya kumibo. “I was able to talk to her. She is still the same. Medyo pumayat ng konti but I think okay na siya. She is still single and she lives near your place in Makati. She lives with her friend and working as a Sales Associate in DC Motors,” mahaba nitong sabi sa kanya. Napangiti siya. Ito lang ang gusto niya sa pagiging babaero ng kanyang kaibigan. Mabilis itong makakuha ng mga detalye ng babae. “So? What are your plans?” narinig niyang tanong nito. Huminga siya ng malalim. “Nothing. Ikaw na nga ang maysabi na gulo lang ang dadalhin ni Sydney sa buhay ko so why should I get involved with her? Sige pare, thanks for the info,” sagot niya dito. “W – what? Hey, Zach what is wrong with you? You’ve been hunting that woman for two years!” tila paalala nito. Natawa siya. “One of my quests, pare. Call you later, Greg. Bye,” at pinindot niya ang end button ng kanyang telepono kahit naririnig niyang nagsasalita pa ang kanyang kaibigan. Muli ay napasandal siya sa kanyang kinauupuan. Tapos ay napangiti – ngiti. Pinindot niya ang kanyang intercom. “Sassy, please call Mr. Alonso. ‘Yung manager ng DC Motors sa Ayala. I want to set a meeting with him this lunch.,” sabi niya sa sekretarya. Mayroon siyang ibang mga plano. “I thought you already quit?” Hindi tuminag si Sydney kahit na nga narinig niya ang boses ng kanyang kaibigang si Carla na nagsalita mula sa kanyang likuran. “I’m not drinking. I am just relaxing,” sagot niya dito. Umupo ito sa harap niya at nagsalin din ng alak sa kaharap na baso. “Is this about them?” tanong nito matapos inumin ang alak na nasa baso. Umiling lang siya at nagsalin din sa sariling baso. “Come on, Syd. It’s been two years. You should move on. Have a life,” sabi nito sa kanya. Pinilit niyang ngumiti. “I have a life. I have a good job and a loving friend,” at ngumiti siya sa kaharap na kaibigan. “Yeah, right. You have a life by being a workaholic. Lumabas ka naman,” sagot nito sa kanya. “I don’t have time. And besides, kuntento na ako sa ganito. Walang pressures, walang hassles.” Narinig niyang huminga ng malalim si Carla. “I talked to your dad.” Napatingin siya sa kaibigan at nagtatanong ang itinapon niyang tingin dito. “Before you get mad, I didn’t tell him that you’re staying with me. He was asking if you’re okay and I said yes,” nakita niyang napakagat – labi si Carla. “Syd, your dad looks miserable. Ang lungkot – lungkot niya and he really misses you,” dugtong pa nito. “I am not yet ready to face him,” sagot niya at uminom muli ng alak sa baso. “They are back.” Pakiramdam niya ay bumukol sa lalamunan niya ang iniinom. “I know,” tanging sagot niya. “Tell me, Syd. Si Jack pa rin ba hanggang ngayon? Or is it your shattered pride kaya ka nagkakaganyan?” diretsong tanong ng kanyang kaibigan. Napapikit – pikit si Sydney dahil ramdam niyang namasa ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay bumalik na naman ang sakit na naramdaman niya dalawang taon na ang nakakaraan. “You’re like a sister to me, Syd. I love you and I hate to see you miserable. Kahit sabihin mong okay ka, alam kong hindi. Huwag mong ikulong ang sarili mo dahil lang kay Jack. You don’t deserve him. You deserve someone better,” sabi pa ni Carla sa kanya. Pinilit niyang ngumiti. “Don’t worry about me, Carla. I am okay. Hindi pa lang siguro ako handang lumabas. But I know how to handle things,” sagot niya dito. Nakita niyang napailing lang ang kanyang kaibigan pero hindi na rin ito kumibo. Alam niyang hindi ito kuntento sa sagot niya. Napakabilis ng panahon. Dalawang taon na pala mula ng nakawin ng kapatid niya ang kanyang kinabukasan. Wala naman talaga siyang balak na alamin pa kung ano na ang balita kay Margot at kay Jack. Kung hindi lang aksidente niyang nakita ang kaibigan nitong si Greg, ay hindi niya malalaman na bumalik na pala ang mga ito ng Pilipinas. Napakasakit ng ginawa ng mga ito sa kanya pero pinilit niyang bumangon at mabuhay ng normal. Pero hindi lamang ang pangyayaring iyon ang tila bangungot na bumabalik sa alaala niya. Hindi rin mawaglit sa isipan niya ang lalaking nakita niya sa simbahan noong araw ng kasal ni Jack. Hindi niya malilimutan ang lalaking iyon dahil kahit anong gawin niyang paglimot ay parang anino ang alaala nitong bumabalik sa kanya. Kinabukasan, parang robot ang pakiramdam ni Sydney ng pumasok siya sa trabaho. Nasa meeting siya pero wala naman doon ang kanyang konsentrasyon. Pumapasok pa rin sa isip niya ang pagbabalik ng kanyang ate at ni Jack. “Sydney.” Paano kung magkita sila? Ano ang gagawin niya? Kaya na ba talaga niyang harapin ang mga ito? “Sydney, are you with us?” Napatingin siya sa nagsalita noon at sa kanyang paligid. Nakita niyang nakatingin ang lahat ng mga kasamahan niya sa loob ng conference room. “Are you alright? Mukhang wala naman dito ang konsentrasyon mo,” seryosong puna ng kanyang boss na si Mr. Alonso. Pinilit niyang ngumiti at umayos sa kanyang pagkakaupo. “I’m fine, Boss.” Sagot niya at hindi na lang pinansin ang mga tingin ng kanyang mga kasamahan. Kahit pa nga sinabi niyang okay siya, alam ng kanyang boss na wala sa meeting ang kanyang isip. Nang matapos ang meeting ay nakisabay na rin siyang tumayo para lumabas ng conference room. “Please stay, Sydney.” Narinig niyang sabi ng medyo may edad na lalaki sa kanya habang naka – upo ito at nagsusulat sa hawak na planner. “I have a meeting with a client in the showroom, boss.” Palusot niya dito. Sigurado siyang kakausapin na naman siya nito at tatanungin kung ano ang kanyang problema. “Just sit. Your client can wait,” sagot nito. Hindi na siya sumagot. Alam niyang wala siyang panalo dito. Umupo siyang muli sa upuan. Nakita niyang may iniabot itong kapirasong papel sa kanya. “I want you to visit that company. Walang humahawak ng corporate account sa company nila and I want you to handle them very well,” sabi nito sa kanya. Kinuha niya ang papel at tiningnan iyon maige. USA-Phils. Iyon ang nabasa niyang kumpanya na nakasulat. “Mr. Zacharias Vargas is the SVP for Marketing and Promotions and he is also handling the Purchasing Department,” sabi pa nito sa kanya. Hindi siya kumibo at huminga lang ng malalim. Wala din naman siyang magagawa kung sabihin niyang may iba siyang lakad. Alam na niya ang ugali ng boss niyang ito. Wala sa karakter nito ang nakikinig sa kahit na anong paliwanag. Basta sinabi nito, kailangang gawin na. Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit. Palabas na siya ng silid ng marinig niyang muling nagsalita ang lalaki. “Mr. Vargas is expecting you today,” sabi pa nito sa kanya. Tumango lang siya at dire – diretso ng lumabas. Sa 25th floor ng PBCom building sa Makati ang opisina ng USA-Phils. Pasado alas - dos ng hapon na siya nakarating doon dahil inayos pa niya ang iba pa niyang mga car releases. Pagpasok niya sa opisina ng pakay na kliyente ay agad siyang nginitian ng sekretarya nito. “Hi. I am Sydney Avila from DC Motors. I have a meeting with Mr. Zacharias Vargas. He is expecting me today,” sabi niya dito. Saglit na tumingin sa planner ang babae at muling ngumiti sa kanya. “He is in a meeting right now pero matatapos na rin iyon in a while. Pasok ka na lang sa loob. Do you want anything?” malugod nitong tanong sa kanya. Ngumiti lang siya. “No, thank you. I’ll just wait inside,” sabi niya at dire – diretso ng pumasok. Inilibot niya ang paningin sa buong silid ng makapasok siya. Bahagya siyang napangiti. Halatang may taste sa mga gamit at kaayusan ang kung sino man na nag – oopisina doon. Halatang mamahalin ang mga muwebles na naroon, leather couch, paintings of well known painters. Maganda at classy ang dating ng pagkakaayos doon. Uupo na lang siya sa couch ng mahagip ng paningin niya ang mga picture frames na nakapatong sa ibabaw ng isang maliit na eskaparate doon. Napakunot ang noo niya at lumapit doon. Pakiramdam niya ay namanhid ang buo niyang katawan ng makita kung sino ang naroon sa mga litrato. Bakit narito ang lalaking ito? Iyon ang nagsusumigaw sa kanyang isip. “Hi. I’m sorry for keeping you waiting. I thought that meeting was a quick one,” sabi ng lalaki habang papasok sa loob ng opisina. Pakiramdam niya ay naninigas ang buong katawan niya ng makita ang lalaking pumasok sa loob ng silid. Nabitiwan niya ang hawak na frame. Nabasag ang salamin ‘non ng tumama sa sahig. “I – I’m sorry. Papalitan ko na lang ito,” hindi niya malaman kung paano igagalaw ang kanyang sarili. Yumuko siya at isa – isang pinulot ang mga nabasag na bubog. Nanginginig ang buo niyang katawan. Pilit niyang tinatanong ang kanyang sarili kung bakit naririto ang lalaking ito. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang mga kamay upang itigil niya ang kanyang ginagawa. Napatingin siya sa lalaki at nakita niyang titig na titig ito sa kanya. “Don’t bother to do that. It’s okay,” sabi nito sa kanya habang nanatiling hawak ang kanyang mga kamay. Mabilis niyang inagaw ang kanyang mga kamay. Hindi niya kayang matagalan pa ang paghawak nito sa kamay niya. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Magkahalong guilt feeling at excitement ang hatid ng presensiya ng lalaking ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD