Hindi na alam ni Zach kung ilang litrong gasolina na ang nauubos niya sa paikot –ikot na paglalakbay sa kahabaan ng Marcos Hi-way papuntang Antipolo. Mahigit isang oras na siyang pabalik – balik lang sa kalsadang iyon sa pag – asang muling makita ang babaeng nakasama niya dalawang linggo na ang nakakaraan.
“Damn, man! Kanina pa tayo paikot – ikot dito pero hindi pa tayo nakakarating sa destinasyon mo,” tila inip ng sabi ng kaibigang si Greg sa kanya.
“Sinabi ko naman kasi sa iyo na huwag ka ng sumama. Ikaw lang ang mapilit. Bumaba ka kung gusto mo,” sagot niya dito pero nanatiling nakatutok ang paningin sa kalsada.
“Did I say I’m tired? Kahit umagahin tayo dito okay lang,” tila nanunuya pang sabi nito sa kanya.
Hindi siya kumibo.
“But seriously pare. You did everything to look for that woman. You already called wheelers club and sa iba nakapangalan ang kotse niya. You also called LTO and verified her car. Still the same. Sa iba nakapangalan ang kotse. Hindi kaya guni – guni mo lang siya?” tanong pa nito.
Tiningnan na niya ng masama si Greg. Napipikon na siya sa kakulitan nito.
“I am just stating the facts,” sabi nito sa tonong nagpapaliwanag.
Tama naman ang kanyang kaibigan. Dalawang linggo na niyang sinubukang hanapin ang babae pero talagang hindi magtagpo ang kanilang landas. Para nga naman siyang naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami.
Napukaw ang atensyon niya ng marinig niyang tumunog ang telepono niya. Kinuha niya iyon at pangalan ng ina niya ang nag – register na pangalan. Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha. Sigurado siyang kukulitin na naman siya nito na umuwi sa bahay nila para ma – comfort daw niya ang kanyang kapatid na parang sasalang sa execution bukas.
“’Ma,” tanging sambit niya ng sagutin ang telepono. Nakita niyang natatawa at napapailing si Greg sa passenger side.
“Hindi ka pa ba uuwi? Gabing – gabi na. Kasal na ng kapatid mo bukas. Samahan mo naman siya dito,” narinig niyang sabi nito.
“I’ll be there, ‘ma. May nilalakad lang akong importante,” sagot niya dito.
“Hinahanap niya si invisible woman,” narinig niyang komento ng tatawa – tawang si Greg.
Hindi na niya pinansin ang pang – aasar nito.
“Sige. Umuwi ka dito, ha? Kawawa naman ang kapatid mo. Kanina pa nakakulong sa kuwarto niya. Baka kung ano na ang mangyari doon,” sabi pa nito bago ibaba ang telepono.
Napapailing lang siya habang ibinabalik ang telepono sa console ng sasakyan.
“Pare, I have many girl friends na puwedeng – puwede kong ipakilala sa iyo. Just forget this invisible woman. It’s just a one night stand. Parang hindi ka naman sanay sa ganoong sitwasyon. Pumunta na lang tayo sa inyo at samahan si Jack bago ang kanyang execution,” sabi ni Greg sa kanya.
Hindi siya umimik pero iniliko na niya ang kanyang sasakyan papunta sa direksyon ng kanilang bahay.
“I don’t want your girl friends. I just want to see that woman. She seemed so helpless ng makita ko siya. Its not because something happened between us,” napapailing siya. “Hindi ko maintindihan, Greg. Basta. Iba,” sabi niya sa kaibigan
Napatawa ang binata sa sinabi niya.
“Ang tanda mo na para ma – inlove ha? Hindi ko akalaing nagpakatanda ka ng hanggang thirty – three para lang maniwala sa love at first sight,” pang – aalaska pa nito.
“Palibhasa kasi ikaw, wala kang sineryosong babae. Lahat pinapaiyak mo. Hintayin ko ang karma mo at ako naman ang magtatawa sa iyo kapag nakita na kitang parang baliw na nanunuyo sa babaeng iyon,” sabi niya dito.
Napa – ha ha ng malakas si Greg.
“I don’t think so. Girls are practically throwing themselves to me. Kasalanan ko bang sila ang lumalapit sa akin? Saka from the start, I told them I don’t want any commitment so okay lang sa akin ang ganito. Walang attachments. Walang responsibility,” sagot nito.
Napangisi si Zach. Totoo ang sinasabi ng kanyang kaibigan. Sa kanilang magbabarkada ay kilala talaga si Gregorio Sanderas sa pagiging babaero nito. Hindi na nila mabilang ang mga babaeng dumaan dito. Para lang itong nagpapalit ng damit kung magpalit ng babae. Para dito, ang babae ay may expiration date katulad ng pagkain.
“Basta. Hihintayin ko ang karma mo at ikaw naman ang pagtatawanan ko,” sabi niya dito.
Ipinarada ni Sydney ang kanyang sasakyan malayo sa parking lot ng simbahan. Pinili niya ang pinakadulo para walang kahit na sinong makakilala ng sasakyan niya. Nanatili lang siyang nakaupo doon. Parang wala siyang lakas na lumabas at pumasok sa loob ng simbahan.
Iyon kasi ang araw na dapat ay ikakasal siya pero pakiramdam niya ay huling bendisyon na iyon ng pari sa kanyang kabaong dahil para sa kanya ay araw iyon ng kanyang libing.
Nagsimula na naman mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Ayaw na niyang umiyak. Pagod na pagod na siya. Tama nga siguro ang kaibigan niyang si Carla. Masokista nga siguro siya dahil mas gusto pa niyang saksihan ang pag – iisang dibdib ng pinakamamahal niyang lalaki sa kanyang nag – iisang kapatid.
Agad niyang pinahid ng panyo ang kanyang luha at inayos ang kanyang sarili. Bumaba siya ng sasakyan at umiwas sa maraming tao na nagkakakulumpon sa harapan ng simbahan. Nakita niyang naroon ang kanyang ama, ang kanilang mga kamag – anak at mga kaibigan. Kumpleto ang buong entourage maliban sa maid of honor na dapat sana ay ang kaibigan niyang si Carla. Dahil nga sa nangyari ay nagback – out ang kanyang kaibigan at ang pinsan niyang si Denise ang pumalit dito.
Pumasok siya sa loob ng simbahan. Pinili niyang maupo sa lugar na hindi siya mapapansin ng mga tao. Marami – rami din namang mga miron sa loob ng simbahan. Mga usyoso lang upang tingnan ang kasal.
Maya – maya pa ay narinig niyang tumugtog ang entrance song hudyat ng pagsisimula ng processional. Pakiramdam niya ay aatakihin na siya sa puso sa sobrang sakit noon. Patuloy lang ang pagdaloy ng kanyang luha ng makita niyang naglakad si Miko, ang bestfriend ni Jack na siyang best man sa kasal. Tapos nito ay nakita niyang naglalakad na si Jack habang nakatabi dito ang ina. Inipit niya ang gustong lumabas na hagulgol dahil ayaw niyang gumawa ng eksena. Hindi niya maipaliwanag ang reaksiyon ni Jack. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito.
Sunod – sunod na ang pagmamartsa sa gitna ng mga miyembro ng entourage ng marinig niyang tumugtog ang bridal march. Nakita niyang nakatayo doon ang kanyang ama habang inaalalayan ang kanyang kapatid. Napayuko lang siya at napailing – iling habang patuloy ang pag – agos ng luha sa kanyang mga mata. Ang trahe de boda na dapat sana ay siya ang may – suot ay nakasuot na ngayon sa kanyang kapatid. Wala man lang itong ipinabago doon. Kitang – kita niya ang kasiyahan sa mukha nito samantalang siya ay parang mamamatay na sa sobrang sama ng loob.
Napamura ng mahina si Zach ng iparada sa parking lot ang kanyang sasakyan. Late na siya sa kasal ng kapatid niya. Nang tumawag sa kanya si Greg fifteen minutes ago ay nag – uumpisa na ang processional. Sigurado siyang tapos na iyon at nag – uumpisa na ang seremonyas nang dumating siya.
Bumaba siya at inayos ang kanyang suot na barong. Mabuti na nga lang din at hindi siya kasama sa entourage. Sinabi na talaga niya sa kapatid niya na ayaw niyang lumakad sa gitna ng simbahan. Katwiran niya ay matanda na siya at ayaw niyang pinagtitinginan ng mga tao habang naglalakad siya.
Isinususi niya ang kanyang kotse ng mahagip ng paningin niya ang sasakyan sa kanyang tabi. Napahinto siya sa kanyang ginagawa at lumapit dito upang masusing inspeksiyunin.
Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang sasakyan ng babaeng kanyang hinanap.
Same plate number. Same stickers na nakadikit sa windshield nito. Same color and car brand. Agad siyang nagpalinga – linga upang hanapin ang babae pero wala ito sa paligid. Bisita ba ito?
Nagpasya siyang huwag na munang pumasok sa loob ng simbahan. Hihintayin niya ang babae kapag bumalik na ito sa sariling kotse.
Laglag ang balikat ni Sydney habang papalapit sa kanyang sasakyan. Pinigil niya ang luha na namumuo sa kanyang mga mata habang binubuksan ang kanyang kotse. Alam niyang mugtong – mugto na iyon. Awang – awa na siya sa kanyang sarili kaya minabuti niyang umalis na lang doon. Hindi na niya kayang saksihan pa ang pagpapalitan ng I do’s ng mga ikinakasal.
“I thought I’d never see you again.”
Muntik ng mapatalon si Sydney ng marinig iyon sa kanyang likuran partikular sa likod ng kanyang tenga dahil naramdaman niya ang mainit na hininga ng kung sino man na nagsalita doon. Gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan. Inis na hinarap niya ang lalaki.
“Bastos ka, ah!” galit na sambit niya dito.
Nakita niyang napakunot ang noo ng lalaki pero kita niya ang amused na hitsura nito habang nakatingin sa kanya.
“Why did you leave? I thought I am not going to see you anymore,” sabi pa nito sa kanya.
“Ano ba ang pinagsasasabi mo? Hindi nga kita kilala,” inis na sagot niya dito at akmang sasakay na sa kanyang sasakyan. Pero maagap ang lalaki. Agad nitong naisara ang kanyang pinto para hindi siya makasakay.
“Ano ka ba?! You are wasting my time!” bulyaw niya dito.
Napangisi ang lalaki sa nakikitang aksyon niya.
“Don’t tell me you don’t remember?” tanong pa nito.
“What? What are you talking about? I don’t remember anything. Hindi nga kita kilala,” inis pang sabi niya.
“In my place? In my condo? Please don’t tell me you don’t remember. We made love that night,” tila pagpapaalala nito sa kanya.
Bigla siyang natigilan sa narinig. Parang panaginip na bumalik lahat sa kanya ang mga nangyari ng gabing iyon. Saglit siyang napatitig sa mukha ng lalaki.
Oh my God! It can’t be! It can’t be! This can’t be happening!
Kitang – kita ni Zach ang kalituhan sa mukha ng babae. Halatang naguguluhan ito sa mga sinasabi niya.
“Why did you leave?” muli ay tanong niya dito.
“It was a mistake. Kalimutan na lang natin ang nangyaring iyon,” sagot nito sa kanya at muli ay akmang bubuksan ang pinto ng kotse pero maagap niya uling isinara iyon.
“It was not a mistake for me,” sagot niya dito.
“Please pabayaan mo na akong umalis! Ano pa ba ang gusto mo? It was a one night affair. We just pretend that it didn’t happen,” sabi nito.
“But I can’t forget you. Please. Mag – usap lang tayo. Give me your name, your address. Tell me where do you work or where do you live and pupuntahan kita. I want to know you more,” sabi niya dito.
“Let’s be friends? After what happened between us, let’s be friends? For your information Mr. –“
“I’m Zach Vargas,” putol niya sa sinasabi nito.
“Whatever. I don’t engage in one night stands. Hindi ako katulad ng mga babaeng napupulot mo sa kalsada. That night, I am just – just,” nakita niyang bahagyang nangilid ang luha ng babae at tumingin sa gawi ng simbahan.
“You’re just what?” tanong niya dito.
“Just let me leave! I want to forget what happened that day! It was a nightmare! So please, let me leave!” bulyaw nito sa kanya at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan nito. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang nagawa kundi pabayaan itong sumakay. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng pagalit nitong paharurutin ang sasakyan paalis doon. Nagkasya na lang siyang pagmasdan ang paalis na sasakyan ng babae.
“Bakit nandito ka?”
Napalingon siya upang sinuhin ang nagsalita at nakita niyang nakatayo doon ang kaibigang si Greg na nagsisindi ng sigarilyo. Nakita niyang inabot nito sa kanya ang kaha ng sigarilyo. Kumuha na rin siya at nagsindi.
“Anong ginagawa mo dito? Late ka na dumating hindi ka pa pumasok agad sa loob,” sabi pa nito sa kanya.
“Sobrang traffic kasi. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Abay ka ‘di ba?” balik tanong niya.
“Boring sa loob. Alam ko naman na napipilitan lang si Jack sa kasal na ito so why should I watch your brother being held captive for the rest of his life. Alam ko naman na ang talagang mahal niya ay si Sydney,” sagot nito. Humithit muna ng hawak na sigarilyo bago muling nagsalita. “Wait, do you know her?”
“No,” sagot niya.
Nakita niyang napakunot ang noo nito sa kanya.
“Are you sure? I saw you talking to her kanina,” sabi pa nito.
Gulat siyang napatitig sa kaibigan.
“That’s Sydney? My brother’s fiancée?” paniniguro niya.
Tumango lang si Greg. “Hindi mo pa ba siya nakikita kahit sa mga pictures?” tanong pa nito.
Umiling – iling siya. “Jack never sends me pictures of his girlfriend,” tila wala sa sariling sagot niya. Napatingin lang siya sa kalsadang dinaanan ng sasakyan ng dalaga.
“Wait, any luck finding your invisible girl?”
Umiling – iling siya.
“I found her,” sagot niya.
“Bakit mukhang biyernes santo pa rin ang mukha mo?”
Hindi siya makasagot.
“Come on, man! I hate surprises,” natatawang sabi pa ni Greg.
“Greg, it was Sydney.”
Napakunot ang noo ng kanyang kaibigan.
“The woman I’ve been looking for. It was Sydney,” sabi niya dito.
Nakita niyang napanganga si Greg sa sinabi niya.
Malabong – malabo na ang tingin ni Sydney sa kalsada pero patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Patuloy lang ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang galit at sama ng loob. Hindi pa rin niya matanggap hanggang ngayon na wala na ang kaisa – isang lalaking minahal niya. Ang lalaking dapat sana ay makakasama niya habang – buhay.
Malakas na busina lang ang tila nagpabalik ng kamalayan niya. Agad niyang kinabig ang kanyang manibela at dire – diretso siya sa gilid ng kalsada. Namatay ang makina ng kanyang sasakyan pero pinabayaan na niya iyon.
Sumasalit pa rin sa isipan niya ang eksena ng pagpapalitan ng I-do’s ni Jack at ni Margot. Lalong lumakas ang kanyang panangis at malakas na pinukpok ang kanyang manibela at napasubsob doon habang humahagulgol.