Chapter Two

2369 Words
Naupo lamang sa isang sulok ang babaeng nakilala niyang Syd ang pangalan. Hindi na ito umiiyak pero nakatitig lang ito sa t.v. na kanyang binuksan para malibang ito pero alam niyang lampasan ang tingin dito ng babae. Hindi niya maiwasang titigan ito. Kahit naman kasi namamaga na ang mga mata marahil ay sa matagal ng pagkakaiyak ay nananatili pa rin itong maganda. Cute ang bilugang mukha na binagayan ng deep set na mga mata at maliit na ilong. Ang labi nitong bahagyang naka – pout ay parang napakasarap damhin sa pamamagitan ng kanyang mga labi. Tila nanuyo ang kanyang lalamunan ng bumaba ang paningin niya sa katawan nito. Ngayon lang niya napansin na bahagyang nakabukas ang butones ng suot nitong blouse kaya bahagyang nalantad ang malulusog nitong dibdib. Makikinis at mahahaba ang binti at hita ng babae kaya bumagay dito ang suot na maikling palda. Napaka – seductive ng hitsura nito habang nakasabog ang mahabang buhok sa mukha at naka – slouch sa sofa niya. Wake up, Zacharias. You’re already f*****g her in your mind. Iyon ang tila nagpagising sa kanya. Humugot lang siya ng isang tshirt sa kanyang drawer at nagpalit tapos ay mabilis niyang nilapitan ang babae. “Do you want anything before I take you home?” tanong niya ng makalapit dito. “Beer,” maikling sagot nito. Napailing siya at napatawa. “You’re already drunk. I don’t think you can still take more alcohol in your condition,” sagot niya dito. Pero imbes na sumagot ay tumayo ang babae at lumapit sa mini bar niya. Dinampot nito ang isang bote ng brandy at dire – diretsong tinungga iyon. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito dahil ng bitiwan nito ang bote ng alak ay halos mangalahati na iyon. Pagkatapos uminom ay muli itong bumalik sa tabi niya. “I don’t want to be rude but I think I should take you home,” sabi niya dito. Kung anuman kasi ang mangyari sa babae ay siguradong sagutin niya ito. “I don’t have any home. I am all alone,” mahinang sagot nito at nagsimula na namang umiyak. Hindi niya alam kung paano niya mapapagaan ang damdamin ng babae. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganito na lang ang awang nararamdaman niya para dito. Lumapit siya dito at marahan niyang hinagod ang likod nito para medyo kumalma. Akma na siyang tatayo para ikuha ito ng tubig ng maramdaman niyang hinawakan siya nito sa kamay. Pinipigilan siya. Takang napatingin siya dito. “Don’t leave me, please? Don’t leave me alone,” nakikiusap na sambit nito. “Ikukuha lang –“ pinutol ng halik nito ang anumang sasabihin niya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit wala siyang lakas na pigilan ang babae sa ginagawa nito. Napakalambot ng mga labi nito at tila ayaw na niyang tigilan iyon. Pero dahil alam niyang dala lang marahil sa espiritu ng alak kaya ito nakakagawa ng ganoon ay pinigil niya ang kanyang sarili. Ayaw naman kasi niya ang magsamantala sa ganoong sitwasyon. “W – wait. Lasing ka lang kaya mo ito nagagawa,” awat niya ng maramdaman ang kamay nito na binubuksan ang button fly ng maong pants niya. Bahagyang lumayo siya sa babae bago pa man kung ano ang magawa niya dito. Hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang magtimpi. Kitang – kita niya ang lungkot sa mga mata nito ng tumingin sa kanya. “Please let me forget the pain even just for this night. I don’t want to be alone. Let me feel that someone needs me. Someone loves me,” mahinang sambit nito at muling humalik sa kanya. Doon na siya hindi nakapagpigil. Tinugon niya ang bawat halik na ibinigay sa kanya ng babae. Pakiramdam niya ay napakatamis ng mga labi nito gayung alcohol ang nalalasahan niya. Damang – dama niya ang pangangailangan nito. Sa bawat haplos niya dito ay nararamdaman niyang lalo lang nitong idinidikit ang katawan sa kanya. Tuluyan na siyang nagpadala sa nakakaliyong sensasyong kanyang nararamdaman. Malalakas na tunog ng telepono ang gumising sa mahimbing na tulog ni Zach. Napatingin siya sa desk clock na nasa kanyang ulunan at nakita niyang pasado alas – diyes na. Muli ay ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malambot na kama. Gusto pa niyang matulog. Ito na yata ang pinakamasarap na tulog na naranasan niya sa buong buhay niya. Pero agad din siyang napabalikwas ng maalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi. Agad niyang tiningnan ang katabi niya sa kama pero wala siyang taong nakita doon. Pinakiramdaman niya ang buong paligid at sigurado siyang siya na lang mag – isa ang naroon sa kanyang silid. Mabilis siyang bumangon at nagsuot ng boxer shorts. Binuksan niya ang banyo upang tingnan kung naroon ang babaeng nakasama niya ng nagdaang gabi pero walang tao doon. Agad din niyang tiningnan ang kanyang mga gamit dahil baka naloko siya at miyembro pala ito ng isang sindikato pero naroon pa rin ang kanyang wallet, cellphone at ibang mahahalagang gamit. Napako ang paningin niya sa kanyang kama at sa mga bahid na mantsa na kulay pula sa puting bedsheet niya. Where are you? Tila nababaliw na tanong niya sa kanyang sarili habang naisuklay ang mga kamay sa sariling buhok. Tiningnan niya ang lamesita doon sa pag – asang nag – iwan man lang ng telepono na puwedeng tawagan ang babae tulad ng ginagawa ng mga babaeng nakikilala at nakakasama niya. Pero sa malas ay kahit na anong bahid na may nakasama siyang babae kagabi ay wala. What’s her name? What’s her name? Noon lang uli niya napansin ang kanina pang tumutunog na telepono. “Hello?” “Zach, I need you to get here. Your brother is in big trouble,” narinig niyang bungad ng kanyang ina. Umiiyak ito. “Calm down, ‘Ma. What happened?” nag – aalalang tanong niya. “Basta umuwi ka dito. We need you now,” sabi ng ina niya. Magmula kasi ng mamatay sa sakit sa puso ang kanyang daddy five years ago siya na ang tumayong haligi ng kanilang tahanan. “Okay, okay. Uuwi ako,” sagot niya dito at ibinaba na ang telepono. Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha. Nalilito na siya. Saan niya hahanapin ang babaeng iyon? “Wake up sleepy head.” Iyon ang narinig ni Sydney na boses sabay ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa bintana. Marahan siyang napabangon at itinakip ang mga kamay sa mata. Pero ng makilala kung sino ang babaeng pumasok sa silid niya ay muli din niyang ibinagsak ang katawan sa kama. “Carla, please close the blinds,” sabi niya dito at itinabon ang unan sa mukha. Pero imbes na sumunod ay bigla nitong hinatak ang unan na nakatabon sa mukha niya. “Ano ba?!” inis na sambit niya dito. “Where have you been last night? Your dad kept on calling me until this morning. Hindi ka namin ma-contact. What happened? Alalang – alala kami sa iyo” ramdam na ramdam niya ang concern nito sa kanya. Kita niya ang simpatya sa mukha nito. Marahil ay alam na nito ang nangyaring gulo sa kanya. Hindi siya nakasagot agad dahil pakiramdam niya ay may bukol ang kanyang lalamunan. Naramdaman niyang nag – init ang sulok ng kanyang mga mata ng maalala ang nangyari kahapon lang sa bahay nila. Umupo si Carla sa tabi niya at niyakap siya. Doon na siya tuluyang napaiyak. “How could they do that to me? I trusted them. Sana pinatay na lang nila ako,” at napahagulgol siya. “I am so sorry, Syd. Jack told me everything. Talaga daw ate mo ang gumawa ng gulong iyon. Tumawag daw ang ate mo sa kanya kahapon asking his help to fix her laptop. He told her na may lakad nga kayo sa couturier mo pero sabi ni Margot na tumawag ka daw sa kanya at sinabi mo daw na sa bahay na lang kayo magkita. Jack believed her since he forgot his cellphone in his office. Then pagdating sa bahay ‘nyo he started fixing her laptop then your sister gave him a glass of wine and then he doesn’t remember anything from there,” mahabang paliwanag ni Carla. “All lies! Stop blaming the god damn alcohol! Gusto rin niya ang nangyari,” at muli siyang napahagulgol. “Syd, I saw Jack and he is really devastated with what happened. He wants to talk to you. Kausapin mo naman,” sabi ng kaibigan niya. Umiling – iling lang siya. “It’s too late. He is going to marry my sister,” umiiyak na sambit niya. “I know my dad. Hindi siya papayag na hindi panagutan ni Jack ang nangyari sa kanila ni – ni,” hindi niya halos mabanggit ang pangalan ng kapatid niya. “Hindi ko akalaing magagawa ito sa iyo ni Margot. Yes I know may gusto siya kay Jack noon pa pero I couldn’t imagine that she could wreck your life just to get him. She took everything from you. Napakawalanghiya talaga ng kapatid mong iyon,” sabi ni Carla. Hindi siya nakakibo. Ayaw na niyang mag – isip. Gulong – gulo ang isip niya. “Where have you been last night? Tumawag sa daddy mo ang wheelers club and they told him na nandoon ang kotse mo. A man called them to tow your car kaya sobrang alalang – alala kami sa iyo. We thought you had an accident,” sabi pa nito sa kanya. Saglit siyang natigilan. Saan nga ba siya nagpunta kagabi? Ang naalala lang niya ay may tumulong sa kanyang isang lalaki ng muntik na siyang mabangga pero bukod doon ay wala na. Sobrang cloudy ang pag – iisip niya siguro dahil sa alak at problema. Umiling – iling lang siya. “I suggest you better stay here in my place for the meantime, Syd. Mahirap kung uuwi ka sa inyo na nag – aayos ng kasal ang kapatid mo.” Alam na niya iyon pero napakasakit pa rin na marinig. “They’re going to get married sa date na dapat ay kasal ninyo ni Jack. Your sister wanted your life. She started to call your wedding suppliers and pinapalitan na niya ang pangalan mo sa invitation,” sabi pa nito. Narinig niyang napasigaw si Carla marahil ay sa inis nito. “That woman is a monster!” Hindi na siya kumibo. Gustong suntukin ni Zach ang nakababatang kapatid na tahimik lang na nakaupo sa sofa. Yukong – yuko ang ulo nito at nakasalikop ang mga kamay sa batok. Halatang – halatang problemado ito. “If you know how to control yourself Joaquin, you won’t be in this big mess!” malakas na bulyaw pa niya dito. “Zach, tama na naman. Nakita mo ng nahihirapan na ang kapatid mo,” awat ng kanyang ina. “Hindi kasi marunong mag – isip ang lalaking iyan. Beinte – nuebe na parang pang – high school lang ang laman ng utak,” inis na sagot niya. “Hindi ko naman ito ginusto. I love my fiancée,” mahinang sagot ng kapatid niya. “You love your fiancée but you screwed her sister?” tumawa siya ng nakakaloko sa narinig na sagot ng kapatid. “You think papakasalan ka pa ng tinatawag mong fiancée dahil sa ginawa mo?” sabi pa niya at bumaling sa kanyang ina. “What’s her name? His fiancée?” diniinan niya ang huling salita. “Sydney,” ang kapatid na niya ang sumagot noon. Napailing siya. “’Ma, did you talk to her?” baling niya sa ina. “Tumawag dito kagabi ang father ni Syd. Sinabi na magdamag daw na hindi ito umuwi sa kanila. I am starting to worry dahil hanggang ngayon ay hindi nila ito makontak. I cannot blame her. Imagine snatching your life in front of you,” malungkot na sambit ng kanyang ina. Natigilan si Zach sa narinig na pangalang iyon. Syd. That’s the same name of the woman that took him out of his senses last night. “What happens now?” tanong niya sa ina at tinapunan ng masamang tingin ang kapatid na nanatiling nakayuko. “Roman wants Jack to marry his daughter,” sagot ng ina niya. “Ang tanong kung papakasalan pa ni Syd ang gagong ito,” sabi niya. “You don’t understand, Zach. Roman wants Jack to marry his daughter Margot. They started to fix the wedding preparations. Itutuloy pa rin ang kasal ni Jack but with Margot,” malungkot na sagot ng mama niya. “They cannot do that. That would be a shotgun wedding!” protesta niya. Nakita niyang kumislap ang mga mata ng kapatid niya ng tumingin sa kanya. Marahil ay nakakita ito ng kakampi sa kanya. “They will file a rape case against Jack if he doesn’t marry Margot,” sabi ng ina niya. Marahang hinilot ni Zach ang kanyang ulo. Malaking gulo nga ito kapag nagkataon. Tiyak na makakaladkad sa kahihiyan ang pamilya nila kapag itinuloy ang demanda sa kapatid niya. “Pumasok ka sa gulong ito, matuto kang lumabas. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya kong lusutan ang mga katarantaduhang ginagawa mo,” sabi niya sa kapatid at iniwan na ito doon. Dire – diretso siya sa kanyang silid. Pabalibag niyang inihagis ang dalang bag at pabagsak ang ginawang paghiga sa kanyang kama. Naaawa man siya sa kanyang kapatid ay wala siyang magawa. Alam niyang mahal nito ang nobya pero kung sa ganitong pagkakataon na makukulong naman si Jack ay mas gugustuhin na lang niyang pakasalan nito ang Margot na iyon. Hindi pa man niya nakikita ang nobya ng kanyang kapatid ay mukhang wala na ngang pag – asa na makilala pa niya iyon. Kaya nga siya umuwi ng Pilipinas ay dahil sa kasal ng kanyang kapatid pero hindi niya akalaing magkakaroon ng ganitong gulo. Muli ay naisip niya ang babaeng nakasama niya ng nakaraang gabi. Her face. Her kiss. The warmth of her body next to him and she is starting to drive him crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD