Who is Luis

2352 Words
“Good morning class!” Miss Lopez greeted us. “Good morning, Ma’am.” Students answered synchronously. “I heard we have a new student for this school year?” Napako ang atensyon ng lahat kay Luis. “Mister, can you introduce yourself?” “Sure, Ma’am.” He stood up at humarap sa buong klase. “Hi, good morning, everyone. I’m Luis Anthony Roman. A transferee student from Spain. I’m looking forward to meet you all and hopefully maging friends ko kayo.” “Wow, so you are the son of Roman Empire?” Naman, pati ba naman si Ma’am makikichismis? “Yes, Ma’am.” “You’re so handsome pala talaga in person.” “Thank you, Ma’am.” “O ano mga girls, may bago na naman kayong crush?” nagtuksuhan ang buong klase. Pero ‘di ako nag-abala sa kanila. Blangko ang ekspresyon kong nakatingin sa sahig. “Sige nga, let’s ask Mister Roman if he has a girlfriend?” “Wala po, Ma’am.” “Ahy buti naman, ‘kala ko sila ni Loraine, eh.” Dinig kong bulungan ng mga ibang girls. “Pero may nagugustuhan na po ako. I like her since we’re a kid.” Napataas ako ng tingin. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang magtama ang aming paningin. “Oh my God, si Loraine ba ‘yung tinutukoy niya?” bulungan ng mga chismosang estudyante. “Sorry girls, someone took his heart already.” Panunukso pa ni Miss Lopez. “Kindly take your seat Mr. Roman. Thank you.” “Thank you din po.” Naramdaman ko ang pagsiko ni Remmie. May inabot siya sa aking sticker pad. “The who this, Adonis?” Bumuntong-hininga ako at binaliktad ang sticker pad. Ayaw ko na munang pag-usapan ang lalaking nasa gilid ko. Nakakainis! Bakit pakiramdam ko magiging disaster ang school year na ‘to sa akin? Huwag naman sana at baka mas piliin kong lumipat ng ibang school kapag ‘di ako tinantanan ng lalaking ‘to! “Huy, Loraine, sino ba talaga ‘yung Luis na ‘yun? Ikaw ba ‘yung tinutukoy niya na babaeng gusto niya?” Sunod-sunod na tanong ni Remmie. Tapos na ang lahat ng klase namin, naglalakad kami palabas ng school. Half day lang naman kasi ang klase namin. “Ewan ko sa kanya.” “Anong ewan, eh, parang kilalang-kilala ka niya.” “Huwag na lang natin siyang pag-usapan papansin lang ‘yun.” “Okay, pero kung sakaling handa ka ng pag-usapan nandito lang ako.” “Thank you.” “O, bakit wala pa ang kotse mo?” Untag niya nang marating namin ang dulo ng hallway at wala pa dun naka-park ang service car ko. “Oo nga no? Tawagan ko muna si Kuya Joseph.” Pero bago ko pa ma-dial ang number ng driver ko biglang huminto sa tapat namin ang isang maingay na sports car. “Hi,” bati ni Luis nang bumaba siya. Naglakad siya palapit sa amin. “Ihahatid na kita.” “Ano?” Kinuha niya ang phone ko. “Huy, akin na ‘yan.” Itinaas niya ang kamay upang sensyasan ako na tumigil. “Anong ginagawa mo?” “Saglit lang.” May tinawagan ito sa phone ko. Ni-loud speak niya ang phone. “Hello, Loraine, anak.” “Dad.” Sinenyasan niya akong tumahimik. “Hello po, Tito Eddie, this is Luis.” “Oh Luis, magkasama pala kayo ni Loraine? Mabuti naman.” Ngumisi siya ng nakakaloko at ang ekspresyon ng mukha niya parang sinasabi niyang see? “Opo, magkasama kami. Kaya lang po ayaw po ni Loraine na ihatid ko siya.” Nilakihan ko siya ng mata. “Ihahatid ko po sana siya sa inyo dahil umuwi na ‘yung driver niya kanina.” Nagsalubong ang kilay ko. Anong pinagsasabi ng isang ‘to? “Ah, yes, hindi ko nasabi sa kanya na hiniram ko muna ang driver niya. Luis, hijo, buti na lang tumawag ka, ipapasuyo ko sana si Loraine na ihatid sa bahay.” “Dad!” “Loraine, anak, si Luis na muna bahala sa’yo ha? Don’t worry you’re in good hands, anak. Sige na, I have to go, may meeting pa ako.” “Daddy!” pilit kong inagaw ang phone kay Luis. “Dad.” Na-end na ang call nang mahawakan ko ang cellphone. “Daddy naman, eh.” “Shall we?” iginiya niya ang kamay papunta sa direksyon ng kotse niya. “No, thanks. Halika na Remmie.” Hinila ko si Remmie at doble ang lakad ko. Magta-taxi na lang ako. Kaya kong umuwi nang mag-isa. “Uhy, Friend, sakay ka na lang ‘dun kay Tisoy. Mukha namang mabait at isa pa may consent ng Daddy mo. Ibig sabihin may trust siya kay Luis.” “Ako wala.” “Hala ka, ikaw din, sabi nila the more you hate, the more you love kuno!” “Tumigil ka na nga! Ginagatungan mo pa ang inis ko, eh.” “Sorry na, teka, seryuso, magta-taxi ka?” aniya nang makalapit kami sa gate. “Ano namang masama kung magta-taxi ako?” “Wala naman. Pero nagwo-worry lang ako. Hindi ka pa nakapag-commute ever since ‘diba?” “Ano naman ngayon? Kaya ko ‘yun, no. Isa pa sasamhan mo naman ako.” “Ha? Ako? Eh, friend, may work ako. Alam mo namang working student ako ‘di ba?” Oo nga pala, may trabaho pa si Remmie. Lagot! Paano ‘to? Biglang umurong ‘yung lakas ng loob ko. Kaya ko naman siguro sumakay pero kasi nakakatakot lang. Tama si Remmie, first time kong magko-commute. “Sumabay ka na lang kasi kay Luis.” “Never! Halika na, bahala na.” Nasa guard na kami, napahinto kami nang i-close ang gate. “Kuya, lalabas na po kami. Bakit ni’yo sinarado?” Remmie asked the assigned security. “Pasensya na, Miss Loraine, may memo po kasi na hindi kayo palalabasin hangga’t wala kayong sundo at ‘di rin po kayo pwedeng mag-commute.” “Ano?” bagsak ang balikat ko. “Kuya, wala nga po ang sundo ko. Magko-commute na lang po ako.” “Sorry po, Miss, ‘yun po kasi ang advise. Pwede naman po kayong lumabas kapag sabay niyo po si Mr. Roman.” “What?” “Mahigpit po ‘yung bilin. Pasensya na po.” “Paano ‘yan, Friend?” Napailing ako. Daddy naman,eh. Ano naman ‘tong drama na ‘to? Iniipit naman nila ako. Eh, ayaw ko nga kasama ang preskong ‘yun. Nabaling ang atensyon ko nang may bumisina. “Loraine,” “Uhy, si Tisoy.” “Halika na, ihahatid na kita. Hindi ka rin makakalabas dito.” “Sinadya mo ba ‘to?” singhal ko sa kanya. He just smiled at bumaba sa kotse niya. “Apparently, yes.” Prangka niyang sagot. “Panigurado kasing iiwasan mo ako, kaya naisip namin ‘to ni Tito Eddie.” “What? Si Daddy?” “Yes. Kaya sige na, ihahatid na kita. Naging magkaibigan naman tayo nung mga bata pa tayo ‘di ba? Kaya sana ‘wag ka na masyadong magtaray sa akin. Please...” biglang umamo ang ekspresyon ng mukha niya. Parang... parang nung mga bata pa kami. Walang bahid ng kahit kaunting kayabangan. “Fine.” “Ayun! Thank you naman at pumayag ka. How about you, Remmie?” Untag nito sa kaibigan ko. “Ay, don’t bother ‘bout me. Ibang direksyon naman ang daan ko. May trabaho pa akong pupuntahan” “Okay, ingat ka. Don’t worry, ihahatid ko si Loraine ng safe.” “Sige, mauna na ako. Friend, ingat kayo.” Hinatid namin ng tingin si Remmie palabas ng gate. “Let’s go?” tumango lang ako. Ipinagbukas niya ako ng pinto. “Don’t worry safe naman ako magdrive.” He assured me nang makaupo na siya sa driver seat. Itinuon ko ang atensyon sa labas ng bintana. Kahit na sports car ‘tong sinasakyan namin, maingat at mahinahon naman ang pagpapatakbo. Nag-iingat nga rin siguro siya. Lagot siya sa parents ko kapag may mangyari na ‘wag naman sana. Aist... ang awkward ng atmosphere. “Kumusta ka na? Ang tagal na rin. Eleven years na ba?” hindi ako kumibo. “I’m sorry kanina ha, nabigla kita.” “Bakit ka biglang lumitaw ngayon?” tinapunan ko siya ng isang matapang na tingin. “Pakakasalan mo na ba ako?” “Whoa! Direct to the point naman masyado.” “Wala naman akong ibang nakikitang dahilan kung bakit ka biglang nagpakita ngayon.” “Hindi ba pwedeng gusto ko lang bumalik ng Pilipinas at dito magpatuloy ng pag-aaral?” “Talaga lang ha?” “Ano ba naman ‘yan, kakakita lang natin ulit, inaaway mo na ako? Para ka namang girlfriend na nagtatampo.” “What?” “Wala. Lunch na muna tayo.” “Gusto ko na umuwi. Hindi pa ako gutom.” “You like Japanese foods, right?” “Busog pa nga ako.” “C’mon, ngayon na nga lang tayo nagkita.” Huminto siya sa isang Japanese restaurant. “Wait.” Nagmadali ‘tong lumabas para buksan ako ng pinto pero ‘di ko na siya hinintay at pinagbuksan ang sarili ko. “Okay, let’s go inside?” sinabayan niya ako sa paglakad. “Welcome sir and ma’am.” salubong sa amin ng isang staff. “Table for two please.” Sabi rito ni Luis. “This way po.” Sinundan namin ang staff. Hinatid niya kami sa table. “Thank you.” Inurungan ako ng upuan ni Luis. “Thank you.” “You’re welcome.” Umupo siya sa tapat ko. “So, anong gusto mo?” “Kahit ano.” “O..kay. Kahit ano. Sige.” Binuklat niya ang menu. Kinuha ko ang phone at nagpanggap na abala ako. “Excuse me,” tinawag niya ang isang waiter. “Yes po, sir?” “Can we have Sukiyaki and sushi. And one bottle of red wine.” “Okay sir.” “Thanks. Stalker bang isang ‘to? Bakit alam nito ang mga gusto ko? Malamang si Daddy na naman nagsabi. “Bakit ka nga nandito?” “Hindi pa pala tayo tapos diyan?” “Bakit nga?” Humugot siya ng isang malalim na paghinga. “’Yun nga ang sagot ko ‘diba? Dito na ako mag-aaral sa Pilipinas. Bawal ba ‘yun? Kasama naman ata ‘yun sa karapatan ko bilang isang Pilipino?” Umiling lang ako. Alam kong may iba pang dahilan kung bakit siya naririto. Kung sakali mang tungkol ‘to sa pagpapakasal, hinding-hindi ako papaya. “Here’s your order, sir and ma’am.” “Whoa, ang sarap naman.” Inilagay ng waiter sa table ang order namin. “Sukiyaki right?” Gusto niyang asikasuhin ako. “Kaya ko na ang sarili ko.” “Okay.” Kahit anong tanggi ko sa pagiging gentleman niya hindi ‘to tumitigil. He always makes sure that I’m comfortable with everything kahit na sa pagkain. We don’t talk much kasi nga iniiwasan ko. Ayaw kong magkarooon ng hope between us. Higit sa lahat ayaw kong maging parte ng arrange marriage. Hindi ako nagsikap sa pag-aaral at sa iba pang bagay para lang maging plain housewife ng kung sino mang tagapagmana. Hindi dahil sa isa rin akong tagapagmana pero I’m a supporter of woman empowerment at ganun din ang parents ko. I’m sure hindi nila ako didiktahan tungkol sa personal kong buhay. “Nagustuhan mo ba ang food?” “Yeah.” Untag nito nang makabalik kami sa magara nitong kotse. Alangan namang sabihin kong hindi, eh, for sure alam na niyang favorite ko ‘yun. Idagdag pa ang red wine na mas nagpasarap sa Japanese cuisine. “I’m glad nagustuhan mo.” He on the car engine. “Luis,” “Yes?” “Kung nandito ka para sa kasal na sinabi mo noong bata pa tayo,” nilingon ko siya. “magiging prangka na ako sa’yo ngayon pa lang. Hindi ako magpapakasal sa’yo. Kung sakaling ikasal man ako, magpapakasal ako sa lalaking mahal ko.” “Wow. I like you.” Bakas ang pagkalito sa mukha ko. “Hindi ako nagbibiro, Luis.” “Bakit sinabi ko bang nagbibiro rin ako? I’ve been honest about my feelings towards you ever since when we’re a kid. At uulitin ko uli ngayon, I still like... I like you even more, Loraine.” “Luis.” “I told you, babalik ako para pakasalan ka. At ito na ‘yun. Alam ko mahirap para sa’yo but please give me a chance para mapakita sa’yo how sincere I am.” “Ngayon pa lang sinasabi ko sa’yo wala kang maaasahan.” Ngumiti siya. “Let see. Mapagpasesnya akong tao at handang maghintay kahit gaano katagal.” Nagkibi-balikat ako sa narinig. Hindi ko hahayaan ang kahit sino na diktahan ako sa mga bagay na gusto at ayaw ko. Kahit na ang parents ko. Hindi ako magiging shadow ng sinuman. Gumaan ang pakiramdam ko nang makitang nasa tapat na kami ng gate ng bahay. Finally, mawawala na rin siya sa paningin ko. Pero bukas, another penetensya na naman. Huminto siya sa harap ng pintuan. Bumaba siya para pagbuksan ako pero bago pa siya makarating nauna na akong bumaba. Ganun ako ka desididong tanggihan siya. Kahit ilang beses pa siyang mag-attempt, tatanggihan ko rin siya nang paulit-ulit. “Thank you for the day, Loraine.” He said as I walked towards the door. “I had fun and I like the feeling being with you.” Nilingon ko siya. “Thank you for the lunch and for the free ride.” Ganti ko. Kahit ayaw ko sa kanya tinuruan naman ako ng parents ko ng right manners. Natural lang na magpasalamat kapag may naibigay o may nagawang mabuti sa’yo ang isang tao. At ganun rin kapag nakasakit ka o nakagawa ng kasalanan sa iba, dapat ka humingi ng sorry. “Anything for you.” Tinalikuran ko na siya at tumuloy sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD