Prologue
“Good evening, Miss Loraine.” Salubong sa akin ni ate Thelma nang bumaba ako sa kotse.
“Good evening din, Ate.” Kinuha nito ang hawak kong handbag.
“Magdi-dinner po ba kayo, Miss?” Sinilip ko ang oras sa wristwatch ko. It’s already eleven.
“Hindi na po. Magpapahinga na po muna ako, napagod ako sa mahabang biyahe.”
“Sige po.” Nginitian ko si ate at humakbang na patungong hagdan. “Si Sir Martin nga po pala nasa garden.” Awtomatiko akong napahinto sa narinig.
“Nandito siya? Hindi siya nagtrabaho?”
“Hindi po.”
“Okay sige, pupuntahan ko na muna siya.”
Ano kayang problema ng asawa kong ‘to? Himala ata na ‘di siya pumasok sa trabaho. Ayaw na ayaw niya pa namang mag-absent. Napangiti ako sa ideyang namiss niya ako kaya um-absent ito ngayon. Sino ba naman ang ‘di mamimiss ang asawa kung mula nung kinasal kayo ‘di pa kayo nagkaroon ng solong moments?
Bigla akong na-guilty kapag naaalala ko. After ng kasal namin biglang nagkaroon ng emergency sa condominium na itatayo sa Malaysia. Nagkaroon ng misunderstanding sa contractor kaya mas minabuti kong puntahan ‘yun.
Nasa kaligitnaan pa lang ng program sa reception nang umalis ako at naiwang mag-isa ang asawa ko na nag-aasikaso sa mga bisita. Sinabihan ko siyang sumunod sa akin dun para sa aming honeymoon pero ‘di rin nito magawang iwan ang trabaho niya.
Nag-desisyon na rin akong umuwi dahil dalawang araw na niya akong ‘di pinapansin. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Kaya paniguradong nagtatampo siya sa akin.
Nadatnan ko siyang nakatayo sa tapat ng pool. Malayo ang tingin. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang hawak niyang beer. Lagot na, galit nga siguro ‘to sa akin kaya ‘di ako sinasagot.
Maingat akong naglakad palapit sa kanya. Ipinulupot ko ang magkabilang braso sa beywang niya.
“Hi, I missed you.” Naramdaman ko ang paglunok niya. Narinig ko ang marahan niyang pagngiti.
Hindi siya kumibo, itinaas niya ang hawak na beer at ininom.
“Galit ka ba sa akin? Sorry na po. I’m sorry.”
Hinintay kong sumagot siya pero wala akong narinig. Kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya. Lumipat ako sa harapan niya.
“Hey,” ikinulong ko ang mukha niya sa dalawa kong palad. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. B-bakit parang may mali? May kakaiba sa titig niya. “Babe, are you okay? Galit ka ba sa akin? I’m sorry, promise babaw---.”
“Maghiwalay na tayo.” He said in a cold voice.
Saglit akong natigilan pero sinikap kong makabawi. “A-anong pinagsasabi mo? ‘Wag ka naman magbiro ng ganyan.” Ibinaba ko ang kamay sa beywang niya at ipinulupot dun. “Promise, babawi ako. Kahit anong gusto mong ipagawa sa akin o kahit anong favor, gagawin ko. ‘Wag ka ng magalit.”
“Seryoso ako, maghiwalay na tayo.” Napakalas ang braso ko. Sa pagkakataong ‘to buo ang pahiwatig ng tinig niya.
“M-martin... a-anong hiwalay? A-ano---.”
“Doon din naman pupunta ‘to ‘diba? Kaya gawin na natin ngayon.”
Napaatras ako. “Ano? Anong dun rin papunta?” nanggilid ang tubig sa aking mga mata.
“Dahil ‘yun naman ang totoo. Nagkasundo lang naman tayong magpakasal para tigilan ka na ng mga Roman! Gawin na natin ‘yung annulment kahit hindi mo na muna sabihin sa iba.”
“A-ano? ‘Diba nag-usap na tayo? Bago ang kasal sinabi natin na mahal na natin ang isa’t-isa?” pinilit kong ngumiti. Ilang ulit kong kinurap ang mata para pigilan ang pag-iyak. “M-martin, a-ayaw ko ng ganitong biro. P-please ‘w-wag ganito.”
“Loraine ano ba! Ba’t ba ang dali-dali mong lokohin!”
Nanlaki ang mata ko sa pagsigaw niya. Ilang ulit akong napaatras.
“Hindi kita mahal at kailan man hindi kita mamahalin!”
Hindi ko na mapigilan ang pagbulusok ng luha ko. Nanginginig ang buo kong katawan. A-ano to?P-parang kahapon lang ang saya-saya kong katabi siya habang nasa harap ng altar. Tapos ngayon? Pina-prank ba ako ng asawa ko?
“M-Martin, p-pag-usapan natin ‘to, please.” Pinunasan ko ng kamay ang basa kong pisnge. “Nakainom ka lang.” Inabot ko ang beer sa kamay niya pero mabilis siyang umiwas at buong lakas nitong itinapon sa sahig.
“Loraine!” napapikit ako sa muli niyang pagsigaw. “Ano ba! ‘Wag kang maging tanga! Sa tingin mo ba ganun kadali ang lahat? Hindi mo ba naisip na baka plinano ko ang lahat para mapalapit sa’yo? Loraine hindi kita mahal, gusto ko lang yumaman! ‘Yun ang totoo. Niloko kita dahil pagod na ako maging mahirap!”
Hindi! Hindi ‘to totoo ‘diba? Nananaginip lang ako. Napapailing ako habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. Hindi... hindi ‘to totoo. Umiwas ako sa kanya. Pilit kong hinakbang ang nanginginig kong paa. Ngunit bago pa man ako makalagpas sa kanya mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko.
“Mag-annul na tayo.”
Pilit kong pinipigilan ang paghikbi.
“K-kung pera ang kailangan mo, ‘d-diba dapat manatili kang asawa ko?” dahan-dahan ko siyang nilingon. Halos hindi ko na makita ang mukha niya dahil sa pag-iyak. “Magkano bang kailangan mo p-para manatili kang asawa ko? Mas malaki ang makukuha mo kung nandito ka sa tabi ko.”
Wala na akong pakialam kung magiging kawawa ako sa paningin niya. Hindi ko kayang mawala siya. Nasanay na akong nariyan siya. Kung kailangan kong bayaran ang bawat oras na kasama siya gagawin ko.
“Magpa-file ako ng annulment bukas. Sapat na ang perang makukuha ko sa annulment na ‘yun.”
Bakit ganun? Wala man lang akong mahagip na emosyon sa mukha niya kahit na sa boses man lang niya? Hindi ba talaga ako mahalaga? Bakit parati akong naiiwan mag-isa.
“M-Martin.”
“Makipag-cooperate ka sa annulment, the sooner, the better. Dahil kung ayaw mo, ipapakita ko sa kanila ang kontrata natin.” Diretso siyang naglakad pagkatapos. Naiwan akong luhaan at ‘di pa rin nauunawaan ang lahat.
A-anong gagawin ko? Iiwan na naman ako? Ipinikit ko ang mata at nakuyom ang kamao ko. Bakit ba ganun na lang kadali sa kanilang bitawan ako? Bakit?
Pinunasan ko ang magkabilang pisngi. Pilit na pinapakalma ang sarili. Napahawak ako sa may bandang puso ko. Pinipigilan ang sarili sa paghikbi.
Loraine, okay lang ‘yan. Kaya mo ‘to. Sinikap kong igalaw ang mga binti ko na namanhid pero nakakailang hakbang pa lang ako nang mawalan ng lakas ang magkabila kong paa at bumagsak sa sahig. Naisandal ko ang siko. Hindi ko na napigilan ang sariling humagulgol. Hindi ko na kaya tiisin ang bigat sa loob ko. Para akong sasabog sa sakit.
“Bakit? Bakit? Bakit! Bakit! Bakit!” napasigaw ako sa kirot, hindi ko na kayang balewalain at tikisin. “Martin!”