The arrange Marriage

2180 Words
Nadatnan ko si Mommy na abala sa kanyang mga bulaklak na nasa loob ng bahay. Dinidiligan niya ito gamit ang spray bottle na hawak niya. “Hi, Mom.” Humalik ako sa pisngi niya. “Hey, honey. Buti naman nandito ka na. Nag-lunch ka na ba?” “Opo.” Tumingin ito sa likuran ko. Halatang may hinihintay. “Si Luis? Hindi mo pinapasok?” “Hindi na po. Baka may gagawin pa po siya.” Sabi ko na nga ba alam na nila ang tungkol kay Luis at mas pinili nila itong itago sa akin. “I see. Anyway anak, may binili akong dress sa’yo, nandun na sa kwarto mo. Tatlo ‘yun para may pagpilian ka.” “Para po saan? ‘Di ba po sabi ko hindi na ako magpa-party sa birthday ko?” “No anak. Para ‘yun sa dinner mamaya.” “Po?” “Yes. Hindi ba nasabi ng Daddy mo? May dinner tayo mamaya. Matagal na rin mula nang huli tayong kumain sa labas.” “Mas gusto ko pa rin po ang luto ni’yo.” Hinubad nito ang gloves. Nilagay sa mesita at hinimas ang buhok ko. “Asus, ang anak ko. Palagi namang nagluluto si Mommy for you. Oo nga pala si Remmie kumusta na?” Napangiti ako sa narinig. Hindi na talaga iba si Remmie sa mga magulang ko. Natutuwa ako kapag tinatanong nila ang tungkol sa kaibigan ko. Malaking bagay ‘yun para sa akin. “Okay naman po. May hinabol pa po siyang trabaho.” “Sabi ko naman sa kanya na ‘wag na siyang magtrabaho. Bibigyan ko na lang siya ng monthly allowance.” “Alam ni’yo naman po ‘yun, ayaw na nagiging pabigat. Tsaka gusto niya rin po kasing makatulong sa parents at mga kapatid niya.” “Mabuti naman at ganun ang mindset niya. Basta in case na may kailangan siya sabihin mo ‘wag mahiya magsabi tutulungan natin siya.” “Yes po, Mom.” “Sige na, umakyat ka na sa kwarto at magpahinga. May dinner tayo mamaya.” “Opo.” Napabuntong-hininga ako nang makita ang tatlong box ng dress sa itaas ng kama ko. Bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari ngayong gabi? Nakapagtataka lang kasi na biglang nagkaroon kami ng dinner. Usually naman sinasabi ‘yun ng parents ko ahead of time. Binuksan ko ang bawat box. Napangiti ako, in fairness, ang gagaling pa rin ng taste ni Mommy sa mga fashion trends. Pero mas gusto ko ‘tong color blue. Masukat nga! Tiningnan ko sa salamin ang sarili. Kinilig ako sa nakita. Hindi nga ako nagkamali. It looks great! Ibinalik ko ‘yun sa box. Dinala ko ang mga box na ‘yun sa closet at ini-hanger ang mga ‘yun. Hinawakan uli ang blue dress bago sinarado ang closet. Bahala na nga kung anong mangyari sa dinner mamaya. Kung sakaling nandun man si Luis, kung kailangan kong ulit-ulitin ang sagot ko, gagawin ko. Magpapakasal lang ako sa lalaking mahal ko. At ‘di ‘yun magbabago! Makapagligo na nga lang! Restaurant in BGC: Huminto si Daddy sa isang Restaurant sa BGC. Yes, si Dad ang nag-drive dahil family dinner nga raw. Isa-isa kaming bumaba ng kotse. Iniwan ni dad ang kotse sa valet parking. Tinitigan ako ni Dad, ngumiti siya at ini-offer ang braso sa akin. “Shall we?” dahil masunurin naman ako kumapit ako sa braso niya at sa kabila naman nakahawak si Mom. “Reservation for Dufort, please.” Aniya sa staff at hinatid naman kami nito sa loob ng resto. Nagtaka ako nang hindi naman kami sa table hinatid kundi sa isang pinto. Private room talaga? Mas lalo lang tuloy lumakas ang kutob ko na may kinalaman ‘to kay Luis. Isang malalim na paghinga na lang ang nagawa ko bago kami pinagbuksan ng staff. “Enjoy your meal, sir.” “Thank you.” Tumingin si Dad sa akin at ini-guide ang kamay niya papasok ng room. So ako pa talaga mauuna? I just smiled at nauna ngang pumasok. Hindi na ako nagulat nang makita si Luis sa loob ng room na ‘yun. Pero bakit may kasama siya? Kasama niya ang mommy niya? Tumayo agad si Luis nang makita ako. Dinampot niya ang bouquet na nasa table. He looks great in tuxedo. He smiled as he walked towards me. Shocks! What’s with the mood? Alam mo ‘yung mga slow-mo sa mga movies? Ganun ang eksaktong naramdaman ko habang papalapit siya sa akin. Hindi ko alam kung siya ang bumagay sa ambiance ng resto o ang resto ang bumagay sa kanya o talagang siya lang mismo. God! He looks good! Malayong-malayo sa Luis na na-meet ko kanina sa School. Wala akong mahagip na kahit katiting na yabang o angas. Suddenly, my childhood memories flashed back! The man that standing in front of me and the young kid I met before, iisa pa rin sila. “Hi, flowers for you.” ‘Di ko agad maalis ang tingin sa mga mata niya. I saw something, hindi ko alam kung ano. At kung ano man ‘yung bagay na nakita ko sa mga mata niya, ‘yun ang nagtulak sa akin para tanggapin ang bulaklak. “Thank you.” “Luis was right when he said na mas maganda ka talaga.” Nalipat ang atensyon ko sa babaeng tumayo sa likuran ni Luis. Si Tita Mariton, seven years old pa lang ako nang una ko siyang makita at masasabi kong thanks to the new technology and modern ways ng pagpapaganda, walang nagbago sa figure at sa mukha nito. “Thank you po, Tita.” “Siyempre saan pa ba magmamana?” naramdaman ko ang pag-akbay ni Dad. “Of course, Eddie! Nasa dugo na ‘yan.” Kasunod nun ang paghalakhak nila mommy. Habang ako naaasiwa the way tingnan ni Luis. Masyado bang revealing ang suot ko? Hindi naman, ah. Okay naman ‘tong sleeveless na gown na napili ni Mommy. Medyo kita nga lang ang cleavage ko. Pero maliit lang naman ‘tong dibdib ko. Hindi naman siya dapat mapansin. O baka sa slit ng gown? Imposible namang hindi pa siya nakakakita ng long legged girls. Asset ko kaya ‘to sa pagmo-modelo. Aside sa pagiging tagapagmana, abala rin ako sa pagmomodelo, freelancing lang. Kaya may sarili akong pera kahit na nag-aaral pa lang. Itinaas ko uli ang tingin kay Luis. Abot tenga pa rin ang ngiti nitong nakatitig sa mukha ko. I just smiled back. Nandito ang both parents namin kaya ayaw ko makita nila na tinatarayan ko siya. Lalo na ang mommy niya. Sa shape pa lang ng kilay besh, babahag na ang buntot mong mag-taray! “Hi, Alma.” Nagbeso si Tita kay Mommy. “Parang wala pa ring nagbago sa’yo. Ah.” “Ikaw nga ‘tong parang nasa mid-twenties lang, eh.” Hindi ko napigilan mapangiti. See, hindi rin papatalo sa pagpupuri ang mommy ko. “Kain na tayo? Hindi ako nag-lunch kanina dahil nagyaya kayong manlibre ngayon.” Pagbabasag ni Daddy sa bolahan nila Tita. “Sure po, Tito. Dito po tayo.” Inikompas ni Luis ang kamay patungong table. “Thank you, hijo.” Tinapik ni Dad sa balikat si Luis. “Loraine.” Sumenyas siya na punta na raw kami sa table. Sumunod ako kay Daddy. Nakabuntot sa akin si Luis at inihila ako ng upuan. Maging si Mommy ipinaghila niya rin ng chair. “Thank you, Luis. Ibang klase ‘tong anak mo, mare, gwapo na gentleman pa.” “Siyempre, tinuruan ko ‘yan paano maging mabuting asawa.” Asawa? Napainom ako ng tubig sa narinig. Bakit umabot sa pag-aasawa? Alam ko naman na ‘yun ang purpose ng dinner na ‘to pero ‘di ba pwedeng dahan-dahan lang? Nakaka-tense, hindi ko rin alam paano sabihin sa kanila na hindi ako papayag sa gusto nila nang ‘di sila nao-offend lalo na ang mommy ni Luis. Nakakatakot kaya. Sinilip ko si Luis. Naman, ba’t ba tingin ka nang tingin sa akin? Lalo tuloy akong kinakabahan. Kahit gwapo ka hindi pa rin ako magpapakasal sa’yo! Akala mo madadala mo ako sa pagiging attractive mo? Shucks! What did I say? Attractive? Naman, Loraine, pigilan mo. Nag-order kami ng foods at kumain. Thank you naman at panay business lang nagiging topic nila. So ano ‘to? Pahiwatig pa lang? “Mabuti naman naisipan mong mag-stay here for good, Luis?” Mommy naman, eh! Iniba pa ang usapan nila Dad. Okay na ‘yung puro negosyo. Mamaya niyan saan pa mapunta ang pagtatanong niya. “Yes, Tita. Request din po kasi ni Dad before he died.” Kung hindi ako nagkakamali ilang years na rin ng lumipad si Daddy sa states para makilibing sa Daddy ni Luis. Mag-bestfriend ang mga tatay namin nung kabataan nila. “Isa pa, I found my reason to stay.” Nagtama ang tingin naming dalawa. Binawi ko agad ang tingin. Nag-sliced ako ng natitira kong steak. So ano gusto niyang sabihin? Ako ‘yung reason na ‘yun? Nah! No way! Hindi ako papayag. Kung si Vaness lang sana siya ng Meteor Garden baka magmakaawa pa akong pakasalan niya. Lihim akong napangiti. Ang gwapo at ang cute ng Vaness ko. Si Remmie naman si Dao Ming Si ang type niya. Ayaw ko sa ganung karakter, masyadong maangas at mayabang. Bagay sa pagmumukha niya kaya nga badtrip agad ako kanina sa isang lalaki diyan dahil sa pagiging presko sa school. “Mabuti naman kung ganun. Anyway, if you need help regarding sa school matters or kahit ano na pwedeng makatulong si Loraine, just ask her. Right anak?” namilog ang mata kung napatingin kay Mommy. “Y-yeah, sure po.” Pilit kong nginitian si Luis. Mommy naman! Masyado kang obvious na binebenta mo na ako kay Luis! Talak ko at the back of my mind! “Mas maganda siguro if we’ll do this often? Alam ni’yo naman kayo lang ang closest friend ng family namin. It would be a big help para maka-adjust lalo na ‘tong si Luis.” Malambing na hinimas ni Tita sa balikat ang anak. “Sure.” Mabilis na sagot ni Dad. Kung pwede ko pa lang i-roll ang eyes ko ginawa ko na. Nakakainis naman kasi ‘tong mga magulang ko. “Actually, nag-usap kami kanina ni Alma na i-invite kayo ng dinner sa bahay nang matikman ni’yo naman ‘yung pinagyayabang kong pagkain kay Pareng Antonio.” Seriously? Dinner sa bahay? Dad! Kainis! Sarap na talagang mag-walk out! Bakit ganun, ‘di man lang nila ako tinanong muna? Hindi na ba nagma-matter ngayon ang feelings ko? We all know naman na ang arrange marriage namin ni Luis ang puno’t dulo nito. “That would be great!” pagsang-ayon naman ni Tita. “So kailan mo kami patitikimin ng luto mo, Mare?” “Well, anytime. Sabihan ni’yo lang ako ahead of time na dadalaw kayo sa bahay para makapag-prepare ako.” Oh God! Katapusan na ‘to ng katinuan ko! “How about next weekend?” “Sure.” Itinaas ni Tita ang wine glass niya at nakipag-cheers kay Mommy. Wow! Just wow! Pakiramdam ko nasa isang eksena ako sa isang movie na scripted lahat ang nangyayari. Gagawa talaga sila ng paraan para mapalapit ako kay Luis. “Loraine, hija,” nagtaas ako ng tingin kay Tita. “I heard nagmo-model ka raw?” “Yes po.” “Mmm… I’m planning to shop some clothes kasi ‘yung mga damit ko eh halos good for cold weather. Eh, alam mo naman dito sa atin masydong mainit. Can you spare some time para may kasama akong mag-shopping? Alam mo naman ‘tong si Luis, lalaki, mababagot lang kapag siya ang kasama ko.” “Ah… s-sure po, Tita.” “Thank you, hija.” Bakit ganyan kayo makangiti sa nabasa ni’yo? Bakit may choice ba ako? Kung tatanggi naman ako para ko naman siyang binastos nun. Isa pa for sure naitanong niya na kina Mommy at Daddy kung busy ba ako or kung may ibang ginagawa. Hindi pa naman ako ang nagpapatakbo ng negosyo namin kaya wala akong karapatang sabihin na busy ako. “Thank you for the dinner, Mare.” “Wala ‘yun. Thank you rin at sinamahan ni’yo kami.” Nasa labas na kami ng restaurant hinihintay na lang namin pareho ang mga sasakyan namin. “Luis, thank you sa paghatid kay Loraine, kanina.” Hinawakan ni Dad ang balikat nito. “You’re welcome po, Tito. Anytime po.” Maya-maya pa dumating na ang kotse at nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Siyempre napilitan na rin akong ngumiti kay Luis at magpasalamat. Isinandal ko ang likod sa back seat ng kotse. Nakadikit sa salamin ng bintana ang ulo ko habang nakatingin sa kawalan. Habang sila mommy at daddy panay pa ang usapan tungkol sa nangyaring dinner. “Mom…dad…” “Yes anak?” naunang sumagot si Daddy. Kahit nasa labas ng sasakyan ang paningin ko alam kong nakatingin sa akin si Mommy. “Hindi po ako magpapakasal kay Luis.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD