“Loraine!” Abot tenga ang ngiti ni Remmie nang makita akong bumaba sa kotse. Malaki ang hakbang niyang lumapit sa akin.
“Na-miss kita ah. Ang tagal din ng summer.” Ipinulupot niya ang kamay sa braso ko. “Infairness, lalo kang gumanda ah.”
“Oo na, may pabaon si Mommy para sa’yo.” Bahagya siyang tumalon-talon sa sinabi ko.
Si Remmie lang ang masasabi kong kaibigan ko dito sa school. Pareho kaming third year college and same rin kami ng course—BS in Business Administration. Nakilala ko siya nung 4th year high school ako. Isa siyang scholar student na kadalasan nagiging tampulan ng mga tukso dahil sa pananamit niya at sa mga baon niyang pagkain. At sa mahigit five thousand students sa buong campus ako lang naglakas loob na tulungan at i-save siya mga bullies.
Hindi ako palakaibigan dahil isa akong introvert at maliban pa dun sa tingin ko halos lahat ng students dito sa school na i-intimadate sa akin hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako bully, ang totoo nga niyan ako ata ang pinakatahimik na estudyante sa paaralan na ‘to. Dalawa lang naman ang naiisip kong dahilan kung bakit parang nahihirapan silang makipagkaibigan sa akin, una, hindi naman ako ‘yung socialize na tao, pangalawa, nag-iisang anak ako ng may-ari ng Dufort International School. It’s pronounced as dew-forr. Half French ang Daddy ko habang ang Mommy ko naman ay half-Argentine at half-Filipino kaya ganun na lang kalitaw sa features ko ang pagkakaroon ng mix blood.
Dahil nga international ang school namin, marami ring mga anak mayaman ang narito, may mga artista, may mga pulitiko pero hindi ako nakikipag-connect sa kahit na sino maliban lang kay Remmie. Hindi naman sa nagfe-feeling ako, mahiyain lang talaga ako at feeling ko nanghihina ako kapag napapalibutan ng maraming tao.
Simula nung tinulungan ko si Remmie nung 4th year high school hindi na niya ako tinantanan. Kahit hindi ko siya pinapansin at kinakausap sunod pa rin siya nang sunod sa akin. Hanggang isang araw naglakas loob siyang nagsabi na hayaan ko lang daw siyang sundan ako, dahil kapag nasa paligid daw ako wala ng naglakas loob na e-bully at pagtawanan siya. At sa haba ng panahon, gumaan na rin ang pakiramdam ko sa kanya. Hanggang sa nagshe-share na kami sa baon ko at binibigay ko sa kanya ang mga gamit ko na ‘di ko na nagagamit. Minsan nga ang iba, hindi pa naaalis sa mga lalagyan, binibigay ko na sa kanya. Hindi ko naman kasi ‘yun kailangan, mas kailangan ni Remmie ‘yun.
“Uhy malapit na ang birthday mo, magpa-party ka ba?” she asked. Oo nga pala malapit na pala ang birthday ko. Muntik ko ng makalimutan.
“Hindi na siguro. Simple dinner lang. Nag-usap na rin kami ni Mommy at Daddy na ayaw ko na ng party.”
“Ahy,” bumusangot ito. “Sayang nami-miss ko na ‘yung mga pagkaing mayayaman.”
“Ano ka ba, siyempre kasama ka sa dinner na ‘yun.”
“Eh?” humigpit ang pagkapulupot ng kamay nito sa braso ko. “Talaga? Pumayag ang parents mo?”
“Oo naman. Malakas ka kaya kay Mommy.”
“Hay, ang sarap naman nun. Magbi-bring home ako ha? Para naman makatikim din ‘yung mga kapatid ko.”
Ngumti ako at tumango bilang tugon. Isa sa nagustuhan ko kay Remmie ay ang pagiging prangka nito. Hindi ito nahihiyang sabihin ang niloloob at opinion niya sa mga bagay-bagay. Isa ‘yun sa nagustuhan ng Daddy ko sa kanya kaya pumayag si Dad na maging magkaibigan kami. Sabi ni Daddy, ang isang gaya niya ang nararapat na maging kaibigan ko. ‘Yung kaibigan na ‘di matatakot na pagsabihan ako kapag mali ako at ‘yung handa akong ipaglaban kapag may nang-aabgrabyado sa akin.
Nasa tapat na kami ng hallway ng school nang may marinig kaming maingay na tunog. Napalingon kami ni Remmie sa pinanggalingan ng tunog na ‘yun. Isang sports car ang huminto sa tapat ng hagdan ng hallway.
“May transferee ba?” untag ni Remmie.
Sa loob ng ilang taon namin sa school na ‘to ito ang unang pagkakataon na may nag-drive ng ganitong ka-expensive na sasakyan. Isang sports car na gawa ng European car manufacturer ang nasa harap namin ni Remmie. Hindi ako pwedeng magkamali sa manufacturer ng sports car na ‘to dahil nakita ko na ‘to sa mga magazine at tv shows na pinapanood ni Daddy. Sa gara ng sasakyan nakuha nito ang atensyon nang buong campus. Unti-unting nagsilapitan ang mga estudyante maging ang mga teachers.
“Sino naman kaya ‘yan?” dagdag ni Remmie.
Maya-maya pa bumukas ang driver side. Isang lalaki ang bumaba. Naka-sun glasses ito at nakasuot ng school uniform. Buti naman kahit na naka-sports car siya, eh sumusunod sa school protocols.
He smirked as he gets everyone’s attention. Umikot siya sa passenger seat. Pagkabalik niya may hawak na siyang boquet.
“Uhy may pa-flowers besh. Sino kaya ‘yan? At para kanino ang flowers, ang swerte naman ng girl.”
Inirapan ko ang lalaking may hawak ng bulaklak. Ano naman ngayon kung may sports car siya at may pa bouquet-bouquet pa? Kung ako ang babae, hindi ko tatanggapin ‘yun. Napaka-presko naman.
“Halika na.” hinila ko si Remmie. Wala akong oras manood sa palabas na gaya nito.
“Loraine Del Ruiz Dufort.”
Sabay kaming napahinto ni Remmie.
“Uhy, Loraine daw.” Siniko ako ni Remmie.
Nilakihan ko siya ng mata. Sino naman ang lalaking ‘to? Hindi ko siya kilala. Pinagtitripan ba ako nito?
“Loraine.”
Nakagat ko ang ibabang labi. Para akong binuhusan ng mainit na tubig the way ako tingnan ng mga estudyante. Bumuntong-hininga ako bago lumingon.
He smirked again. Matikas ang lakad niya palapit sa akin. Napataas ang kilay ko. Sino ba 'to?
Isang pulgada lang ang pagitan na iniwan niya sa paghinto sa harap ko kaya napaatras ako, kaya lang dahil sa medyo nabigla ako sa paglapit niya naramdaman ko ang pagkawala ko ng balanse.
“Loraine!” narinig kong sigaw ni Remmie.
Oh my god! Matutumba ako! Kailangan ko makahanap ng kakapitan pero ayaw ko namang kumapit sa mayabang na lalaking nasa harap ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata at inantay ang pagbagsak ko.
Teka, bumagsak na ba ako? Pero ba’t ‘di naman masakit? O baka naman nawalan ako ng malay? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
“I got you.” Nanlaki ang mga mata ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nasalo pala ako ng braso niya.
“Bitawan mo nga ako!”
“Bitawan ka? Sure ka? Babagsak ka kapag binitawan kita at ayaw kong mapahiya ka.”
“Ano ba bitawan mo nga ako!” pinaghahampas ko ang dibdib niya. Narinig ko ang mahina niyang pagngisi.
But to my surprise hindi niya ako binitawan. Inalalayan niya akong makatayo.
Nakasimangot kong inayos ang uniform ko.
“Para sa’yo.” Walang ano nitong inabot ang bouquet. Tiningnan ko siya nang may pagtataka. “Mapapahiya ako kapag hindi mo ‘to tinanggap.”
“Ano naman ngayon?”
“Tanggapin mo na kahit para dun man lang sa pag-save ko sa’yo Miss Dufort.”
Labag sa loob kong tinanggap ang mga bulaklak. He smirked again. Naiinis na ako sa pagngisi-ngisi niya ah. Tinanggal nito ang sunglasses. Doon ko lang nakita ng lubusan ang mukha niya.
He had hooded brown eyes, matangos ang ilong at manipis na labi. Pamilyar sa akin ang mga titig niya. Have we ever met before?
“It’s nice to see you again, Loraine.”
“A-again? Do I know you.” Ngumisi siya at itinaas ang kanang kamay niya.
“Luis Anthony Roman.” Saglit akong napatitig sa kanya.
Luis? Siya na ba si Luis? Ang Luis na nakilala ko noong seven years old pa lang ako?
“Luis?”
“Yeah.” He smiled politely dun ko nagawang tanggapin ang kamay niya.
“It’s nice to see you again, Loraine.” Ngumiti siya uli saka nilagpasan ako at naglakad palayo. Nilingon ko siya at sinundan ng tingin.
Luis Anthony Roman? Ikaw na ba ‘yan? Matagal ko na rin siyang hindi nakita. First and last meet namin nung mga bata pa kami. Birthday niya ‘yun. Paano ko ba naman malilimutan ‘yun? Kung sa unang araw pa lang ng pagkikita namin at sa murang edad, eh sinabi na nito kung anong magiging papel niya sa buhay ko.
“I’m Luis Anthony Roman. Don’t forget my name, ha? Kasi when the right time comes, sabi ni Daddy, pakakasalan daw kita. I will marry you, someday. And I will take care of you.” He gently touched my head.
“Kasal? Bakit mahal mo ba ako? Kasi dapat kapag magpapakasal dapat mahal mo.” Abot-tenga itong ngumiti.
“I like you… I like you a lot.”
“Luis…” tumaas baba ang balikat ko saka tumingin sa bulaklak. Ngayon na ba ang right time na ‘yun? Pero… hindi pa ako handa sa ganung bagay, isa pa, hindi ko rin alam kung anong dapat kong maramdaman sa kanya.
“Uhy, Loraine,” biglang sumiksik ‘to sa tabi ko. “sino ‘yun? In fairness ha, gwapo at rich, swak kayo.” Kinikilig na sabi niya.
“Halika na.”
“Uhy, sino nga ‘yun? Kailan mo pa ‘yun nakilala? Eeeh, may bago na namang crush ng campus nito.” Hindi pa rin bumababa ang taas ng amats sa boses nito.
“Hindi ko siya kilala.” Sagot ko para matigil na siya.
“As in? Kung ganun admirer mo ‘yun, siguro matagal na ‘yung may gusto sa’yo at ngayon lang nagpakita, ano sa tingin mo?”
Hindi ko siya pinansin. Ini-scan ko ang I.D sa elevator, maya-maya pa bumukas na ‘to. Agad akong pumasok at daling pinindot ang third floor.
“Huy Loraine! Saglit lang!” napangiti ako nang hindi na nagawang humabol ni Remmie. ‘Ayan kasi busy pa kakalingon ‘dun kay Luis. Kailangan ko ring mapag-isa para makapag-isip ng maayos.
Haist! Napatingin ako sa bulaklak. Ano namang gagawin ko rito? Nalipat ang atensyon ko sa trash bin na nasa loob ng elevator. Yes, sinadyang lagyan ng trash bin sa loob dahil sa mga estudyanteng burara na kahit sa elevator nagkakalat ng basura nila. Hindi naman siguro siya magagalit kung itatapon ko ‘to? Naman! Bakit ko ba iisipin kung anong sasabihin niya? Matagal na mula nang huli kaming magkita. Hindi ko rin alam kung magkakasundo pa ba kami gaya nung mga bata pa kami.
“Bahala na nga!” ipinasok ko sa trash bin ang mga bulaklak.
Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago bumukas ang elevator. Nakatuon lahat sa akin ang atensyon ng mga estudyante. Malamang alam na nilang lahat. Nang wala pa ngang nangyayari panay na tingin nila sa akin paano pa kaya ‘yung ginawang eksena ni Luis kanina? Pagkapasok ko sa classroom dumeritso ako sa upuan ko. Uminit na ang pisngi ko the way nila ako tingnan
“Good morning, Miss Loraine.” Nilingon ko si Joel, ang seatmate ko. Palagi itong nasa kaliwa ko habang sa kanan ko naman si Remmie. Hinayaan ko na rin siya, total naman harmless naman siyang tao. Ang totoo nga niyan nabu-bully din siya dahil sa pagiging nerd niya.
“Good morning.” Matipid kong tugon. Nakita ko na naman ang braces niya.
“Hey Mister Nerd,” isang lalaking makintab ang sapatos ang lumapit sa aming dalawa. Napataas ako ng tingin.
Luis.
Dumukot ito sa bulsa ng suot nitong fitted black pants. Inilabas nito ang wallet at kumuha ng ilang thousand bills.
“Can I take your seat?” Offer nito kay Joel.
“E-eh, ma-marami pa namang bakanteng chairs.”
Napangiti ako sa narinig. At least he got balls to say no.
“Tsss… mali ata ang tanong ko.” Luis smirked again. “Look brother, I’m not asking for you permission kaya nga binabayaran kita. Alangan naman ‘dun ako maupo sa right side ni Loraine, eh best friend seat ‘yun. That’s why I’m taking your seat and please ‘wag mo na akong pahirapan kung ayaw mong… alam mo na.” there’s a threat in his voice pero sinikap niya namang hinaan ang boses niya para ‘di marinig ng ibang students.
“O-okay.” Tumayo si Joel at kinuha ang bag niya.
“Thank you.” He smiled. “Oh, wait,” lumapit siya kay Joel. “Just take it, Man. Nakakapagod na kasing ibalik sa wallet.” Ipinasok niya sa bulsa ng polo ni Joel ang pera nang hindi ito tinanggap.
Ang yabang! Napapailing ko sabi sa sarili.
“Hi,” he whispered as he took his seat beside me. Hindi ko siya pinansin. “I hope maging friends tayo.”
“Loraine!” napunta kay Remmie ang atensyon ko. “Nakakapagod maghagdan, eh, ayaw ako pasabayin nung mga spoiled brat na mga students na ‘yun.” Umupo ito sa tabi ko.
“Sorry.” Na-guilty ako sa nangyari sa kanya.
“Okay lang, ang kulit ko din kasi, eh.” Sumandal siya sa upuan. Hindi nito napansin si Luis, buti na lang.
“Sino ba ‘yung mga bullies na ‘yun?” mabilis pa kidlat na lumingon si Remmie nang marinig ang boses ni Luis.
“I-ikaw?”
“Hi,” inabot nito ang kamay kay Remmie kaya napasandal ako ng wala sa oras sa upuan. “I’m Luis.”
“H-hi, Luis.”
“Friends na tayo ha?”
“H-ha? F-friends? Hala wala akong sports car gaya mo, kahit nga brand new cellphone wala ako, eh, recon phone lang ‘yung akin.”
“Nakakaaliw ka naman, no wonder kung bakit magkaibigan kayo ni Loraine. Don’t worry ako ang bahala sa mga nambubully sa’yo.”
“A-ah okay lang, takot din naman sila kay Loraine, eh.”
“I see. Pero like what I have said, ako bahala sa’yo. Poprotektahan ko kayo ni Loraine.” I saw his smile in my peripheral vision.