"Loraine.” I stopped. Nilingon ko si Dad. “Anak, hija, I understand how you feel. And yes, wala akong karapatang pilitin ka. But please anak, give him a chance. As you can see, sinusubukan ni Luis na mapalapit sa’yo. Why don’t you do the same? Para naman ‘to sa ikabubuti mo anak.”
“No, Dad. Hindi ‘to para sa ikabubuti ko. Para ‘to sa ikabubuti ng kompanya. Why Dad? Naghihirap na ba ang company? Nasa crisis ba tayo? Hindi naman ‘di ba? Isa pa Dad, hindi lang ‘to tungkol sa kompanya at sa napag-usapan ni’yo ng kaibigan mo. We’re talking about my life, dad. My future, my feelings, a lifetime commitment! Paano ako magpapakasal sa lalaking pangalan lang naman ang kilala ko. Ni hindi ko nga alam anong klaseng tao siya. Anong behavior ang meron siya?”
“Anak, mabait, matalino at magaling na sa negosyo si Luis.”
I smile while shaking my head.
“You can dictate and suggest in everything but not with my feelings. Pakakasal lang ako sa lalaking mahal ko kahit na itakwil ni’yo pa ako.”
Mangiyak-ngiyak akong tumalikod kay Dad at humakbang paakyat ng hagdan. Nakuyom ko ang aking mga kamay.
No way! Hinding-hindi ako magpapakasal kay Luis! Anong tingin nila sa ’kin? Robot na susunod lang sa kung anong gusto nila? Kahit na anong mangyari hinding-hindi ako papayag over my dead body!
Nakabihis na ako at nakaupo sa harap ng laptop ko nang may kumatok sa labas ng pinto.
“Anak, gising ka pa ba?”
“Yes po, Mom.”
Bumukas ang pinto at nakangiting iniluwa nun si Mommy.
“Late na, ba’t gising ka pa?”
“May tinatapos lang po akong assignment.”
Umupo siya sa gilid ng kama ko.
“Anak, galit ka ba sa daddy mo?” natigilan ako. “Alam kong mahirap ‘yung gusto niyang mangyari pero for sure naman hindi ka niya pipilitin kung ayaw mo talaga.”
Bumuntong-hininga ako at tumingin kay Mommy.
“Mom, hindi naman po ako galit it’s more on tampo siguro. Nakakainis lang kasi na he wants to decide also sa pag-aasawa ko. I followed everything he wants naman, eh.”
Hinimas ni Mommy ang buhok ko.
“Anak, ayaw lang ng Daddy mo na mapunta ka sa taong hindi responsible. Siguro naisip niya na kung si Luis ang mapapangasawa mo mapapanatag siya dahil alam niyang hindi ka niya pababayaan. Pero kung ayaw mo talaga, don’t worry iko-convince ko ang Dad mo.”
Automatikong napangiti ang labi ko. Niyakap ko agad si Mommy.
“Thank you, Mom. You’re the best Mom, ever!
“Asus, binola mo pa ako.” Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sa akin.
DUFORT INTERNATIONAL SCHOOL:
“Whaaaaaaaat???”
Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Remmie. Sinenyasan ko siyang ‘wag maingay saka dahan-dahang inalis ang kamay ko sa bibig niya.
“T-teka lang ha? Ea-absorb ko lang muna ‘y-yung sinabi mo. N-naloka ako Loraine!”
Nasa rooftop kami ng building ng room namin. Dito kami madalas tumatambay kapag ayaw namin ng magulo at maingay. Dito kami nagkukwentuhan tungkol sa mga buhay at pangarap namin.
“S-seryoso? ‘Y-yung Luis na ‘yun ang fiancé mo?”
“Anong fiancé?! Hindi ah!” bumusangot ako at humarap sa railings.
“Loka-loka. Gusto ng family ni’yo na ikasal kayo anong tawag dun? Fiancé ‘di ba?”
“Ah basta hindi! Hindi ako magpapakasal sa kanya.”
“Pakasalan mo na.” nagpantig ang tenga ko sa narinig. Masama ang tingin ko sa kanya. “Hay naku.” Umiling siya. “Bakit ba kasi ayaw mo? Naaalala mo ba ‘yung sinagot mo sa ’kin nung tinanong kita bakit hindi mo pinapansin ‘yung mga nagpapa-cute sa’yo? Anong sabi mo? Ang sabi mo may hinihintay kang bumalik. Ngayong bumalik na ayaw mo naman.”
Kumunot ang noo ko. “At sinabi ko bang si Luis ‘yun?”
“Asus, ‘di ba nga sabi mo anak siya ng bestfriend ng daddy mo. Tapos ‘tong si Luis, eh, anak ng bestfriend ng daddy mo. Connect the dots na lang ano.”
“Tss. Ewan ko sa’yo. Basta hindi ako papayag.”
“Alam mo sa tingin ko hindi naman siya mahirap mahalin. Maliban sa gwapo at hunk, mukhang mabait din naman kaya gora! Subukan mo lang e-date ng one month. Kapag wala talagang spark, eh di wala!”
“Alam mo ikaw, para ka ring daddy ko! Tigilan mo nga ako.”
“Eh anong plano mo? Lalayas ka kung sakaling itutuloy talaga nila? Parang Dao Ming Si?”
Natawa ako sa narinig.
“Akala ko sa movies lang ‘to nangyayari.”
Mapakla akong ngumiti sa narinig.
“Tayo na. May klase pa tayo.”
Sabay kaming bumaba. Nang makarating kami sa hagdan papuntang classroom, nagulat kami nang makita si Luis na nakatayo sa paanan. Abot tenga ang ngiti habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ng pantalon nito ang dalawang kamay.
“Kanina ko pa kayo hinihintay.” He smiled politely.
Agad na nag-iba ang timpla ng mukha ko. Padabog akong nagpatuloy sa paglalakad. Lalagpasan ko lang sana siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Mahigpit pero ‘di nakakasakal.
Napatitig ako sa kamay niyang nakalingkis sa balat ko. May apoy ba ang palad niya? Bakit parang nakakapaso? Pinilit kong hilahin ang kamay ko pero mas lalong humigpit ang kapit niya.
“Ano ba? Bitiwan mo nga ako!” nanlaki ang mga mata kong sinalubong ang mga titig niya.
“Gusto kitang makausap.” He said in a calm voice with a warmth eyes.
“Ayaw kong kausapin ka.”
“No. We have to. Can you leave us alone?” Hindi umaalis sa ’kin ang mga mata n’ya. “Please, iwan mo muna kami.”
Oo nga pala, kasama ko si Remmie. Nilingon ko ang kaibigan ko na nakatingin lang sa amin. Halatang ‘di alam ang gagawin. Parang gusto niya akong hilahin na hindi.
“Iwan mo muna kami.” Mahina lang ang pagkakasabi niya pero ramdam ang authority sa tinig niya.
“A-ah, s-sige. Loraine tawagin mo lang ako ha ‘di ako lalayo.”
“Hindi ko siya sasaktan, may sasabihin lang ako.” Sagot niya sa naiisip na pag-aalala ni Remmie.
Tumango lang ako kay Remmie.
Ilang metro na ang layo ni Remmie mula sa amin pero ‘di niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
“Bitawan mo na ’ko.”
He took a deep breath before he let me go.
Pinisil-pisil ko ang kamay ko na para bang nasaktan sa pagkakahawak niya kahit na hindi naman.
“Ano bang sasabihin mo? Sabihin mo na!”
“Tito called me.”
“Oh, really? So bakit ka pa nandito? We both know naman na hindi ka naman talaga nag-aaral dito dahil graduate ka na sa ibang bansa. Nandito ka lang para guluhin ako.”
Muli siyang bumuntong-hininga.
“I want to hear it from you para masagot din kita ng diretso.”
Napataas ang kilay ko. “Na ano?”
“Ang sinabi sa ’kin ng Daddy mo. Gusto ko ikaw magsabi sa akin.”
Napangisi ako.
“Ah… ‘yon ba? Okay. Luis, hindi ako magpapakasal sa’yo at hindi ‘yon mangyayari kailanman.” His lips made a sexy smile. A teasing one.
Tumayo siya ng matuwid at isinuksok muli ang magkabilang kamay sa bulsa ng pants niya.
“Listen carefully, Loraine. I came here hindi dahil ‘yon ang gusto ng parents natin. I came here because of you. I came here because I missed you. You are free to say no. You have the right to say so. And I also have mine. I have the right to stay. I have the right to see you around. And I have the right to love you kahit na ayaw mo. I’ll stay here not because of that b*llsh*t engagement. I’ll stay because you mean a lot to me mula pa nung mga bata pa tayo.”
Ano raw? Anong sabi niya? Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nakangiti siya habang nagsasalita pero mangiyak-ngiyak ang mga mata niya? Ano ba talaga ang totoo? ‘Yong ngiti niya o ‘yong mga titig niya?
“Loraine?” napukaw ako nang pagyugyog ni Remmie sa balikat ko. Wala na pala si Luis. Nakaalis na. Nilingon ko siya.
Bakit ganun? Parang naapektuhan ako sa sinabi niya kanina?
“I missed you.”
“Huy!”
“H-ha?”
“Anong nangyari? Anong sinabi niya? Pinilit ka ba niya? Binastos ka ba niya?”
Umiling ako. Ano nga ba ang ginawa niya? Ano nga ba ‘yong sinabi niya?
“Loraine?”
“A-ah tayo na. Male-late na tayo sa klase.”
Pagkapasok namin ng classroom si Luis kaagad ang hinanap ko pero wala siya sa tabi ng upuan ko. Bumalik na si Joel.
“Uhy, s’an napunta ‘yong lokong ‘yon?” malamang napansin din ni Remmie na wala si Luis.
Diretso akong umupo.
“Hi miss Loraine.” I just smiled to Joel pero ang totoo gusto ko siyang tanungin kung nasaan si Luis. Ayaw ko namang lumingon sa likuran dahil magiging obvious na hinahanap ko siya.
Umalis na kaya siya? Pero sabi niya kanina-. Haist! bakit ko ba siya pinagkakaabalahan? ‘Di ba ito naman ‘yong gusto ko? ‘Yong layuan niya ako? Eh bakit parang ayaw ko na? Ano ba kasing dapat kong maramdaman sa sinabi niya kanina? Wala naman dapat ‘di ba?
“’Wag ka ng bumusangot diyan. Nasa likuran lang siya.”
“Ano?”
“Sabi ko masyado kang nagpapahalata na may gusto ka sa kanya.” Nagsalubong ang kilay ko.
Pinukulan ko siya ng isang masamang tingin.
“Totoo nga. Hindi ko babawiin kahit magalit ka pa.” Dagdag niya. Inirapan ko siya saka diretsong tumingin sa whiteboard na nasa harapan namin.
Ako? May gusto sa isang ‘yon? Of course not! Never!
Weh? ‘Di nga? Wala talaga, Loraine?
Mas lalo akong nainis nang may narinig na boses sa isipan ko. Ano ‘to, kahit ‘yong subconscious ko ayaw sumang-ayon sa ’kin? Ganun?
Tss! I said never! Kaya never!
Natapos na ang klase namin pero ‘di pa rin maalis sa isip ko ang sinabi kanina ni Luis. Dinampot ko ang books ko. Bago pa kami makalabas ni Remmie, nakita ko ang likod ni Luis na nagmamadaling maunang lumabas sa amin.
“So, ano ‘yon? Umiiwas na siya sa’yo?” tanong ni Remmie habang naglalakad sa hallway.
“Hayaan mo siya. ‘Di ba nga pabor sa ’kin ‘yon?”
“Supposedly. Pero bakit parang byernes santo ‘yang mukha mo? Malayo pang mahal na araw, hija.”
“Of course not! Tigilan mo nga ako sa mga paandar mo.” Sa inis ko nauna akong maglakad sa kanya.
“Tigilan mo ’ko sa in denial stage mo na ‘yan!”
Nakakainis! Sumigaw pa talaga. Mabuti na nga lang walang ibang tao sa hallway. Nag-uunahan nang lumabas ng campus ang mga estudyante. Pumasok ako agad ng elevator, iiwanan ko sana ulit siya pero nakahabol siya.
“Huy babae, ‘wag mo ’ko pinapaandaran diyan sa pagiging spoiled brat mo ha?”
“Hindi ako spoiled brat!”
“Aba, nagagalit ka na ngayon? Bakit ka magagalit kung wala naman talaga aber?”
“Ewan ko sa’yo!”
Nagmadali akong lumabas ng elevator nang bumukas ‘yon. Nakita ko agad ang kotse namin.
“Huy Loraine,” ‘di ko siya pinansin. Diretso lang ako sa paglakad.
Bahala ka! Ikaw pa naman ang inaasahan kong kakampi ko tapos ‘kaw din ‘tong magsasabi ng mga walang kwentang bagay! Nakakainis ka Remmie!
Mabilis kong hinawakan ang pinto ng kotse pero bago ko pa ‘yon mabuksan, bumukas ang pinto ng backseat ng kotseng naka-park sa harap ng kotse namin.
“Hi Loraine.” Natulala ako sa nakita.
Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?
“Uhy Loraine ‘wag ka ng magalit. Pasabay naman ako, oh.” Lumingkis si Remmie sa braso ko pero ‘di pa rin maalis sa babae ang mata ko.
“Nagulat ba kita, hija? I’m sorry for the surprise visit. May event kasi akong pupuntahan bukas, eh, wala akong masusuot kaya I called your mom and I asked her if you’re free after your class kasi magpapasama sana ako sa’yong mag-shopping.”
Ang lawak ng ngiti niya pero bakit kung gaano kaganda ang smile na ‘yon ganun din kalakas ang kalabog ng puso ko?
“Uhy, sino siya?” pabulong na tanong ni Remmie.
“I’m Luis’ mother, I believed you met him already?” nakatuon ang atensyon niya kay Remmie.
“A-ah, h-hi po ma’am k-kayo po pala?” siniko niya ako sa tagiliran. “Uhy si future mother-in-law mo pala itetch.”