"Sorry hija, late na tayo nakapag-lunch. Na-excite kasi ako sa pagsa-shopping.”
Hindi na ako nakatanggi sa Mommy ni Luis nang sunduin ako nito sa school kanina. Hindi naman siya mahirap pakisamahan. I enjoyed her company at kahit sophisticated, nakikinig pa rin siya sa mga suggestion and comments ko pagdating sa napipili niya. Kaya ang nangyari tuloy halos ako ang pumili ng mga binili niya which is lahat naman ‘yon ay bagay kay Tita.
“No worries po. Nag-eenjoy din po ako na makasama kayo.”
“Me too, darling.”
I can’t help but to smile every time she called me that way. Kinikilig ako na ewan. Siguro dahil sa napakalambing niyang boses.
“Actually, the truth is…”
Wait. Sasabihin niya na ba sa akin? God, bigla akong kinabahan.
“I want to ask you another favor sana, if that’s okay?”
“Sure po. Ano ‘yon?” mabilis kong sagot. Alangan naman tumanggi ako ‘di ba? Hindi niya naman siguro sasabihing pakasalan ko na ang anak niya agad-agad?
“It’s about Luis.”
Please don’t say it, ayaw kong matawag niyong walang modo kapag nasagot ko kayo.
“You know, darling, Luis spend almost half of his life in Madrid. He has no friends here. Almost two weeks na kaming nandito sa Philippines pero palagi lang siyang nasa bahay after his work. Ipapakiusap ko sanang samahan mo naman si Luis na maglibot-libot. Para malibang naman. Okay lang ba sa’yo hija?”
I took a deep breath. Paano ko ba siya sasagutin na ‘yong ‘di siya mao-offend? ‘Yong ‘di niya iisiping selfish ako? Ah, bahala na!
“Tita, ang totoo po niyan, iniiwasan ko po talaga si Luis kasi nga po--.”
“Dahil ayaw mo siyang pakasalan?” natatawang sabat niya.
“O-opo. S-sorry po.”
“No, darling, you don’t have to.”
Eh? Talaga? Hindi siya disappointed? Hindi siya galit?
“It’s too early for that, hija. You and Luis were still young. And I’m sure hindi rin papayag ang Daddy mong makasal ka at your young age.”
“So, ano po ‘yong kasal na sinasabi ni Luis?”
“Yes, it’s true. Your Dad and my husband agreed na ipapakasal kayo when the right time comes pero I believed hindi pa ito ang right time sa bagay na ‘yon.”
“Kung ganun po, mangyayari nga po ‘yon?”
“Yes. If you want to. At ganun din kay Luis, kung papayag siya.”
“Sorry po, pero hindi ko po magagawang pakasalan si Luis kahit pa dumating ‘yong right time na sinasabi ni’yo.”
She smiled and sip the water in her glass.
“I’ll respect that and I’m sure ganun din si Luis.”
“Tita, I’m really sorry if masyado po akong prangka.”
“No, darling. Ang totoo niyan I like you. Nakikita ko ang sarili ko sa’yo. Ganyan na ganyan din ako. I’m a straightforward person. I hate sugar coating. Pinaglalaban ko kung ano ‘yong gusto ko at ayaw ko.”
I don’t know what to say. Hindi ko kasi mawari kung compliment ba ‘yong kapareho ko siya ng personality o hindi? Tsaka hindi ko naman talaga alam kung totoo ‘yong sinasabi niya kasi nga ngayon ko lang naman siya nakasama at nakausap na kami lang.
I response her with a smile.
“Loraine, darling, my son is a good person. I remember how happy he was nung araw na nagpakita siya sa’yo. He’s so excited to see you again. I’m not saying na, makipag-close or makipag-date ka sa kanya. But as a mother, please, ‘wag mo naman iwasan si Luis na para bang masama siyang tao. He need to adjust in so many things especially nung mamatay ang daddy niya.
Loraine, hija, please, baka pwedeng kaibiganin mo naman si Luis. Kahit ‘yon lang, he need someone to talk and to be with maliban sa assistant niya at sa akin. Loraine,” hinawakan niya ang kamay ko. “give him a chance kahit bilang kaibigan lang.”
Gosh, bakit parang natusok ng kung ano ang dibdib ko?
“Nasa bahay po ba ngayon si Luis? Gusto ko po sanang makabawi sa pagsusungit ko.”
‘Di ko maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha ng Mommy ni Luis nang marinig ang sinabi ko.
“A-are you sure? Please you don’t have to do this kung napipilitan ka lang. Ikaw pa rin ang magdedesisyon.”
Hindi ko alam kung tama ba ‘tong naiisip ko pero sa simula pa lang naging unfair na ako kay Luis. Wala naman siyang ginawang masama sa akin pero ako wala akong sinabi sa kanya kundi ang layuan ako without knowing his real intentions at kung anong mararamdaman niya.
Hindi dahil ayaw ko sa kanya, eh, hindi ko na siya pwedeng maging kaibigan.
Masyado ata akong naging mataray kay Luis.
“Okay lang po bang sumama ako sa inyo?”
I can see how happy she is. Sobrang mahal nga niya si Luis. I guess lahat naman ng parents.
“Siyempre, hija. Our house is twenty-four-seven na open for you.” She hold my hand and gently press it.
I took a deep breath as we stopped in a huge black gate. Agad na bumukas ang gate. Naiangat ko ang likod ko sa pagkakasandal sa upuan nang wala akong makitang bahay. Instead, I saw a two lane road na binabalot ng malalaking puno at bulaklak ang paligid.
Gosh. Literal ba na empire ang bahay nila? Ganitong-ganito ‘yong mga nakikita kong daanan sa mga Western movies na may ganung motif.
“I am really sure, Luis would be surprised kapag nakita ka.”
Hindi ko alam kung anong isasagot kaya dinaan ko na lang sa cute kong smiles.
Whoa! Is it for real? Totoo nga! Literal na castle. It’s a huge house with European architecture. Wala nga lang siyang round form na balcony sa itaas gaya ng mga castle.
Yes, our house is big as well pero hindi ganito kalaki. If I’m not mistaken, sa tingin ko dadalawahin ang bahay namin sa mansion ng mga Roman.
“Let’s go inside, hija?”
“Sige po.”
Kung namangha ako sa bahay nung nasa labas pa lang ako how much more kapag nasa loob? Kaliwa’t kanan ang mga huge paintings na hindi ko maintindihan ang iba.
I’m not into paintings kaya hindi ko siya ma-appreciate masyado. But what I like most is the interior of the house. There is a touch of color gold in each side of the house. A perfect combination of white and gold — simple yet elegant and sophisticated! Just like Luis’ mom.
“Darling, I’ll prepare for our dinner tonight. Pwede bang kayo na lang muna ni Luis ang mag-usap?”
“S-sure po, Tita.”
“Oh, thank you.” Sinilip niya ang wristwatch niya. “I’m sure nasa study room siya ng Daddy niya. Mary, pakihatid mo si Loraine sa study room.” Aniya sa babaeng nasa mid-thirties nang makababa ito matapos ihatid ang mga shopping bags ni Tita sa itaas ng parte ng bahay.
“Dito po tayo ma’am.” Nagpatiuna siya at sumunod ako.
Huminto kami sa tapat ng isang pinto na sa tingin ko ay may four feet ang lawak. Kakatok na sana siya pero pinigilan ko.
“Ako na lang.”
“Sige po ma’am. Maiwan na po kita.”
“Thank you.”
I composed myself at ilang ulit na nagtaas-baba ang balikat ko bago nagawang kumatok.
“I’m busy, mom!” Luis answered. Pero instead na umalis, dahan-dahan kong pinihit ang door knob.
He was sitting in a study table in front of his laptop with a bunch of files beside him. He was wearing eyeglasses. While looking at him, I discover the other side of him. In his age, he was serious and dedicated in what he does. Hindi ko yata kakayanin ang ginagawa niya. Hindi ako kagaya niya. Hindi ko siguro mapapatakbo ng maayos ang mga business namin kung sakaling pareho kami ng sitwasyon. Maloloka ako kapag nangyari ‘yon.
“I told you mom, I’m still busy. Ang dami kong need na i-review na mga documents. At ‘yong mga contracts sa mga contractors ng mga projects natin.”
He said nang hindi nagtataas ng tingin sa akin.
“Kung ganun, uuwi na lang ako.”
Saglit siyang natigilan saka unti-unting tumingin sa akin.
“L-loraine?”
I smiled. Awtomatiko siyang tumayo at hinubad ang eyeglasses niya.
“W-w-what are you doing here? P-paanong--.”
“Sinamahan ko si Tita mag-shopping. She told me na marami raw siyang mga designer bags at mga damit and she wants me to see it kaya sumabay na ako sa kanya dito sa inyo.”
Yes, tita told me those stuffs pero ‘di ‘yon ang tunay na rason kung bakit nandito ako ngayon. Kung ano man ‘yong reason na ‘yon hindi ko pa alam. O baka nga alam ko pero ‘di ko maunawaan.
“Oh, I see. Uhmm… sorry ha, kinulit ka pa ni Mommy. Nagi-guilty tuloy ako. Nagpapasama kasi siya sa akin pero tinanggihan ko kaya siguro ikaw ang kinulit niya. I’m sorry.”
“Okay lang. Wala naman akong ginagawa.”
I saw a huge canvass beside his table. I walk towards it.
“Marunong ka palang mag-drawing?”
Ngunit bago ko pa naman ‘yon maabot mabilis niya ‘tong hinila at inilayo.
“Hindi. Nagpa-practice lang kaya lang hindi ko magawa-gawa, eh.”
Hindi ko alam kong namumula ba talaga siya o kung may allergy siya. Pero ngayong isang metro na lang ang pagitan namin,sigurado akong namumula siya.
“Ganun ba? Gusto ko lang sanang makita.”
“Sorry, pero hindi talaga siya maganda. Nakakahiya.”
“Okay. Hindi na kita pipilitin.” Ibinaba ko ang tingin sa table niya. Nang mapansin niya ‘yon, agad niyang tiniklop ang laptop niya.
“Grabe naman, hindi ko naman sisilipin ang sales ni’yo or kung ano man.”
He smiled.
“No. Siyempre hindi ganun. I’m writing my journal kaya ganun. You know, privacy.”
“Hmmm… I see. So, I guess, nandiyan ang name ko?”
He just smiled again.
“Uhmm… do you need anything? Baka gusto mong mag-ikot-ikot dito sa bahay pwede kitang samahan or pwede ring--.”
“I would appreciate it.” Pagpuputol ko sa sasabihin niya. I smiled at tumalikod sa kanya. Nauna akong humakbang sa kanya patungong pinto.
Nasa balcony kami ng third floor ng mansion nila nang maramdaman ko ang init ng titig niya.
“Bakit?” I said habang hindi inaalis ang tingin sa view deck.
“Uhm… I’m just wondering--.”
“Bakit ako mabait sa’yo?” nilingon ko na siya sa pagkakataong ito. “Thanks to your mom.” Kumunot ang noo niya. “She helped me realize something.” I walked towards him. Huminto ako sa harap niya at diretsong nakatitig sa mga mata niya. “We can be friends naman kahit na tumanggi ako sa engagement, right?”
Ilang segundo siyang tahimik at poker face. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. ‘Di ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Humakbang siya ng isang beses palapit na siyang nagpa-froze sa sistema kong gumalaw. Na kahit nga ang paghinga at pagpump ng dugo ng puso ko ay pinilit kong pahintuin sa sobrang lapit niya.
He smiled and put his both hands in his pockets.
“Thank you, Loraine. You have no idea how happy I am right now. Thank you so much.”
Oh God! What a sincere and fragile emotions he has? I can see it through his eyes. Did I really made him this happy?
Strange… why I am feeling this way? There’s something in me that telling me to hug him tight. I want to make him happier!
“I’m excited to know more about you, Loraine.” He extend his right hand. “Friends?”
I look into his hand and curved a smile.
“Friends.” I said while holding is warmth yet gentle hands.