Missing Him (Loraine)

2156 Words
“Sinong gusto mo sa kanila?” untag ko kay Luis habang lumalantak ng chips at nakatuon ang mga mata sa TV na nasa living room ng third floor ng mansion. Sabay kaming nanonood ng sikat na TV Series ngayon. “I see myself with Lei.” I automatically look at him. “Ayaw mo kay Dao ?” he shook his head. “Why?” “His character was rude and vulgar. Hindi ako ganon.” “Hmmm… eh, bakit si Lei?” “Well, as you can see may angas din ako pero nice guy pa rin naman kahit paano. Pero ‘yong pinaka-reason kung bakit siya?” sinalubong niya ang mga mata ko. “Dahil based sa story he was engaged already bago niya pa nakilala 'yung lead na babae and he was confused about his real feelings but later on ‘yung fianceé niya pa rin ang pinili niya. Parang tayo, malay mo, someday, somehow, magkaroon ka rin ng ganoong realization.” I composed myself at umayos sa pag-upo. “Sira ba’t napunta sa atin?” sinikap kong mag-focus sa palabas. “I’ll wait for you, Loraine. Hindi ako mapapagod na hintayin ka hangga’t wala ka pang minamahal na iba.” “Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo. Manood na nga lang tayo.” “Eh, ikaw sino sa kanila ang gusto mo?” “Si Zou.” “Ah so ‘yon ang mga type mo?” “Siguro. Parang si Rico. I love him so much!” “Kaya naman pala hindi mo ako gusto. I thought you prefer a Western look.” Ngumisi lang ako sa sinabi niya. “Pero hindi pa rin ako susuko. I’ll wait for you.” “Haist. Tapos na.” buong panghihinayang ko nang makitang tapos na ang palabas. Ibinaling ko ang atensyon sa lalaking katabi ko. “I have to go.” Natawa siya sa sinabi ko. Siguro dahil umaasa siyang may tugon ako sa sinabi niya. Pero sa ngayon ayaw kong bigyan siya ng kahit anong pag-asa dahil wala sa vocabulary ko ang ma-fall sa kanya. Just like what I have said, hindi siya ang tipo kong lalaki. “Okay. Hatid na kita.” Halos sabay kaming tumayo. Dinampot ko ang bag ko at hinarap siya. “Nandiyan na ang driver ko sa labas kaya thank you na lang.” “Ah… ganon ba?” I nodded. “Kung ganon hatid na lang kita sa labas.” “Okay. Magpapaalam na muna ako kay Tita.” “Sure, I think nasa garden siya ngayon.” “Hmmm… sige puntahan ko na muna siya.” Nakatuon ang atensyon ko sa labas ng bintana habang bumabyahe pauwi sa subdivision namin. “I’ll wait for you.” Napangiti ako nang maalala ang sinabi niya kanina. “Luis.” Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mangyayari sa aming dalawa pero kung ako ang papipiliin ayaw ko siyang mahalin. Hindi dahil hindi siya kamahal-mahal. Nakikita ko kasing isa siyang mabuting kaibigan at ayaw kong mawalan ng kaibigan kung sakaling ma-fall nga ako sa kanya. Teka… bakit napunta sa fall? Eh, ‘di ba, firm ‘yung sagot at pagtanggi ko sa kanya? Hindi magiging kami. Hindi ako mahuhulog sa kanya at mas lalong hindi matutuloy ang engagement na gusto ng parents namin. Napaalis ako sa pagkakasandal sa inuupuan ko nang huminto sa tapat ng gate namin ang kotse. “Si Mommy?” Ibinaba ko ang bintana. Seryoso ang mukha ni mommy habang may inaabot na pagkain at sobre sa lalaking kausap niya. If I’m not mistaken halos magkaedad lang kami ng lalaki. “Mom!” halata ang gulat sa mukha niya. Bumaba ako ng kotse at lumapit sa kanila. “Ano pong ginagawa ni’yo rito sa labas? At sino po siya?” sunod-sunod kong tanong nang makalapit sa kanila. Walang kaabog-abog na tumitig sa akin ang lalaki. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya pero nakikinita ko ang emosyon ng galit? Galit ba siya sa akin? Bakit naman? Eh, sa pagkakaalam ko ngayon ko lang siya nakita. “Ah wala lang, hija. Out of school youth. Humihingi siya ng mga kalakal na pwedeng ibenta, eh , sinabi kong nakuha na ng basurero kaya binigyan ko na lang siya ng pagkain at kaunting cash.” Sagot ni Mommy na hindi pa rin naalis ang mga mata ko sa lalaki at ganun din siya. “Halika na anak.” she holds my wrist at hinila ako pabalik sa kotse. Sabay kaming pumasok sa loob ng sasakyan. “Palagi po ba siya pumupunta dito?” tanong ko sa kanya. “H-ha?” “’Yong lalaki po? Ngayon ko lang kasi siya nakita.” “Ah… Nakita ko siya last week namimili ng mga basura sa mga kapitbahay kaya inabutan ko. Sinabihan ko kasi siya last time na kung sakaling mapadaan siya dito, eh, mag-door bell lang siya para makapagbigay ako kahit paano.” “Ah, I see. Kaya lang nakakatakot ‘yong mga mata niya. Para siyang galit na galit.” “Ganun lang talaga ‘yon. Baka nahihiya tapos iba lang ‘yong dating sa’yo.” I nodded. “Siguro nga po.” Ibinalik ko ang mga mata sa lalaki bago tuluyang makapasok ang sasakyan sa gate. Nandoon pa rin siya at seryoso ang mukhang nakatitig sa amin. Ang weird! May kakaiba sa kanya, hindi ko lang alam kung ano. “Kumusta ang shopping ni’yo? Tumawag ang mommy ni Luis kanina nagpaalam na susunduin ka raw niya para mag-shopping.” Mom asked me nang makapasok na kami ng bahay. “Okay lang naman po.” “Nagkita kayo ni Luis?” abot tenga ang ngiti niya sa tanong. “Uhmm… Opo.” “How was it? Okay na kayo?” “As friends, yes po.” “Mmm... sa ngayon?” may kislap ng panunukso sa mga mata ni Mommy. “Ano po bang sinasabi ni’yo. Hanggang dun lang po mai-offer ko sa kanya. Nothing more, nothing less.” “Okay. Sabi mo, eh. So, what do you want for dinner?” “Magmi-milk lang po siguro ako mamaya. Nabusog po kasi ako kanina sa luto ni Tita.” “Okay. Ipagluluto ko muna si Daddy mo. Mamaya lang nandyan na ‘yon. Bumaba ka lang sa kusina kapag nagutom ka.” “Sure, mom. Sa kwarto lang po muna ako.” I kissed her on cheek saka umakyat ng hagdan patungo sa kwarto ko. Nasa harap na ako ng pinto nang may matanggap akong text message. “Hi. Juz wana say thank u 4 vstng. Hope 2 see u often. :)” I smiled as I read his message. Ang baduy magtext ha? Ayaw na ayaw ko pa naman sa jejemon messages. Tsss! But it is cute. Hindi ako nag-reply. I opened the door and put my things on my study table. Dumiretso ako sa closet at kumuha ng towel at robe. Maliligo na muna ako bago magbuklat ng mga notes ko. “uy, girl. Pacopy ako ng assignment bukas ha? Pina- overtime na naman kasi ako.” I exhaled as I read Remmie’s text message. Kawawa naman ‘yong kaibigan kong ‘yon. Hindi naman siya umaasa sa akin, ang totoo niyan, siya nga ‘yong masipag mag-aral sa aming dalawa. ‘Yon nga lang nahihirapan siya minsan sa mga assignments kapag may biglang OT siya. Actually, siya nga ‘yong gumagawa ng assignments ko minsan kapag na-busy ako sa modeling o kung may photoshoot ako. She always makes sure na makakapag-comply ako at makakapag-study. She lend me her notes always kapag absent ako minsan. “Sabi ko naman kasi sa’yo mag-stop kana. Dito ka na lang sa amin.” I replied. “Ai naku ‘wag na! okay lang ako girl. Keri! Sige na work mode muna shuken. I lab u, mwah!” Napangiti ako sa last part ng message niya. ‘Tong babae talagang ‘to! Alam na alam kung paano bumawi. Inilapag ko ang cellphone. Kumuha ako ng isang one whole yellow paper. Gagawan ko na lang siya ng assignment kaysa naman bukas hahabol pa siya ng oras sa pag-copy. Iibahin ko na lang ang handwriting ko. Yes, kaya kong gawin ‘yon! Natapos din! Nag-inat ako at isinandal ang likod sa swivel chair. Naku, Remmie kung ‘di lang kita mahal hindi kita gagawan ng assignment, eh! Haist! Ang sakit sa batok at kamay ang magsulat ng one whole paper na essay at back to back pa! Tiningala ko ang wall clock sa itaas. Mage-eleven na pala. Iniligpit ko ang mga gamit ko at in-arrange sa bag. Napahikab ako nang matapos. Maglalakad na sana ako papuntang kama nang biglang tumunog ang message tone ng phone ko. “Gud nyt, jing.” He made me smile again. Goodnight too Lei. I answered at the back of my mind. I on the silent mode and put it back to the table. I need to sleep at ayaw kong maistorbo sa pagtulog lalo na’t it almost eleven P.M. “Loraine!” Heto na naman po kami! Kaaga-aga eh, dinig na dinig na naman sa buong hallway ng school ang boses ni Remmie. Huminto ako at natatawang nakatingin sa kanya na habol hiningang tumakbo. “Loraine.” Hinihingal pa siyang lumapit sa akin. “’Y-yung,” lumingon siya sa paligid, sinigurado munang walang makakarinig bago muling nagsalita. “’yung assignment. Pa-copy.” “Nagawan na kita.” Nilampasan ko siya at nagpatuloy sa paglakad. “Huy, anong ginawan mo na ako?” “Dating gawi.” Kinindatan ko siya saka ako pumasok ng elevator. “Uhy, thank you girl. I love you talaga.” Nakabuntot niya pang yapos sa braso ko. “Sira.” “Anyway, change topic. Kumusta nga pala ‘yong date ni’yo ni soon to be mother-in-law?” “Ano?” matalim na tingin ko sa kanya. “Asus, kunwari ka pa? Ano na nga?” “Wala umuwi rin ako agad.” “Ahy naku, gusto mo atang maging si Pinocchio.” “Ha?” “Tumawag ako sa inyo kahapon ng hapon, sabi ni Mommy mo hindi ka pa raw nakakauwi mula nang sunduin ka ng mother-in-law mo. Kaya ‘wag na magsinungaling, okay?” “Okay. Fine. Nothing special naman. We just talked. That’s it.” “So friends na kayo?” “Siguro.” “Asus. Doon din ‘yan papunta. Magiging kaibigan, later on, magka-ibigan na.” “Stop it, Remmie! It won’t happen.” “Asus, tulak ng bibig, kabig ng dibdib.” “Titigil ka ba o ‘di ko ibibigay ang assignment mo?” “Huy! ‘Wag naman. Sige na, shut up na.” “Good.” Nauna akong lumabas nang bumukas ang elevator. Pagkapasok ko ng classroom agad na may hinagilap ang mga mata ko pero ‘di ko siya mahagilap. Hindi rin siya nag-good morning kanina. Ano kayang nangyari dun? “Loraine, huy!” napakurap ako ng makaramdam ako nang mahinang hampas sa balikat ko. “Ano ‘yon?” “Anong ano? Kanina pa kita kinakausap para kang wala sa sarili.” Pagtataray ni Remmie. Ayun nakabawi ang loka! “Bakit ba kasi?” “Iyong assignment po?” “Kunin mo sa bag.” Walang gana ‘kong sagot. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at in-open ‘yon. Wala talaga siyang message. Bakit ba kasi wala siya? Ayaw ko naman siyang tawagan dahil baka isipin niyang hinahanap ko siya. Pero paano kung may nangyari na sa kanyang masama? Wala naman siguro. Sigurado namang malalaman ko ‘yon kaagad dahil malamang tatawagan nila si Mom or si Dad. Eh, kung si Tita na lang kaya ang tawagan ko? Haist! Ano namang sasabihin ko? Kukumustahin ko ‘yong mga damit na pinamili namin kahapon? Lahat naman ‘yon naisukat niya bago namin bilhin. Gosh! Anong gagawin ko? Ah, bahala nga siya! May pasabi-sabi pa siyang hindi siya susuko, eh, ngayon pa lang nga hindi na consistent! Kainis! Porke ba’t naging mabait ako sa kanya kahapon, eh, ganito na siya? Huy Luis kung ganito ka lang din na hindi pa tayo, ‘wag na lang ano! Ayaw ko magka-boyfriend na sasakit lang ang ulo ko! “Psst?” Taas kilay akong lumingon kay Remmie. “Anong binubusangot mo diyan sa telepono mo?” “Wala! Hindi ko pala na-charge kagabi. Ilang bars lang.” “Aba, kailan ka pa nag-abalang mag-charge niyan? Minsan nga dinadala mo nga ‘yan na battery empty, eh. Bakit may text or tawag ka bang hinihintay kaya ka naiinis?” pang-ookray na naman sa akin ng isang ‘to! “Wala! ’Wag mo na nga ako pansinin. ‘Yang notes natin ang pag-aralan mo may quiz mamaya.” ”Asus, baka naman hindi nagparamdam si Luis kaya ka nagsusungit? At wala pa talaga siya ngayon, ah?” Umiling na lang ako. Kinuha ko ang earphone at nagpatugtog na lang sa phone ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD