“Good afternoon, Miss Dufort. Is there anything I can help you?”
Salubong sa akin ni Mrs. Fortuna nang makita niya ako sa registrar’s hallway. Siya ang head ng registrar department.
Tumingin muna ako sa paligid.
“May kailangan lang kasi akong gawin na research, hindi ko dala ang laptop ko kaya kung pwede sana makikigamit ako ng computer.”
“No problem Miss Dufort, halika sa office ko para hindi ka maistorbo.”
“Thank you, Mrs. Fortuna.”
More than a week ko nang hindi nakikita si Luis. Wala na akong balita sa kanya. Kahit sina Mom at Dad wala na ring nakukwento tungkol sa kanya. O kahit ang mommy niya hindi na rin nagpaparamdam o bumibisita.
Bakit hindi ako magtanong? Para ano? Para bigyan ng ibang meaning ‘yong pagtatanong ko tungkol sa kanya? No way! Wala namang reason kung bakit hinahanap ko siya. Curious lang ako, ‘yon lang! Nothing special!
“You can use my computer, Miss Dufort.” Aniya nang makapasok na kami sa office niya.
“Thank you, Mrs. Fortuna.”
“Iwan na muna kita rito may meeting pa kami ng mga teachers.”
“Thank you again, Mrs. Fortuna.”
“Anything for you, Ms. Loraine.”
Mabilis kong binuksan ang computer nang makalabas na siya ng opisina. Dumiretso ako sa registrar system ng school. Yes, hindi totoong magre-research ako. Though, related din naman d’un. May hahanapin akong student sa system kung totoo bang naka-enrolled siya sa school o hindi.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maghingi ng password ang system bago ako maka-access. Nagtype ako ng password at nakapasok ako. Mabilis kong sinearch ang name ni Luis sa system pero walang lumabas.
Napasandal ako sa swivel chair. Tama nga ako, hindi nga siya nakaenroll sa school. Palabas niya lang ‘yon. Ginamit niya pa ang influence ni Dad para makuha ang gusto niya.
Nakakainis ka pa rin Luis! Pagkatapos mong lumitaw na parang bula, eh, mawawala ka rin ng parang bula!
Binura ko ang history ng ginawa ko saka in-off ang computer at mabilis na lumabas ng registrar.
Ano ba talagang plano mong gawin Luis? Mayroon ka pang I will wait for you na dialogue tapos ‘di rin naman pala gagawin. Buti na nga lang talaga hindi ako naniwala sa mga pinagsasabi mo! Hindi mo ’ko maloloko!
Hindi nga ba, Loraine? Wala nga ba?
‘Wag na ‘wag ka nang magpapakita ulit sa ’kin kung ayaw mong makita kung gaano ako kagalit sa’yo! Kainis!
“Huy Loraine!”
Napakurap ako nang marinig ang pagsigaw ni Remmie na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala.
“Ikaw pala. Bakit ka ba naninigaw?”
“At bakit hindi? Eh, kanina pa kita tinatawag parang hindi mo ’ko naririnig. Kailangan pa talaga akong tumakbo palapit sa’yo para marinig mo ’ko.”
D’un ko lang napansin na hinihingal nga siya.
“Kanina pa kita hinahanap.”
“Hinahanap? Bakit naman?”
“Kanina ka pa hinahanap ng driver mo. Akala ko kaya ka nagmamadali kaninang lumabas dahil may photoshoot ka. Pupunta ka lang pala ng registrar. Anong ginagawa mo dun?”
“Ah wala, may pinapa-check lang na documents si Dad sa ’kin.”
“Eh, ba’t ‘di alam ng driver mo?”
“Baka hindi niya alam. Tumigil ka na nga, dami mong tanong!”
“Okay. Sabi mo, eh.”
Hay salamat naman at tumigil din siya. Ang kulit talaga!
“Anyway, Loraine, wala ka na ba talagang balita sa fiancé mo?”
“Hindi ko siya fiancé!”
“Asus, fiancé mo man o hindi, ano ngang balita?”
“’Ba malay ko! Isa pa hindi ako interesado, ‘no!” dinoble ko ang lakad ko palayo sa kanya.
“Wala raw pakialam pero kung makapagsungit ibang level! Huy Loraine Dufort!”
At Dufort house:
Dumiretso ako sa kwarto nang makauwi sa bahay. Pabagsak kong tinapon sa kama ang bag ko. At wala sa mood na umupo.
Hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang tadhana na diretsong tumama ang mga mata ko sa mukha ni Lei na nasa wall ng kwarto ko kasama ang iba pang tatlong lalaking bida ng series na pinapanood namin ni Remmie every weekdays.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Luis na para raw siyang si Lei.
Tss! Lei mong mukha mo! Ang daming alam!
Dinampot ko ang marker na nasa study table at nilagyan ng pangil at sungay ang picture ni Lei.
“’Yan much better!” ngumisi ako bago tumalikod at dumiretso ng closet. Magsha-shower na muna ako para mahimasmasan ang galit ko sa lalaking ‘yon!
“Hija, kumusta ang school?” dad asked me. Sabay kaming nag-dinner.
“Okay lang naman po, Dad. I’m doing good.”
“Buti naman. Anyway, what’s your plan about your birthday?”
“Uhmm…” tumingin ako kay Mommy. “Napag-usapan na po namin ni Mommy. Simpleng dinner lang po.”
“Okay, kung ‘yon ang gusto mo, anak.”
“Isasama ko po si Remmie.”
“Sure, no problem. Pwede ka pang magsama ng ibang friends.”
“Si Remmie lang naman po ‘yong friend ko. The rest, nakikipagkaibigan lang dahil isa akong Dufort.”
“Ganun talaga ang buhay, anak. Ang importante alam mo kung sino ang tunay na kaibigan at hindi.”
“Yes, Dad. I’ll keep that on mind.”
“Anyway, after your birthday, I want you to work on our company.”
“Po? But dad ‘di ba po nag-usap na tayo before na hindi na muna ako magwo-work sa company hangga’t hindi pa ako nakaka-graduate?”
“Mas mabuti na ‘yong matuto ka nang mas maaga. After school dediretso ka ng office. Sabay tayong mag-lunch.”
“But dad.”
“Loraine, it’s for your own good.”
Sasagot pa sana ako pero hinawakan ni Mommy ang kamay ko. She smiled na para bang sinasabi niyang okay lang ang gusto ni Dad.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ano pa nga ba? Sooner or later dun din naman papunta ang lahat.
“Kung pumayag ka lang sanang magpakasal kay Luis, eh ‘di mapapanatag na sana ako. Panatag akong siya ang hahawak ng kompanya but since tumanggi ka kailangan mong pag-aralan.”
“Hon, please, nasa harap tayo ng hapagkainan.” Hindi na rin natiis ni Mommy na hindi magsalita.
Lihim na lang akong naiinis sa utak ko. Si luis talaga? Ni hindi na nga nagpakita ang lalaking ‘yon! Tapos dun niya pa iaasa ang kompanya? No way! Kung ‘di nga niya mapanindigan ang mga salitang binibitawan niya paano pa kaya ang pagpapatakbo ng kompanya?
Loraine’s birthday:
“Hija, anak, hindi ka pa ba papasok?” tanong sa ’kin ni Mommy pagkatapos mabigay ni dad ng susi sa valet.
“Hihintayin ko lang po si Remmie.”
“Okay sige mauna na kami ni dad mo.”
Tinext ko si Remmie pero bago ko pa man ma-send ang message, eh, dumating na ang loka-loka.
“Happy birthday, sissy.”
Habol-hininga niyang inabot sa ’kin ang maliit na box na binalot niya.
“’Kaw talaga.” Kinuha ko ang gift niya.
“Pasensya ka na, ha? ‘Yan lang nakayanan ko.”
“Ano ka ba? ‘Yung gift mo kaya ang palaging best gift na natatanggap ko kapag birthday ko. ‘Lika nga rito.” Yumakap siya sa ’kin. Si Remmie ang friend na kailanman hinding-hindi ko ipagpapalit kahit na kanino o ano man. “Thank you for being my friend.”
Humiwalay siya sa yakap ko.
“Ano ka ba? Ako nga dapat magpasalamat sa’yo dahil kinaibigan mo ang tulad ko.”
“Sira! Bakit naman hindi, ang sarap mo kayang maging kaibigan. Halika na nga hinihintay na tayo nila Mommy at Daddy.”
“Oh, really? Si Mom at Dad naghihintay sa atin?”
Sabay kaming napahalakhak sa sinabi niya. Kahit kailan talaga sira-ulo ‘tong babaeng ‘to.
“Oh, wait. Mauna ka na, may dadaanan pa ako.”
“Ha? Ang laki-laki nitong restaurant saan ko hahanapin ang Daddy at Mommy mo.”
“Nasa room 048 sila.”
“Sabay na lang tayo.”
“Hindi na. Sige na, please? Birthday ko ngayon kaya pagbigyan mo na ako.”
“Alam mo, kung ‘di lang kita kilala iisipin kong may tatagpuin kang lalaki.”
“Baliw! Sige na kasi, alis na.”
“Oo na po.”
Hinintay ko siyang makaalis hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko saka lang ako humakbang papuntang counter.
“Good evening, Miss Loraine, happy birthday po.” Greet sa ’kin ng staff sa counter. Kilala ako sa Japanese restaurant na ‘to dahil madalas kami dito. Favourite ko kasi ang Japanese cuisines.
“Pa-note lang sana ako.”
“Yes po?”
“Pa-take out ako ng two orders ng bawat menu na in-order namin and two bottles of red wine na rin.”
“Okay po, Miss Loraine, noted po.”
“Thank you.”
“Welcome po and thank you. Happy birthday again.”
I smiled back at naglakad na papunta sa room namin.
Para saan ang in-order ko? Siyempre para sa bestfriend ko. Gusto kong matikman din ng family niya kung ano ‘yong kinain namin dito dahil for sure ‘yon din ang gusto ni Remmie. Kaya nga siya nagsisikap sa pag-aaral at pagtatrabaho para makapag-provide sa kanila.
Nasa tapat na ako ng pinto nang may marinig akong isang pamilyar na boses.
“Happy birthday, Loraine.”
Humigpit ang hawak ko sa door knob. Tama ba ‘yong narinig ko? Siya nga ba ‘yon? Nandito ba talaga siya? O baka naman nagha-hallucinate lang ako sa kanya?
“I hope hindi pa ako late sa dinner.”
God! Boses niya nga. Dahan-dahan ko siyang nilingon.
“Hi. Happy birthday.”
Ang lalaking ilang linggo nang gumugulo sa isipan ko. Ang lalaking halos patayin ko sa inis sa isipan ko. Gusto ko siyang sigawan at paalisin pero ayaw bumuka ng bibig ko. Imbes na masasamang salita ang itapon ko sa kanya isang mahigpit na yakap ang itinakbo ko sa kanya.
“L-loraine.” Nagulat siya sa ginawa ko. Kahit ako gulat na gulat din.
Ipinikit ko ang mga mata at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap.
“Lo-loraine,”
Ilang saglit ang nagdaan bago ko naramdaman ang isang mahigpit na yakap mula sa kanya.
“I’m sorry. I’m really sorry.”
Iyon lang ang sinabi niya. Siguro naiintindihan niya na kung anong ibig kong sabihin.
Oo, naiinis at nagagalit ako sa kanya pero hindi ko rin maitanggi sa sarili na nami-miss ko ang presence niya, ang pangungulit niya, ang pang-iinis niya.
Lahat ng tungkol sa kanya!
I hate to admit it but yes, I like him. I like him a lot and it made me hate him for leaving without letting me know.
“I hate you! I hate you for leaving me again.” Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.
Twelve years ago:
“Loraine, anak, dahan-dahan lang!” umiiyak akong tumatakbo papasok ng airport. Kung anong takbo ko ‘yon namang habol sa ’kin ni Mommy.
“Luis! Luis, where are you?” Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong sinigaw ang mga salitang ‘yon pero walang nag-abalang sumagot. Halos mahilo na ako kakaikot at kakatingin sa mga batang lalaki na nasa loob ng airport.
“Luis! Luis! Luis!”
Halos sumikip ang dibdib ko sa kakaiyak pero wala akong Luis na makita.
“Loraine! Loraine, anak!” naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni daddy sa ’kin.
“D-dad si Luis po?”
“Anak, nakaalis na ang plane na sinasakyan nila.”
“No! No Dad. That’s not true! He told me na magkikita pa kami bago siya aalis. He promised me.”
“Anak, babalik din naman si Luis. Magkikita kayo ulit.”
“No Dad. He lied! He lied to me!” at walang pasabi ay umupo ako sa sahig at nagsisipa ng paa ko habang hindi mapigil ang pag-iyak.
“I hate you Luis! I hate you! I don’t want to see you anymore! You are a liar!”
“I’m sorry. I’m really sorry. I promised, I won’t do it again. I won’t leave you again.”
“Do it! Don’t just say it!”
Dahan-dahan niya akong kinalas sa pagkakayakap sa kanya.
“Hey.” Pinunasan niya ng daliri niya ang basa kong pisngi. “It’s your birthday, don’t cry.”
“Don’t make me hate you, again, please.”
“I won’t. Hindi na ako gagawa ng ikakainis mo. I’m sorry kung umalis ako nang walang pasabi may emergency lang kasi sa Spain na kailangan kong asikasuhin.”
“Okay.”
“Are you alright?”
“No. Hindi pa rin ako magpapakasal sa’yo. Let me clear it. Yes, you’re special to me pero hindi ‘yon enough reason na pakakasalan kita. Kaya--.”
“Liligawan kita. Liligawan kita hanggang sa sagutin mo ako and after that susuyuin pa rin kita hanggang sa pumayag kang pakasalan ako. Magpapakasal tayo dahil mahal natin ang isa’t-isa, hindi dahil sa agreement ng parents natin.”
Napangiti ako sa sinabi niya.
“Mabuti naman at matalino ka. Naiintindihan mo agad.”
“Oo naman, ako pa? Sisimulan ko na ngayon?”
Iniabot niya sa ’kin ang maliit na bouquet na hawak.
“Happy birthday.”
Saglit kong tinitigan ang mga mata niya. Wala pa ring pinagbago sa tingin niya. Punong-puno pa rin ito ng sincerity.
“Thank you.”
“Let’s go inside? I’m sure kanina pa sila naghihintay. Nagtataka na ‘yon kung bakit wala pa tayo. Isipin pa nila, inaway mo na naman ako.”
“Huy, grabe ka ha? Ikaw kaya ‘tong biglang nawawala ng walang paalam tapos ngayon ako pa ‘yong mali?”
“Sorry na nga. Hindi ko na uulitin.”
“Fine.” Tinaasan ko siya ng kilay nang mapansin ko ang maloko niyang ngiti.
“Ba’t ka ngiting-ngiti diyan?”
“Wala lang. sabi ko na nga ba, eh. Hahanapin mo rin ako.”