DENIZ P.O.V
Kinabukasan, agad kong naramdaman ang tensyon sa buong kumpanya. Lahat ng empleyado ay nakatayo sa lobby, nag-aabang, lahat nakaayos, bawat isa'y handang salubungin ang bagong CEO na darating. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pero ngayong nandito na ako, wala nang atrasan. Kailangan kong magpakita ng lakas ng loob, kahit pa ang totoo, parang may malakas na t***k sa dibdib ko na pilit kong kinakalma.
Habang nakatayo ako kasama ang iba pang mga empleyado, nagbabasa ako ng mga mukha sa paligid ko—halatang excited ang ilan, habang ang iba ay hindi maitago ang kaba. Ako? Wala akong ibang pakiramdam kundi ang simpleng kagustuhang matapos na ang araw na ito.
Nagsimula nang magbulungan ang mga empleyado sa paligid nang marinig nila ang tunog ng elevator. Dumating na ang bagong CEO. Hindi ko maiwasang makisali sa pag-aabang, kahit alam kong isa lang ako sa napakaraming empleyado na nagtatangkang magpakitang-gilas sa araw na ito.
Pagbukas palang ng glass door ng lobby ng company ay, bumungad ang isang matangkad na lalaki, ang tindig niya ay puno ng kumpiyansa, at bawat hakbang ay parang umuukit ng sariling daan sa marbled floor ng lobby. Para siyang hari na bumababa mula sa kanyang trono.
Bigla akong natigilan. Nang makita ko ang kanyang mukha, isang malamig na pakiramdam ang dumaloy sa akin. Hindi ko kailangan ng pangalawang tingin para makilala siya. Ang mga matang iyon—mga matang minsan nang tumagos sa kaluluwa ko noong gabing iyon, mga matang hindi ko naisip na makikita ko ulit.
"s**t," napamura ako ng mahina, mabilis akong tumago sa likod ng mga kasamahan ko. Hindi ako puwedeng makita ng taong ito. Noong gabing iyon, hindi ko inasahan na magkikita kami muli, at lalo na hindi sa ganitong sitwasyon. He’s the last person I want to see, especially now na alam kong wala na akong kawala. He’s the man who stole my virginity, and now he’s here to steal my sanity.
Nilingon ko ang sarili ko sa mga gilid, pilit na iniiwas ang katawan ko sa kanyang paningin. "Deniz, are you okay?" tanong ng kasamahan ko na nasa harapan ko. Sinusubukan niyang ibalik ang atensyon ko sa presentasyon ng CEO, pero ang totoo, wala na ako sa tamang ulirat.
"Yeah, I'm fine," sagot ko nang mahina, pilit na ngumingiti kahit ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. "Just... not feeling well."
Patuloy kong binabantayan ang bawat galaw niya mula sa pwesto ko, pero sinisigurado kong hindi niya ako makikita. Pakiramdam ko, bawat hakbang niya palapit ay lalo akong lumulubog sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang boses niya, malamig at punong-puno ng otoridad, na para bang sino man ang makarinig ay mapapasunod agad.
"Good morning. I’m Aziel Koa Arsenio, and starting today, I’ll be leading this company. I expect everyone to perform at their best." Ang boses niya ay halos may kasamang hangin ng banta, pero sapat na para maging dahilan ng pagkakahawak ko sa gilid ng mesa sa likuran ko. His voice is cold, intimidating, at ramdam mo sa bawat salita niya na hindi siya isang tao na gusto mong kalabanin. Isa siyang taong ang presensya pa lang ay kayang magpaluhod ng kahit sino, kasama na ako.
Gusto kong makalabas sa sitwasyong ito, pero alam kong wala akong magagawa. I was trapped. All I could do was to pray na hindi niya ako mapansin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling magtama ang mga mata namin. Ano’ng klaseng ekspresyon ang dapat kong ipakita? Dapat ba akong ngumiti? Magkunwaring walang nangyari? O dapat ba akong umalis na lang at magtago sa pinakamalapit na sulok ng building?
Pagkatapos niyang magsalita, nakita ko ang mga empleyado na nagpapalitan ng mga reaksyon—lahat sila ay natulala sa presensya niya. Nakakabighani ang kanyang tindig, pero sa akin, ito’y tila isang malaking babala. Alam kong hindi lang ako ang nararamdamang ganito, pero ako lang siguro ang may dahilan para magtago.
"Deniz," narinig ko ulit ang boses ng kasamahan ko, masyadong malapit na para hindi ako mag-react. "You really don’t look well. Do you want to go home?"
Napatingin ako sa kanya, pilit na iniisip kung ano ang tamang gawin. Pero bago pa ako makasagot, narinig ko ang pangalan niya. “Aziel Koa Arsenio” – tunog ng pangalan niya ay parang isang sumpa na pumatama diretso sa puso ko. Ang pangalan na iyon, hindi ko inaasahang magiging bahagi ng buhay ko ulit. Pero eto siya, nakatayo sa harap ng lahat, at hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang andito ako.
Hindi ako makakilos nang maayos, para bang may mga paa akong hindi na alam kung saan dapat ilagay. Pero sa likod ng lahat ng ito, isang bagay ang malinaw: hindi ako pwedeng bumigay. I need to keep my composure. Kung makikita niya ako, kailangan kong maging handa.
Napansin ko na papalapit na siya sa direksyon namin. Parang tumigil ang oras habang pinagmamasdan ko ang bawat hakbang niya. Ramdam ko ang panginginig sa katawan ko, pero pilit kong ikinukubli ito sa pamamagitan ng pag-ngiti, kahit na ang totoo, gusto ko nang maglaho na lang.
Tuloy-tuloy ang pagtibok ng puso ko, pero imbes na magpatalo sa takot, sinubukan kong kunin ang kontrol. Kung makikita niya ako, kung sakaling magtama ang mga mata namin, kailangan kong ipakita na wala akong pakialam. Na kahit pa anong nangyari noong gabing iyon, wala na itong epekto sa akin ngayon.
Pero habang papalapit siya ng papalapit, naramdaman kong hindi ako handa. At kung sakaling magtagpo ang mga mata namin, anong magiging reaksyon ko? Napilitan akong ilipat ang tingin ko sa ibang bagay, sa kahit ano—kahit saan—basta’t hindi sa kanya. Huli kong nakita ang anino ng isang tao na sumasabay sa kanyang paglalakad, at bago pa ako makapaghanda, naramdaman ko na lang na dumadaan na siya sa harap ko.
Huminga ako nang malalim at pinilit na hindi siya tingnan, pero sa sulok ng mata ko, kita ko pa rin ang kabuuan niya. Hindi ako dapat makita niya. Kailangan kong manatiling hindi napapansin, kahit pa gustong-gusto ko nang tumakbo at umalis.
At nang sa wakas, dumaan na siya sa harapan ko, hindi ko maiwasang huminga nang malalim at magpanggap na walang nangyari. Pero alam ko na hindi ito ang huli naming pagtatagpo. At ang sunod naming pagkikita, hindi ko alam kung paano ko haharapin.
Pero ang isang bagay ay sigurado: hindi ako basta-basta magpapatalo. Kung sakaling magkaharap kami, alam kong kakailanganin ko ang lahat ng lakas ko para manatiling kalmado. At kung sakaling malaman niya na andito ako, kailangan kong ipakita na wala na akong pakialam sa kung ano man ang nangyari noong gabing iyon.
Pero sa ngayon, isa lang ang nasa isip ko—kung paano ako makakaligtas sa sitwasyong ito, nang hindi niya nalalaman ang tunay kong nararamdaman.