bc

His Villain Wife (SSPG)

book_age18+
855
FOLLOW
6.9K
READ
contract marriage
HE
fated
billionairess
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"That stranger who stole my virginity is the New CEO!" Deniz Camillo.

‼️********DISCLAIMER**********‼️

This book has not been edited, so expect typos, misspelled words, and incorrect grammar. Please excuse my grammatical errors as I am not fluent in English. I'm giving it my all. I'm hoping you'll support it.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
DENIZ P.O.V "Limang taon tayong kasal, tapos ngayon ka pa bibitaw?" Hindi ko mapigilang sumabog habang hawak ko pa rin ang kutsara. The nerve of this man! This was supposed to be our anniversary, a night to celebrate our marriage, pero ang tangina, may dalang annulment papers? Iyon ba ang regalo niya sa akin? Anong klaseng tao ang gumagawa nito? "Deniz, alam mong sa limang taon na iyon, hindi ako masaya. Pilit ang kasal natin dahil sa putanginang business na iyan!" Mahina ang boses ni Oliver, halatang nagpipigil dahil nasa restaurant kami at maraming tao. Pero hindi ko na siya kayang pakinggan ng maayos dahil sa init ng ulo ko. "Putangina mo rin! Ang limang taon na iyon, pinahalagahan ko!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw ako. Lumingon na ang ilang tao sa direksyon namin, pero wala akong pakialam. I was beyond caring. Habang si Oliver, napapikit na lang, mukhang hirap na hirap magtimpi. Well, good for him, dahil ako, wala na akong pakialam. "Don't make a scene here," banta niya, pero nginisian ko lang siya nang masama. "Akala mo natatakot ako? Walang mangyayaring hiwalayan, Oliver!" Sinabi ko iyon ng buo ang loob, kahit na alam kong masakit. Pero mas gusto kong ipamukha sa kanya na hindi siya makakatakas nang ganun-ganun na lang. "I love someone else, Deniz," ang sabi niya, halos pabulong, pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita. Parang sinaksak niya ako ng paulit-ulit, pero hindi ako magpapakita ng kahinaan. "Sino? Si Annabelle ba?!" Halos pasigaw ko nang tanungin. Kitang-kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya. Tangina, totoo nga. "Ano, sasabihin mong sa limang taon na iyon, niloloko niyo akong dalawa?" Tumataas na ang boses ko, at hindi ko na iniinda kung sino ang makarinig. This bastard. How could he cheat on me? I trusted him! "The fvck! Let's leave." Tumayo siya at hinila ako palabas, pero hindi pa kami nakakarating sa pintuan ng restaurant nang makasalubong ko si Annabelle, ang babaing pinagmamalaki niya sa'kin. Ang kawawang puta. Tumigil ako at pwersahang kinuha ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Oliver. Hinarap ko siya, at kitang-kita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya. "So ikaw pala? Ikaw pala ang kabit ng asawa ko?" Sinigurado kong malakas ang boses ko para marinig ng lahat. Nagulat si Annabelle, napatigil siya, at nagkukunwaring inosente. "W-what do you mean?" Kunwaring inosente, ha? Putangina, sino bang niloloko niya? Hinila ko ang buhok niya nang walang pasabi. "Tingnan ni'yo itong babaeng ito!" sigaw ko habang hinihila ko ang buhok niya. "Ang kabit ng asawa ko! Role niya lang sa TV ang maging kabit, pero tinotoo niya sa tunay na buhay! Hindi marunong mahiya!" Nagkakagulo na ang mga tao sa paligid namin, at may ilang nagbubulungan. Naririnig ko ang mga comment nila, pero mas lalo lang akong nanggigigil. "Anong akala mo, Annabelle? Na dahil artista ka, madadaan mo sa arte ang kalokohan niyo? Puta ka, wala kang karapatang kunin ang asawa ko!" Hinila ko pa lalo ang buhok niya at nakita ko ang takot sa mukha ni Oliver. Gusto niyang pumagitna, pero takot siyang mapahiya. "Listen everyone! This woman, Annabelle, is nothing but a homewrecker! A w***e! Hindi siya kuntento sa role niya sa TV, kaya tinotoo niya sa tunay na buhay! Sinira niya ang pamilya ko, at ang asawa ko? Takot sa skandalo! A coward who can't even stand up for his own wife!" Bawat salita, parang dagok sa kanya, at alam kong nararamdaman niya ang bawat isa. Huminto na ang mga tao at nakatitig na sila sa amin. May mga kumukuha na ng video, pero wala akong pakialam. Gusto kong ipahiya ang dalawang ito nang husto. "Bakit? Akala mo ba, Annabelle, kaya mong kunin si Oliver sa akin? Akala mo ba makakaligtas ka sa kahihiyan? You're nothing but a pathetic, desperate woman! Wala kang respeto sa sarili mo, kaya wala rin akong respeto sa'yo!" Tumayo ako nang tuwid at pinakawalan ko na ang buhok niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, at nagsalita nang pabulong pero sapat na para marinig niya, "Tatandaan mo, hindi kita titigilan. Sisiguraduhin kong lahat ng tao sa industriyang ginagalawan mo, malalaman kung anong klaseng babae ka." Bumaling ako kay Oliver, na halatang natataranta na. "Walang hiwalayang mangyayari, Oliver. Kung hindi ka rin lang mapupunta sa'kin, pwes, pareho tayong magdudusa. Hindi kita papakawalan, at sisiguraduhin kong wala kang mapapala sa babaeng ito. Magkasama tayong babagsak kung kailangan, pero hindi kita bibitawan." Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, sa mga taong nakatingin sa amin. "Alam niyo na kung sino ang tunay na villain dito, and it’s not me. Let’s see kung paano kayo magtatago ngayon." Tumalikod ako, iniwan sila doon, basag na basag ang dignidad. Hindi ko na binalikan ang mga tingin ng tao; wala na akong pakialam. Sa akin na ang huling salita, at sa oras na ito, ako ang panalo. ******** Pagpasok ko sa bahay, bumungad sa akin ang galit na galit na mukha ng aking mother-in-law. Hindi pa man ako nakakapagsalita, isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Halos humapdi ang balat ko sa lakas ng tama, pero hindi ko ito pinansin. Hindi ko siya bibigyan ng satisfaction na ipakitang nasaktan ako. "Anong karapatan mong pahiyain ang anak ko!" sigaw niya, halatang wala na siyang pakialam kahit na rinig na rinig ng mga katulong sa paligid ang boses niya. Sa totoo lang, hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Simula pa lang ng kasal namin ni Oliver, hindi na kami magkasundo ng babaeng ito. Para sa kanya, isa akong malaking sagabal, isang babae na hindi karapat-dapat sa anak niyang si Oliver. Tumayo ako ng tuwid, pinunasan ang pisngi ko kung saan tumama ang sampal niya, at tumitig ako sa mga mata niya. "Ano'ng karapatan ko?" tinanong ko siya, pero hindi na ako nag-abala pang maghintay ng sagot. "Bilang asawa ng anak mo, may karapatan akong protektahan ang dignidad ko! Hindi ako papayag na yurakan ng kahit sino, lalo na ng kabit ng anak mo!" Nagpanting ang tenga niya sa sinabi ko, at lalo siyang nagngalit. "Walang hiya ka, Deniz! Hindi ka bagay kay Oliver! Ikaw lang ang sumisira sa pamilya namin! Mula noong pumasok ka sa buhay namin, puro gulo na lang ang dala mo! You're nothing but a worthless piece of trash na pinilit lang pumasok sa pamilya namin dahil sa putanginang negosyo na yan!" Naramdaman ko ang galit na nag-aapoy sa loob ko, pero pinilit kong magpigil. "Negosyo?" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, siniguradong maririnig niya ang bawat salita ko. "Oo, negosyo lang ang kasal na 'to. At dahil doon, akala mo ba, magpapaapak na lang ako? Hindi mo ba naiisip, ikaw mismo ang nagtulak sa akin na lumaban? You treated me like trash from the start, so now I’m fighting back." "Sumusobra ka na, Deniz!" Parang nagliliyab ang mga mata niya sa galit. "Hindi ka na marunong rumespeto! Walang karapatan ang babaeng katulad mo sa pamilya namin! Umalis ka na dito bago pa kita palayasin!" Ngumiti ako, pero hindi iyon ngiti ng kasiyahan. Iyon ay ngiti ng isang taong wala nang pakialam. "Bakit, natatakot ka bang malaman ng mga tao kung gaano kabaho ang pamilya ninyo? Na ang anak mo, si Oliver, ay isang duwag na lalaki na hindi kayang panindigan ang mga desisyon niya? Na ang kalandian ni Annabelle ay hindi lang pang-television, kundi pati na rin sa totoong buhay?" Parang sasabog na sa galit ang mother-in-law ko. "You b***h! Wala kang alam kundi guluhin ang buhay ng anak ko! Hindi ka na nahiya sa ginawa mong eskandalo kanina! Alam mo bang kumalat na sa buong social media ang kahihiyan mo? Ang daming taong nakakita sa kabastusan mo! How dare you humiliate my son like that in public!" "How dare I?" Halos mapalakas ang boses ko, pero sinadya ko iyon para maramdaman niyang hindi ako takot. "Hindi ba't dapat lang malaman ng mga tao ang totoo? Na ang anak mo, na ipinagmamalaki mong perpekto, ay isang manloloko? Pinagtaksilan niya ako, kaya hindi ko siya patatawarin. At sisiguraduhin kong hindi rin magiging masaya ang buhay nila ng kabit niya." "Tangina mo, Deniz! Umalis ka na dito! Hindi ka welcome sa bahay na 'to! You're nothing but a disgrace to our family!" Pero imbes na sumunod, lalo akong tumayo ng tuwid. "Hindi ako aalis, at hindi niyo ako mapapaalis. Kung iniisip mong matatakot ako sa inyo, nagkakamali ka. Hindi niyo na ako kayang paikutin. Alam ko na ang laro niyo, at ako naman ang magsisimula ng sarili kong laban." Hindi niya nagustuhan ang narinig. "Hindi mo alam kung ano'ng ginagawa mo, Deniz. Pinapahamak mo lang ang sarili mo. Kung aalis ka ngayon, baka mabigyan pa kita ng konting respeto. Pero kung magpapakatanga ka at magpapatuloy, sisiguraduhin kong mawawasak ang buhay mo." Napalakas ang tawa ko. "Mawasak? Paano mo wawasakin ang isang buhay na wasak na? Wala na akong pakialam kung ano pa ang gawin niyo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita kayong lahat na magdusa. Kung akala niyo, sa inyo lang ako mawawasak, nagkakamali kayo. Patitikimin ko kayo ng sarili ninyong gamot." Natigilan siya, at nakita ko sa mga mata niya ang takot na pilit niyang itinatago. "Hindi ka na talaga magbabago, Deniz. You're just like your father—isang sakim na tao na wala nang ginawa kundi sirain ang buhay ng iba para lang makuha ang gusto niya." Umiling ako, at sa oras na iyon, nakaramdam ako ng malamig na pagkapagod. "Huwag mong idamay ang tatay ko. Wala siyang kinalaman dito. Ito ay tungkol sa kasal namin ni Oliver, tungkol sa ginawa niya sa akin, at tungkol sa lahat ng kawalanghiyaan ninyo. Wala akong ibang gagawin kundi ang ipamukha sa inyo ang katotohanan." Huminga siya ng malalim, pero nakita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay. Alam kong sa loob niya, natatakot siya sa pwedeng mangyari. Pero hindi ko na siya bibigyan ng pagkakataong bumawi. "Bago mo pa ako palabasin dito, tandaan mo ito: Hindi ako natatakot sa inyo. Kaya kong ipamukha sa buong mundo kung ano kayong lahat. At kung ano mang pahirap ang balak niyong ibalik sa akin, siguraduhin niyong handa rin kayong harapin ang bawat kabayaran." Tumalikod ako at iniwan siya roon, naglalaban ang galit at takot sa kanyang mukha. Umakyat ako ng hagdanan, at habang papalayo ako sa kanya, narinig ko ang mga malalalim na hinga niya—halatang pinipigilan ang sarili na habulin ako at sampalin ulit. Pero bago ako tuluyang makalayo, napahinto ako sa kalagitnaan ng hagdanan. May gusto pa akong sabihin, isang bagay na matagal ko nang gustong ipamukha sa kanya at sa anak niyang duwag. Huminto ako, at dahan-dahang humarap pabalik sa kanya. Kitang-kita ko ang mga mata niyang puno ng galit at pagkamuhi, pero wala na akong pakialam. Tumitig ako sa kanya mula sa itaas ng hagdan, naramdaman ko ang mga salita kong handa nang bumuo ng huling latay sa kanyang pride. "Kaya duwag ang anak mo," sabi ko, malalim at malamig ang boses, "dahil Mama's boy ito. Hindi siya marunong magdesisyon para sa sarili niya. Lahat ng kilos niya, lahat ng desisyon niya, inuuna kung ano'ng gusto mo. Utos mo lang ang sinusunod niya kaya hindi na ako magtataka kung pareho kayo ng ugali. Sabagay, may pinagmanahan." Nanigas siya sa sinabi ko. Ang init ng tingin niya, pero ramdam kong hindi na niya alam kung paano ako sasagutin. Alam niya ang katotohanan sa sinabi ko, at iyon ang masakit. Oliver is nothing but a puppet—her puppet. At kahit anong galit ang ipakita niya, hindi na niya mababago ang katotohanang iyon. "Tama na, Deniz!" Halos sigaw na ang sagot niya, pero hindi ko ito pinansin. Wala na akong pakialam kung masaktan ko siya ng lubusan, dahil alam kong hindi siya nagdalawang-isip na saktan ako noon pa man. Kung tutuusin, ako ang matagal nang nagtiis. Ngayon, oras na para siya naman ang makatikim ng sakit. Tumawa ako, pero walang saya sa aking tawa. "Tama na? Ako ang dapat tumigil? E bakit ako lang? Kung tutuusin, matagal na akong tumigil magpaka-tanga para sa anak mo. Pero ikaw? Hindi ka pa rin natututo. Patuloy mo pa rin siyang pinapalaki na parang bata, kaya hindi na nakapagtataka na hanggang ngayon, umaasa pa rin siya sa'yo sa lahat ng bagay. At alam mo kung ano ang pinakamalungkot doon? Wala siyang sariling pagkatao, dahil kinain mo na ang buong pagkatao niya." Parang natigilan siya sa sinabi ko. Siguro dahil napuruhan ko siya sa katotohanan ng mga salita ko. Pero hindi pa ako tapos. Bumaba ako ng isang hakbang, at tinuloy ko ang banat ko. "Akala mo ba, natatakot ako sa'yo? Sa anak mong duwag? Hindi ako natatakot, dahil wala na akong mawawala. Pero ikaw, alam kong takot na takot ka na mawalan ng kontrol kay Oliver. Takot na takot ka na baka isang araw, magising siya at maisip na mali lahat ng tinuro mo sa kanya. At kapag nangyari 'yon, ano na lang ang mangyayari sa'yo?" Huminga ako ng malalim, siniguro kong maririnig niya ang bawat salita ko. "Tandaan mo ito, Mama. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakukuha ang lahat ng dapat ay para sa akin. Kung sa tingin mo na kaya mo akong paalisin ng ganun-ganun lang, nagkakamali ka. Hanggang sa huling hininga ko, ipapamukha ko sa inyo na mali ang lahat ng ginawa niyo sa akin. At kung kailangan kong tapakan ang pride mo at ng anak mo, gagawin ko." Nakita ko ang panginginig ng kanyang mga labi, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong sumagot. Bago pa siya makapag-react, tumalikod na ako at nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan. Narinig ko pa ang malakas na pagsara ng pinto sa sala, tanda na galit na galit na siya, pero hindi ko na ito inintindi. Sa bawat hakbang ko pataas, naramdaman ko ang bigat ng mga pangyayari. Kung dati, naguguluhan ako sa kung ano ang dapat kong gawin, ngayon ay buo na ang loob ko. Wala nang atrasan ito. Wala nang pagkakataon para bumalik sa dati. I have to finish what I started. Kailangan kong tapusin ang laban na ito, at hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita silang lahat na nagdurusa sa parehong sakit na idinulot nila sa akin. Pagdating ko sa kwarto namin ni Oliver, nakita ko ang kwarto na dati kong inalagaan ng sobra-sobra. Dati, bawat sulok nito ay puno ng pagmamahal at pag-aalaga. Pero ngayon, wala na akong nararamdamang kahit ano. Parang lumang damit na itinapon na lang sa isang tabi. Mabilis kong kinuha ang ilang gamit na kakailanganin ko. Hindi para umalis, kundi para ipaalam kay Oliver na hindi ko balak sumuko. Ang kanyang cheating, ang kanyang pagtakbo sa tunay na problema—lahat ng iyon ay haharapin ko. At alam kong darating ang oras na maghaharap kaming dalawa, at doon ko na siya tuluyang paiiyakin. Nang makuha ko na ang mga gamit ko, huminga ako ng malalim at tumayo sa gitna ng kwarto. Minsan, naisip ko kung paano nga ba umabot sa ganito ang lahat. Pero naalala ko rin na ang lahat ng ito ay bunga ng mga desisyong ginawa ni Oliver, at ng kanyang ina. Paglabas ko ng kwarto, hinarap ko ang mga katulong na naroon. Kita ko ang takot sa mga mata nila, pero wala akong pakialam. "Sabihin niyo kay Oliver na maghanda siya," sabi ko, kalmado pero may halong lamig ang boses. "Dahil sa oras na bumalik ako, wala nang magpapanggap na okay ang lahat. Sisiguraduhin kong mararamdaman niya ang sakit na idinulot niya sa akin." Pagkatapos noon, bumaba ako ng hagdan at iniwan ang bahay. Alam kong hindi pa tapos ang laban, pero sigurado ako sa isang bagay—ako ang mananaig. Sa bawat hakbang ko palayo, naramdaman ko ang bigat ng galit at poot na bumalot sa puso ko. Pero alam kong kailangan kong maging malakas. Hindi para sa kanila, kundi para sa sarili ko. Ngayon, wala nang atrasan ito. Ako ang magdidikta ng mga susunod na mangyayari. At kahit ano pa ang gawin nila, hindi na ako papayag na apak-apakan nila ulit. This time, ako ang may hawak ng baraha, at ako ang magsisimula ng laro.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook