CHAPTER 14

1214 Words
DENIZ P.O.V Pagkatapos ng mainit na gabi kasama si Aziel Koa, hindi ako mapakali sa isipin. Alam kong mali ang ginagawa namin, pero may parte sa akin na hindi mapigilang hanapin siya—ang init ng katawan niya, ang kanyang mga halik na tila ba sinasabing akin na ako, at walang puwedeng humadlang. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong hindi ito magiging madali. Kailangan kong protektahan ang sarili ko, pati na rin si Aziel. Hindi ko siya hahayaang masira ng dahil sa relasyon namin. Kaya isang umaga, nagdesisyon akong kausapin siya nang masinsinan. Kailangan naming maging malinaw sa lahat ng bagay. Kailangan kong sabihin sa kanya na kahit anong nararamdaman namin sa isa't isa, kailangan naming itago ito. Hindi ko kayang harapin ang eskandalo at, higit sa lahat, hindi pa ako handang makipag-divorce kay Oliver. Hindi pa ngayon. Pagpasok ko sa opisina niya, naramdaman ko agad ang tensyon sa hangin. Nakaupo siya sa likod ng malaking mesa niya, abala sa pagbabasa ng mga dokumento. Ngunit nang makita niya ako, huminto siya at ngumiti, iyong tipong ngiti na nagpapalambot ng tuhod ko. Pero kailangan kong maging matatag ngayon. "Deniz," bati niya, mabagal ang paglapit niya sa akin. "I wasn’t expecting you this early." Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Aziel, we need to talk." Nakita ko ang pagbabagong ekspresyon niya—mula sa pagiging kampante, biglang naging seryoso. "About what?" Lumapit ako at umupo sa harap ng mesa niya. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya, dahil alam kong masisira ang desisyon ko kapag nakita ko ulit ang mga matang iyon. "We need to hide our affair," sabi ko, diretso at walang paliguy-ligoy. "Sa mata ng lahat, at lalo na sa batas, kasal pa rin ako. Ayokong masira ka dahil lang sa akin." Nakita ko ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga, pero hindi siya agad nagsalita. Tiningnan niya ako ng matagal bago sumagot. "Is that really what you want?" tanong niya, malamig ang boses niya, pero ramdam ko ang tensyon sa likod ng mga salita niya. "Aziel," nagsimula akong magpaliwanag. "Hindi pa ako handang makipag-divorce kay Oliver. Marami pa akong plano para sa kanya. I still need to get my inheritance through his grandfather. Alam mo naman ang usapan sa pamilya nila, at kailangan kong maging maingat. Hindi pwedeng sirain natin ang lahat dahil lang dito." Huminga siya nang malalim, halatang sinusubukang intindihin ang mga dahilan ko. "So you're staying with him for money?" tanong niya, at ramdam ko ang bahagyang galit sa tono niya. "Yes, but it’s more than that," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sitwasyon. "It’s about security. Hindi ko kayang mawala lahat ng ito, Aziel. I worked hard to get where I am. Alam kong mali, pero kailangan kong magpatuloy hangga't hindi ko pa nakukuha ang gusto ko." Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa bintana, nakatingin sa labas. "I can give you everything you need, Deniz," sabi niya, mahina pero puno ng kasiguraduhan. "You don’t have to stay with him. Hindi mo kailangang tiisin ang lahat ng iyon para lang makuha ang gusto mo." Napatingin ako sa kanya, at naramdaman ko ang bigat ng mga salita niya. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Alam kong kaya niya akong protektahan, kaya niyang ibigay lahat ng pangangailangan ko. Pero hindi iyon ganoon kadali. Hindi ko kayang isugal ang lahat ngayon. Hindi ko pwedeng isuko ang kontrol na matagal ko nang pinaghirapan makuha. "I know, Aziel," sagot ko, at tumayo rin ako para lumapit sa kanya. "But it’s not that simple. I’m still figuring things out. At habang ginagawa ko iyon, kailangan nating itago ang relasyon natin." Tumingin siya sa akin, at ramdam ko ang pagdadalawang-isip niya. "So what? We just pretend that nothing’s happening? Act like a boss and employee in front of everyone, pero kapag mag-isa na tayo, magiging iba?" Tumango ako. "Yes. I know it’s not ideal, but it’s the only way right now. Hindi pa ako handa sa eskandalo. Hindi pa ako handa na masira ka dahil lang sa akin." Nakita ko ang pagngisi niya, pero hindi ito ang usual na masayang ngiti niya. May halong lungkot at pagsuko. "Fine," sagot niya sa wakas. "We’ll do it your way. But remember, Deniz, I don’t like sharing." Napalunok ako sa sinabi niya. Alam kong seryoso siya, at alam kong hindi magiging madali ang ganitong setup. Pero ito lang ang nakikita kong paraan para magpatuloy kami nang walang gulo. "Thank you, Aziel," bulong ko, habang humakbang ako palapit sa kanya, idinampi ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang t***k ng puso niya, at kahit paano, nakaramdam ako ng ginhawa. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palapit. "I’ll play along for now," sabi niya sa mababang boses. "But don’t think for a second that I won’t do anything to ruin him. He doesn’t deserve you." Hindi na ako nagsalita. Alam kong galit si Aziel kay Oliver, at hindi ko siya masisisi. Pero kailangan kong panatilihing maayos ang mga plano ko. Sa ngayon, kailangan kong maging maingat. Kailangan kong manatiling nakatago sa anino ni Oliver hanggang sa makuha ko ang nararapat sa akin. *********** Sa mga sumunod na araw, bumalik ako sa trabaho na parang walang nangyari. Sa mata ng mga kasamahan namin, si Aziel ay boss ko lang. Nagiging pormal kami tuwing nasa harap kami ng ibang tao—nagmimistulang propesyunal, walang bahid ng personal na relasyon. Pero sa tuwing kami lang dalawa, ibang usapan na iyon. Sa bawat oras na magkasama kami sa opisina o sa bahay, yes sa bahay niya ako umuuwi at hindi sa condo ko, hindi mapigilan ng katawan namin na maghanap ng isa’t isa. Sa tuwing mag-isa kami, nauuwi sa mainit na halik at masarap na pagniniig ang mga gabi namin. Parang hindi sapat ang oras para sa amin. Ang init ng bawat haplos, ang bawat pagdampi ng labi niya sa balat ko ay tila nagpapawala ng lahat ng takot ko, lahat ng pag-aalinlangan ko. Pero sa tuwing natatapos ang gabi, bumabalik ang realidad—kasal pa rin ako kay Oliver. At hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin. Lalo na’t mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko kay Aziel, at alam kong isang araw, darating ang oras na hindi ko na maitatago ang lahat ng ito. Sa trabaho, pinilit kong maging propesyunal. Bumalik ako sa mga proyekto, sa mga meetings, at sa pagsasanay ng mga empleyado. Pero hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari. Hindi maalis sa puso ko ang guilt, ang lungkot, at ang pagkalito. Pakiramdam ko, unti-unti akong natutunaw sa pagitan ng dalawang mundo—ang mundo ng kasinungalingan at ang mundo ng katotohanan. Minsan, nagkakaroon ako ng mga pagkakataon na pagdudahan ang sarili ko. Tama ba ang ginagawa ko? Dapat ba akong lumaban para kay Aziel? O dapat ko bang ipagpatuloy ang plano ko kay Oliver hanggang makuha ko ang inheritance ko? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga susunod na araw. Pero sa ngayon, hinahayaan ko ang sarili kong magpatuloy sa ganitong setup. Hinahayaan ko ang sarili kong magpanggap na lahat ng ito ay kaya kong kontrolin. Pero alam ko sa puso ko, darating ang araw na hindi ko na ito kayang itago. Darating ang araw na kailangan kong pumili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD