CHAPTER 18

3062 Words
DENIZ P.O.V Pang-apat na missed call na. Tumigil ako sa paglalakad at dinampot ang phone, sagot na rin ng may kasamang inis. “WHAT, AZIEL?!” Pasigaw kong bungad sa kanya habang tinitingnan ang paligid, baka may makakita sa akin. Sa kabila ng linya, narinig ko ang malambing niyang tawa. Parang wala lang nangyari sa elevator kanina. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kanya nang husto. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang tono niya, na parang wala siyang ginawang mali. "Wow, relax babe. Bakit ka ba galit? I just wanted to hear your voice," lambing niyang sabi, at ramdam ko ang kasweetan sa tono niya. Napapikit ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Hindi puwedeng hayaan ko lang siyang makalusot sa ginawa niya kanina, pero hindi ko rin puwedeng patulan nang husto. Sinong matinong tao ang gaganun sa loob ng elevator, diba? "Ano bang gusto mo, Aziel?" tanong ko na medyo malumanay na, pero halata pa rin ang inis sa boses ko. "Wala naman, gusto ko lang makabawi sa'yo. Alam kong medyo nakaka-inis ako kanina, pero you know me, I can't help it," sagot niya, at alam kong sinusubukan niyang magsorry nang hindi direkta. “Bumawi?” Parang gusto kong matawa pero napatigil ako. “Paano mo exactly balak bumawi? Kasi kung ganito ka lang palagi, Aziel, I swear, baka di mo na ako makita sa office.” Muling tumawa si Aziel, at sa halip na mainis, medyo nag-relax ang katawan ko. Hindi ko maintindihan, pero sa bawat pagsasalita niya, nawawala ang galit ko kahit pa dapat seryoso ang usapan. "Hindi naman gano'n, Deniz. Actually, I called kasi may importanteng event mamaya. May auction sa company event ng Koa Company. And, of course, gusto kong kasama kita." Ramdam ko ang excitement sa boses niya. Napaisip ako sandali. Alam ko ang mga ganitong event—maraming bigating tao ang pupunta, at kailangan mong magdala ng kapartner. Hindi ako madalas sumama sa mga ganito, pero alam ko rin na hindi basta-basta itong Koa event na to. "At bakit ako?" Ibinaba ko ang boses ko, sinubukang maging kalmado. “You could easily take someone else, someone more... alam mo na, into that kind of scene." "I don’t want anyone else, Deniz. Alam mo naman ‘yun. And besides, kailangan ko ng someone na... alam mo na, pwedeng tumulong sa’kin sa pakikipag-deal sa mga big boss." Napahinto siya saglit, tapos nagpatuloy, “Ikaw ang gusto kong kasama.” Napakibit-balikat ako kahit hindi niya ako nakikita. Hindi ko alam kung totoo bang kailangan niya ako doon o gusto lang niyang siguruhin na magkakasama kami buong gabi. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba ‘tong ginagawa namin—ang larong to. Parang walang patutunguhan, pero sa kabilang banda, hindi ko rin maiwasang bumigay sa kanya. “Auction, ha?” tanong ko, habang pinag-iisipan ang bawat posibilidad. “Ano ba ang meron diyan na special?” "Well, let’s just say, it’s something exclusive. Gusto ko sana na makita mo kung paano tayo makikipag-competence sa ibang big names. And, alam ko na interesado ka rin naman sa business, kaya this could be fun for you." Ramdam ko ang excitement niya kahit pa wala akong interest sa mga auction. Wala naman akong kailangan na bibilhin, at ang totoo, hindi ko naman gusto ang ganitong mga event. Pero he knows how to pull me in, kahit ayoko. “So, anong oras to?” tanong ko na lang, kahit medyo half-hearted ang interest ko. "8 PM sharp. Gusto ko sa bahay ka uuwi ngayon at sabay na tayo. Ayos lang ba 'yun?" tanong niya, na parang sigurado na akong papayag. "Malamang saan paba ako uuwi diba sayo rin?" Pabalang kong sabi dahil alam kong bubumtot sa'kin yun sa condo kung hindi ko sa bahay niya uuwi. “I promise, I’ll behave. Scout’s honor!” Humagikgik siya nang konti, at napailing ako. Inis pa rin ako sa kanya, pero alam ko na hindi na ako makakatakas. Matagal ko nang alam na kapag gusto ni Aziel na sumama ako, gagawin niya lahat ng paraan para ma-convince ako. “Mamaya ha, wag kang magtatago,” sabi niya sa huling bahagi ng usapan namin. “Fine,” maikli kong sagot, pero sa loob-loob ko, hindi pa rin ako sigurado kung bakit ako pumapayag. Minsan, talagang mahirap kontrahin si Aziel, lalo na kapag ganito siya kaseryoso sa mga bagay na importante sa kanya. At sa totoo lang, gusto ko rin makita kung paano siya magpe-perform sa ganitong klaseng setting. Siguro ito na rin ang tamang pagkakataon para malaman ko kung paano siya magtrabaho sa harap ng mga taong may kapangyarihan. Nagpaalam na ako sa kanya , Pumara ako ng taxi at habang papasok ako sa loob ng taxi iniisip ko kung ano ang dapat isuot mamaya. Kahit pa wala akong masyadong interes sa mga event na to, kailangan ko pa ring magmukhang presentable. Napabuntong-hininga ako. Ito na naman. Isa na namang gabi kasama si Aziel na puno ng kalokohan at pilyong ngiti. Wala akong idea kung ano na namang kahibangan ang mangyayari mamaya, pero isa lang ang sigurado ko: hindi magiging boring. ********** Pagdating namin ni Aziel sa event, hindi ko mapigilang mapansin ang engrandeng set-up ng auction. Halatang hindi basta-basta ang mga taong nandito. Mula sa malalaking chandelier na nakasabit sa ceiling hanggang sa mamahaling wine na inaalok ng mga waiter, parang lahat ng bagay dito ay sinadya para iparamdam na bigatin ang bawat taong pumapasok. Napapailing ako sa isip ko, at napatanong kung anong napasukan ko. "Ready ka na ba?" tanong ni Aziel habang inaayos ang cufflinks niya, may pilyong ngiti sa labi. Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko alam kung bakit mo ako isinama dito, Aziel. Hindi ko naman forte ang ganito." "Relax lang, Deniz. Enjoy mo lang. Wala kang kailangang isipin kundi magrelax. I’ll take care of everything," sagot niya, sabay abot ng isang number paddle sa kamay ko. Napatitig ako rito, hindi sigurado kung ano ang gagawin ko. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Nakatayo sa tabi ng isang lalaking hindi ko maintindihan kung seryoso ba o naglalaro lang, habang hawak ang paddle na parang para sa isang laro na hindi ko kabisado. Natawa si Aziel nang makita ang gulo sa mukha ko. "Ang cute mo kapag nalilito. Don’t worry, simple lang ‘to. Kapag may nagustuhan ka, itaas mo lang ‘yang number mo at ako na ang bahala." Napanganga ako. "Excuse me? Paano kung magtaas ako sa isang bagay na hindi ko alam na sobrang mahal pala?" Sumandal siya nang kaunti palapit sa akin, at bumulong, "Bibilhin ko para sa’yo, no questions asked." Napalunok ako. Bigla akong nagkaroon ng kabog sa dibdib. "Aziel, hindi ako pwedeng—" "Shh," putol niya sa akin, at hinawakan ang kamay ko, inilapat ito sa dibdib niya. "Huwag mong problemahin ‘yun. Nandito ako. You don’t need to worry about anything tonight. Just enjoy the auction." Gusto kong sumagot, pero parang natuyuan ako ng laway. Sino ba namang normal na tao ang gagawin 'to? Sino ang magbibigay ng ganoong kalaking kapangyarihan sa ibang tao? Ako, na hindi naman sanay sa ganitong mga bagay, bigla nalang magdedesisyon kung anong bibilhin gamit ang pera niya? "Bigatin ka pala, ha?" sabi ko, may halong biro, pero ramdam ang kaba sa dibdib ko. Ngumiti siya at tumango. "It’s not about the money, Deniz. Gusto ko lang na makita kang nag-eenjoy. Besides, I know what you like." Napatingin ako sa paligid. Ang daming tao—mga business tycoon, mga celebrities, lahat ng kilala sa kani-kanilang larangan. Hindi ko inakalang mag-eenjoy ako dito, pero sa totoo lang, parang may kakaibang excitement sa atmosphere. May mga trays na puno ng champagne at mga mamahaling hors d'oeuvres, mga taong nakangiti at nag-uusap na parang walang problema sa mundo. Pumasok na kami sa auction hall. May malaking stage sa unahan, at bawat tao ay may sariling table na may pangalan. Tiningnan ko ang number paddle ko at napangiti ng konti. Para akong napasali sa isang laro na hindi ko pa alam ang rules, pero game na game si Aziel. "Alam mo bang wala akong kaalam-alam sa auction?" tanong ko sa kanya habang nakaupo na kami. "Exactly, kaya mas magiging exciting 'to para sa’yo," sagot niya, sabay abot ng champagne glass sa akin. "Trust me, this will be fun." Bumuntong-hininga ako. "Ayoko lang mapahiya." Tumawa siya nang mahina. "Hindi ka mapapahiya, I promise." Nagsimula ang auction, at ipinakita ang unang item—a rare painting by a renowned artist. Hindi ko alam ang halaga ng mga ganitong bagay, pero mukhang interesado ang mga tao sa paligid ko. May ilang nagsimula nang magtaas ng kanilang paddles. "Teka lang, Aziel, magkano kaya ‘yan?" tanong ko habang pinapanood ko ang mabilis na pagtaas ng mga presyo. "Doesn’t matter," sagot niya, hindi man lang tumitingin sa painting. "Kung gusto mo, itaas mo lang ang number mo." Napalunok ulit ako. "Hindi ko kailangan ng painting, Aziel." Nagtaas siya ng kilay. "I know. Pero kung may gusto ka mamaya, don’t hesitate." Sunod-sunod ang pag-angat ng presyo. Mula P500,000, umabot na sa P2 million ang bidding. Napapailing na lang ako habang pinapanood ang mga mayayaman na parang walang kahirap-hirap na nagtataas ng kanilang paddles. Pagkatapos ng painting, sunod-sunod na ang mga items—mga rare wines, sculptures, even jewelry. Wala pa rin akong napipili, pero mukhang nag-eenjoy si Aziel na panoorin akong nalilito. "Deniz," bulong niya habang inaabot ang braso ko. "Hindi ka pa nagtaas ng paddle mo. Wala ka bang nagugustuhan?" Napangiti ako nang matamlay. "Hindi ko alam kung paano ko pipiliin ‘yung gusto ko. Everything seems too extravagant for me." Napahagikhik siya. "That’s the point. Gusto ko ng something extravagant for you." Bumaling ako sa screen kung saan ipinapakita ang susunod na item—isang diamond necklace na kumikislap sa ilaw ng stage. Ang ganda, pero parang masyadong engrande para sa akin. Biglang tumahimik si Aziel at sinabihan akong tumingin sa screen. "Tignan mo ‘yan," sabi niya, seryoso ang tono. "That would look perfect on you." Natawa ako nang mahina. "Aziel, you’re exaggerating." "I’m not," sagot niya, this time mas seryoso. "Raise your paddle if you want it." Parang automatic na gumalaw ang kamay ko, pero bago pa man umangat ang paddle ko, pinigil ko ang sarili ko. "Hindi ko kailangan ng ganito. Hindi ko kailangang gumas—" Hindi pa ako tapos magsalita nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at itinulak ng bahagya ang paddle ko sa ere. "Ngayon, meron ka na." Napatingin ako sa kanya nang may halong gulat at hiya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit. "Aziel, bakit mo ginawa ‘yun?" Ngumiti siya nang malalim, na parang wala lang. "Sabi ko naman, I’ll take care of it. You just need to enjoy the night." "Pero Aziel, this is too much!" "Wala ‘yan sa akin, Deniz. I told you, I want to see you happy." Nagsalubong ang mga mata namin, at bigla akong napahinto. Sa mga oras na iyon, parang hindi na ito tungkol sa mga bagay na nakikita ko sa paligid. Parang mas malalim pa. Tahimik lang akong napaupo, hinayaan ang auction na magpatuloy. Pero sa likod ng isip ko, iba na ang takbo ng mga bagay-bagay. This wasn’t just an ordinary night anymore. ********* Pagkatapos ng auction, mabilis na napuno ng mga tao ang paligid ni Aziel. Mga kilalang business tycoon at executive ang lumapit sa kanya, lahat mukhang may gustong makuha sa kanya. Napansin ko kung paano nagbago ang atmosphere sa paligid namin—hindi na ito ‘yung relaxed vibe kanina. Parang bigla akong napunta sa gitna ng battlefield, kung saan ang bawat salita at kilos ay may pinaghahawakan. "Aziel, old friend! Long time no see!" sabi ng isang lalaking may suot na custom-made na suit, habang iniabot ang kamay niya kay Aziel. Matangkad, may edad na, pero halatang hindi bumibitaw sa pagpapakinis ng itsura niya. "George, it’s been a while," sagot ni Aziel, sabay ngiti at pakikipagkamay. Pero kahit may ngiti siya, kita ko sa mata niya na alerto siya sa paligid. Alam niyang hindi lang simpleng kamustahan ang paglapit ng mga tao rito. "Nandito ka pa pala sa pilipinas kailan balik mo sa London?" tanong ni George, sabay tingin sa akin. "And sino naman itong kasama mo?" Napansin kong mabilis niyang sinukat ako mula ulo hanggang paa, na parang hinuhusgahan niya kung may halaga ba akong makipagsabayan sa mga taong nandito. "This is Deniz," sagot ni Aziel, kaswal lang ang tono, pero ramdam ko ang bahagyang diin sa pangalan ko. "She’s with me." Iyon lang, pero sapat na para tumahimik si George. Nagpalit agad siya ng ngiti at bumaling ulit kay Aziel. "Well, it’s good to see you. We should catch up sometime soon. May mga bago akong proposals for expansion in Europe. I think you’ll be interested." Nagpalitan sila ng ilang pangiti at tango bago si George ay tumalikod na at sumanib ulit sa ibang grupo. Pero bago pa man ako makapag-react, may isang grupo na namang lumapit. This time, tatlong tao—isang babae at dalawang lalaki. Mukhang mga nasa 30s o early 40s na lahat, at halatang mga bigatin din sa mundo ng negosyo. "Aziel, it’s been so long since we’ve seen you at events like this," sabi ng babae, na nakasuot ng isang sleek, black cocktail dress. "I was starting to think you were avoiding us." "Not at all, Lena," sagot ni Aziel, na may kaunting ngiti pa rin. "I’ve just been busy." "Busy making more money, I’m sure," sabi ng isa sa mga lalaki, na nakatawa habang umiinom ng wine. "I’ve heard about your latest acquisitions. Everyone’s talking about it. Kahit saan ka ata mapunta, puro pera ang nagiging usapan." Napatingin ako kay Aziel, at mukhang hindi niya iyon ikinagulat. Sanay na sanay na siyang marinig ang mga ganitong komento. Pero hindi siya nagpapatalo sa mga ganitong bagay. "Hindi mo naman masisisi ang mga tao, Hugh," sagot ni Aziel, na parang nagbibiro pero may bigat sa boses. "Kapag may mga oportunidad, you take them. Isn’t that the game?" Tumawa si Hugh at tinaas ang baso niya. "To making more money, then!" Pero habang nagsisimula nang mag-usap sina Aziel at ang mga kasama niya, napansin kong may isa pang lalaking palapit. Mas matanda kaysa sa karamihan, pero halatang may respeto ang lahat sa kanya. Tumahimik bigla ang grupo paglapit niya, at kahit si Aziel ay bahagyang nagbago ang posture. "Mr. Sterling," bati ni Aziel, na may kaunting paggalang sa tono. "I didn’t expect to see you here tonight." Ngumiti si Mr. Sterling, na halatang sanay na sa atensyon. "Well, I don’t often attend these events anymore, but I heard you were coming. I thought I’d see for myself how the young prodigy is doing." Narinig ko ang konting sarcasm sa boses ni Sterling, pero mukhang walang ibang napansin. Ngumiti lang si Aziel at binigyan siya ng respectful nod. "I’m just here to enjoy the evening," sagot ni Aziel, na parang hindi naapektuhan sa bahagyang paghamon ni Sterling. "It’s always nice to see familiar faces." Nag-usap sila nang kaunti tungkol sa mga lumang negosyo at proyekto, habang ako naman ay tahimik na nakikinig. Alam kong wala akong alam sa mga ganitong usapan, kaya mas pinili ko na lang na obserbahan kung paano makipaglaro si Aziel sa mga bigating tao. Hindi nagtagal ay sumali na rin ang iba pang mga business tycoon sa usapan. Isa-isang lumalapit ang mga kilalang pangalan sa corporate world, bawat isa may kanya-kanyang agenda, pero halata sa mga mata nila na gustong-gusto nilang mapalapit kay Aziel. Bawat tao na lumalapit ay may kanya-kanyang tanong, investment proposals, at mga plano na ipinipilit kay Aziel, pero siya naman, kalmado lang na sinasagot ang mga ito na parang sanay na sanay na sa ganitong uri ng pressure. "Aziel, I heard you’re planning something big in the tech industry," sabi ng isang kalbo at malusog na lalaki na halatang may posisyon sa isang tech company. "Care to share what it is?" Ngumiti lang si Aziel at umiling. "Nothing’s concrete yet. We’re still in the planning phase." "Come on," sabat ng isa pang babae na nakasuot ng kulay pulang damit. "You can’t just leave us hanging like that. Give us a hint at least." "All in good time," sagot ni Aziel, sabay ngiti. "Patience is key." Natawa ang mga tao, pero halata ang pagka-intriga nila. Alam nilang may alam si Aziel na hindi niya basta-basta isinasapubliko, at gusto nilang makuha ang impormasyon na iyon. Pero masyado siyang magaling maglaro—alam niya kung paano magbigay ng sapat para mapanatili ang atensyon nila, pero hindi sapat para ipakita ang lahat ng baraha niya. Habang nag-uusap sila, lumapit sa akin ang isang babae, si Lena, na nakipag-usap kay Aziel kanina. "So, Deniz, how did you meet Aziel?" Nagulat ako sa tanong niya, pero agad akong ngumiti. "Ah, matagal na kaming magkakilala. Hindi ko inakala na dadalhin niya ako sa ganitong event." "Hmm, lucky girl," sabi niya, pero parang may halong inggit sa boses niya. "Aziel rarely brings someone with him to these kinds of events. You must be special." Napangiti ako, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin. "I don’t think it’s about being special. I think he just wanted company." Nagpalitan kami ng mga ngiti, pero halatang may gusto siyang sabihin na hindi niya matuwid. Bago pa ako makasagot, lumapit na si Aziel at inakbayan ako. "Deniz, we’re about to leave," sabi niya, tila nagsesenyas na tapos na ang event para sa amin. "Leaving so soon?" tanong ni Lena, na halatang ayaw pa kaming paalisin. Ngumiti si Aziel. "We’ve had a long night. But I’ll see you at the next one, Lena." Nagpaalam na kami, at habang papalabas kami ng venue, hindi ko mapigilang mapansin ang bigat ng mga matang nakatingin sa amin. Alam kong hindi basta-basta ang pagiging kasama ni Aziel, pero ngayong naramdaman ko ang inggit at intriga ng mga tao, mas napagtanto ko kung gaano siya kahalaga sa mundo ng mga negosyante. Nang makalabas kami ng venue, huminga ako nang malalim. "Grabe, Aziel. Hindi ko akalaing ganito pala ka-intense ang mundo mo." Tumawa siya at hinawakan ako sa kamay. "Sanay na ako sa kanila. Huwag mo nang isipin ‘yun. Gusto ko lang na mag-enjoy ka tonight." Napatingin ako sa kanya at napangiti. Sa kabila ng lahat ng atensyon at intriga, sa gabing ito, ako lang ang pinagtuunan niya ng pansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD