CHAPTER 17

2349 Words
DENIZ P.O.V Tatlong araw na ang nakalipas simula noong nangyari sa amin ni Aziel, at sa mismong bahay niya rin ako umuuwi. Parang panaginip pa rin ang lahat, pero totoo ito—isang lihim na hindi namin dapat ipaalam sa iba. Mula sa mga oras na magkasama kami, hanggang sa mga sandaling kami’y nagkakasalubong sa opisina, kailangan naming magpanggap na parang walang nangyari, na parang wala kaming itinatago. Mahirap, pero kailangan. Ngayon, sabay kaming papasok sa kompanya. Nasa kotse niya ako, nakaupo sa passenger seat habang nagda-drive siya. Hindi ko mapigilang mapaisip—paano kung may makakita sa amin? Paano kung malaman ng ibang tao? Hindi kami puwedeng mahuli. Hindi ako puwedeng mahuli. Kasal ako kay Oliver, at may mga plano pa akong dapat ayusin bago ako tuluyang makawala. Habang nasa byahe kami, nagsalita si Aziel, “Sigurado ka bang ayaw mong sabay tayong pumasok? Hindi naman nila malalaman.” Umiling ako. "No, Aziel. Mas mabuti nang wala silang kahit anong clue. Please, ibaba mo ako ng malayo sa building. I don’t want anyone to get suspicious." Napa-sigh siya, pero sinunod ang gusto ko. Hindi ako hinintay na magbago ng isip at mabilis akong bumaba ng kotse, tumakbo palayo, papunta sa company building. Ramdam ko ang tingin niya sa likod ko, pero hindi ako lumingon. Kailangan kong panindigan ito—hindi puwedeng mahalata ng kahit sino. Pagdating ko sa entrance, binati ako agad ng mga co-workers ko, pati na ng guard. "Good morning, Ma’am Deniz!" bati ng guard sabay ngiti. Tumango lang ako at ngumiti ng pormal, pilit na hindi nagpapahalata ng anumang kakaiba. Nagpatuloy ako papasok, pero hindi muna ako dumiretso sa opisina ko. May kailangan akong tingnan sa marketing department bago pa ako mag-umpisa sa araw ko. Pagkarating ko doon, abala na agad ang lahat sa trabaho. Nakita ko si Liza, isa sa mga senior marketing officers, na nakatayo malapit sa desk niya at may kausap sa phone. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Liza, everything okay here?" Bumitiw siya sa telepono saglit at tumango. "Yes, Ma’am, we’re just finishing up the proposal for the new campaign. Medyo tight lang ang deadline, but we’re handling it." "Good," sabi ko habang tinitingnan ang mga papel sa mesa niya. "Make sure na walang kahit anong detail na mamimiss. I want everything perfect, okay?" "Of course, Ma’am. Don’t worry, we’ve got it under control." Naglakad ako papunta sa iba pang empleyado, tinitingnan kung ano ang ginagawa nila. Naisip ko na makipag-usap sa ilan sa kanila para siguraduhing maayos ang trabaho. "Mark, how’s the graphic designs coming along?" tanong ko kay Mark, isa sa mga designers namin, habang nakaupo siya sa harap ng computer niya. Tumango siya at nagpakita ng ilang design sa screen. "Ma’am, ito po yung draft. Gusto nyo pong makita lahat ng options?" Tiningnan ko ang screen, at kahit na abala ang isip ko sa iba, sinubukan kong mag-focus. "I think this one looks good, but make sure na hindi masyadong over the top. We want something clean and professional." "Noted po, Ma’am Deniz." Nagpatuloy ako sa pag-ikot, at habang abala ako sa pagtingin sa bawat detalye ng trabaho nila, naramdaman ko ang biglang pagbabago sa aking pakiramdam. May mali. Hinawakan ko ang ID na nakasabit sa leeg ko at tiningnan ito. Halos mabitawan ko ito sa pagkagulat. Hindi ko suot ang ID ko—suot ko ang ID ni Aziel. Napamura ako sa isipan ko at dali-daling hinubad iyon, tumingin-tingin sa paligid para siguraduhin na walang nakapansin. Damn it, napasabi ako sa isip ko. Paano ko ba nagawang makipagpalit ng ID kay Aziel? Sana lang talaga walang nakakita. Napatigil ako at umupo sa isang bakanteng mesa, huminga ng malalim. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kung sakaling may nakapansin. Iniisip ko ang mga posibleng scenario kung sakaling may nagtanong tungkol dito. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Carla, isa sa mga marketing assistants namin. "Ma’am Deniz, okay ka lang ba? Parang namumutla ka?" Napangiti ako, pilit na tinatago ang kaba. "I’m fine, Carla. Medyo na-stress lang siguro. Just make sure everything’s ready for the meeting later, okay?" "Yes, Ma’am. Noted po," sagot niya, bago bumalik sa ginagawa niya. Sa loob-loob ko, hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. Paano ko nga ba nagawang magkapalit kami ng ID ni Aziel? Kung hindi ko agad nakita, malamang may magtataka na kung bakit suot ko ang ID ng CEO. Ang hirap magpaliwanag ng mga ganitong bagay. Hindi ko mapigilang mapaisip kung tama ba talaga ang ginagawa namin ni Aziel. Tatlong araw na ang nakalipas mula noong magsimula ang lahat, at bawat oras na magkasama kami, para bang nadadagdagan ang bigat ng sekretong itinatago namin. Paano kung malaman ng iba? Paano kung may makahalata? Ramdam ko ang pag-aalala ko na para bang pabigat nang pabigat habang iniisip ko ang lahat ng maaaring mangyari. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin kayang pigilan ang sarili ko. Hindi ko kayang tigilan si Aziel. Lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami. Alam kong mali, pero hindi ko alam kung paano ititigil ang lahat ng ito. Pagkatapos ng ilang minutong pag-upo, tumayo ako at nagpasya na bumalik na sa opisina ko. Kailangan kong mag-focus. May trabaho akong dapat tapusin, at hindi ako puwedeng mawala sa sarili ko ng dahil lang sa mga nangyayari sa amin ni Aziel. Pagdating ko sa opisina, sinarado ko agad ang pinto at umupo sa swivel chair ko. Kinuha ko ang telepono at tinawagan si Aziel. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinatawagan, pero kailangan ko siyang kausapin. Sumagot siya sa pangatlong ring. "Yes?" "Aziel," bulong ko, pilit na kinakalma ang boses ko. "Nagkapalit tayo ng ID." Natawa siya sa kabilang linya. "You just realized that now?" "Aziel, this isn’t funny," sabi ko, halatang iritado. "What if someone saw it?" "Relax, Deniz. No one will notice. And even if they did, they wouldn’t think much of it. Just give it back later." Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "You’re too calm about this." "Because I trust you to handle it," sagot niya. "Now, stop worrying. We’ll talk about it later." Hindi na ako sumagot. Pagkababa ng telepono, napa-isip ako. Kailangan ko nang mag-ingat. Hindi ako puwedeng magkamali. Sa oras na may makahalata, hindi lang trabaho ko ang mawawala—baka pati ang buhay ko kasama si Oliver, ang mga plano ko, ang lahat. *********** Dumating na ang oras ng meeting ng marketing department, at lahat ng mga senior officers ay naroon na sa conference room. Tahimik lang akong pumasok, at hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. Alam kong nandito rin si Aziel, at parang gusto kong itago na lang ang sarili ko para hindi siya makapagbitaw ng kahit anong pilyong komento. Nakita ko siya sa pinaka-dulo ng mesa, relax na relax. Nakaupo siya doon na parang wala siyang iniisip na iba kundi ang trabaho. Pero alam kong hindi totoo ‘yon. Alam kong may mga bagay na naglalaro sa isip niya na hindi pwedeng malaman ng kahit sino sa mga tao dito. Nakaupo ako sa gilid, medyo malapit sa gitna ng mesa, at sinubukan kong iwasan ang mga mata niyang palaging parang may ibig sabihin kapag tumitingin sa akin. Bago magsimula ang meeting, naglabasan na ang lahat ng mga laptop. Kailangan kasi namin itong buksan para sa mga presentation at reports. Sabay-sabay kaming nagbukas ng aming mga laptop, at nang mabuksan ko ang akin, agad akong napabalikwas at biglaang isinara ito. “s**t,” bulong ko sa sarili ko. Laptop ni Aziel ang nasa akin! Agad kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa, at tumingin ako sa kanya ng matalim. Nagulat siya ng kaunti pero halatang sinusubukan niyang itago ang ngisi sa kanyang mukha. “Anong problema?” mahinang tanong niya habang tinitingnan ako, kunwari walang alam. Napamura ako ulit sa isipan ko. Damn it, Aziel! Ano na naman ito? Binuksan ko ang laptop niya at tumambad sa akin ang wallpaper ko na naka-sexy dress. Nakakahiya. Hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng ganitong picture, pero halatang paborito niya iyon dahil ginawa niyang wallpaper! Samantalang sa laptop niya naman na nasa akin, siya ang nasa wallpaper—naka-topless pa! Pinagpawisan ako nang malamig. Naguguluhan ako kung paano nangyari ito, at lalong naguguluhan kung paano ko itatama nang hindi nahahalata ng mga tao sa paligid. Si Aziel? He's completely unbothered. Nakaupo lang siya roon, nakangiti pa rin. Parang wala siyang pakialam sa mundo habang ini-enjoy ang kalokohang ginawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin, pero ngumisi lang siya nang mas malaki. Halatang natutuwa sa nangyayari. This tricky man. “Deniz, okay ka lang ba?” tanong ni Liza mula sa kabila ng mesa. Napatingin ako sa kanya, pilit na inaayos ang mukha ko na huwag magmukhang tense. “Parang hindi ka okay?” “Oh, I’m fine,” pilit kong ngiti. “Medyo… napagod lang.” Sinubukan kong magmukhang kalmado, pero ang totoo, kinakabahan ako sa buong sitwasyon. Tinapik ni Aziel ang laptop sa harap niya at mahinang nagsalita, “Baka gusto mong ipagpalit ulit ‘yung laptop natin.” Tumingin ako sa kanya, at sa ilalim ng mesa, tinadyakan ko ulit ang paa niya. “Tumigil ka nga,” bulong ko. “Relax ka lang,” tugon niya na may ngiti pa rin sa kanyang mukha. “Nobody noticed.” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kanya. He’s so confident, parang walang mali sa ginawa niya. Pero ako? I was freaking out inside. Nag-adjust ako sa upuan ko at pilit kong binuksan ulit ang laptop, this time, pinilit kong hindi alalahanin ‘yung nakakahiya kong wallpaper. Alam ko na kailangan kong mag-focus sa meeting. “Okay, everyone, let’s start,” sabi ko, pilit na binabalik ang aking professional tone. I signaled to the team na simulan na ang presentation. “Liza, can you give us the overview of the campaign proposal?” Liza, who was seated across from me, stood up and connected her laptop to the projector. She began discussing the latest marketing proposal, which involved a major product launch. I tried to focus on what she was saying, but every time I glanced at Aziel, nakikita kong nakatitig lang siya sa akin na parang naaaliw sa nangyayari. “Deniz?” biglang tanong ni Mark, isa sa mga creative directors namin, habang nagdidiscuss si Liza. “What do you think about the design layout for the campaign?” Napakunot ang noo ko, medyo nagulat sa biglaang tanong. Tumingin ako sa screen, at nakita ko ang draft ng design na pinapakita niya. “Oh, um, I think it looks good, but maybe we can simplify it a bit more? Baka masyadong cluttered ‘yung visuals,” sabi ko, pilit na tinutulungan ang sarili kong mag-focus. Sumang-ayon si Mark at nagsulat ng notes. “Got it. We’ll clean it up a bit.” Habang nagpapatuloy ang meeting, sinubukan kong huwag pansinin si Aziel, pero napakahirap. Alam kong nag-eenjoy siya sa sitwasyon, lalo na tuwing tinitingnan ko siya ng masama. Sa kalagitnaan ng discussion, bigla siyang nagsalita. “I think we should also consider revisiting the target market for this product. Based on the latest data, it looks like we might be missing a significant portion of the younger demographic.” Nagulat ako. Usually, si Aziel ay hindi basta-basta pumapasok sa mga ganitong discussions. He’s more of an overseer, someone who trusts the team to handle the details. But today, mukhang gusto niyang makisali. Tumingin ang lahat sa kanya, impressed na may input siya. “Hmm, that’s a good point,” sabi ni Liza, nagulat din sa input ni Aziel. “We’ll review the data and see if there are any adjustments we can make to the strategy.” Aziel nodded, looking satisfied with the response. Alam kong ginagawa niya ito para lang dagdagan pa ang saya niya. Gusto niyang ipakita sa akin na kontrolado niya ang sitwasyon. Na kahit anong gawin ko, siya pa rin ang may hawak ng mga baraha. Tinapik ko ang mesa, para hindi na lumayo pa ang usapan. “Alright, let’s move forward with the rest of the agenda. We’ll make sure all of these revisions are included in the final draft before the presentation next week.” Nagsimula nang magsalita ulit si Liza, at pinilit kong mag-concentrate, pero hindi ko mapigilang mapaisip sa sitwasyong ito. Gusto kong maayos agad ang mga laptop namin ni Aziel, pero hindi ko pwedeng gawin iyon sa harap ng lahat. Kailangan kong hintayin matapos ang meeting bago ako makahanap ng paraan. Habang nagdidiscuss pa rin si Liza, bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Agad kong kinuha ito at nakita ang text ni Aziel: “Do you miss me already? 😉” Napakagat ako sa labi ko, pilit na hindi matawa. Tiningnan ko siya ng masama, pero patuloy lang siyang ngumiti na parang walang alam. Inignore ko ang message niya at sinubukan kong mag-focus ulit. Pagkatapos ng ilang minuto, natapos din ang meeting. Isa-isa nang nagsilabasan ang mga empleyado, pero ako, naiwan sa conference room para makausap si Aziel. Agad ko siyang hinarap. “Ano bang trip mo, Aziel? Bakit tayo nagkapalit ng laptop?” Ngumiti lang siya habang inaayos ang mga gamit niya. “Accident lang, Deniz. Don’t make such a big deal out of it.” “Big deal? You put my sexy photo as your wallpaper! What if someone saw it?” Napangiti siya ng mas malaki. “Well, it’s not like I mind looking at it.” Napairap ako sa kanya, pero deep inside, alam kong nahihiya ako. “Next time, make sure na hindi na mangyayari ‘to ulit. Hindi ako pwede ma-involve sa ganitong kalokohan.” “I’ll keep that in mind,” sagot niya, at ngumiti ulit na parang wala lang. Tumalikod ako at lumabas ng conference room, bitbit ang laptop ko. Sa loob-loob ko, hindi ko alam kung paano pa namin mapapanatiling lihim ang relasyon namin kung patuloy siyang gumagawa ng mga ganitong kalokohan. Pero isang bagay ang sigurado—hindi ko siya matatakasan nang ganun kadali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD