DENIZ P.O.V Pagpasok ko pa lang sa opisina ni Aziel, ramdam ko agad ang init ng tanghali, pero mas ramdam ko ang bigat ng mga iniisip ko. Kailangan ko ng pahinga, pero higit pa roon, kailangan ko ng solusyon sa mga problema ko. Binuksan ko ang pinto nang tahimik at nakita kong abala si Aziel, nakayuko sa isang pile ng mga papeles na tila ba hindi pa tapos mula noong huli akong narito. Kumikislap ang kanyang mga mata habang seryosong tumututok sa bawat detalye ng mga dokumento. Huminga ako nang malalim bago ko isara ang pinto. Hindi man niya ako agad napansin, naramdaman kong parang lumuwag ang mundo ko sa sandaling iyon. Si Aziel lang kasi ang taong nagbibigay sa akin ng tunay na pahinga, kahit pa napapaligiran kami ng trabaho at mga problema. Pag angat ng kanyang ulo, tumama ang mga ma