Chapter 01
Pauwi siya galing sa pinapasukang paaralan sa bayan ang Julio Ledesma National High School isa itong pam-publikong paaralan na sinusunod sa pangalan ng kanilang kongresista na kung tawagin ng lahat Congressman Jules. Ito ang nagpagawa ng paaralan.
Sobrang laking tulong ito sa katulad niyang kapos sa pera na hindi kayang paaralin ng magulang sa isang private school , kung hindi nagtayo ang kanilang butihing Congressman ng isang public school lahat ng mahihirap na tao sa lugar nila ay maging mahirap na lang hanggang sa huli.
Graduating na siya sa taong iyon at iyon din ang pagdating ng kanyang ate na nagtra-trabaho sa Maynila. At ang ate rin niya ang tumutulong sa kanilang gastusin sa bahay maging sa kanyang pag -aaral.
Libre naman ang mga libro na ginagamit sa school nila pero ang baon araw araw iyon ang naging problema nila at mga project sa school kaya laking tulong ang ginawa ng ate niya.
Walo talaga kaming magkakapatid pero lima ang pinalad na mabuhay dahil sa hirap ng buhay . Hindi man lang nakakapag pacheck up ang Mama niya sa doctor habang buntis ito. May tatlong babae at dalawang lalaki , pang apat ako at ang ate ko ang pangalawa pero ako ang naging pangalawa at ang ate ko ang naging panganay.
Kaya nasa kanya ang may malaking responsibilidad sa pamilya . Kelangan n'ya gampanan ang pagiging panganay na maging pangalawa naming magulang.
Pagbaba pa lang niya sa tricycle na sinasakyan niya, nakita na siya agad ng pinsan niya at binalita na dumating na ang ate niya.
Masayang masaya siya dahil sa tatlong taon itong nalayo sa kanila makikita niya na rin ito sa wakas.
Sa sobrang excited niya tinakbo niya na ang pauwi sa bahay nila na may kalayuan ito mula sa babaan ng sasakyan.
Binabagtas niya ang paakyat papunta at tumawid sa isang ilog , di alintana na maari siyang mabasa sa pagtawid dito.
Nasa liblib na lugar talaga ang kinaroronan ng bahay nila at pahirapan din sa pagpasok sa paaralan. Mas mahirap kung tag-ulan lahat danasin mo madulas at maputik na kalsada, baha sa ilog. Pagbaba mo ng bahay makitid lang na daan ang daanan mo.
Sobrang napakahirap ang sitwasyon nila sa lugar nila.
Pero may kasabihan nga na Kung May Tiyaga May Nilaga"
Pagdating ko sa bahay nakita ko kaagad ang ate ko sa loob ng aming maliit na sala.
Hindi ako nakakakibo at natulala lang ako dahil sa pagod at sa layo ng aking tinakbo mula sa babaan ng tricycle.
Natauhan lang ako ng yakapin ako ng ate ko.
Ang ganda niya sa paningin ko at pumuti talaga ng husto. Dalagang- dalaga na ang ate ko at ang gaganda ng suot niyang damit .
Nakaramdan ako ng panlilit at sinilip ang basa kung uniform , nabasa ito sa pagtawid ko sa ilog pauwi.
Maya-maya ay kumalas sa pagyakap sakin ang ate. At inutusan akong umakyat para makapag palit ng damit pambahay.
Nagtatakbo na ako paakyat sa hagdanan papunta sa kawarto naming magkakapatid .
May dalawang kwarto lang ang aming bahay,sama-sama kaming magkakapatid sa iisang kwarto at iisa pang silid ay ang silid ng aming mga magulang.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na rin ka-agad ako.Naabutan ko nagkasayan ang lahat pati ang tatlo ko pang kapatid na kakauwi lang din sa paaralan, doon sa pagtawid ng ilog iyong ang paaralan ng elementarya
To be continued...