The decision was made...

481 Words
Chapter 02 Pagkababa ko sa aming sala nadatnan ko nagkasayan ang lahat at dumating na rin ang tatlong ko pang nakababatang mga kapatid na kauuwi lang galing sa pinapasukang elementarya ang Nabataan Elementary School makarating ka doon kelangan mo tawirin ang nag-iisang may kahabaang ilog sa lugar namin. Lahat talaga sa'min ay tiyagaan kung gusto mo'ng maka- pagtapos at hindi ka lumaking walang pinag-aralan. Nakikita ko'ng masayang -masaya ang mga kapatid ko na pinaghahalungkat ang mga dalang pasalubong ng ate, nariyan ang lata ng biskwit hindi talaga ito mawawala kapag ang isang tao ay galing Maynila. Naging tradisyon na ata ng mga taga probinsya na galing Maynila ang mag- uwi ng biskwit na nasa lata. Na kapag nasa medyo may kaya ka sa buhay itong biskwit ang inihanda lamang sa lamay ng patay. Pero para sa amin na mahirap napaka laking bagay na ito sa amin. Katumbas na ito ng imported na chocolate. Hindi rin nawawala ang shampoo na iba-ibang flavor, lotion na iba-iba rin ang laki at flavor. Kape na nasa garapon at mga damit ng mga kapatid ko pati na rin sa Mama't Papa namin.Mga de lata na ulam. Kanya- kanya na silang bitbit ng mga pasalubong. Ako kahit walang pasalubong ang importante ay magkita kaming magpamilya bunos na lang kung merun. Masayang naghapunan kaming lahat lalo dumating rin ang isang kapatid ng Mama ko kasama ang abuela namin na kapitbahay lang din naman namin ang mga ito. Kahit ang ulam ay di ganoon ka espesyal fresh miki na sinabawan ito na hinaluan ng ilang lata ng sardinas . Mayaman na ang pakiramdam namin sa ganu'ng ulam madalas lang kasi ulam namin ay gulay na sariling tanim ng Papa namin sa bukid. Habang kumakain ay napag-uusapan ang pagbalik ng ate ko sa kanyang trabaho sa Maynila. Narinig ko na sabi ng aking Mama na kung tapos na ako sa aking pag-aaral ng high school kelangan ko na ring magtrabaho . Isang linggo na lamang ay magtatapos na ako sa sekondarya. Kaya napagpasyahan ng ate ko na isama na ako pagluwas niya ulit ng Maynila. Ako naman ay excited na din na sumama , makakaapak na ako sa ibang lugar. Gusto ko nang hatakin ang araw upang mapabilis ang paglipas nito. Wala akong ibang iniisip kundi ang makalayo na sa wakas sa aming bahay at magkaroon na ako nang sarili kong pera. Pero nangamba rin ako baka mahirap ang trabaho. Wala akong alam na gawain sa bahay kung sa bahay man ako magtra-trabaho. Pero bahala na ang importante makaalis ako ,saka ko na iisipin kunga anong mangyari sa akin pagdating sa Maynila. Natapos na ang hapunan at nagsipag uwian na rin ang aming tiyahin at abuela. Pagkatapos magligpit sa kusina. Sinabi ko na agad sa ate ko ang aking pasyang sumama sa kanya sa Maynila at natuwa naman siya. Kinabukasan pumasok ako ng maaga sa school . To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD