Siya si Jamillah Elisa pero tinatawag siya sa kanyang palayaw na Elisa .
Isang babae na palaban , may paninindigan, madiskarte, may puso sa karapat dapst at matapang sa lahat ng hamon ng buhay.
Lumaki siya sa pagmamalupit ng kanyan Mama bata pa lang s'ya poro pasakit na ang kanyang inabot mula dito.
Na ang sabi ng kanyang mama siya lamang ay dinisiplina nito pero para sa kanya ay di makatarungan dahil sa murang edad niya.
Kaya lumaki siya na mailap sa lahat at walang pinagkatiwalaang iba kundi sarili niya lang.
Walang naging kaibigan , kung mgkaroon man siya ng kaibigan ang gusto niya ay ang kapareho niya ng ugali, ayaw niya na siya ang mag adjust dito.
Ayaw niya sa kaibiga ang iyakin , ayaw niya na nananakit sa kanya ( galit na galit siya alam ng ate niya) at higit sa lahat ayaw niya poro paglalandi at pinag-uusapan panay lalaki.
Pero hindi siya tomboy , babae talaga ang kabyang puso
Nangagarap din siya na magkaroon ng kanyang sariling pamilya pero ibahin niya,hindi niya itutulad sa kinalakihan niyang pamilya lalo di niya palakihin sa palo ang magiging anak niya.
Pero kahit ganoon ang ugali pagdating sa mga bata lumalambot siya at iyon ang kahinaan ni Elisa lalo na sa mga bata na palaboy sa kalye at mga bata na inaabuso ng magulang.
Naaalala niya kasi ang kanyang sinapit sa kamay ng kanyang Mama noong bata pa siya na palagi siyang binubugbog.
Ang mga bata para sa kanya ay may kalayaan rin sa paglalaro na iyan ang katuwaan ng isang bata. Hindi ka Isaak sa mga gawain na para lamang sa mga matatanda na.
Pinangangako niya sa kanyang sarili na pag lumaki na siya hindi s'ya maging mahina, at kung maari nga lang sana gusto niya na maging lalaki ,kasi ang babae simbolo ng kahinaan , umaasa at walang sariling desisyon.
Pero gusto niya na maiba at ibahin niya talaga para mapatunayan niya sa pamilya lalo na sa Mama niya na hindi lahat ng babae ay mahihina.
At dito nag uumpisa ang kanyang pakikipagsapalaran .
Magbago kaya ang pananaw niya sa buhay ?
May mahanap kaya siyang mga tao na magpabago sa kanyang sarili at magkakaroon siya ng tiwala sa iba?
May mahanap kaya siyang lalaki na kanyang makatuwang sa buhay at kanyang mamahalin at mamahalin din siya nito?
dahil mailap siya sa mga lalaki.