Started with this...

322 Words
Prologue Dumating ang ate ko galing Maynila kung saan siya nagtra-trabaho ng tatlong taon. Napagpasyahan kong sumama pagbalik niya roon . Masayang masaya ako at ini-imagine ko na lalayo na ako sa probinsya ko kung saan ako lumaki at nagtapos ng sekondarya sa isang pam-publikong paaralan sa bayan at makakapunta na sa lugar kung saan pina-pangarap ng lahat ng kababaihan sa lugar nila. Ang Maynila daw kasi ang lugar kung saan magbabago ang buhay ang lahat ng aapak dito, Gusto niya ring maranasan ito. Magbabago ang buhay at iyon ang gusto niyang mangyari rin sa kanya. Malayo sa malupit niyang Mama. San Carlos ang pangalan ng kanilang lugar. Pero tanyag ang Bacolod City dahil ito ang Capital sa Negros Occidental kung saan isa rin ang lugar nila na sakop nito. Kung nasa Maynila na siya, ano kaya maging hitsura niya? isa iyan sa mga tanong na pumapasok sa utak niya. Kahit morena siya pero makinis ang balat niya, biniyayaan din siya na may katangkarang height 5'6 sa edad niyang labing anim ,may balingkinitang pangangatawan at sabi ng tita niya siya daw ay sexy. Hindi nga lang ito nakikita nang iba dahil maluluwag ang mga damit na kanyang sinusuot. May maamong mukha dahil may lahing Español ang kanyang Mama at Papa niya , may matangos na ilong. Naalala niya noon kinukuha siya maging entertainer at dalhin siya sa Japan. Pero ayaw ng Papa niya at dilikado ang lugar na iyon ayon sa kanyang Papa. Nagandahan sa akin iyong recruiter , payat daw ako at matangkad. Pasado raw ako sa mga Hapon, sabi pa nito. Kaya raw paputiin ang kulay ko kung papayag ang Papa ko, si Mama ay napapayag na nila pero ang problema ang Papa ko kasi ayaw talaga. Walang nagawa ang recruiter kaya ang pinsan kong si Sheila ang naisama nila para sa training. Matangkad rin ito at maganda talaga, may hawig ito sa artistang si Gretchen Barreto. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD