The Clearance...

470 Words
Chapter 03 Tinapos ko ang aking clearance sa araw na iyon para wala na akong ibang isipin pa. Hindi ako nag-aksaya ng oras , ganoon ako sa lahat gusto ko laging pulido ang mga ginagawa ko. Mga classmate ko patambay tambay lang, gusto daw nila munang mag-relax . Nasa faculty ako at hinahanap ko ang guidance counselor namin last na signature na lng iyon para cleared na ako at ibalik ko na sa adviser ko ang aking clearance. Ilang minuto akong naghintay sa labas ng kanyang opisina maya- maya dumating din ito. "Good afternoon po Miss Arañez," May galang ko'ng pagbati dito , l Matandang dalaga si Miss Arañez nasa 30 plus siguro ang edad. Matangkad, maputi at may balingkinitang katawan. Nakapagtaka nga kung bakit hindi siya nag- asawa na sa tingin ko nasa kanya na ang lahat ,iyon nga lang mukhang masungit si Miss Arañez hindi ko man lang nakitaan na tumawa ito sa apat na taon kung nag-aaral sa paaralang ito. Palaging seryoso ito. Values Education ang subject na hawak nito. Kaya siya rin 'yung aming guidance counselor. "Good afternoon, too.. Miss Silva", "Miss ",sabay ko smile sa kanya at inabot ko ang aking clearance. "Ang aga mo natapos ,ha", sabi nito habang tinigtignan ang aking clearance. "Opo Miss ", sagot ko sa kanya Tinatanong niya ako kung saang school ako mag-kolehiyo. "Miss hindi na po ako makapag- aral sa college ", sagot ko sa kanya "Magtrabaho na daw po ako sa Maynila ," dugtong na sagot ko "Sayang naman kung ganoon, pero ingat ka na lang .. matalino ka naman sana," sabi ulit nito sa akin Pagkatapos nang mga sinabi ni Miss Arañez sa akin nawalan ako ng sasabihin. Tahimik ako at nagpaalam na lalabas na . Binilin pa sa akin na puwede ko na raw ibalik sa adviser namen sa forth year ang clearance ko. Pagkatapos ko ibigay sa adviser ko ang clearance ko umuwi na ako sa bahay. Nilakad ko na lang papuntang sakayan ng tricycle sa may palengke. Medyo may kalayuan rin ito mula sa paaralan may dalawa't kalahating kilometro rin. May sasakyan na man trisikad ang tawag bisiklita siya na may sidecar kaya tinatawad na trisicad, de padyak kasi ito. Ang galing diba sa naka imbinto nito. Pero masaya naman akong naglalakad mag -isa. Tinitignan ko ang mga gusali na nada-daanan ko. Iniisip ko rin kung aalis ako sa lugar namin kelan kaya ako makakabalik. Nakaka-ramdam ako ng lungkot pero inisantabi ko ito mas nangingibabaw sa akin ang makalaya at makatakas sa pananakit ng aking Mama. Sa dami nang aking iniisip hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa may palengke kung saan nakaparada ang mga tricycle pauwi sa bahay. Sumakay kaagad ako pero kelangan ko muna maghintay pa ng ibang pasahero kasi mahal ang pamasahe sa tulad ko. To be continue..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD