Episode 06
Pagdating sa Maynila dumiretso kami sa kapatid ng magiging amo ko para training daw. Di naman kalikihan ang bahay kaya nakahinga ako ng maluwag . Ang sabi sa'kin kapag nagustuhan ang trabaho ko ng kapatid ng amo ko ,kukunin na ako ng totoong amo ko.
Isang linggo ako sa kapatid ng amo ko.
Sinundo ako ng amo at dinala na sa bahay nila. Nalula ako sa laki ng bahay. Isang exclusive village sa Las Piñas .
Nagpasalamat ako at may makakasama ako Tatlo kaming katulong sa bahay na iyon. Isang Yaya si Lani kaidaran ko lang 17 yrs old at isang kusinera si ate Minyang ex abroad ito (Singapore )
May Tatlong anak ang mga amo ko dalawa dito ay lalaki at isa ang babae na mediyo tomboyin. Pareho silang nagtrabaho 'yung babae sa Binondo at iyong lalaki manager sa banko. Mababait naman sila pero Nakagawa si Lanie ng kasalanan at nadamay ako.
Umalis na kasi iyong kusinera bumalik na ng Singapore kaya si Ma'am ang nagluluto.
Bago umalis si Ma'am na amo kong babae nag-iwan siya ng nilutong ulam at pinabantayan kay Lanie e nakalimotan ni Lanie dahil nanonood ito ng TV sa kwarto pa talaga ng Ma'am at Sir namin at humihiga pa sa kama ng mga amo namin.
Ayon nawili sa kakapanood nasunog si ulam as in sunog na sunog talaga.
Feeling kasi si Lanie na amo, kapag wala mga amo namin inaalila niya ako. Kaya diko pinakialam ang trabaho niya.
Pagkauwi ng mga amo namin nalaman ang nangyari galit na galit ito sa amin. Tahimik lang kami
"Kainin niyo ito, kung hindi nio to kainin itapon ko ito sa pagmumukha ninyong dalawa, Lanie at Elisa!" sobrang nagalit talaga sa amin ang Ma'am. Iyong lalaki kalma lang at tahimik pero noong umalis na si Ma'am para bumili ng pagkain ,sinisisi kami ni Lanie.
Nag-desisyon kami na umalis ni Lanie. Umiyak ang Ma'am pero hindi na kami nagpapapigil talaga .Inabot rin ako ng pitong buwan sa bahay na iyon. Pagka alis namin isinama ako ni Lanie at pumunta kami sa pinagtrabahuan ng tito niya sa Muntinlupa. Tinanggap naman kami sa mag-asawang tomboy.
Tumira ako ng isang buwan roon bago ako kinuha ng ate ko at inuwi sa Laguna. Pagdating sa Laguna doon nagkita kita kami ng mga pinsan ko sa side ng mama ko. Doon ako tumira sa apartment ng ate ko. Pagkatapos pina-apply niya ako sa Factory ng biskwit. pinaka malaking Factory ng biskwit at noodles ito sa Laguna ang Monde Nissin Corporation, tuwang- tuwa ako.
Naipasa ko medical exam at enterview ko at pagkatapos nag ayos na ako ng requirements at pinasa ko na sa HR department ng Factory.
sa loob ng anim na buwan na pagtrabaho ko natuklasan ko ang mga ginagawa ng nga manager sa mga babaeng under ng provisions. Ginagawa nilang s*x slave at gingipit nila ang mga ito. Tinatakot nila e kung kelangan mo ng trabaho talaga papayag ka . May pumapayag naman daw at pumayag na magpagamit sa mga manager kapalit gawin kang permanent employee sa factory. Pero ako di pumayag at kusa akong nagresign.
Lumuwas ako ng Maynila galing Laguna , napasok naman ako sa isang freelance modelling . Pero bago sinabak nag-training muna ako ng isang buwan. tinuro sa akin paano maglakad ng naka heels tamang paglakad na pang model .Sa awa ng Diyos naipasa ko naman. Unang protect na pinagawa sa'kin ng aking manager ay ang teenware mga summer clothes for teenagers. Masaya sa photoshoot kaya ginalingan ko.
To be continued...