Chapter 5
Nagstay pa ng isang linggo sa bahay ang ate bago kami umalis kasi iyon ang nakalagay sa aming ticket.
Barko ang sasakyan namin papuntang Maynila. tatlong araw at dalwang gabi kaming nasa laot, may ilang oras na stop over sa Estancia Iloilo iyon ang nakita ko sa ticket.
Sumapit ang araw ng aming pag alis , Hinatid kami nila Mama at Papa sa tawid bg ilog kung saan may naghintay sa amin na balsa na hila hila ng kalabaw , balsa yun ng aking tiyo.
Ang papa ko naman ang gumagabay sa kalabaw, naglalakad lang kami ng ate ko mga bagahi lang ang isinakay.
Ang daming bilin ng aking Mama sa amin pero wala akong naintindihan dahil sa sobra kong excited.
Excited ako na malungkot dahil mamimiss ko mga kapatid ko lalo na ang bunso. Aki kasi nag- alaga dito mula sanggol ito.
Pinapangako ko sa sarili ko na kung papalarin ako ,ako na ang magpaaral sa kanila.
Ilang minuto nakarating kami sa sakayan sa itaas kasi paakyat na lugar kasi iyon.
Niya- yakap kami ng Papa namin, at nakita ko namumula ang mata nito . Naiiyak si Papa at alam ko na nagpipigil lang ito ng emosyon.
Alam kasi nito ang pinanggawa ng Mama ko sa akin pero wala lang itong magawa dahil napaka-tapang ng aking Mama.
"Pa ,huwag po kayong mag alala sa akin ,sa amin ng ate.. maging maayos kami sa Maynila. ", sabi ko sa kanya.
Tumango lang ito at tumalikod na habang hila hila ang kalabaw na may balsa. Habang tinatanaw ko itong papalayo naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko.
Bago pa man ako maiyak ay tumalikod na ako at sumakay na sa tricycle.
Kinausap pa kami ng driver at mga tao na andoon na nakaka-kilala sa pamilya ko.
Naisip ko siguro umiiyak si Papa sa daan. Masakit naman talaga ang maiwan sa mga taong mahal mo.
Pero walang magawa kasi iyon ang naka-tadhanang mangyari.
Kung okay sana ang mama ko at di ako sinasaktan, magtiis sana ako kahit mahirap ang buhay namin. Kaya ko namang magtiis e basta sama -sama lang.
Chapter 05
Maya maya ng kaunti at napuno na ang tricycle. At umalis na kami. Limang pasahero ang kasya dito.
Isang sulyap pa sa aming sityo kasi kita naman kahit malayo ito. Ang bundok kung saan sa ibaba nito ang bahay namin.
Iyak ako ng iyak, ang daming tmatakbo sa isipan ko.
To be Continued..