The Announcement..

865 Words
Chapter 07 Sa lahat ng nagtraining ako ang nagstand- out at nagkaroon ng maraming project , at nagkaroon ng sariling manager. Kaya maraming nainggit sa akin. Ang laki rin ng ginanda ko, pumuti at mamula mula na ang aking kutis. Maaga siyang natulog nang gabing iyon. Kinabukasan maaga rin siyang nagising naghanda ng kakainin pagkatapos kumain umakyat na siya room upang makaligo na . Bago siya pumasok sa banyo ,Hinanda muna ang kanyang susuutin. Kinuha niys sa kanyang closet ang isang cardigans at ang blue crop top , partneran niya ito ng black flared jeans total uso naman ito ngayon. Bagay sa kanya dahil matangkad siya at payat. isuot niya iyong bago niyang bili na stilettos kahapon. Nang makapili na s'ya nagtungo na siya ng banyo .Pagkapasok sinara ang pinto at ni-lock , mahirap na baka may biglang pumasok, nag-iisa pa naman siya sa apartment niya. Binuksan ang shower at tumapat na siya.. Naramdaman niya ang lamig ng tubig. Ilang minuto na paligo lumabas na siya sa banyo na nakatapis na lang ng towel habang kinuskos naman niya ang basang buhok sa isa pang towel. Pagkatapos niyang pinatuyo ang buhok nag-apply siya ng light make up at pink liptent. Pagkatapos naayos ang sarili bumaba na bitbit ang kanyang white gucci purse. Sumakay siya sa taxi at nagpahatid sa S and S building sa may Makati 'yan ang kanilang agency. Pagrating niya sa kanilang agency pinagtitinginan siya na may paghanga ng mga tao sa dinadaanan niya pero deadma niya lang mga ito kahit asiwang- asiwa na siya. Kelangan niyang masanay sa tao. Nadatnan niya ang kanyang manager na si Suzi isa itong binabae. Mama Suzi ang tawag nila dito. "Hi Elisa darling I am glad that you came early , ", malanding sabi nito sa kanya. "Mama Suzi ,ano po ang merun?", para kasing may kakaiba dito well lagi naman siyang ganyan magsalita pero now may iba talaga sa kilos nito. "Sumunod ka sa'kin ,sweetie ", ano kaya ang merun taka niyang tanong sa sarili. Habang naglalakad siya pasunod kay Mama Suzi may umakbay bigla sa kanya at paglingon niya si Rain pala ito isa sa kasamahang model niya. "Good morning! bati nito sa kanya "Good morning, too", ganting bati niya Ito ang nagtiyaga na kausapin siya kahit di niya ito pinapansin. Napaka consistent nito . Pagdating nila sa function room nandoon na rin mga kasamahan nilang modelo. May twenty lahat silang mga modelo na hawak ng agency ng S and S. Umupo kami agad ni Rain sa bakanting upuan sa likod.. "Good morning everyone, " bungad na bati nito sa amin "I have an important announcement to everyone", sabi nito na inisa-isa kami ng tingin, nagbulong bulungan naman ang mga kasama ko Nag-antay lang ako sa sasabihin nito sa amin. "Starting today , maging posposan ang rehearsal nio at ang S and S ay invited sa isang prestigious event na gaganapin ito two weeks from now sa Solaire Resort and Casino sa Pasay." "At rarampa na kayo sa totoong runway kaya magsanay na kayo ng mabuti at 'wag niyo ipapahiya ang S and S, okay girls?! dagdag pa nito. At may binigay na papel sa amin, nakalagay Registration Form " 'Yang binigay ko sa inyo ay Registration form yan, sundan niyo ang instructions diyan.", sabi pa ni mama Suzi.. Galingan niyo girls maraming mga talent scout na nanggagaling pa sa fashion industry sa ibang bansa, dapat ma -impress niyo sila . Nakikita ko ang mga kasama ko na masayang -masaya sa announcement ni Mama Suzi Agad- agad ay nag fill up na sila sa form na binigay ni Mama Suzi. Nilapitan ako ni Mama Suzi at tinatanong ako kung bakit hindi pa raw ako nag fill up. "May problema ba?", "Nagdalawang isip po ako Mama kung sasali ako sa event", magalang kong sagot "bakit anong problema?," tanong nito na naka-kunot pa ang noo "Alam nio po naman na wala po akong pinag -aralan at galing pa po ako nang probinsya..baka mapahiya lang po ang agency natin kung sasali po ako. ", mahaba kong paliwanag "Magaling ka.. iyan ang isipin mo at tandaan mo!, okay?!" Pangombinsi nito sa akin "Sa totoo lang po Mama marami po akong ina- applyan .. Pero kayo lang po ang walang maraming tanong sa akin , pinaikot niyo lang po ako at tinanggap. ", Naluluha kong paliwanag "Kasi marunong ako kumilatis sa taong totoo o sa taong nagpa-panggap lang," madamdamin ding tugon nito "Basta ito palagi mong tandaan at itanim mo sa isip mo... kahit saan ka pa at kahit gaano pa kataas ang marating mo. 'Wag na 'wag mo kakalimotan kung saan ka nanggagaling...at wag lumaki ang ulo", mahabang payo nito sa kanya. Napaiyak na lang siya sa sinasabi at mga payo nito sa kanya. First na may narinig siyang may nagpayo sa kanya at hindi galing sa pamilya kundi sa ibang tao pa. "Opo Mama!," iyak niyang sabi dito at niyakap niya ito nang mahigpit. "Ayy anebe,Elisa!... gorabels ka na at nabasa mo na ako ng iyong mga luha!", malanding sabi nito na tumitikwas pa ang mga daliri nito na pinusan kunwari ang damit. Sa araw na iyon nag fill up din siya ng Registration form. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD