Lies

2471 Words
Buti na lang at malaki ang eskwelahang pinapasukan nila, kahit papaano ay mababa ang tsansa na magkikita sila ni senyorito Vincent, lalo pa at mag-kaiba sila ng kurso. Kung nagkakataon man na nakakasalubong ito ni Celina ay madali naman siyang nakakapagtago. Subalit ang araw-araw na pag-iwas dito ay nagdulot naman ng kakaibang pagod sa kanya, kahit kasi sa mansyon ay tinataguan niya din ito, kung nagkakataon man na magkatagpo sila ay yumuyuko na lang siya at bumabati pagkatapos ay dali-dali na din siyang lumalayo. "Hoy Cel!" kaway ni Lucy sa mukha ni Celina. Doon lang nabasag ang pagkatulala niya upang mag-angat ng tingin sa kaibigan. "Huh, ano iyon?" Wala sa sariling saad niya. Kasalukuyan kasi silang naglalakad papunta sa susunod nilang klase. "Ang lalim yata ng iniisip mo, kanina pa ako nagkwekwento dito pero parang wala akong kausap," busangot na sagot ni Lucy. "Ay! Sorry Cy, medyo pagod lang ako," nanghihinang sagot na lang ni Celina. "Haiz, alam mo, maganda din na mag-relax paminsan, hindi iyong p*****n sa pag aaral," birong sermon ni Lucy. Napangiti naman ng tipid si Celina sa kaibigan. "Alam mo naman iyong scholarship ko lang iyong inaasahan ko, kaya hindi ako pwede magpabaya." Napailing na lang si Lucy, lalo pang kumusot ang mukha nito nang ibalik ang tingin sa kanilang harapan. "Hay naku! Oh iyan.” Ngusong senyas na lang nito. “Sigurado kong isa iyan sa mga iniisip mo." Biglang napatingin si Celina sa tinutukoy ng kaibigan, sa hindi kalayuan ay naaninag niya si senyorito Vincent, kasama ang mga kaibigan nito. Dali-dali na lang siyang napaliko papunta sa kabilang direksyon upang hindi nito makita, sumunod naman kaagad si Lucy sa kanya. "Ano bang problema mo doon kay Vincent, stalker mo ba siya at grabe ka umiwas?" pikon na tanong ni Lucy. Ilang beses na kasi siyang nahuhuli ng kaibigan na nagtatago kapag nakikita ang lalake, kaya ito na din mismo ang nagbibigay babala sa kanya. "Wala iyon Cy," tipid na sagot ni Celina na nagmamadali pa rin sa paglalakad. "Hindi nga?" may bahid ng panunuyang saad ni Lucy bago siya harangan. "Dali na, ano ba kasi problema?" padyak nito. Napahinto na lang si Celina sa paglalakad dahil sa paulit-ulit na pagharang ng kaibigan sa daraanan niya. Ilangg saglit pa at tuluyang ng siya nitong napasuko. Sa iksi ng panahon na magkasama sila at naging mag kaibigan, nakabisado niya na ang ugali nito at alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi nasasagot ang tanong sa kanya. "Alam mo naman na nakatira kami ni ninang sa amo niya diba?" tipid na ngiting saad ni Celina. "Oo," tango kaagad ni Lucy sa kanya na napahawak na sa baba. "Apo si Vincent ng amo ni ninang, hindi ko alam kung bakit, pero ang init ng dugo niya sa akin." buntong hininga na lang ni Celina. "Huh, eh bakit naman? May nagawa ka bang something, may nasira ka ba na importante, may ninakaw ka ba na pag aari niya!" sunod-sunod na banat ni Lucy na halatang namimilosopo.Batid na batid ang init ng dugo nito sa naturang lalake. Napalunok na lamang ng malalim si Celina nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang unang beses na pagkikita nila ng binata. Pinilit niyang iwinaksi ang malokong ngisi sa mukha ni senyorito Vincent nang may madamang kakaiba sa kanyang katawan. "Wala!" tarantang sagot niya na lang na halos namumula na. Agad tumaas ang isang kilay ni Lucy sabay namaywang habang pinagmamasdan siya. "Eh ganoon naman pala, anong problema niya?" "Hindi ko din alam." Nag-iwas na lamang ng tingin si Celina sa kaibigan. Paulit-ulit pa rin sa kanyang isipan kung ang nasaksihan niya ba ang ikinagagalit nito o may iba pang mas malalim na dahilan. Kumpara kasi sa mga kasambahay na nakatira sa mansyon at ilang mga tao sa paligid nito ay hindi naman ganoon umasta ang naturang binata. “Hayaan mo na nga, baka ma-late pa tayo sa class.” hatak na lang ni Lucy sa kanya. Doon na nagawang isawalang bahala ni Celina ang mga kaguluhan sa kanyang isipan, alam niya sa sarili na hindi niya pwedeng isipin iyon lalo pa at finals nila sa P.E. ng araw na iyon. Nasa second semester na siya as first year, nakikilala na rin siya ng mga professors sa naturang unibersidad, bilang isa sa pinaka matatalino doon. Bilang huling pagsusulit nila ng araw na iyon ay kailangan nilang magperform ng isang dance number, dahil sa group activity ay kinailangan pagbotohan ang gagawin nila at isusuot, kaya kahit naiilang ay wala siyang reklamo, nakasalalay kasi dito ang grado nila at tulad pa rin ng dati ay naging magkagrupo sila ni Lucy. At dahil si Lucy ang tumayong pinuno kakaiba nanaman ang nakatuwaan nitong gawin, wala kasi silang nakuhang kagrupong lalake, kaya napagdesisyunan nilang lahat na pambabae na ang isayaw at ang napili ni Lucy ay belly dancing. Noon una ay ayos kay Celina dahil ang buong akala niya ay magsasayaw lang sila, pero halos himatayin siya nang makita ang kanilang susuotin. See through na costume na tanging isang pirasong tapis na makinang ang pang itaas at halos kita na ang underwear nila sa pang ibaba. Tumutol ang ilan sa kanila noong una pero dahil sa iyon ang usual costume ng belly dancer ay wala na din silang naging palag sa huli. Ngayon ay halos kumawala na sa katawa ni Celina ang kanyang kaluluwa sa hiya, hindi kasi siya sanay sa atensyon na ipinupukol ng mga kasama habang nag-aayos sila sa locker room. Kahit kasi hindi laking yaman ay maganda at maputi ang kutis ni Celina, maganda din ang hubog ng katawan na ala modelo idagdag pa ang napakalambing na hitsura ng dalaga na talagang nakakaagaw pansin. "Hoy Cel! Wag ka kabahan, ano ka ba!" natatawang tapik ni Lucy sa kanya. Hindi kasi mahinto sa panginginig si Celina habang inaayusan, naroon pa ang pasimple niyang pagtatakip sa kanyang dibdib ng mahaba niyang buhok. "Cy, alam mo naman na hindi ako sanay magsuot ng ganito! halos labas na ang kaluluwa natin!" aligagang saad na lang ni Celina sa kaba. "Sus, anong ikahihiya mo. Tingnan mo nga ang katawan mo! Sexy, wala ka pang effort niyan, hindi tulad ng iba na halos lumuwa na ang dila sa gym," sagot ni Lucy. "Baliw ka talaga!" nangingiwing palo na lang ni Celina sa kaibigan. "Sabi nga nila, if you got it, flaunt it! At obvious na we have it! So we should definetely flaunt it!" taas noong sambit ni Lucy habang pumupostura na tila isang beauty queen. Natawa na lang si Celina dito, ilang saglit lang ay may pumasok ng kaklase nila na katatapos lang magperform. "Guys kayo na!" humahangos pang saad ng kaklase sa kanila. Napatili na lang tuloy ang mga kasama nila nang senyasan na ang mga ito ni Lucy na lumabas, huminga naman ng malalim si Celina bago sumunod sa mga kagrupo, pilit pa rin nagsusumiksik sa mga kasama para magtago at hindi mapansin. Pero impossible pala iyon dahil naalala niyang sa court sila ng eskwelahan mag-perperform, kaya naman siguradong maraming manonood. At tulad ng napagtanto niya madami ngang studyante ang nakatambay doon. Ganoon na lang ang lakas ng sigawan paglabas ng grupo nila, dahil na din sa mga kaakit-akit nilang kasuotan, may panaka-naka pa ngang sumisipol at hiyaw ng kung ano. Pilit ipinag sa walang bahala na lang iyon ni Celina upang makapagconcentrate sa kanilang sayaw. Dahil si Lucy ang leader ito na ang nag set up ng tugtog, halatang puno ng confidence ang kanyang kaibigan, hindi kasi ito naiilang sa dami ng tingin at atensyon na nakukuha. Nagagawa pa nga nitong kumaway sa mga sumisipol na tagahanga. Nang magsimula ang kanilang tugtugin ay biglang nabura lahat ng alinlangan ni Celina at tanging sa pagsasayaw lang natuon ang kanyang isipan. (Music:Whenever wherever by shakira) Unang kembot pa lang ay nakatanggap na sila ng mas malakas na sigawan mula sa ilang kalalakihang kanina lang ay abalang nagprapractice ng basketball. Sunod sunod na sipol at sigaw ang inabot ng kanilang grupo mula sa mga ito, pero wala itong naging epekto sa sayaw nila. Naroon pa ang parte na nagtatatalon sa tuwa ang ibang mga nanonood na tila ba kilig na kilig. "s**t! Ang sesexy!" sigaw ng isang basketbolista. "Miss na nasa gitna, pwede bang manligaw! I love you na!" sigaw naman ng isa pa na ang tinutukoy ay si Celina. Ngunit parang hangin lang ito na dumaan sa pandinig niya, wala siyang ibang naiisip ngayon kung hindi ang kanilang performance. Dumoble ang sigawan ng mga tao ng nag-chorus na ang tugtog at sabay sabay nilang niyugyog ang mga baywang nila na kala mo ay talagang mga professional belly dancer. "Yan ang gusto ko," sigaw ng isang varsity ng basketball na tila nanginginig pa. "Wow! Panalong-panalo!" Sunod naman ng isa pa nitong team mate. Sa sobrang focus ni Celina hindi niya napansin ang mga matang kanina pa pala nagmamasid sa kanya, pinapanood ang bawat galaw at maliksing indayog niya sa harapan. Nang matapos ang sayaw ay sandamakmak na palakpakan ang inabot nila mula sa mga nanonood. Wala kasing nagkamali at sabay-sabay talaga sila sa pag-kilos, batid din nila na natuwa ang mga guro kahit na medyo parang mga conserbatibo na babae ang mga ito. Nagtalunan na lang sila Celina sa tuwa, dahil mukhang maganda ang gradong nakuha. Masayang nagtakbuhan ang kanilang groupmates pabalik sa locker room, kaya naiwan silang dalawa ni Lucy para kunin ang ilang mga gamit at tingnan ang kanilang grado. Nandoon ang ningning ng mukha nilang magkaibigan sa galak pakakuha ng kanilang grado. Kaya naman hindi sila matigil sa pagbibiruan ni Lucy habang naglalakad pabalik sa locker room. Napatigil lang sila nang bigla na lang harangin ng tatlong matatangkad na varsity ng basketball. "Hi miss, pwede ba makuha ang pangalan mo?" lapit na lang ng isa kay Celina na nakaangat na ang palad para makipagkamay. Nagulat na lang siya nang bigla na lang hampasin ni Lucy ang kamay ng binata. "Bawal!" mataray na singhal ni Lucy sabay tulak sa naturang lalaki. Pero humalakhak lamang ito ng malakas na napapahawak pa sa tiyan. "Weeee, hindi ikaw kinakausap ko!" bara ng binata kay Lucy na halatang nang-aasar. "Che! Layuan mo ang kaibigan ko!" subok na sipa na lang ni Lucy dito. Natatawang napaiwas ang binata dito, kahit nandoon ang hindi pagpatol ng naturang lalake sa kanyang kaibigan ay hindi matanggal ni Celina ang kaba sa inaasal ni Lucy kaya minarapat niya ng pumagitna. "Celina! Wag mong pansinin ang abnormal na yan" hatak kaagad niLucy sa kanya. Pero agad din silang hinarang ng naturang binata. "Wow, Celina pala name mo! Ang ganda parang ikaw! Pwede ba tayong mag date minsan!" "Huh!? ah eh!" sa gulat ni Celina sa nadinig ay napatawa na lang siya ng pilit sabay tingin sa kaibigan para humingi ng tulong. Nanlaki na lamang ang mata niya nang makitang ang malakas na pagbatok ni Lucy sa naturang lalake. "Uhm! Baliw! Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend kasi ang presko mo masyado!" asar na sabi ni Lucy. Pero tulad kanina ay tinawanan lang ng makulit na binata ang kaibigan niya kahit napapasapo na ito sa ulo. Nakadama na lang tuloy siya ng awa at konsensya. "Oy! Lucy, kawawa naman iyong tao!" suway ni Celina sa kaibigan. "Sus, sanay na iyan!" ngising sagot ni Lucy. Ilang sandali pa ng pagpapabalik-balik ng tingin ay may nabatid na si Celina sa dalawa. "Uhm, magkakilala kayo?" paninigurado niyang tanong sa kaibigan. Napatawa bigla si Lucy sa kanya bago inakbayan ang nangungulit na lalake. "Wala ka bang napapansin sa amin?" tanong ni Lucy sabay pinagdikit ang mukha nila ng binata. Pinagmasdan ni Celina ng mas mabuti ang dalawa at tsaka napansin na halos magkahawig ang kaibigan niya at ang naturang lalake. "Ay, Kapatid mo!" napapalakpak na sambit ni Celina. "Ay hindi, joke! Yup, Celina meet my twin brother Luke." masayang pakilala ni Lucy. Doon na nagawang makipag kamay ni Luke sa kanya. "Nice meeting you Celina!" bati ng binata sa kanya na mayroon malapad na ngiti. "Same to you!" masayang sagot ni Celina. Naroon ang tuwa at pagkamangha niya na may kakambal pala ang kaibigan. Hindi niya tuloy mapigilan pagmasdan ang dalawa. Napaiwas nga lang siya ng tingin nang mapansin ang kakaibang tingin ng naturang binata sa kanya. "Ehem," biglang papansin ng isa pang lalake sa likod nito. "Ay! Oo nga pala!" natatawang bitaw na lang ni Luke sabay baling sa likod. "Guys, this is Lucy, my sister and her friend Celina." pakilala nito sa kanila. "Hi," bati ni Lucy sa mga ito. Tango at isang matamis na ngiti naman ang tinugon ni Celina. "Sis, Celina. These are my team mates, Andrew and Vincent," pakilala ni Luke sa mga kaibigan. Natahimik bigla silang dalawa, hindi kasi nila napansin ang ikalawang lalaki na nasa likod ni Luke dahil na din sa nakatago ito. Nagsimula na lang tuloy kumabog ang dibdib ni Celina kahit pilit niyang isinasaksak sa isipan na maaaring kapangalan lang ito. Napaakap na lang tuloy si Celina sabay tago sa likod ni Lucy nang makitang si senyorito Vincent nga ang nasa likod ni Luke at tulad ng dati ay irritable nanaman ang mukha nito. Naroon nag pagtataas baba ng tingin nito sa kanyang kasuotan, mula ulo hanggang paa na para bang sinisiyasat siya. Laking pasalamat niya na lang ng humarang na si Lucy sa kanya. "Well, it was nice meeting you guys, but we gotta go, may klase pa kasi kami. Bye!" kaway na lang ng kaibigan sa tatlo bago siya hatakin dahil sa tila pagkatuod sa kinalalagyan. "Samahan na namin kayo!" Habol naman ni Luke. "NO!" biglang sigaw ni Lucy. Natigilan silang lahat dahil dito, halos umalingawngaw kasi ang boses ng kaibigan sa lugar. "No!" malumanay na ulit ni Lucy. "I think may practice pa kayo and besides girls locker room iyon," tuwid na paliwanag ng kaibigan sa tatlo. "Uhm! I mean, sasamahan lang naman namin kayo hanggang sa entrance," biglang sabat ng lalakeng nagngangalang Andrew. "No, thank you. We like to be alone for a while, you know, it's a girl thing," banggit ni Lucy na iwinawagaywag pa ang daliri kay Andrew sabay titig ng masama kay Luke na halatang may sinesenyas dito. Nakuha naman iyon ng kakambal kaya ito na mismo ang humarang sa mga kasama. "May pinapagawa pa nga pala si Coach tara na" pag-aaya na lang ni Luke sa mga kaibigan. "Pare sabi mo!" maktol na lang ni Andrew. "Next time na lang tol, tara na!" Akbay na lang ni Luke dito para mahatak ito palayo. Mabilis din namang naglakad palayo si Celina at Lucy, pero napansin ng kaibigan ang kakaibang pag ngisi ni Vincent, hindi din nakaligtas sa pandinig nito ang mga binitiwan salita ng binata. "Fame w***e!" Hindi ito narinig nina Luke dahil sa layo ng mga ito, ngunit halatang patama iyon kay Celina dahil dito ito nakatingin. Doon napahinto si Lucy at akmang babalikan sana ito para sagutin subalit nagawa na ni Celina na mahatak ang kaibigan, naniningkit matang inirapan na lang nito si Vincent bago sumunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD