Hope and suffering
"Ang ganda po pala dito sa maynila ninang!" manghang sabi ni Celina habang pinagmamasdan ang ilang mga gusali sa labas ng bus.
Ito ang unang beses niyang nakaluwas ng maynila,laking probinsya kasi, pero simula ngayon ay dito na siya titira kasama ng Ninang Esmeralda niya.
"Buti naman at nagustuhan mo dito, basta alalahanin mo iyong mga bilin ko pag nandoon na tayo," paalala nito.
"Opo ninang," ngiting sagot niya dito.
Nagliwanag ang mata ni Celina nang makadating sa sa village kung nasaan ang bahay ng amo ng kanyang ninang Esmeralda, halos mapanganga siya sa gulat nang makita ang tutuluyan. Gate pa lang nito ay napakalaki na at masasabing mansyon at hindi bahay.
Nagdoorbell ang kanyang ninang sa gilid ng malaking gate kung saan may isa pang maliit na pintuan na mukhang pinaglalagian ng mga security guards, ilang saglit lang at bumukas ang maliit na silipan sa doon at may mga matang tumingin sa kanila.
"Aling Isme, dumating na po pala kayo!" bati ng guard sabay binuksan na iyong gate para makapasok sila.
"Ikaw lang mag-isa ngayon Anton?" tanong ng ninang niya sa security guard na medyo kaedaran na din nito.
"Nagmemeryenda lang po si Jose sa loob," sagot nito habang iginagayak sila papapasok.
"Siya nga pala, ito si Lina iyong inaanak ko," nagmamalaking pakilala nito sa kanya nang makapasok na sila sa loob.
"Hello po." Napayuko na lang sa pagbati si Celina dito.
"Hello din, sige tuloy na kayo sa loob," alok na nito, para na rin maisarado ang gate.
Hindi mapigilan ni Celina na ipalibot ang tingin pagmasdan ang kapaligiran nang magtuloy-tuloy sa loob.
"Wow, Ninang! Sobrang yaman ho siguro ng nakatira dito, grabe ang laki ho nitong mansyon," manghang-manghang sabi ni Celina habang pinagmamasdan ang mala-gusaling tahanan.
"Oo, maliban doon ay napakabait pa nila!." masayang sagot ni ninang Isme.
Nagtuloy-tuloy sila sa maids quarters para mag ayos ng gamit at makapag pahinga. "Lina, ayusin mo na ang mga gamit mo dyan at ako nama'y magpapakita muna kina Sir. May mga biscuit pa ako diyan sa may cabinet kung nagugutom ka." Turo ni ninang Isme sa plastic na cabinet sa kwarto. "At kung gusto mo maligo nandito iyong C.R.," dagdag ng ninang niya habang pinapakita ang pinto papuntang banyo.
"O.K. lang po ako ninang," masayang sagot ni Celina na abala na sa pag lalabas sa kanyang mga damit.
"Wag ka mag-alala, dalawa lang naman tayo dito sa kwarto, kaya walang iistorbo sa iyo. Iyong iba kasi nasa maids quarters sa labas ng bahay, may mga pamilya kasi sila," paliwanag ni Ninang Isme.
Pagkalabas ng Ninang niya ay siya naman simula niya ng pag aayos ng gamit.
Sa isip-isip niya ay sa wakas; kahit papaano ay medyo nakaraos din siya mula sa hirap na dinanas, salamat sa kanyang ninang Esmeralda.
Matapos mamatay ang mga magulang ay napilitan siyang mag trabaho upang may makain. Nangalakal siya at naging tindera sa palengke; buti na lang din at may mababait siyang kapitbahay na kahit papaano’y tumulong sa kanya.
Hindi din naman iyon nagtagal, dahil matapos ang lagpas isang taon ay nakita siya ng Ninang Esmeralda niya at napagdesisyunan nito na ampunin na lang siya; dahil sa walang kamag anak na nagpakita para kumupkop sa kanya.
Kaya ngayon nandito siya sa mansyon na pinagtratrabahuhan nito, dito na kasi ito nakatira. Pumayag din naman ang mga amo ng kanyang ninang kaya wala na silang alalahanin.
Pagkatapos maglinis ay nagpasya si Celina na maligo dahil sa lagkit ng kanyang pakiramdam. Habang nasa banyo ay siya naman katok ng Ninang niya sa pinto.
"Lina matatagalan ka pa dyan?" tanong ni ninang Isme.
"Nagbibihis na lang po," sagot ni Celina sabay nagmadali na sa pagbabanlaw.
"Sige! Bilisan mo, gusto ka makita nina senyor, tsaka kakain na din tayo," saad ni ninang Isme mula sa labas.
"Opo ninang," masayang sagot ni Celina.
"Babalikan na lang kita ulit, may aayusin lang ako sa kusina," sabi nito bago umalis.
Madalian na nagbihis si Celina at nag-ayos ng sarili, isinuot niya ang bagong biling damit ng kanyang ninang para sa kanyan upang maging presentable.
At Ilang sandali lang ay bumalik na nga si ninang Isme para sunduin siya.
*****
"Senyor, heto po pala iyong inaanak ko, si Lina. Lina si Senyor Leo at Senyora Abigail sila ang may ari ng bahay," pakilala ni Ninang Esmeralda.
Agad naman nagyuko si Celina ng ulo. "Magandang Gabi po Senyor, senyora" malumanay at buong galang na bati niya sa matandang mag asawa.
Naka upo ang mga ito sa veranda at mukhang nagkwekwentuhan ito habang umiinom ng kape bago sila dumating.
Hindi niya mapigilan ang mapalihis ng tingin dahil sa hiya, dulot ng hindi kasanayan makihalubilo sa ibang tao.
Maingat na hinawakan ni senyora Abigail ang kanyang kamay. "Kamusta ka naman Ija? Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo at nakikiramay kami."
Nakadama si Celina ng pag kalma sa kabaitan na pinapakita ng senyora. "Ayos lang po ako, maraming salamat po at pinayagan niyo akong makasama si Ninang ditto," sagot niya.
"Walang anuman iyon, ang balita ko magkokolehiyo ka na dapat, tama ba ako?" tanong nito muli. Naroon ang napaka aliwalas na ngiti ng matandang babae kaya naman napangiti na rin siya.
"Ay, oho! Kaya ko din ho siya kinuha para dito na magaral. Matalino ho iyang si Lina, valedictorian ho siya sa school nila. Kung hindi nga lang sana nangyari iyong aksidente, baka nasa kolehiyo na ho siya ngayon!" singit ni ninang Esmeralda na halata ang pagmamalaki.
"Mabuti kung ganoon," napangiting sagot ni Senyor Leo pakababa ng tasa ng kape.
"Saan mo naman binabalak mag aral Iha?" malumanay na tanong muli ng Senyora.
"Kukuha na po ako ng pagsusulit sa susunod na buwan; may mga natanggap po kasi akong scholarship program mula sa ilang skwelahan dito, kung saan po ako papasa, doon na po ako," ngiting sagot ni Celina kahit medyo napapalihis pa rin ng tingin sa mga ito.
Napahawak na lang sa bibig si senyora Abigail sa pagkasorpresa. "Kung ganoon hindi ka pa pala nakakapili ng eskwelahan?"
Muling napayuko si Celina sa hiya. "Hindi pa po," kung tutuusin kasi dapat ay nakapag enroll na siya ngayon.
"Maganda din siguro kung kukuha ka ng pagsusulit sa eskwelahang ito." Abot sa kanya ng senyora ng isang pampleta.
Maingat naman na kinuha ni Celina ang naturang papel para tingnan.
"Maganda ang eskwelahang iyan; maliban doon ay nagbibigay din sila ng full scholarship kung sakaling magandang ang mga grado mo," dagdag ng senyora na mayroon maningning na ngiti.
Mariin pinakatitigan muli ni Celina ang papel, nandoon ang tuwa sa kanyang mata dahil sa kaalaman na makakapag aral na siyang muli.
"Salamat po," hindi makapaniwalang sagot ni Celina. Naroon pa ang panginginig ng kanyang mga kamay habang hinahawakan ang papel dahil sa sobrang tuwa.
"Kung ganoon hindi ka na namin aabalahin, mukhang pagod ka din sa biyahe," ngiting singit ng senyor.
"Maraming salamat po ulit senyor, senyora!" Paulit-ulit na yuko ang nagawa ni Celina bilang paalam sa mga ito.
Napatawa tuloy ang dalawang matanda sa pagkaaliw, kahit ang kanyang ninang ay hindi napigilan ang paghagikgik.
"Sige na Iha, kumain ka na at magpahinga." Udyok ng Senyora nang makahupa, naroon pa rin ang tuwa sa ngiti nito.
Kaya matapos mag paalam ng kanyang nina sa mga amo ay tumuloy na sila sa kusina para kumain.
*****
Halos magdadalawang buwan na si Celina sa mansyon at kahit papaano ay nasasanay na siya sa lugar. Nagawa niya na rin makihalubilo sa ibang mga katulong doon at mayroon na rin siyang mangilan-ngilan na kaibigan.
"Naku Lina, ako na diyan! Baka malate ka sa pagpasok," sabi ni Melinda. Isa sa katulong doon na naging malapit na sa kanya.
"Hindi pa naman po ako malalate, patapos na din naman itong niluluto ko," sagot ni Celina habang hinahalo ang sopas.
"Buti na lang nandito ka, kung hindi naku! Hindi ko alam ang gagawin ko," masayang pasasalamat ni Melinda.
Hindi pa kasi bumabalik ang ilan sa mga katulong mula sa bakasyon, halos kaunti lang tuloy ang nandoon ngayon, kaya naman naisipan ni Celina na tumulong sa ilang mga gawain.
"Tikman mo na ito ate, kung pwede na yung lasa," saad ni Celina pakalagay ng kaunting sabaw sa isang tasa upang iabot kay Melinda. Kaagad naman itong kinuha ng babae at hinipan bago nilasan.
"Ay, Grabe! Ang sarap naman nito, mas magaling ka pa yata sa akin magluto ah," tuwang-tuwang puri ni Melinda.
"Ikaw talaga ate!" napangiti na lamang si Celina sa tuwa, tapos ay napaayos ng buhok sa hiya dahil sa sunod-sunod na puri nito.
"Oh, siya! Sige na, ihahanda ko na ito, at ikaw naman ayusin mo na iyong mga gamit mo. May pasok ka pa ngayon!" paalala ni Melinda habang inilalabas na ang mga paglalagyang mangkok.
"Sige ate, mag hahanda na ako. Pakisabi na lang kay ninang na pumasok na ko," habilin niya pakakaway dito. Patakbo na niyang tinungo ang maid quarters na tinutuluyan para maghanda sa pagpasok.
Hindi naman nahirapan si Celina na makihalubilo sa iba pang mga kasambahay, likas kasi itong mabait at sanay din sa gawaing bahay, kaya tuwang tuwa ang mga naroon sa dalaga. Nagawa din niya maipasa ang mga pagsusulit sa tatlong eskwelahang pinagkuhanan niya; pero minabuti niyang pumasok sa iminungkahi ng senyora dahil na rin sa hiling nito.
Naroon ang tuwa niya ng araw na iyon; maliban kasi sa unang araw ng klase ay iyon din ang unang beses na mag isa siyang magbabiyahe.
Bakas na bakas pa sa mga mata ni Celina ang pagkamangha at tuwa nang makadating sa harapan ng unibersidad na papasukan. Ibang iba kasi iyon sa kanyang nakagisnan, mas malaki at tila nag uumapaw sa tao.
Huminga muna siya ng malalim para pakalmahin ang sarili, Nakahawak sa dibdib bago naglakad papasok sa gate.
"Mama, Papa, huwag po kayo mag-alala sa akin, kaya ko po ang sarili ko at gagawin ko po ang lahat para makapagtapos. Pangako ko po iyan." parang dasal na bulong niya sa isip.
Naroon ang malungkot at tipid na ngiti ni Celina pakaangat ng tingin sa bagong buhay na kakaharapin.
*****
"Miss Excuse me!" papansin ni Celina sa isang studyante na nagbabasa sa isang bench.
Nakakailang ulit na kasi siyang ikot sa naturang gusali; subalit tila medyo nalilito siya sa numero na nakalagay sa pintuan.
"Yes?" malumanay na sagot nito paka ayos ng buhok.
Napalunok na lamang si Celina nang mas masilayan ang mukha nito. Parang artista ang dalaga sa pananamit at postura. Napakaputi ng kutis nito at itim na itim ang buhok na abot hanggang sa baywang. Kahit naroon ang pinong kilos ng naturang binibini ay batid niya ang lakas at kompyansa sa galaw nito.
"Ito ba iyong room 307?" pilit pigil niya sa pag-kautal pakatanong.
Naging maliwanag naman ang hitsura ng dalaga, tila nasilaw pa siya sa liwanag ng ngiti nito.
"Yup, first class mo din?" umayos na ito ng upo paharap sa kanya.
"Oo," masayang sagot ni Celina bago maupo sa katabing silya nito.
Umiwas na siya ng tingin sa dalaga dahil ayaw niyang magmukhang katawa-tawa, hindi niya kasi mapigilan ang pagkatulala dito. Nagpapasalamat na lamang siya at hindi pala siya naliligaw.
"Regular ka or irregular student?" tanong nito sa kanya.
"Huh?" takang napabaling na lang si Celina sa babae.
Napapigil na lamang ito ng tawa. "Unang araw mo to sa college no!" aliw na sagot nito.
"Oo," ngiting sagot naman ni Celina.
"That's nice, I'm Lucy by the way; and you are?" Iniangat ng dalaga ang palad para makipag kamay.
Inabot niya naman kaagad iyon. "Celina nga pala."
"Hope to know you better Celina," matamis na ngiting saad ni Lucy.
"Same here," masayang sagot niya naman.
Naroon ang galak ni Celina habang nakikipag usap, matagal na rin ang panahon na nakipagkwentuhan siya sa isang kaedaran at hindi maipag kakailang magaan ang loob nila sa isa't isa. Natigil lang iyon nang dumating na ang kanilang professor kasabay ng iba pang mga kaklase na unti unting pumuno sa kuwarto.
Matapos ang klase ay magkasabay na lumabas ang dalawa bilang magkaibigan.
"Saan pala ang sunod mong klase?" tanong ni Lucy.
Nagdesisyon silang magsabay na muna habang wala pang klase.
"Algebra, room 203 sa BM building," sagot ni Celina pakatingin sa papel na mayroong detalye ng kanyang mga klase.
"Ay! Doon din ako, Patingin nga ng sched mo?" masayang palakpak ni Lucy sa tuwa.
Inabot naman ni Celina ang hawak na Schedule niya dito.
"Classmate tayo sa apat na subject, ang saya naman!" parang batang sambit ni Lucy matapos iyon tingnan.
"Bakit iba ang schedule mo sa iba nating classmate?" tanong ni Celina.
"Irregular student kasi ako, may mga binagsak kasi akong subject, kaya heto kailangan ko ulitin," napapahalakhak na sagot ni Lucy.
"Ay, sayang naman." Nakadama na lamang ng lungkot si Celina sa nalaman.
"Sus, ok lang iyon!" ngiting tapik ni Lucy sa kanyang balikat niya.
Tiningnan nito ang relo bago ulit bumaling sa kanya. "May one hour pa tayong break, snack muna tayo, treat ko." Yakap na lang nito sa braso niya.
"Hala nakakahiya naman!" napahinto na lang si Celina sa gulat. Naroon ang pagkataranta niya, hindi niya kasi nais na abusuhin ang kabaitan ng bagong kaibigan.
"Hay naku! Mahirap kumain ng mag isa, kaya tara na!" Natatawang hatak na lang ni Lucy dahilan para hindi na siya makatanggi.
Matapos magmeryenda ay inihatid ni Celina si Lucy sa classroom nito; doon din naman kasi ang daan niya. Nagawa na kasi nilang libutin ang ilang mga lugar doon habang hinahanap ang kanteen, ayaw na rin niya kasing maligaw kapag hindi na kasama ang kaibigan.
Akmang papunta na si Celina sa susunod niyang klase nang maramdaman niya ang tawag ng kalikasan dahil sap ag-ubos nila ng isang litro ng sofdrinks kanina.
Nagmamadali siyang naghanap ng restroom, pero wala sa floor ng building na iyon, laking pasalamat niya naman nang may makitang Janitor.
"Kuya! Saan po iyong C.R. dito?" papansin niya na lang dito.
"Sa third floor, akyat ka lang diyan tapos kaliwa ka," turo nito sa malapit na hagdanan.
"Salamat kuya!" paalam ni Celina sa lalake bago tumakbo doon.
Sa sobrang pagmamadali ay hindi niya napansin ang karatulang nakalagay sa harap ng pinto na "NO ENTRY SCHEDULED CLEANING" Kaya tuloy-tuloy siya sa pagpasok.
Ganoon tuloy ang panlalaki ng kanyang mata sa tumambad sa kanyang eksena sa loob. Napahawak na lang siya sa kanyang bibig, literal kasi siyang napanganga habang natuod sa kinalalagyan.
Mayroong dalawang studyanteng nasa loob na halatang hindi dapat ginagawa doon. Bukas ang blowse ng isang magandang babae na abot hanggang balikat ang buhok, wala na itong bra kaya naman labas na labas na ang maputi at mabibilog nitong dibdib, nakapatong ito sa may lababo habang nakataas ang palda at nakapulupot ang makikinis nitong binti sa baywang ng lalakeng kaharap.
Abala naman ang naturang binata sa pagdikit sa sarili nito sa dalaga. Nakababa na ang suot nitong pantalon sa sahig at nasa tuhod ang boxers.
Buti na lang at magkadikit ang dalawa at may suot pang polo ang lalake, kung hindi ay kitang kita na ni Celina ang mga parteng itinatago nito.
Halatang hindi siya napapansin ng mga ito dahil patuloy lang ang binata sa paghalik sa leeg ng dalaga, kasabay ng paglalaro nito sa nakalabas nitong dibdib, walang magawa ang babae kung hindi ang mapakagat ng labi at mapapikit habang napapaunat ng ulo.
Napadilat lang ang dalaga ng marinig ang pag sara ng pintuan na pinanggalingan ni Celina. Nanlalaking matang napatingin na lang ito sa kinalalagyan niya.
"Sh!t! What the hell are you doing here! Hindi mo ba nabasa iyong nakasulat sa pinto!" sigaw ng babae sa kanya habang tarantang tinatakpan ang dibdib.
Bakas ang inis at pagkagulat sa mukha nito, pero ang nagpanginig kay Celina ay ang pag-ngiti ng binata pakalingon sa kanya. Hindi man lang ito natinag, walang pakialam kahit naroon siya.
Nababalot ng nakakalokong ngisi ang gwapo nitong mukha, hindi nahihiya kahit halos kita niya na ang kabuuhan nito.
"Are you stupid! Get out!" tiim bagang na singhal muli ng dalaga.
Doon nabalik si Celina sa ulira dahil sa lakas ng alingawngaw ng boses nito.
"Pasensya na!" Nanginginig na napayuko si Celina sabay takbo palabas. Muntik pa siyang mauntog dahil sa pagkaripas, napakapit na lamang siya sa hawakan ng kanyang bag sa sobrang nerbyos.