"Grabe! Sana hinayaan mo na lang akong sapakin iyon." nanginginig na saad ni Lucy na halatang asar na asar pa din ng araw na iyon. "Cy, alam mo naman na ayaw ko ng gulo" malungkot na sagot ni Celina. "Ay, Oo nga pala, baka lalo ka lang apihin noon kapag wala ako sa tabi mo!" busangot na sagot ni Lucy. "Pero grabe! Ang yabang, tama ba naman daw parinigan tayo ng ganoon. Sarap lang sampalin." malakas na buga ni Lucy ng hininga sa ilong para magpakalma. Napangiti na lang siya sa kaibigan. "Hayaan mo na, sanay na ako sa ugali niyang iyon," napabuntong hininga na lang si Celina nang maalala ang mga dinadanas dito araw-araw. "Hay naku, kaya friend, once na grumaduate tayo at nakahanap ng trabaho, umalis ka na doon, share na lang tayo sa apartment, kahit ako na bahala sa rent ng bahay basta h