Matagal bago naialis ni Celina sa kanyang isipan ang eksenang nakita. Nabura iyon dahil sa pagpupukol niya ng atensyon sa mga gawain sa manyson.
Abala ang lahat sa trabaho dahil sa pag-uwi ng anak ng amo ng kanyang ninang. Kaya tumulong na siya sa ninang sa paghuhugas ng pinagkaianan ng hapunan ng mga ito.
"Oh Lina, pagkatapos mong punasan iyan mga plato, ilagay mo na lang sa cabinet at ako naman ay magpapakain lang ng mga aso," habilin ni ninang Isme na palabas na dala ang isang malaking bag ng dog food.
"Sige po ninang, ako na po bahala sa mga ito," paniniguro ni Celina na nagbabanlaw na lamang.
Pagkalabas ng ninang niya ay siya namang pasok ni Melinda sa loob ng kusina; agad nitong binuksan ang two door refrigerator para kunin ang dessert ng mga amo.
"Lina patulong naman dito o!" tawag na lang ni Melinda habang itinuturo ang ilang maliliit na platito at kutsara dahil sa hirap itong dalhin ang malaking bowl ng fruit salad na kinuha.
Agad nagpagpag si Celina ng kamay pagkatapos ay nagpunas sa suot na apron bago kunin ang mga naturang kagamitan.
Patakbo na lang siyang sumunod dala ang mga ito para ilabas sa dining area, nadatnan nilang nagkuwekuwentuhan ang mga amo, kasama nito ang isang lalakeng hindi mawari kung nasa edad na kuarenta o trenta dahil sa kaakit akit at matipunong hitsura.
Tumulong na lang din si Celina sa paglalagay ng mga platito para mapabilis ang trabaho ni Melinda.
"So, how was your vacation iho?" tanong ni Senyor Leo sa anak nito.
"It was ok Papa, the hacienda’s doing great and I think magiging maganda ang harvest this year." masayang sagot nito.
"That's good," tuwang-tuwang saad naman ni senyor Leo.
Hindi napigilan ni Celina ang maulinigan ang usapan dahil na rin sa tumulong siya sa paghahain ng pang himagas ng mga ito.
Akmang susunod na siya kay ate Melinda pabalik sa kusina matapos salukan ng panghimagas ang mga platito nang biglang magpapansin sa kanya ang senyora.
"Lina come here." Senyas nito para lumapit siya.
"Sige na Lina, ibabalik ko lang itong pagkain sa ref," tudyo ni ate Melinda nang maestatwa nanaman siya sa kinatatayuan.
"Bakit po senyora?" Mabilis na tango ni Celina pakapunta sa tabi nito.
"Leandro have you met Celina?" Papansin ng senyora sa anak.
Taas kilay na napatingin naman ang lalake kay Celina na para bang inaalala kung sino siya.
"I didn't know we had a new maid," sagot na lang ni sir Leandro.
"Oh no iho! She's not a maid, she's Isme's godchild!" natatawang saad ni senyora Abigail. "Kasama na niya dito ang ninang niya since inampon na siya ni Isme. I remembered you wanted to compliment the person who made the soup this morning, well here she is!" may pagmamalaking pakilala ng matandang babae.
Napaayos na lang si sir Leandro ng tingin sa kanya matapos ang nadinig. "Oh, sorry. I thought bago siyang maid since she's been doing some chores here." Hiyang pigil na lang nito ng tawa. "Well, anyway, sabi nga ni mama I wanted to compliment the cook this morning, napakasarap noong niluto mo," pagpuri nito sa kanya.
Naroon ang matamis nitong ngiti habang sinasabi iyon kaya naman hindi napigilan ni Celina ang pag-iinit ng pisngi at tila panliliit sa hiya.
"Naku! Salamat ho senyor Leandro," napapayukong sagot niya na lamang.
"So basically, si Isme ang nagpapaaral sa iyo?" tanong ni sir Leandro na napahawak na lang sa baba sa pag-uusisa.
"Opo! Si ninang po ang nagbibigay ng baon ko, naka full scholarship naman po ako kaya wala po kaming problema sa tuition," buong galang na sagot ni Celina.
"Wow! That's great." Tango na lang ni sir Leandro. "But, I think it would be appropriate; if we will be the one's who would take care of your allowance, since tumutulong ka na din naman dito sa bahay. And I know na hindi ka maid ditto, so technically wala kang sinusweldo sa ginagawa mo" paliwanag nito sa nais.
Natahimik si Celina sa pagkatuliro, hindi niya mapigilan ang galak na nadarama niya pero nandoon din ang konsensya.
Napakalaking bagay na kasi ang pagpayag ng mga ito sa pagpapatira sa kanya doon. Pero hindi niya rin maialis sa isip ang ginhawang maidudulot ng iminumungkahi ni sir Leandro para sa kanyang ninang.
Kung tatanggapin niya kasi iyon, kahit papaano ay hindi na siya masyado magiging pabigat, maliban doon ay wala siyang proproblemahin sa baon, subalit naroon rin ang bulong ng kanyang isipan na baka sumusobra na siya.
"Naku Senyor! Wag na po, nakakahiya na ho sa inyo! Nakikitira lang naman ho ako dito, kaya tama lang po na tumulong ako sa gawaing bahay," magalang na pagtanggi na lang ni Celina dahil sa pangingibabaw ng dikta ng kanyang konsensya.
"Nonsense iha, consider this as part of your scholarship, and I don't like taking no for an answer," madiin na saad ni sir Leandro.
Natahimik muli si Celina, hindi niya nais kontrahin ang sinabi ng lalake, pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang hiya dahil na rin sa laki na ng utang ng loob.
"Don't worry about it Iha, just accept the offer, don't think about anything else okay!" maarugang haplos na lang ni senyora Abigail sa braso niya bilang paninigurado.
Hindi magkamayaw sa galak ang pakiramdam ni Celina, pinipigilang niya ngayon mapaiyak dahil sa biyayang ipinagkaloob ng mga ito.
"Maraming, maraming salamat po, senyor Leandro, senyor Leo, senyora Abigail. Tatanawin ko po itong malaking utang ng loob!" paulit-ulit na yuko niya na lang sa mga ito.
Panaka-naka na ang pagpunas niya sa mata dahil sa halos naluluha na siya sobrang tuwa.
"Like I said iha, no need to think about it! Sige na, bumalik ka na sa kuwarto niyo at iwan mo na sina Melinda sa kusina, hindi magandang nagpupuyat kapag may pasok." nakangiting sabi ng senyora.
Tumango na lang muli si Celina, matapos magpaalam ay bumalik na siya sa kusina.
Itinuloy niya na muna ang pagliligpit sa mga naiwang hugasin, ang mga ganoong gawain lang kasi ang nakikita niyang pwedeng gawin bilang sukli sa kabutihan ng mga nandoon. Abala na rin kasi ang ibang mga katulong sa paghahanda para bukas.
"Manang Isme, may fruit salad pa ba?" biglang tanong ng isang malalim na boses ng lalake pakapasok sa kusina.
Nabatid ni Celina na marahil ito ang sinasabing apo ng mga amo doon na nadinig niyang nakauwi na rin kanina lang.
"Uhm, nandito po sa refrigerator sir," buong galang na sagot niya sabay punta doon para kunin ang bowl ng fruit salad.
Maingat niyang inilapag ang pagkain sa may counter, pero nagtaka na lang siya ng tila manatili itong nakatayo at nakatingin lang sa kanya.
Literal na napanganga si Celina nang mag-angat ng tingin sa binata, sa sobrang pag-kagulat ay halos mapasigaw siya; buti na lang at natakpan niya ang bibig ng kanyang dalawang kamay kung hindi ay tuluyang umalingawngaw ang tili niya sa kusina.
Lahat ng naburang alaala niya ng mga pangyayari sa C.R. ng eskwelahan nila ay parang kidlat na bumalik.
Nakasisiguro siyang ito ang binata naabutan niya sa restroom, kahit nakasuot ito ng sando at shorts ay nakatatak na sa kanyang isipan ang matikas nitong mukha.
"What the hell are you doing here!" matalim na tanong ng naturang lalake habang kunot na kunot ang noo. Nakakuyom na ang isang palad nito na tila naghahanda na siyang sugudin.
Masyadong nagulantang si Celina para makasagot, sa isip isip niya 'Bakit nandito ang lalaking ito!' lalo pa siyang natameme habang tulala dahil sa nakakalusaw nitong mga tingin.
"Sino ka, at anong ginagawa mo dito sa bahay namin!" medyo pasigaw ng tanong ng binatilyo nang magsimula ng lumapit sa kanya; mabigat ang bawat yabag ng paa nito.
Napapaatras tuloy si Celina dahil sa takot, kinakabahan sa maaring gawin ng lalake sa kanya.
Sakto naman dating ni Melinda sa kusina nang makailang dipa na lang ang layo ng lalake kay Celina. Kita nito ang galit na galit na hitsura ng binatang amo, kaya napatakbo na lang ang katulong sa kanyang tabi nang mapansin ang matinding takot ni Celina dahil na rin sa pamumutla.
"Ay! Siya nga pala senyorito, siya po si Lina. Inaanak po ni manang Isme!" Pagitna kaagad ni ate Melinda sa kanila. Napalunok na lang ito ng balingan ng binatang amo.
Lalong napakunot ng noo ang lalake. Naroon ang pagpapabalik-balik ng matalim nitong tingin sa kanilang dalawa kaya naman hindi niya mapigilan ang mamawis ng malamig.
"So, Anong ginagawa niya dito?" galit nitong tanong.
"Ah! kasi po, pinayagan ng lolo't, lola mo na dito na lang siya manirahan; kaysa naman umupa si manang Isme, alam niyo naman po kung gaano ka-importante dito sa bahay si manang," halos utal na paliwanag ni Melinda na napakapit na lang din kay Celina.
Medyo huminahon ng kaunti ang hitsura ng binata, pero halata pa rin ang init ng ulo nito habang pinaninigkitan sila ng mata.
"If that's the case, gaano na siya katagal dito?" muling tanong nito na hindi pa rin nagbabago ang lalim ng boses.
"Mag dadalawang buwan na po!" utal na sagot ni Celina. Dama na rin niya kasi ang panlalamig ng mga palad ni ate Melinda sa panlilisik ng mata ng lalake, kaya naglakas loob na siyang sumagot.
"Tsk," iyon lang ang sagot ng lalake bago umatras papunta sa may lamesa.
"Lina. Siya ng pala si senyorito Vincent, anak ni senyor Leandro," bulong na pagbibigay alam ni Melinda pakatalikod nito.
Matalim pa din ang titig ni senyorito Vincent nang muling humarap sa kanila, humalukipkip na ito na wari'y pinag aaralan si Celina. Napatuwid silang muli ni ate Melinda, walang makapagsalita at pasimple lang ang tingin nagagawa nila sa isa't isa para iwasan ang titig nito.
"Uhm, sige ho sir, aalis na po kami, magtatapon pa po kami ng basura." palusot na lang ni ate Melinda.
Magkahawak kamay na lumakad silang dalawa paalis sa kusina, pero bago pa man malagpasan ni Celina ang binate ay hinawakan siya nito sa braso dahilan para magtaasan ang lahat ng kanyang balahibo, nandoon ang kaba at lalong pagbilis ng t***k ng kanyang puso dahil sa higpit noon.
"Se...Senyorito?" medyo utal na tanong ni Celina.
Sandali silang nagkatitigan ng lalake pero agad din siyang naglihis ng tingin dahil sa tila pagkapaso sa mga tingin nito; mabilis niya na lang na ibinaling iyon kay ate Melinda upang hingan ito ng tulong, pero hindi na ito nakapagsalita ng pansinin ng amo.
"Ate Melinda, mauna ka na. May itatanong lang ako sa kanya," tuwid na saad ni senyorito Vincent.
"Ho!" naibulalas na lang ni Melinda sa gulat.
Mukhang napainit lang noon muli ang ulo ng senyorito dahil kumusot nanaman ang mukha nito.
Sa takot ay hindi na nagsalita si Melind bagkos nagkatinginan sila muli ni Celina, makikitang parehas silang puno ng takot at kaba dahil sa hindi mawaring dahilan ng galit ng amo nito.
Naroon na ang pagmamakaawa sa mukha ni Celina sa kasama upang wag siya nitong iwan.
"Ate! Sabi ko iwan mo muna kami!" pagtataas na lang ng boses ni senyorito Vincent.
"O...opo, si...sige po senyorito, pa...pasensya na po." nanginginig na sagot na lang ni ate Melinda sa takot.
Wala na itong nagawa kung hindi ang tingnan si Celina, puno ng paghingi ng paumanhin ang mukha nito bago napakaripas palabas ng kusina.
Dalawa na lang silang naiwan sa kusina, hindi na napigilan ni Celina ang mapangiwi dahil sa diin ng pagkakahawak ni senyorito Vincent sa kanyang braso. Napatingkayad na lang siya ng hatakin ng binata para magkapantay sila, halos magkatapat na ang mukha nila sa isa't isa pero lalo pang inilapit ni Vincent ang mukha sa kanya, hanggang sa ilang centimetro na lang ito.
Hindi mapigilan ni Celina ang bilis ng t***k ng kanyang puso, hindi niya mawari kung sa takot at kaba ba ito. Naroon kasi ang pagkatulala niya sa mga mata ng binate nang mapansin ang kakaibang kulay ng mga iyon. Nangingibabaw ang pag ka-asul na tila ba nanghahatak sa kanyang kaisipan.
"Paano ang isang katulad mo ay nakapasok sa school namin?" mapanghusgang tanong ng binata.
Ibubuka na sana ni Celina ang bibig niya para sumagot, pero nahigit niya na lang ang hininga nang muntik ng dumampi ang labi nito sa kanya. Nablangko tuloy ang kanyan isipan dahil sa kakatwang pakiramdam na bumalot sa buo niyang katawan. Nandoon din ang pagkalito niya sa inaasal ng binate kaya nanatili na lang siyang parang pipe.
"Wait! Don't tell me, I think I already have an idea!" angat na lang ni senyorito Vincent ng daliri sa kanyang labi ng subukan niya muling ibuka iyon.
Naroon na ang nakakaloko at mapang asar nitong ngisi na siyang nagpatigil sa kanyang hininga.
"Ano ho?" sa wakas ay nasabi ni Celina dahil sa hindi niya maintindihan ang nais nitong iparating.
"Oh, don't play dumb with me, I know exactly what you are! So I suggest that you don't try anything stupid, naiintindihan mo ba?" tiim bagang na sabi nito.
Napangiwi muli si Celina dahil sa pagbaon ng daliri ng binata sa braso niya, ramdam niya ang matinding gigil nito dahil sa kung anong galit.
Nanginginig na lang siyang tumango, bilang pag-sang ayon dito, kahit wala naman siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito.
Doon na siya binitiwan ni senyorito Vincent, pero marahas ang pagtulak nito, napakapit na lang tuloy siya sa lamesa, tulala habang pinagmamasdan ang dahan-dahan nitong paglalakad palayo. Napaayos lang siya ng tayo nang muli itong lumingon.
"Oh by the way, don't dare come near me at school! You don't know me and I don't know you, are we clear on that?" durong pahabol nito.
Nanginginig na lang siyang tumango muli para tuluyan na itong umalis.
Halos mapaluhod na si Celina sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod. Doon niya lang namalayan na napatigil pala siya sa paghinga ng mga sandaling magkausap sila, kaya naman humahangos siya ngayon. Ilang saglit lang pakaalis ng binatang amo ay siya naman pasok ni ate Melinda kasama si ninang Isme.
"Lina, ayos ka lang ba!" saad nito habang patakbong punta sa kanya na puno ng pag aalala.
"Ano ba nangyari?" tanong naman ni ninang Isme.
"Hindi ko din alam Manang," sagot na lang ni ate Melinda pakahaplos sa kanyang likod, batid nito ang kakapusan niya ng hininga ng mga sandaling iyon.
"Ayos naman kanina si senyorito, may nasabi ka ba Lina?" takang tanong muli ni ninang Isme sa kanila.
Pinalinga na lang ni Celina ang ulo para sabihing hindi niya alam.
"Grabe manang, natakot ako kanina. Akala ko talaga sasaktan niya si Lina," pigil hikbing sumbong na lang ni Melinda.
"Naku! Huwag niyo na iyong alalahanin, baka hindi lang maganda ang pakiramdam ni senyorito, hindi naman kasi iyon ganoon," paliwanag ni ninang Isme. "Mabuti pa itulog na lang natin yan, tara na at maaga pa ang pasok mo bukas," yaya na lang nito kay Celina.
Sumunod na lang silang dalawa ni ate Melinda, inalalayan na muna siya nito dahil hindi pa din siya nakakahupa sa pangangatog pa rin ng mga tuhod.
Naisip ni Celina na maaring galit ito dahil sa kanyang nasaksihan, pero nandoon din ang pakiramdam niyang may iba pa itong dahilan sa inasal kanina.