Napahawak si Cy sa kanyang labi ng makalabas si Aize sa kwarto niya. Kahit dampi lang ang halik na iyon ay talagang nawindang nito ang kanyang sistema. Oo nga at lalaki siya. Pero hindi naman siya katulad ng iba na nagkaroon ng girlfriend at nakahalik na.
Pabagsak na inihiga ni Cy ang katawan sa gilid ng kama.
Pare-pareho lang silang magkakaibigan. Mula ng magkakilala silang tatlo. Doon nila nalaman na hindi pa nagkaroon ng girlfriend ang bawat isa. Naging maswerte lang si Rodrigo na ang unang babaeng minahal nito ay asawa na nito ngayon.
Pero siya, ang babaeng malakas ang loob na halikan siya ng walang paalam ay hindi naman niya karelasyon.
"Teka nga, bakit ba big deal sayo na nahalikan ka?" Tanong ni Cy sa sarili na siya rin lang naman ang sumagot. "Kasi first kiss mo kasi yon! Yawa ang pangit pakinggan. Parang ako pa ang dehado sa lagay namin ah." Aniya ng makahuma sa paghalik ni Aize.
Medyo tumayo si Cy at kinuha ang larawan ni Zeze na nasa loob ng drawer niya. Inilagay na niya ang larawan nito sa ibabaw sa halip na iyong card.
Pinagmasdan niya ang cute na mukha ni Zeze. Napakaganda nito noong bata pa. May pagkachubby kasi ito noon. Katulad din noong isang kaibigan nila na hindi niya maalala ang pangalan kasi hindi naman sila close.
"Gusto mo daw ako?" Pagkausap ni Cy sa larawan. "Pero hindi naman pwede, lalo na at magkaiba tayo ng antas sa buhay. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao? Mabuti si Igo at Shey. Hindi naman alam ni Rodrigo ang antas ng buhay ni Shey ng minahal niya ito. Pero ikaw Zeze alam ko. Alam na alam ko." Pagkausap pa niya sa sarili bago tuluyang ibinagsak ang sarili sa kama.
Hawak pa rin niya ang larawan ni Zeze na nasa frame. Naisip na naman niya ang sinabi ni Aize. Kaya lang hindi pa rin niya matukoy kung talagang totoo ang sinasabi nito o nagbibiro lamang ito. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago ipinikit ang mga mata.
"Cy." Ani ng isang tinig na hindi malaman ni Cy kung totoo o hindi. Pero ilang sandali pa ay narinig na naman niya ang pagtawag sa pangalan niya.
"Pasok." Walang buhay niyang tugon. Alam niyang si Aize lamang ang tatawag sa kanya. Hindi naman niya malaman kung paano pakakaharapan ang dalaga kaya naman pinilit niyang baliwalain ang presensya nito ng makapasok ng kwarto niya.
"Anong problema?" Matabang pa rin niyang tugon.
"Gusto ko lang siguraduhing okay ka. Baka mamaya inatake ka na sa sobrang kilig." Tudyo pa ni Aize.
"Tigilan mo ako yelo. Hindi ako ikaw, para makaramdam ng kilig."
"Sus naman itong KalanCy na ito oh. Lugi ka pa ba sa akin?" Tumataas ang kilay na tanong ni Aize.
Naramdaman naman ni Cy ang paglapit ni Aize kaya mabilis niyang isinuksok sa ilalim ng unan ang frame.
"Ano lang ba ang kailangan mo. Gumagabi na, kaya matulog ka na rin."
"Gusto ko sanang matulog kaso hindi ako makatulog hanggat hindi ko naririnig ang sagot mo." Nakangiting wika ni Aize kaya napatitig si Cy dito. Naupong muli si Cy sa gilid ng kama.
"Ano bang sagot ang gusto mong malaman?"
"Sagot na tayo na. Para bukas boyfriend na kita." Ani Aize sa kompyansang tinig.
"Hindi ka ba makakatulog ng hindi nalalaman ang sagot?" Napapahilot sa sentido na tanong ni Cy. "Hindi ganoong kabilis maramdaman ang pagmamahal Aize. Hindi laro ang pag-ibig at hindi lang ito basta laro na parang jack 'n poy. Na pwedeng win, loss or draw. Dapat pareho ninyong mahal ang isa't-isa. Hindi iyong para ka lang nagtanong sa tindahan kong may tinda silang kape. At mamimili ka na kong anong klase. Hindi ganun Aize." Mahabang paliwanag ni Cy na ikinaupo naman ni Aize sa sahig.
"You know Cy. Hindi mo naman kailangan ng ilang buwan o taon bago mo mapatunayan na mahal mo ang isang tao. Kasi minsan nga iyong ilang taong mag-boyfriend at mag-girlfriend biglang naghihiwalay. Kasi nga hindi sila ang meant to be. Kung sa tingin mo mahal mo ang isang tao, sabihin mo na kaagad at iparamdam mong mahal mo siya. Maikli lang ang buhay Cy. Baka mamaya, akala mo nandyan lang siya. Kaya binabaliwala mo. Pero mamaya hindi mo na pala makakasama. Baka pagsisihan mo din ang panahon na sinayang mo na dapat ipinaramdam at sinabi mo sa kanya na mahal mo siya at gusto mo siyang makasama habang buhay."
Napatingin naman si Cy kay Aize. May punto ang sinabi ng dalaga sa kanya. Kailan pa niya lilinawin ang nararamdaman niya pag wala na siyang pagkakataon. Paano kung bumalik na ito ng Maynila kasi tapos na ang pagstay nito sa kanya.
"Pag-isipan mo Cy. Naramdaman kong gusto kita. Kaya sinasabi ko sayo. Hindi ako tulad ng ibang babae na pakipot at pabebe. Kaya kalalaki mong tao magpakalalaki ka naman. Panindigan mo kung gusto mo ako. Kung ayaw mo. Just say you don't like me. Then tapos. Ayaw mo ba sa akin?" Tanong ni Aize ng biglang mag-iwas ng tingin ni Cy.
"See hindi ka talaga sure na ayaw mo sa akin. Pero sure akong may pagtingin ka sa akin kahit maliit na porsyento. Alam mo kung bakit? Hindi pa nagkakamali ang instinct ko. So ayon lang good night Cy. Tulog na."
"Sa halip na maging maayos ang tulog ko. Mas lalo pang nagulo ng dahil sayo."
"Ang arte mong KalanCy ka. Lakas loob na ngang umamin na gusto kita. Ang dami pang drama. Sige na wag mo na akong pansinin. Bahala ka na. Good night." Inis na wika ni Aize na mabilis tumayo sa pagkakaupo sa sahig. Akmang lalakad na si Aize ng mahawakan ni Cy ang kanyang kamay.
Napatingin naman si Aize sa kamay ni Cy na nakahawak sa kanya ng mabigla siya sa mabilis nitong pagkabig sa kanya, na ikinabagsak niya sa kandungan ng binata.
Napalunok naman si Aize sa lapit ng mukha ni Cy sa mukha niya.
"C-Cy." Nauutal pang sambit ng dalaga ng ilapit ni Cy ang labi sa labi niya.
Dahan-dahan lang iyon at damang-dama ni Aize ang mainit at malambot na labi ni Cy. Banayad lang iyon at puno ng pag-iingat. Madami ng nakahalik sa labi niya, dahil rebelde siya sa daddy niya. Pero iba ang halik na ipinaparamdam sa kanya ni Cy. Halik na kahit kailan, hindi mo gugustuhing matikman pa ng iba. Halik na gusto na niyang angkinin at ipagdamot sa iba.
May munting ungol na lumabas sa bibig ni Aize kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Cy, na mas palawigin pa ang halik na pinagsasaluhan nila ng dalaga.
Unti-unti namang itinaas ni Aize ang mga braso sa may batok ni Cy. Nakakalasing ang halik nito. Kung hindi niya naikapit sa batok nito ang mga braso niya, malalaglag na siya sana. Naramdaman na rin niya ang kamay ni Cy na nakapulupot sa baywang niya.
"C-Cy." Nauutal pang wika ni Aize ng maramdaman ni Aize ang paglalakbay ng kamay ni Cy sa katawan niya.
Mainit, at may hatid iyong kiliti sa kaibuturan ng kanyang puso. Patuloy lang ang halik na kanilang pinagsasaluhan, hanggang sa bumaba ang mga halik ni Cy sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib na nababalutan pa ng damit.
"A-Aize." Ani Cy na halos maghabol na rin ng hininga sa mga oras na iyon. "Please tell me to stop Aize."
"Why? I don't want you to stop. Make love to me Cy. Please. Make love to me." Pakiusap pa ni Aize na mas lalong nagpadarang kay Cy sa kanyang nararamdaman.
Ang pagtitimping nararamdaman ni Cy ay naputol na. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga. Ramdam na ramdam nila ang init ng katawan ng isa't-isa. Patuloy lang ang mainit na halik na pinagsasaluhan nila.
Tumaas ang kamay ni Cy sa mga botones ng damit ni Aize. Isa-isa, at maingat niya iyong bunuksan. Ang tunog ng halik na pinagsasaluhan nila ay parang malamyos na musika na lalong nagdadarang sa kanila sa isang dimensyon na pareho nilang ngayon lamang mararating.
"Gusto kita Cy." Ani Aize ng alisin ni Cy ang halik sa labi niya at dinala sa pagitan ng kanyang leeg pababasa gitna ng kanyang dibdib.
"Ganoon din ako sayo Aize. Gusto kita. Gustong-gusto." Sagot ni Cy ng mapasinghap si Aize sa kanyang ginagawa dahilan para biglang magulat ito at sabay silang nahulog sa sahig.
"Aray!" Sigaw ni Cy ng bigla na lang siyang nahulog sa kama at pawis na pawis ang buong katawan, kahit na malamig sa loob ng bahay, dahil mahangin sa labas.
Napatingin pa siya sa paligid at napagtantong nag-iisa lang naman siya.
"Ang weird!" Aniya at mabilis na tinungo ang pintuan at lumabas ng kwarto. Pinuntahan niya ang kwarto ni Aize, dahil naguguluhan siya sa kani-kanina lang na naganap.
Pagbukas niya ng pintuan ay tumambad sa kanya ang malamlam na ilaw, at ang dalagang nakasuot ng t-shirt na itim ibang-iba sa suot nito na pula na may botones na pantulog. Narinig pa niya ang paghilik nito. Indikasyon na tulog na tulog talaga ito.
Dahan-dahan namang inilapat ni Cy ang pintuan ng kwarto ng dalaga para hindi makagawa ng ingay. Pagtapat niya sa may salas ay nakita niya ang orasan na nakasabit sa dingding.
Alas tres na ng madaling araw ang oras na sinasabi ng orasan. Napalatak pa siya ng pagtawa ng mapagtanto ang kani-kanina lang ay naganap.
"Panaginip. Kasalanan talaga ng Yelo na iyon. Kung hindi niya ako hinalikan, hindi ako mananaginip ng ganoon. Haist." Kakamot-kamot sa ulo na wika ni Cy at mabilis na tinungo ang kwarto.
Kinapa pa niya sa ilalim ng unan ang picture ni Zeze pero wala naman doon. Pagbukas niya ng drawer ay nandoon pa rin ito sa kinalalagyan nito.
Napailing na lang si Cy at muling bumalik sa pagkakahiga sa kama. Sa mga oras na iyon ay maayos na ang pagkakahiga niya at hindi na katulad kanina na nakatulog pala siya sa gilid ng kama.