Dahan-dahang imimulat ni Aize ang mga mata ng magising siya. Madilim pa ng ng nga oras na iyon. Iniunat niya ang mga kamay, at napatingin sa braso niyang may gasa. Hinawakan pa niya ang sugat sa kanyang braso. Hindi na iyon masakit tulad noong nakaraan. Napatingin siya sa may kisame at napangiti ng maalala ang pangungulit niya kay Cy.
"Pero totoo naman ang sinabi ko sa kanyang gusto ko s'ya. Hindi naman ako nagbibiro. Ang weak lang talaga. Sa isang halik natutulala na." Aniya at mabilis na bumangon at nagtungo ng banyo.
Matapos ang kanyang pag-aayos sa sarili ay inalisan niya ng gasa ang sugat niya. Mahaba iyon at medyo sariwa pa rin. Pinahiran niya iyon ng gamot at muling nilagyan ng gasa. Manipis lang ang inilagay niya. Mas okay sana kung hindi na lalagyan para mas mabilis gumaling. Kaya lang iwas na rin sa bacteria na maaaring dumapo doon at makapagpalala. Kaya nilagyan na rin niya ng manipis na proteksyon.
Napatingin si Aize sa may salas, may dim light kasi doon kaya kita niya ang oras sa orasan na nakakabit sa dingding. Quarter to five pa lang sa mga oras na iyon.
"Ayaw talaga akong ligawan ng weak na iyon. Ako kaya ang sumuyo at baka naman maiinlove din sa akin ang lalaking 'yon." Napatingin pa siya sa pintuan ng kwarto ni Cy tapos ay parang kinilig.
Ewan ba niya sa sarili niya at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman para kay Cy. Madami naman talaga siyang nakasalamuha na lalaki noong makatapos siyang mag-aral sa ibang bansa. Pero bakit kakaiba ang dating ni Cy sa kanya ngayon.
"Parang mali yata ako ng sinabi sa isang iyon na gusto ko s'ya. Hay." Aniya at muling hinawakan ang dibdib sa tapat ng puso. "Mahal ko na yata ang lalaking iyon. Ang weird naman kasi. Dati lang binubully ko lang. Tapos ako pa ang ganito ngayon. Paano ko kaya mapapaamin ang isang iyon sa nararamdaman niya, para sa akin. Gusto nga kaya niya ako? O assuming lang talaga ako." Naiiling niyang wika saka tinungo ang kusina.
Ang tasang ginamit nila kagabi ni Cy pagkakape ay ngayon lang niya nagawang hugasan. Nagsalang na rin siya ng bigas sa rice cooker. Habang nagkakape ay tinu-thaw niya ang bacon na nakita niya sa ref. Siya na muna ang magluluto ng breakfast nila. Gusto talaga niyang bumawi kay Cy sa pag-aalalaga nito sa kanya. Higit sa lahat sa pag-intindi nito sa kanya. Bukod pa doon na dapat siyang magpagood vibes sa binata.
"Ang desperada ko ba? Bakit ba atat na atat yata akong magustuhan ng isang yon." Sabay higop ng kape. "Paano ay gusto mo nga. Ang hirap kasi noong pagdumating ang araw na may magustuhan siya hindi ikaw, ay ikaw itong nakasama niya sa ngayon." Pagkausap pa niya sa sarili.
"Mababaliw na yata ako. Mahal mo s'ya pero iba ang mahal n'ya. Ang sakit nun ha. Hay naku. Kaloka." Naiiling niyang sambit sa sarili niya. "Nakakabaliw daw ang pag-ibig. Mukhang totoo nga." Dagdag pa niya kaya natawa na lang si Aize sa mga pinagsasasabi niya.
Mula pa pagkagising niya ay si Cy na ang nasa isip niya. Bigla niyang naalala ang mga magulang niya. "Ano kaya ang masasabi ni daddy pag nalaman niyang nahulog ako kay Cy?" Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago ipinagpatuloy ang pagluluto ng bacon at sunny side up egg.
Sumisikat na ang araw ng magising si Cy. Napabalikwas pa siya ng bangon ng mapagtantong medyo tinanghali siya ng gising. Kailangan pa niyang magluto para makakain si Aize at makainom ng gamot.
Mabilis niyang hinayon ang banyo para makapag-ayos ng sarili. Naghilamos at nagtoothbrush lang naman siya at mabilis na lumabas ng kwarto.
Pagdating niya sa pintuan ng kusina ay nakasalubong niya si Aize na malawak ang ngiti sa kanya. Bigla namang tumambol ang puso ni Cy.
Ang ngiting iyon. Ani ng isipan niya at napangiti din siya sa dalagang kaharap.
"Tatawagin na sana kita. Pero nandito ka na. Kain na tayo."
"Ikaw nag nagluto?"
"Oo. Bakit? May iba ka pa bang kasama dito sa bahay?" Nakangusong wika ni Aize na parang bata.
"Hindi ganun. Ibig kong sabihin. Bakit hindi mo ako ginising. Kumusta ang sugat mo?"
"Okay lang naman ang sugat ko. Gusto kong magpa-empress sayo. Akala mo kasi nagbibiro lang ako ng sabihin ko sayong gusto kita." Lakas loob na ulit ni Aize kay Cy. Kaya naman biglang napalunok si Cy.
Nawala na sa kanyang isipan ang paghalik ni Aize sa kanya. Pero ngayon ito na naman at naalala na naman niya dahil sa sinabi nito.
"Natulala ka na dyan. Kain na tayo." Pag-aaya ni Aize sabay higit sa braso ni Cy. May timpla na rin itong dalawang tasa na kape. Pangalawa na nga iyon ni Aize kung tutuusin. "Kain ka na. And promise wala ng prank ngayon."
Napatingin naman si Cy sa mga pagkaing nakahayin. Mukha naman ngang matino na ang lahat ng niluto ng dalaga ngayon. Isa pa nagtitiwala siya sa sinabi nitong nagpapa-empress ito sa kanya. Kumuha siya ng kanin, bacon at itlog.
"Masarap?" Tanong ni Aize matapos isubo ni Cy ang pagkain.
"Oo, thank you sa breakfast. Kahit dapat ako ang gagawa, nito para sayo." Ani Cy at sumubong muli.
"Wala iyon. Isa pa masarap talaga iyang luto ko, lalo na at pinuno ko kaya ng pagmamahal yan para sayo." Ani Aize na ikinasamid ni Cy.
Mabilis naman siyang nakapagsalin ng tubig sa baso at inimon. Halos pangapusan pa si Cy ng hininga bago mawala ang samid niya.
"Ang weak mo talaga. Wala namang masama na lagyan ko ng pagmamahal ang pagluluto ko. Ikaw naman ang ipinagluluto ko. Be thankful na ikaw ang pinapakain ko. Gusto mo ikaw ang kainin ko?" Nakangising tanong ni Aize na ikinasamid muli ni Cy kahit wala naman siyang kinakain ng mga oras na iyon.
"Ang samidin ha. Hindi ka ba sanay sa mga ganong salitaan? Ang weak naman ng Cy na ito. Paano na tayo sa future kung breakfast, lunch at dinner lang ang kakainin mo? Paano naman ako?" Biro pa ni Aize ng halos mabulunan naman si Cy ng isang kutsarang kanin na isinubo nito.
"Pwede bang, konteng preno naman sa pagsasalita. Naeeskandalo ako eh?" Inis na wika ni Cy na ikinangiti ni Aize.
"Affected ka sa akin noh? Aminin mo na kasi. Aba ay sobra-sobrang preno na nga ang ginagawa ko. Ganito man akong magsalita matino pa rin ako kaya."
"Matino ka pa ng lagay na iyan? Akala ko pa nagpapa-empress ka. Pero bakit parang nang-aasar ka na naman?"
"Nagsasabi lang ako ng totoo Cy. Paano kung mag-asawa na tayo. Anong gagawin natin habang magkasama? Magjajack 'n poy? Ang boring mo naman."
"Ang advance mo namang mag-isip."
"Hindi ako advance mag-isip. I'm just stating the fact Cy. Hindi ka ba naiinggit sa kaibigan mo na may asawa na. Tapos ngayon buntis na ang napakaganda niyang asawa? Magkasing edad lang naman kayo, wala ka pa bang balak lumagay sa buhay may asawa? O kailan mo balak mag-asawa? Kung kailan expired na ang matres ko? Tapos pwede ka ng tawaging lolo ng anak mo?"
Napatingin namang bigla si Cy kay Aize na ngayon ay tapos ng kumain. Siya naman ay ganoon din. Kape na lang ang hinihigop niya sa mga oras na iyon.
"Seryoso ka sa mga sinasabi mo?" Tanong niya dito na ikinatango ni Aize. "Look Aize, sabi ni Tiya Celing ipinadala ka ng daddy mo dito sa poder ko kasi ipinagkakatiwala ka niya sa akin, na mababago iyang ugali mo na mali ang paniniwala. Ipinagkatiwala ka sa akin. Kaya hindi ko alam kung paano tutugunin o sasagutin iyang sinasabi mo. Mahirap lang ako Aize. Hindi ang isang tulad ko ang nababagay sayo. Hindi ang isang tulad ko ang pwedeng magustuhan ng isang mayaman na katulad mo. Sa tingin ko naman ay maayos na ang pananaw mo sa buhay. Pwede kong tawagan ang daddy mo para mapasundo ka na dito. Bata pa Aize. Madami ka pang makikilala at pagnangyari iyon. Makakalimutan mo din ang araw na ito na nakilala mo ako." Paliwanag ni Cy bago mabilis na tumayo sa kinauupuan at iwan ang dalagang nakatingin sa kanya.
"Ang drama mo Cy. Masyado kang pakipot." Inis na sigaw ni Aize, at isa-isang pinatas ang kanilang pinagkainan at siya na ang nagdayag noon sa lababo. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang gasa na tumatakip sa sugat niya. Ang kanya ay naiinis siya kay Cy. Daig pang trust issue sa pagkakaroon ng nobyang may kaya sa buhay kung umasta.
"May pera lang ang pamilya ko at nagkataon na lumaki akong mayaman. Pero hindi naman ako, nanghahamak ng mahirap. Para sa akin ay pantay-pantay lang. Walang mahirap walang mayaman. Nainis lang talaga ako kay daddy dahil ang gusto niya ang dapat masusunod. Kaya naman nagawa kong magrebelde sa kanya noon. Pero hindi naman ako masamang anak. Nang marealize ko na mali ako, pinagsisihan ko ang ginawa ko noon. Pero bakit ganito sa akin si Cy. Karma ko ba s'ya? Kasi pasaway ako?" Naiiling na wika ni Aize na hindi na rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.
Basang-basa na rin ang gasa na nasa braso niya. Ang sugat na hindi naman dapat dumugo ay dumudugo na naman dahil sa lakas ng pwersa ng tubig na tumatama doon. Masakit ang sugat niya. Pero mas masakit iyong ipamukha ni Cy na hindi sila bagay sa isa't-isa.