bc

Poorman Series: Cypher Romero

book_age18+
1.2K
FOLLOW
10.3K
READ
family
HE
kickass heroine
confident
blue collar
bxg
lighthearted
campus
secrets
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Cypher Romero, macho gwapito sa palengke ng San Lazaro. Tulad ng mga kaibigan, kailangan niyang kumayod para may maipanlaman sa kumakalam niyang sikmura.

Aize Hernandez, lumaking spoiled brat. Dahil sa hindi kaaya-ayang pangyayari na nasaksihan ng ama sa isang bar, ipinadala siya ng probinsya. Buhay na kailan man hindi niya akalaing mararanasan niya.

What happened when, Cypher meets Aize? One word answer. Trouble.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Good morning Philippines!" May diin pero hindi kalakasang sigaw ni Aize ng makalabas siya sa arrival ng airport. Galing siyang ibang bansa matapos ang ilang taon. Doon siya ipinatapon ng ama, dahil na rin sa katigasan ng ulo niya. Ilang beses din siyang nahuli na tumakas sa klase. Pero iyong pinakahuli ang pinakamalala. Dahil naabutan siya ng daddy niya na tumitikim ng alak kasama ang mga kaklase niya. Ayon, at ipina-full out siya sa school at dinala sa ibang bansa. Doon siya pinag-aral sa isang exclusive school for girls with high security. At ang ending naging mabuti naman nga siyang estudyante at nakatapos ng pag-aaral. "Nakatungtong din sa kalupaan ng Pilipinas after more or less five years." Aniya at masayang inilibot ang sarili sa mga nakikita niyang mga tao sa paligid, sa arrival area. Nandoon ang mga taong nakikita niya, masayang sumasasalubong sa mga taong dumarating, mula sa ibang bansa. Or tulad ng iba ng mga galing lang sa bakasyon, or kung saan mang sulok din ng Pilipinas. Napangiti pa siya ng makita ang iba na may pabanner pa. "Welcome home daddy." Basa pa niya sa isang banner doon na hawak ng isang batang babae na hinihintay ang paglabas ng ama. Napangisi pa siya ng maalala ang daddy niya. "What if nagpasundo ako?" Tanong niya sa sarili ng maisip ang batang may hawak na banner para sa daddy nito. Hindi kasi siya nagpasundo pa. "Para saan? Para may pabanner din si daddy na, WELCOME HOME ANAK? Tsk! Whatever!" Aniya at nagpatuloy na lang sa paglabas ng airport. Nag-abang na lang siya ng taxi na dumadaan doon. Hindi naman siya nabigo at ilang sandali lang ay nakasakay na rin siya. Nang makasakay siya ng taxi ay dumaan muna siya ng mall. Ayaw muna niyang tumuloy sa bahay nila. Wala din naman siyang gagawin doon. Buburuhin lang siya ng daddy niya sa loob ng bahay. Pati ang mommy niya, ay alam na alam na ang gagawin. Magkukwento na naman ito kung gaano nito katagal tinanim ang mga halaman na nakatanim sa garden nila. Tapos ay bilang na bilang kung ilang pamumulak maroon ang mga iyon sa loob ng isang taon. Saulo na niya ang mga magulang, kaso hindi siya mabait na anak. Ang boring kayang magtanim ng bulaklak. Tapos ang gusto naman ng daddy niya, ay pag-aralan niya ang business nila habang nagbabasa ng libro tungkol sa mga halaman na nais ng mommy niya. Kaya naman noong nag-aaral siya dito sa Pilipinas, puro takas sa klase ang ginagawa niya "What a boring life?" Bulalas niya bago pa siya makapasok sa isang restaurant sa loob ng mall. Naalala na naman niya ang gustong maging siya ng daddy niya. "Tsk." At isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Naupo siya sa isang vacant table at naghintay na lumapit ang waiter sa kanya. She ordered pasta. Carbonara to be exact, garlic bread, pizza and lemonade. "Para din akong nasa ibang bansa. Mali yata ang ginawa ko. Namimiss ko ang tuyo na luto ni Yaya Sena." Anas pa niya at hindi na tuluyang inubos ang inorder niyang pagkain. Napatingin siya sa dami ng tira niyang iyon. Bigla talaga siyang nagcrave sa iba't-ibang pagkain. Mayaman siya pero sanay siyang kumain ng mga simpleng pagkain. Paborito niya ang tuyo at bulanglang na gulay na luto ng yaya niya. "Ipapabalot ko na lang kayo, lemonade lang naman ang nagalaw ko. Sayang kayo." Aniya at tinawag muli ang waiter para naman ipabalot ang mga inorder niyang pagkain at pinadagdagan pa ng isa pang set ng ganoon. Paglabas niya ng restuarant, ay nagtungo na siya sa department store para mamili ng ilang damit at gamit. Hindi naman siya tulad ng iba na sobrang bagabang pag-aalis at babalik ng bansa. Tamang isang maleta para lang pampasalubong sa yaya niya at sa iba pang kasama sa bahay, at isang personal bag lang ang dala niya at okay na iyon. Matapos makapamili ng mga kailangan niya, ay nagtungo na rin siya sa labas ng mall para maghanap ng taxi. Saktong paglabas niya ng mall ay may nakita siyang isang may edad na babae na namamalimos at may kasama itong dalawang bata. "Tamang-tama." Aniya at tinawag ang babae. Ibinagay niya dito ang pagkaing galing sa restaurant at nag-abot pa rin siya ng kaunting halaga na natira sa wallet niya. Ilang sandali pa ay may tumigil na ring taxi sa harapan. Napangiti pa siya sa isiping hindi na siya mabuburo kahihintay. Hapon na rin ng makarating siya ng bahay. Wala namang may alam na ngayon ang uwi niya. Kaya naman makababa niya ng taxi ay halos mabingi siya sa sigaw ng Yaya Sena niya ng makita siya. Nagdidilig kasi ito ng mga halaman sa garden ng mga oras na iyon. "Aize! Anak! Naku namiss kita. Bakit wala kang pasabi na uuwi ka na ngayon? Ikaw na bata ka talaga. Sandali lang at tatawagan ko si Izzy para madala sa kwarto mo ang mga gamit mo. Siguradong matutuwa iyon pag nakita ka. Miss na miss ka na rin noon." Ani Yaya Sena at mabilis na pinatay ang hose na ginagamit nito pagdidilig at mabilis siyang tinungo. "Nasaan po si mommy, yaya?" "Pagwala sa library ay nasa kwarto nila ng daddy mo. Sa ganitong oras, nagbabasa o naggagantsilyo ang Mommy Zen mo." Kasabay siya ni Yaya Sena papasok sa loob ng bahay ng makasalubong niya ni Izzy. Maganda ito at halos kasing tanda lang niya. Inampon ito ng Yaya Sena niya ayon sa kwento ng yaya niya sa kanya noon. Kaya naging malapit sila nito mula noong mga bata pa sila. Bata pa lang sila ni Izzy ay naging magbestfriend na sila. May kalaro pa nga sila noon, pero hindi na niya ito matandaan. Umalis kasi sila noon ng bansa. Halos tatlong taon din ang inilagi nila doon ng magkasakit ang lolo at lola niya sa side ng daddy niya. Pero ng mawala ang mga ito, bumalik din sila ng Pilipinas. Wala na ang dati nilang kalaro kaya hindi na niya maalala. Si Izzy lang ang natira, lalo na at si Yaya Sena na ang tumayong ina nito. "Senyorita?" Halos hindi nito makapaniwalang tanong. Pero ng masigurado nitong siya na talaga ang kaharap ay tinakbo na siya nito at niyakap. "Senyorita namiss kita. Sabi mo ay dadalasan mo ang uwi. Sabi mo kada bakasyon sa school uuwi ka? Pero bakit nasa mahigit limang taong hindi ka bumalik dito? Nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral at nagtuturo na ako sa day care. Guro na ako doon sa public school. Ngayon ka lang umuwi." Anito na mahigpit pa rin ang yakap sa kanya. "Hindi naman ako hinayaan ni daddy na makauwi, matigas daw ang ulo ko. Alam mo na. Pero may pasalubong ako sayo. Mamaya ko ibibigay, pakipasok na lang ng mga pinamili ko at ng maleta ko. By the way namiss din kita ng sobra Zizi. Usap tayo mamaya papakita lang ako ka mommy." Aniya at iniikot pa ang mga itim ng mata. Ramdam ni Izzy na masama ang loob ng senyorita niya sa mga magulang. Pero kung tutuusin maswerte pa rin ito at kasama pa ang mga magulang nito. Habang siya, namuhay ng maayos dahil sa Nanay Sena niya na kumupkop sa kanya. "Si senyorita talaga. Maswerte ka pa rin at may magulang ka. Kung hindi nga ako inampon ni inay, hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon." Malungkot na wika ni Izzy na ikinatapik ni Aize sa balikat nito. "Yaya Sena, at itong si Zizi ay nagdadrama pa. Puntahan ko lang po si mommy." Paalam niya sa dalawa. Si Izzy naman ay pumunta sa labas para kunin ang maleta ni Aize at para dalahin sa kwarto nito. Ilang katok din ang ginawa ni Aize bago niya narinig na pinapapasok na siya ng mommy niya. Halos matigilan pa ito ng makita siya. "Hi mommy. Namiss mo ba ako? Kasi ako namimiss ko kayo. Miss na miss ko na kayo ni daddy. Pero mas pinili ninyo akong doon mag-aral sa ibang bansa." Malungkot na wika ni Aize na ikinalapit ng kanyang ina. "Para din naman sayo iyon anak. Gusto naming maging maayos ang buhay mo kaya namin nagawa iyon ng daddy mo. Ngayon ba ay naiisip mo ba na kung hindi ka namin doon dinala, kumusta ka na kaya ngayon anak?" Tanong ng mommy niya sa kanya. Nakapagtapos siya ng pag-aaral, dahil hindi siya hinayaan na lumabas hanggat hindi siya nakakatapos ng kolehiyo doon. Marami ding mga Filipino na guro doon, at mga estudyante na katulad din niya. Kaya hindi nakakapanibago sa tagalog. Tapos siya ng business management. Nais din kasi ng daddy niya na siya ang humawak ng kompanya nila pagdating ng araw. Pero ng makatapos siyang mag-aral, naging malaya din siya sa paaralang iyon. Ginugol niya ang sarili niya para mamuhay ng malaya. Ngayong naenjoy na naman niya ang buhay na malaya, kahit naiinis siya sa mommy at daddy niya. Magulang pa rin niya ang mga ito. Kaya naman dahil miss na miss na niya ang mga ito umuwi siya. "Tama po kayo mommy. Ngayon tapos na po ako ng kolehiyo. Pero sana naman po hayaan po naman ninyo na mag-enjoy ako dito sa Pilipinas. Bago ako magseryoso sa buhay. Mommy bata pa naman ako at malakas pa sa kalabaw si daddy. Kaya naman bigyan ninyo ako ng kalayaan. Alam ko pong darating ang panahon na ako ang hahawak ng kompanya. Pero sana naman ngayon, hayaan muna ninyo akong eenjoy ang buhay na walang problema." Aniya na ikinayakap sa kanya ng mommy niya. "Oo anak ako na ang bahala. Sana lang ay wag kang maging pasaway. Tulad ng ginagawa mo sa ibang bansa. Nabalitaan namin ang mga kalokohan mo doon. Laman ka din ng bar sa gabi. Ang bata mo pa umiinom ka na." Sita ng mommy niya sa kanya. "Mommy naman, sinong nag-eenjoy sa buhay ng hindi umiinom. Mommy modern world na tayo. Wala na tayo sa Maria Clara era." "Aize!" "Opo na." "Basta wag namang pasaway anak. Dalaga ka na. Malaki ka na." "Whatever mommy. Maiwan ko na po kayo. I love you mommy." Sagot na lang niya habang naiiling sa mommy niya. "Aalis ka ba ng bahay anak? Hintayin mo muna ang daddy mo. Tiyak na matutuwa iyon pagnakita ka." Masayang sambit ng mommy niya bago pa niya nabuksan ang pintuan. "Pag-iisipan ko mommy. Pero wag kang mag-alala. Kung aalis ako isasama ko si Zizi." Aniya at hindi na hinintay ang susunod pang sasabihin ng kanyang ina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook