Tahimik na nakaupo si Cy sa balkonahe ng kanyang bahay. Ninanamnam niya ang pagsamyo at pagdami ng malamig na hangin sa kanyang balat. Malamig na ng mga oras na iyon at gabi na. Nakaalis na rin ang mga kaibigan niya. Pero nandoon siya sa labas at nagkakape.
Patuloy pa rin niyang inaaral ang damdaming umuusbong sa kanyang pihikang puso. Hindi niya akalaing darating din siya sa puntong magkakagusto sa isang babae. Ang akala niya ay puppy love lamang iyong nararamdaman niya para kay Zeze at hindi maglalaon. Pero kung puppy love lang iyon bakit mas lalo pang lumala ang sinasabi ng puso niya ngayon.
Nag-aalalangan talaga siya noong una, kung nagkamali lang siya tungkol kay Zeze. Pero ngayon sigurado ang puso niyang si Zeze na mabait sa kanya noon ay si Aize talaga.
Napasilip pa siya sa dalaga na nasa loob ng bahay at nanonood ng palabas sa tv. Hindi naman siya mahilig manood kaya doon na lang siya sa labas at nagpapahangin. Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan bago muling sumimsim ng kape.
"Cy." Tawag ng dalaga sa kanya, kaya napabaling siya dito ng tingin.
"Malamig na dito. Bakit hindi ka pa matulog? Ayaw mo ng manood?" Tanong ni Cy na ikinatango nito.
"Wala namang magandang palabas. Mukha pating nag-eenjoy ka dito. Kaya pinuntahan na lang kita." Nakangiting wika pa ni Aize bago naupo sa isang upuan na nasa tapat ni Cy.
"Dapat kumuka ka ng jacket. Sandali lang ikukuha kita." Tatayo na sana si Cy ng umiling si Aize bilang sagot.
"Sanay ako sa malamig. Isa pa napakasarap ng dampi ng hangin dito sa probinsya ninyo sa mga oras na ito. Noong unang tungtong ko dito, pakiramdam ko, sumpa ang mapunta sa lugar na ito. Pero ngayon ko narealize na isa pala ito sa napakasayang experience ko na maii-treasure ko." Paliwanag ni Aize at humigop din ng kape sa tasa niya.
"Sorry ulit sa mga kapilyahan ko noon sayo. Ngayon ko mas lalong ipinagpapasalamat na hindi mo nagawang gantihan ako."
"Sinong may sabing hindi ako marunong gumanti?" Natatawang wika ni Cy na nagpaawang sa labi ni Aize.
"I-ibig s-sabihin humahanap ka lang ng tyempo?" Nauutal na sagot nito kay Cy na ikinatango naman ni Cy.
"G-ganoon b-ba? Si-sige sabihin mo sa akin ang dapat kung g-gawin para makabawi ako s-sayo." Nauutal pa rin niyang sagot na may halong pagkapahiya. Alam niyang madami siyang kasalanan kay Cy. Lalo na noong nagluluto ito ng dilis na lalagyan sana nito ng harina. Sa halip namagamit ang harina ay ipinain niya iyon kay Cy sa may pintuan. Ang isang kilong harina ay nasayang ng mabuhos ang lahat ng iyon sa katawam ni Cy at sahig. Alam niyang sumama din noon ang loob ni Cy pero hindi na nagsalita. Kaya ang ginawang luto nito sa dilis ay ginisa na may madaming siling panigang.
"Ang lalim naman ng iniisip mo. Saan ka na kaya nakarating? Sa moon?" Natatawang sambit ni Cy ng unti-unti niyang tinitigan ang binata. "Biro lang yon, ang seryoso mo naman. Pinatawad na kita sa lahat ng kalokohan na ginawa mo sa akin." Anito pa.
"Hindi ko na talaga iyon uulitin Cy. Promise magiging mabuting housemates mo na ako ngayon."
"Naniniwala ako sayo, kaya tama na ang pag-alala mo sa mga kalokohan mo noon at magsimula tayo ngayon." Ani Cy sabay lahad ng kamay.
"I'm Cypher Romero nice meeting you."
"Aize Hernandez at your service sir." Masiglang pagpapakilala ni Aize ng hagipin ang kamay ni Cy.
"Friends?" Tanong ni Aize.
"Friends, like the old times." Sagot ni Cy na ikinakunot noo ng Aize.
"What do you mean? Nagkakilala na ba tayo noon?" Naguguluhang tanong ni Aize na ikinailing ni Cy.
"Sa totoo, hindi ko alam kung bakit mabilis kang pinagkatiwalaan ni daddy na magstay ako sayo. Ang sinabi lang sa akin ni daddy katulong daw dati sa bahay ang tita mo tama?" Tanong nito na ikinatango ni Cy. "Tapos hinayaan na akong magbyahe na mag-isa patungo dito. Kaya nagtatanong ako kung kilala mo si daddy at kung kilala ka ni daddy. Friends ba tayo dati? Hindi ako nawalan ng ala-ala, sure iyon. Kaya lang noong kabataan ko, hindi lang siguro ako matandain. Kasi mga natatandaan ko lamg iyong palagi kong nakikita mula ng mag eight years old ako."
"Tulad ng sabi mo nga, katulong si tiya sa bahay ninyo dati, kaya nakilala ako ng daddy mo noon bata pa rin ako. Tapos hindi man pagmamayabang mabait si Tiya Celing kung nagtiwala ang daddy mo kay tiya hindi naman ako sisira para lang mapahiya ang babaeng nag-alaga sa akin ng mawala ang mga magulang ko. Kaya naman siguro ipinagkatiwala ka ng daddy mo sa akin kasi alam niyang safe ka sa akin. At isa pa ako yata ang isa sa pinakamabait na tao pag tulog." Mahabang paliwanag ni Cy na ikinatawa nila pareho.
"Grabe sa pinakamabait na tao pagtulog."
"Syempre. Hindi ko masabi paggising kasi hindi naman ako mabait na tao. May takot lang ako sa Nakakaalam higit sa lahat marunong akong rumespeto."
"Sabagay naniniwala ako sayo. Sa tagal ko na dito sa poder mo. Sa mga kalokohan ko, naging mabait ka pa rin sa akin. Bakit kaya hindi mo na lang ako ligawan sasagutin na agad kita promise." Birong totoo ni Aize. Sa totoo lang hindi man niya itanggi, malaki ang naging puwang ni Cy sa puso niya. Narealize lang niya iyon kaninang kumakain sila.
"Epekto ba yan ng sobrang pagkapagod mo at sa sobrang pagkagutom kaya ka nagkakaganyan?" Naiiling na wika ni Cy bago ito tuluyang tumayo. Pero bago pa makapasok ng bahay si Cy ay binalingan nitong muli si Aize. "Matulog ka na at malalim na ang gabi. Isa pa sobra ng lamig dito sa labas. Baka mamaya sipon, lagnat at ubo naman ang maging sakit mo."
"Oo na uubusin ko na lang itong kape ko at papasok na rin ako. Ako na ang bahala sa pintuan matulog ka na." Sagot ni Aize at pumasok na sa loob ng bahay si Cy.
Pinagmasdan pa niya ng mabuti ang dalaga na nakaharap sa tasa ng kape, bago siya tuluyang dumiretso sa sariling kwarto.
Pagkapasok pa lang ni Cy ng kwarto niya ay agad naman siyang napahiga sa kama. Habang hawak ang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Sobrang bilis kasi ng pagtibok nito sa mga oras na iyon. Gusto man niyang pigilan pero mukhang wala itong balak magpapigil. Hindi niya malaman kung nagbabalak na bang lumabas ang puso niya sa kinalalagyan nito, oh ano.
Umi-echo pa sa isipan niya ang sinabi ni Aize sa kanya. 'Bakit hindi mo na lang ako ligawan sasagutin na agad kita promise.' Paulit-ulit lang niyang naririnig kahit wala namang nagsasalita.
Masyado talagang ginimbal ni Aize ang tumatahimik niyang puso. Ayaw niyang pag-isipan siya ng masama ng iba. Maisip lang niyang mayaman ang pamilya ng dalaga, kaya suma total ay mayaman din ito. Hindi katulad niyang isang kargador lang sa palengke. Oo nga at marangal pero hindi pa rin sapat para bumagay sa isang tulad ni Aize.
Bigla namang pumasok sa isipan niya si Shey at Igo. Mayaman si Shey, pero ngayon ay asawa na ng kaibigan niya. Magkalayo din ang agwat ng pamumuhay, pero masaya na ngayong magkasama biglang mag-asawa.
"Pero magkaiba ang sitwasyon namin di ba? Una sa lahat, alam kong mayaman na si Aize. Pero. Wait nga lang. Bakit ba ako nagpapadala sa sinabi ng isang iyon. Malay ko ba kung nagbibiro lang ang babaeng 'yon!" Singhal ni Cy sa sarili at bigla na lang natawa.
"Baliw ka na nga Cypher. Bakit ka ba namumoroblema? Wala ka namang dapat problemahin kasi nagbibiro lang si Aize. Pero bakit naman mukhang hindi?" Tanong niya sa sarili na napasabunot na lang.
"Ano bang dapat kong gawin? Bakit naman napakaapektado ko?" Naiinis na sambit ni Cy sabay sabunot sa sariling buhok.
"Nakakainis talaga! Bakit nababaliw na ako ngayon? Wala naman kasi dapat ipag-alala? Pero nakakainis lang talaga. Ano ba!?" Pagrereklamo ni Cy ng bigla siyang bumangon at naupo na lang sa gilid ng kama. Ipinatong ni Cy ang mga siko sa tuhod at doon isinubsob sa mga palad ang mukha.
Samantala, papasok na si Aize ng loob ng bahay ng marinig niya ang mga sentimyento ni Cy. Mabilis niyang inilock ang pintuan at dinala sa kusina ang tasa na ginamit nila ni Cy pagkakape.
Tinungo ni Aize ang kwarto ni Cy. Hindi niya malaman kung matatawa ba siya sa mga pinagsasasabi ni Cy.
"Crush mo na ba ako? O gusto mo na ako? Naguguluhan ka pa bang talaga? Ha? Cy? Pero ako sigurado na ako sa nararamdaman ko sayo. Gusto na kita." Ani Aize ng pihitin niya ang doorknob ng kwarto ni Cy ay bukas iyon.
Pagsilip niya ay ang nakaupong si Cy sa gilid ng kama ay nakasubsob sa mga palad ang mukha ang kanyang nakita.
"Pwede ka namang wag maguluhan. Pwede naman gusto mo rin ako." Wika ni Aize sa isipan ng tuluyan na siyang lumapit kay Cy. Pero sa tingin niya ay hindi naman siya nararamdaman nito.
Inilapit niya kay Cy ang mukha, habang nakatungo ito. Tapos ay doon lang niya ito kinalabit para malaman ng binata na nandoon siya sa mga oras na iyon.
Pero pag tunghay ni Cy ay saktong paglapat ng kanyang labi sa babae may lakas ng loob na pumasok sa kwarto niya. Halos manlaki pa ang kanyang mga mata sa gulat. Nahigit pa niya ang kanyang paghinga sa tagpong iyon.
Hindi makapagsalita si Cy matapos ang paglalapat ng kanilang mga labi. Nginitian pa siya ni Aize, nakikita niya iyon pero hindi siya makapagsalita.
"Ang weak mo naman, para halik lang. Magdecide ka na kung ano ang nararamdaman mo para sa akin ha. Hindi naman ako nagbibiro. Totoo ang sinabi ko okay. Para maliwanag gusto kita. Okay. Good night Cy, sweet dreams." Wika pa ni Aize bago muling ninakawan ng isa pang halik si Cy.
Naiiling na lang si Aize ng iwan si Cy sa kwarto nito. Na hanggang sa mga oras na iyon ay daig pang natuklaw ng ahas sa labis na pagkabigla. Pagkasara niya ng pintuan ng kwarto ni Cy ay mabilis niyang hinayon ang sariling kwarto at pumasok doon. Hinawakan pa niya ang sariling labi.
Nangiti pa siya ng maisip na first kiss siguro iyon ni Cy.
"Hay naku Cypher, ang weak talaga."