Isang buwan na ang nakakalipas mula ng dumating si Aize ng San Lazaro. Isang buwan na rin siya sa poder ni Cy. Kahit puro sakit ng ulo ang nararanasan ni Cy habang kasama si Aize ay nakakasanayan na rin ng dalawa ang presensya ng bawat isa.
Hindi nawawala sa dalawa ang bangayan lalo na at puro kalokohan pa rin si Aize. Dumating pa sa punto na iniwan ni Cy si Aize sa bahay niya ng dalawang araw. Si Jose ang nagsasabay kay Aize patungong palengke. Umabot kasi sa puntong napuno si Cy.
Flashback
"KalanCy kakain na." Tawag ni Aize kay Cy habang nasa loob ng kwarto.
"Anong niluto mo?" Tanong ni Cy ng makarating ng kusina.
"Ginisang ampalaya. Nagprito na rin ako ng karne. Masarap yan. Siguro naman hindi ka na lugi sa pagtira ko dito sa bahay mo. Marunong ako sa gawaing bahay. Magluto, maglaba, maglinis ng bahay. Sa bahay namin si Yaya Sena ang gumagawa ng lahat ng bagay na ako ang gumagawa ngayon. Kaya dapat magpasalamat ka rin kasi dito sa maliit mong bahay. Nagkaroon ka ng instant katulong." Mahabang paliwanag ni Aize na ikinangisi ni Cy.
"Sabihin mong Yelo ka, pasalamat ka kasi kahit maliit itong bahay na minamaliit mo ay maayos naman. May sarili kang banyo sa loob ng kwarto na ginagamit mo. Baka kung ang bahay ko ay iyong isang pitik lang ay magigiba na. Baka sabihin mo sa tent ka na lang titira tsk. Daming sabi. Kumain ka na nga lang." Ani Cy at sabay na silang naupo sa hapag.
Nagtimpla muna si Cy ng kape bago maganang kumain. Masarap naman nga ang luto nito ng ginisang ampalaya. Ang ipinagtataka lang niya ay ang maliliit na akala mo ay tuyong dahon na kasama sa luto ng ginisang ampalaya. Hindi na lang niya iyon pinansin kasi masarap naman ang pagkakaluto. Masarap na kapartner ng pritong karne.
Nagising ng madaling araw noon si Cy na sobrang sakit ng tiyan niya. Halos mawalan na si Cy ng malay dahil sa ilang beses na pabalik-balik ng banyo. Dahil sa sama ng pakiramdam ay tinawagan niya si Jose.
Dinala siya ng kaibigan sa pinakamalapit na ospital. Si Rodrigo naman ay tinawagan ni Jose. Pero ng magring ang cellphone nito ay nagtext na lang si Jose.
Hindi nakapasok si Cy ng araw na iyon. Sabi ng doktor ay nasobrahan si Cy ng laxative. Isa iyong uri ng tuyong dahon na ginagawang tsaa para sa mga taong hindi regular na nakakapagrelease ng body waste sa katawan sa araw-araw. Kaso sa kaso ni Cy. Hindi iyon nainom kundi pati dahon ng dapat tsaa lang ay naubos niya. Ayon sa doktor na sumuti sa kanya ay isang pack lang dapat ng tsaa na iyon sa isang araw. Pero nasa dalawang pack iyong nakain niya ng hindi dapat.
Doon lang niya naalala ang maliliit na dahon sa ampalayang niluto si Aize. Maaaring nilagyan nito ang pagkain niya. Sa sama ng loob niya, pagkalabas ng ospital ay sa bahay naman siya ni Jose nagstay. Ayaw niyang makita si Aize.
Pero hindi naman niya matiis ang dalaga ng maramdaman niya ang sinseridad sa paghingi nito ng tawad.
Mula noon, kahit papaano ay natuto din si Aize na ilugar ang mga biro nito. Ngayon naman ay sa salita na lang ito mapang-asar at hindi na sa iba pang mga bagay-bagay.
End of flashback
"KalanCy!" Sigaw ni Aize na nagpatigil kay Cy. Matapos kasi niyang ipagbukas ito ng tindahan ay iiwan na sana niya ang dalaga at may trabaho pa rin namang naghihintay sa kanya.
"What!" Asik ni Cy kaya napatawa naman si Aize.
"Oi, English yan ha." Biro pa ni Aize kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Ito namang KalanCy na ito. Dalahan mo na lang ako ng pagkain dito. Kina Amy na lang ako sasabay ng pagkain. Okay lang ba? May kasabay ka naman eh." Ani Aize ng wala namang nagawa. Mukha kasi itong nagpapaawa sa kanya.
"Oo na. Nagpapaawa ka pa. Ano bang gusto mo?"
"Kahit ano basta masarap. Thank you KalanCy kaya love na love na kita ngayon." Nakangising wika ni Aize na ikinatuod ni Cy.
Alam niyang binibiro lang siya ni Aize pero iba ang dating sa kanya ng sinabi nito.
"Natigilan ka naman. Ayan oh si Lena at Amy kinikilig na sayo. Kilig yarn?" Biro pa ni Aize na ikinailing ni Cy.
"Ako na lang ang bahala sa pagkain mo mamaya. Para kang baby."
"Sus! Baka naman gusto mo lang sa akin magkababy?"
"Bahala ka ng Yelo ka! Dalahin ko na lang mamaya ang pagkain mo." Ani Cy at tinalikuran na si Aize.
Nang makaalis si Cy ay nakatanggap naman ng tatlong kurot si Aize kay Amy, Lena at Aling Hana.
"Ang sakit naman po!" Sigaw niya sa tatlo na tinawanan lang siya.
"Anong meron sa inyo ni Cypher?" Kinikilig na wika ni Lena.
"Oi kayo talaga, issue. Pati si Aling Hana naman."
"Kasi naman tuwing mag-uusap kayo ni Cypher sa harap namin may spark." Paliwanag ni Aling Hana.
"Spark, spark. Kayo talaga. Balik na kayo sa pwesto ninyo. Nadagsa na ang mga tao. Need kong makabenta. Para makabayad na ako sa KalanCy na iyon. Hmp!" Pagtataboy niya sa tatlo. Pero napalingon pa siya kay Amy ng kalabitin siya nito.
"What!" Asik niya.
"Sus! Cypher na Cypher ah. Abay kami ni Lena pagnagkatuluyan kayo ha." Ani Amy sabay takbo. Natawa naman si Lena at Aling Hana sa dalaga. Nailing na lang din si Aize sa kakulitan ni Amy.
Nang makalayo naman si Cy sa pwesto ni Aize ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Napailing na lang siya at sumulyap muli sa dalaga na nakikipagkulitan sa tatlo pang kasama nito.
"Hay Yelo!" Nasambit na lang ni Cy bago mabilis na lumapit kay Rodrigo at Jose.
Bago magtanghalian ay nagpaalam muna si Cy kay Rodrigo.
"Ang aga pa ah?" Tanong ni Rodrigo.
"Ibibili ko lang ng pagkain ang Yelo na iyon, baka mamatay sa gutom." May pagkasarkastikong wika ni Cy na ikinailing na lang ni Rodrigo.
"Hindi ba sasabay sayo?"
"Hindi daw. Kina Aling Hana daw niya gustong sumabay. Pinanindigan talagang utusan niya ako. Kahit sa katunayan naman ay wala akong obligasyon sa kanya. Nahiya lang naman talaga ako kay tiyang." Sagot niya.
"Di ba yang Yelo mo ay iyang Zeze mo. Dapat masaya ka na kasama mo na ngayon. Bakit hindi mo ligawan?" Anong ni Rodrigo na ikinalaki ng mata ni Cy.
"Ligawan my a*s! Kung iyong babaeng iyon nga si Zeze, mukhang nagkamali iyong memorya ko ng time na iyon." Asik ni Cy.
"Bakit? Ano ba dati ang ugali ng Zeze mo?" Nakangising tanong ni Rodrigo ng tumabi sa kanila si Jose.
"Di ba first love mo yang si Zeze, kasi napakabait niya noon sayo." Sabat bigla ni Jose ng makalapit sa kanila.
"Bakit kaya ang tahimik mo? Pero ang tsismoso mo? Ninyong dalawa. Kaibigan ko lang noon si Zeze kasi pamilya nila ang tumanggap sa amin ni tiyang noong panahon na wala man lang tumanggap sa amin. Kaya nakapagtrabaho si tiya sa kanila at naging kaibigan ko si Zeze. Tapos may isa pang bata na hindi ko maalala kaso ngayon naguguluhan ako. Hindi ko alam kung nagkakamali ba ako ng naaalala." Malungkot na wika ni Cy na sa tingin ni Igo at Jose ay naguguluhan nga si Cy.
"Sige na, ibili mo na ng pagkain iyan roommate mo. Tapos pagbalik mo. Sabay-sabay na tayo." Ani ni Rodrigo at nagpaalam na siya sa dalawa. Si Jose naman ay bumalik sa ginagawa nito.
Patungo na si Cy sa pwesto ni Aize ng mapansin niya na madaming bumibili dito. Napangiti pa siya dahil sa loob ng halos isang buwan na nagtitinda ng prutas at gulay sa palengke ay masasabi niyang nasasanay na ito.
Hindi na ito tulad noong una na oras-oras binibisita niya dahil pag madami ang namimili ay mabilis mairita. Perks of being a rich kid. Pero ngayon madami mang namimili ay nakangiti pa ito sa mga bumibili at nagagawa na nitong halos pagsabay-sabaying kausapin ang mga ito.
Pinagmasdan na lang muna ni Cy ang dalaga. Napansin na siya ni Lena at Amy pero sininyasan niya ang mga ito na wag siyang ituro kay Aize. Kinikilig pa ang dalawang dalaga sa kanya na ipinagkibit-balikat lang niya.
Hindi naman sa pagmamayabang ay masasabi niyang angat ang kagwapuhan nilang tatlo. Siya si Rodrigo at Jose, sa ibang nagtatrabahong kargador doon sa palengke. Kaya halos lahat ng tao doon ay kilala sila.
Pero ang kagwapuhang iyon ay hindi para ipagmayabang. Kundi mas pinili pa rin nilang maging mapagpakumbaba. Sumplado sa mga babaeng nakikipagflirt sa kanila, pero mabait sa mga taong kinikilig lang pag nakikita sila. Hindi naman kasi masisisi kung gwapo sila. Kasi nga gwapo sila.
"Pagkain mo!" Sabay aboy ni Cy ng pagkaing binili niya para sa dalaga. Lumapit na kasi siya dito ng wala ng bumibili sa mga oras na iyon.
"Nice yan. Galit ka?" Nakangising wika pa ni Aize. "Ano ito?"
"Buksan mo kaya ng malaman mo!"
"Taray. May regla ka?" Natatawang tanong ni Aize pero hindi na rin pinatulan ni Cy. Tinalikuran siya nito at nagtungo kay Lena na nakatingin sa kanila.
"Sus, nakikitsismis na naman ang isang iyon. Mali ang tatlo pala." Natatawa pa niyang saad ng mapansing kasi si Amy at Aling Hana ay nakatingin sa kanya.
"Thank you dito. Love naman pala ako ni KalanCy. Akala ko ay ibibili mo ako ng kanin at sabaw lang. Pero may pa bangus belly pa s'ya. Thank you KalanCy!" Sigaw pa ni Aize. Tinalikuran na rin kasi siya ni Cy matapos siya nitong ibili ng bottled water kay Lena.
Narinig pa ni Cy ang panunukso nina Lena kay Aize. Pero naririnig din niya ang mariin nitong pagtanggi. Na wala itong gusto sa kanya at kaya lang talaga nasa puder niya ang dalaga ay dahil sa parusa ng daddy nito sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit parang nalungkot siya sa sagot nito. Pero iyon naman ang totoo. Dahil pag dumating ang panahon na pahahalagahan na ni Aize ang mga bagay-bagay. Uuwi na rin ito sa kanila. At malamang ang ala-ala lang nito na kasama niya ang maiiwan sa kanya.