Chapter 8

1528 Words
Masama ang tinging ipinukol ni Aize kay Cy ng mga oras na iyon. Alas sais pa lang ay sarado na ang palengke pero si Cy ay tuloy pa rin ang trabaho. Nakaupo na lang siya sa isang upuan na nandoon. Sarado na rin ang tindahan na pinagtitindahan niya. Hindi naman siya makauwi mag-isa lalo na at malayo din naman ang bahay ni Cy sa pinakabayan. Nandoon pa ito sa pinaka linang ng probinsya ng San Lazaro. "Matagal ka pa ba? Napagod ako sa maghapon. Gusto ko ng ihiga ang pagod kong katawan sa matigas mong kama. I'm so tired you know!" Inis na wika ni Aize. Habang si Cy ay patuloy sa pagbababa ng mga prutas at gulay mula sa malaking truck na hinahakot naman papasok sa palengke ng mga kasamahan niyang kargador. Isa si Jose sa nagpapasok ng mga bundle ng gulay na binababa ni Cy. "Patapos na kami, konte na lang talaga. Isa pa kasalanan ko ba kung bakit nandito ka pa rin? Pinapasabay na kita kay Igo. Pero anong sabi mo nahihiya ka doon sa tao. Mayroon ka pala noon?" May pagkasarkastikong wika ni Cy na inirapan lang ni Aize. "Syempre mayroon ako noong. Isa pa nakakaabala doon sa tao. Tapos maglalakad pa ako? No way! Pagod na nga ako, maglalakad pa ako. Oo nga at alam ko na ang daan kasi sa kanila pala iyong malaking bahay. Kaya lang nakakahiya pa rin." "Nahihiya ka pala di magtiis ka. Wag ka ngang abala, nalilito ako sa binibilang ko eh." Sagot ni Cy kaya naman tumigil na rin sa pagsasalita si Aize. Isang oras pa ang lumipas ng makatapos na rin sina Cy sa pagdidiskarga. Nauna namang magpaalam si Jose sa kanila kahit hindi ito nagsasalita. Padabog na naupo si Aize sa loob ng tricycle ni Cy. Hindi niya iniimikan ang binata kasi naiinis siya dito. Dumaan din muna sila sa nadaanan nilang fastfood para bumili ng pang late dinner nila. Pagod na rin si Cy kaya hindi na rin niya magagawa pang magluto. Pagdating ng bahay ay mabilis na bumaba si Aize ng tricycle. Nais na talaga niyang ipahinga ang katawan niya, ng biglang mag-aboroto ang tiyan niya. "Yelo alam kong pagod ka. Pero kumain ka muna." Wala namang irita sa boses ni Cy ng sinabi iyon sa kanya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Aize kay Cy sa mga oras na iyon. Totoo namang pagod siya at gutom na rin kaya naman naupo na rin siya sa hapag. Napatingin naman si Aize kay Cy na matapos iayos ang pagkaing na-take out ni Cy sa fastfood ay tumayo ito at nagpainit ng tubig. "Anong gagawin mo?" Tanong niya kay Cy habang nagsisimula na siyang kumain. "Ako? Magkakape. Gusto mo din?" Napataas naman ang kilay ni Aize ng marinig ang sagot ni Cy. "Ngayong gabi? Makatulog ka pa kaya ng lagay na iyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aize na ikinangisi lang ni Cy. "Syempre. Mas masarap matulog pag nakapagkape." Nawiwirduhang tiningnan ni Aize si Cy at napangiwi na lang sa huli. "Ang weird mo!" "Mas weird ka sa mga pinaggagagawa mo sa akin. Akala mo ba nakakalimot ako sa pagpisa-pisa mo ng bote na may tubig. Nabasa ako doon ha. Tapos tinaasan mo pa ako ng gitnang daliri. Nakakalalaki ka na ha!" Sikmat ni Cy na ikinatawa ni Aize. "Nakakatuwa ka kasing biruin." Natatawang sagot ni Aize kaya napailing na lang si Cy. "Nakakatuwa? Sabihin mo, nakakainis!" Pabulong na sagot ni Cy kaya naman mas lalong natawa si Aize. Dahil narinig niya ang sinabi nito. Naging maayos ang pagkain nila. Sa tingin ni Cy ay pagod talaga si Aize dahil wala man lang itong ginawang pambubully sa kanya. Pagal na inilapat ni Cy ang kanyang katawan sa kama niya. Kahit papaano ay komportable iyon. Medyo may kakapalan ang foam ng kama niya. Ganoon din naman sa dating kwarto ng tiya niya na ngayon ay inuukupa ni Aize. Masyado lang sigurong reklamador ang dalaga kaya sinabi nitong matigas ang kinahihigaan nito. Napailing na lang si Cy ng maalala na naman ang batang si Zeze. Kinuha niya ang frame na nakapatong sa maliit niyang bed side table. Napakabait ng batang si Zeze. Ibang-iba sa Aize na kasama niya ngayon. Tatlo silang bata noon na naglalaro, si Zeze at si Ai. Napabangon bigla si Cy ng maisip ang batang si Ai, na napakapilya at palaging inilalayo sa kanya si Zeze. "Hindi kaya nagkamali lang ako ng inaakala?" Naitanong ni Cy sa sarili at muling kinuha ang larawan ni Zeze sa frame. "Nagbago ka ba? O ako ang nagkamali ng akala?" Tanong ni Cy sa larawan ng batang si Zeze na nakangiti na akala mo walang problema na darating. "Nakakatuwa ang maging bata. Walang ibang problema kundi ang makahanap ng kalaro." Nakangiting wika ni Cy at ibinalik na sa frame ang picture ni Zeze. Tapos ay ipinasok sa loob ng drawer. Ayaw niyang makita iyon ng bully niyang kasama sa bahay. Incase na bigla itong manggulo sa loob ng kwarto niya. Kinabukasan ay nakangiting mukha ni Aize ang bumungad kay Cy sa hapag. Hindi malaman ni Cy kung kakabahan ba siya sa babaeng ito o ano. "Ano na naman ang niluluto mong pangbully Yelo?" May pagkasarkastikong wika ni Cy habang naiiling lang si Aize. "Ang judgmental mo KalanCy. Nagluto lang talaga ako noh." Nakangising wika pa ni Aize. "Nauna lang akong magising sayo. Baka naman sabihin mo wala akong alam sa buhay. Dyan ka nagkakamali. Kaya naman nagluto na ako ng pancake para sa umagahan natin. Lalo na at nakakita naman ako ng itlog dyan sa refrigerator mo. Tapos may nakita na rin akong flour. So ayon. Kain na." Ani Aize, sabay subo ng pancake na para sa kanya at humigop ng kape. May nakalagay na rin sa palito na para kay Cy. Pinaniningkitan man ni Cy si Aize ng tingin pero naupo na rin siya sa katapat nito. Kinuha ni Cy ang pancake na binawasan na ni Aize at ang kape na para sa dalaga. "Anong ginagawa mo?" Maang na tanong ni Aize sa ginawa ni Cy. "Baka kasi mamaya, kung anong nakalagay dito sa pancake at kape ko kaya palit tayo iba na ang safe." Nakangising wika ni Cy ng pagpalitin na nga nito ang pagkain nila. "Nainuman ko na iyong kape." "Eh ano naman. Kita ko nga na nainuman mo na. Kaya naman palit na tayo. Kaya sigurado na walang lason itong tinimpla mo para sa sarili mo." Paliwanag ni Cy na ipinagkibit balikat na lang ni Aize. "Bahala ka. Hindi naman ako maglalagay ng lason. Pagkain iyan noh." Mataray na asik ni Aize sabay higop ng kape na dapat ay kay Cy at sabay subo ng pancake na dapat rin ay kay Cy. Napatingin naman si Aize ng isubo ni Cy ang pancake na binawasan niya. Napatawa pa siya ng mapaubo ito dahil sa pagkakasamid. Binutas kasi niya ang gitna ng pancake tapos nilagyan niya ng maraming-maraming powdered milk kaya nasamid si Cy. Namumula na si Cy sa pagkakasamid kaya naman walang anu-ano ay ininom nito ang kape na nainuman na ni Aize. Pero nagkamali yata siya, lalo na at napaka-alat noon. Parang ang siste ay nilagyan yata iyon ni Aize ng dalawang kutsarang asin. "Ano ba itong mga niluto mo at tinimpla mo! Mukhang kukunin ako ni Lord nito ng maagap ah!" Asik ni Cy ng makarecover sa pagkakasamid. Naawa din naman kasi si Aize kaya mabilis nitong inabutan si Cy ng isang basong tubig. "Hep! Before you act like an angry lion. Una akin iyang pancake na iyan. Pangalawa akin din ang kape na iyan. Nakipagpalit ka sa akin. Tapos ako sisinghalan mo! Mali iyon KalanCy. Maling-mali. Napaka very wrong mo naman." Nakangising wika pa ni Aize habang sarap na sarap sa pagkain ng pancake at paghigop ng kape. Hindi na nagawang magsalita ni Cy. Kaya naman tatayo na sana siya dahil naiinis talaga siya sa dalaga ng pigilan ni siya nito. Napatingin naman si Cy sa kamay ng dalaga na nakahawak sa kanya. Hindi niya malaman kung bakit may kakaibang pakiramdam na hatid iyon sa kanya. Pero dahil inis talaga siya dito ay binaliwala na lang niya iyon. "Sorry na. Ito talaga wala ng prank. Kumain ka na." Sabay lapag ng isang platito ng pancake at isang bagong mug ng kape. "Baka mamaya may asin na naman itong kape at madaming powdered milk itong pancake?" Nagdududang tanong ni Cy. "Promise. Palayasin mo na lang ako dito. O tawagan mo si daddy para ipatapon na naman niya ako sa ibang lugar. Kung may prank pa rin itong pagkain na ito." May lungkot ang boses ni Aize sa parteng iyon. Kaya naman kahit naiinis siya dito, ay medyo nakaramdam ng awa si Cy sa dalaga. Hindi niya alam bakit hinayaan ng daddy ni Aize na mahirapan ang anak nito. Gayong lumaki ito sa marangyang buhay. Alam niya iyon, dahil mayaman ang pamilya ni Aize. "Okay salamat." Iyon na lang ang naisagot ni Cy at tinanggap ang panibagong pancake at kape na ginawa ni Aize para sa kanya. Sa pagkakataong iyon. Wala na nga itong prank na ginawa para sa kanya. Naging matiwasay din naman ang umagahan nila. Kahit puro kalokohan ang dalaga noong una.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD