Malakas na musika ang bumungad kay Aize pagkapasok pa lang nila ni Izzy sa isang high end bar na nakita nila ng mga oras na iyon. Naghahanap kasi sila ng lugar kung saan pwede siyang magrelax.
Gamit ang kotse ng daddy niya ay naisipan nilang doon na lang ng makita nila ang bar, para mag unwind. Nababagot na kasi siya sa bahay nila. Mula ng umuwi siya galing ibang bansa ay dalawang beses pa lang siyang nakapamasyal. At sa walang katapusang mall sila palagi bumabagsak.
Pagkauwi noon ng daddy niya galing kompanya ay bumungad na kaagad sa kanya ang napakadaming files na need niyang pag-aralan para may background siya sa kompanya nila na sa takdang panahon ay siya na ang mamamahala.
"Senyorita, sure kang sa ganitong lugar tayo pupunta? Hindi ba ipinagbawal ng daddy ninyo na magtungo kayo sa ganitong lugar." Tanong ni Izzy sa kanya, kaya naman tinapik niya ang balikat nito.
"Zizi naman, ano ka ba naman. Ang boring sa bahay isa pa sa oras na ito ano na lang lugar ang pwedeng bukas? Syempre bar na lang. Isa pa magchill lang naman tayo. Boy hunting gusto mo? Sure na madami dito. Isa pa hahanap tayo ng mga gwapo no."
"Hindi ko naman kailangan ng ganyang senyorita. Masaya na akong kasama ko si inay, isa pa may trabaho akong kayang buhayin kami ni inay. May trabaho pa kami sa bahay ninyo. Kaya ekes na sa akin ang lalaki." Anito na ikinatawa ni Aize.
"Anong connect ng lalaki sa trabaho mo? Ay magsasaya lang naman tayo. Hindi ko sinabing mag-asawa ka na. Sabi ko lang boy hunting tayo. Isa pa hindi ka naman madre. Teacher ka Zizi hindi masama na makahanap ka ng boyfriend sa ganitong lugar. Isa pa hindi lahat ng tao dito masama. Although baka meron pero hindi lahat okay. Let's enjoy the night Zizi." Aniya at hinila na si Izzy sa harap ng counter table.
"Two S*x in the city." Wika ni Aize sa bartender na nasa harapan nila ngayon.
"Okay two S*x in the city. For two beautiful ladies." Ani ng bartender at sinimulang ihanda ang order nila.
Nanlaki naman ang mga mata ni Izzy sa narinig na order ni Aize para sa kanila. Naeeskandalo kasi ang isipan niya sa pangalan noon.
"Senyorita!" Sigaw nito ng makatalikod ang bartender sa kanila. Tinawanan lang naman siya ni Aize dahil nahuhulaan nito ang reaction niyang iyon.
"Relax Zizi, it's a cocktail drink okay." Aniya na kahit papaano ay nagpakalma kay Izzy.
"Hindi iyon, yong. You know senyorita." Hindi mabanggit na salita ni Izzy na ikinatawa ni Aize.
"No! Zizi. It's only a lady's drink. Kaya relax ka lang. Sure na magugustuhan mo iyon." Napatango na lang si Izzy habang hinihintay ang pagserve noon sa kanila ng barista.
Sumasabay lang sa musika si Aize habang nakaupo sa harap ng bar counter. Umiindak ang katawan kahit nakaupo lang sila. Pinapanood lang naman ni Izzy ang senyorita niya. Mula ng umalis ito at sa ibang bansa nag-aral. Mas malaki na ang ipinagbago nito. Napakabait nito at mabuting anak noong mga bata pa sila. Kasama din ang batang lalaki na kalaro nila noon. Pero mula ng bumalik ito galing ibang bansa noong mawala ang lolo at lola ng senyorita niya ay unti-unti na itong nagbago.
Naging mahigpit kasi ang daddy nito at palagi niyang naririnig na dapat mag-aral ito ng mabuti. Para sa susunod na hahawak ng kompanya. Labing dalawang taon lang sila noong panahon na iyon. Katatapos lang nila ng elementarya. Pero negosyo na kaagad ang nais pagtuunan ng daddy ng senyorita niya kaya siguro nagbago din ito ng ugali.
Palagi itong sumasama sa mga kaklase nito upang magcutting classes. Gusto ni Aize na maging guro katulad niya. Pero hindi nabigyan ng pagkakataon. Nagkahiwalay sila ng school dahil sa public school na siya pinag-arap ng Nanay Sena niya habang ang senyorita niya ay sa private school.
Hanggang sa nauna siya ng isang taon dito. Noong nag first year college si Aize ay, pinatawag ang Senior Aris ng pamunuan ng unibersidad. Akala niya ay nag-aaral ng mabuti ang senyorita niya. Iyon pala ay nawili na kasama ang barkada at umiinom sa likod pa mismo ng unibersidad kung saan ito napasok. Dahilan para ipatapon ito sa ibang bansa.
"Here's your drink ladies. Enjoy!" Ani ng bartender ng maibaba sa harap nila ang order niya.
"Enjoy ka lang Zizi. Ako ang bahala sayo. Just have fun." Aniya habang sumisimsim sa hawak na alak.
Napatawa pa siya kay Izzy ng mapansing mukhang nag-eenjoy ito sa lasa ng inorder niya.
"Di ba masarap?" Tanong niya.
"Tama ka senyorita. Hindi nakakasawa." Ani Izzy ng mapagkalahati agad ang alak sa cocktail nito.
"Have fun Zizi. Omorder ka lang ako ang bahala sayo." Aniya na ikinatuwa naman ng kasama.
Alam ni Aize na first time ni Izzy sa ganoong klaseng lugar. Kaya naman ang balak niya ay mag-enjoy lang ito. Pambawi sa mga panahon na hindi siya nakauwi ng Pilipinas. Alam din niyang palagi siya nitong kinukumusta dahil iyon ang sinasabi ng mommy niya.
Noong nag-aaral pa lang siya ay walang ibang pwedeng tumawag sa kanya sa dorm kundi ang daddy niya at mommy lang niya. Kaya naman hindi talaga nagkaroon ng pagkakataon na kumustahin niya si Zizi.
"Isa pa?" Tanong ni Aize kay Izzy ng mapansing medyo namumula na rin ito. Nakakailang order na rin kasi sila ng s*x in the city na sa tingin niya ay labis talagang nagustuhan ng dalaga.
Itataas na sana niyang muli ang kamay para tawagin ang bartender na abala sa iba pang customer na nasa harap nga counter ng hawakan ng isang matipunong lalaki ang kanyang kamay at ito ang tumawag sa bartender.
"Hi beautiful." Anito sa baritonong boses na sabi nga kay sarap pakinggan. Para namang nalalasing si Aize sa tono ng boses nito. Isama mo pa ang mabangong hininga nito at ang natural na amoy na lalaking-lalaki.
"Hello." She answered him with a sexy voice. She even noticed her voice that it sound naughty yet sexy.
"Oh! God! Your voice is so sexy as what you are missy." Sagot nito na parang sila lang dalawa ang tao sa lugar na iyon sa oras na iyon.
Nawala naman sa isip niya si Izzy na ngayon ay nauna pang mag-order ulit sa kanila ng lady's drink.
Muli namang sumulyap ang lalaki sa bartender at nag-order.
"Two Dry Martini for two ladies, and a whiskey." Wika nito sa bartender at agad namang sumunod dito ang huli.
Napatingin si Aize sa mukha ng lalaking nasa tabi niya ngayon. Gwapo ito at walang tulak kabigin. Kulang ang salitang gwapo, para dito. Sa nakikita ng kanyang mga mata. Kahit pala si Izzy na nasa tabi niya ay napatingin din sa lalaki. Nginitian naman ng lalaki si Izzy na ikinapula lalo ng mukha nito bago muling humarap sa kanya.
"You're not a regular customer here right?" Tanong ng lalaki sa kanya na ikinatango niya. Para siyang nahihipnotismo sa titig nito. Pero wala naman siyang maramdaman kakaiba para dito. Namamangha lang kasi talaga siyang makakita ng ganoong kagwapong lalaki sa Maynila. Pero noong nasa ibang bansa siya, normal lang na makakita siya ng gwapong mukha.
"I'm Benzel." Anito sabay lahad ng kamay.
"I'm Aize and the lady beside me is Izzy my friend." Aniya, pero hindi pa rin binibitawan ni Benzel ang kamay niya.
Mabuti na lang at inilapag na ng bartender ang alak na order ni Benzel para sa kanila. Kaya naman napilitan itong bitawan ang kamay niya.
Nakailang order din si Benzel ng Dry Martini para sa kanila ni Izzy. Medyo tinatamaan na rin siya ng alak. Si Izzy naman ay halos yakapin na ang ibabaw ng bar counter dahil sa lasing na ito ng hindi niya namamalayan.
"Thank you for the drink. But it's enough." Pigil niya kay Benzel ng akmang oorder pa itong muli ng alak.
"We're here to have fun, not to drunk, endlessly. But me and my friend ends as a drunk one. We need to back home now." Naiiling na wika ni Aize ng mapansing pantay na ang paghinga ni Izzy. Indikasyon na nakatulog na nga ito.
"But it's to early. It's only eleven in the evening, the night is just beginning at this time."
"Whatever. We're going home." Ani ni Aize at medyo ginagalaw na rin si Izzy na nakatulog ng talaga sa table.
Hindi naman kasi talaga niya napansin si Izzy na sobrang nasarapan sa order niya. Na kahit iyong bigay ni Benzel ay inubos. Kaya ang ending dahil hindi ito sanay uminom tinulugan na siya kaagad nito.
"I'm not allowing you missy. Like I said it's too early." Ani ng lalaki na ikinalaki ng kanyang mata.
"What do you mean?"
"I know you like me. You didn't accept my drink if you're not flirting with me, lady." Anito habang nakangisi sa kanya.
Hindi niya napansin ang kakaibang titig nito kanina. Pero sa paraan ng pagtitig ni Benzel sa kanya ngayon. Masasabi niyang napaka malisyoso ng titig na iyon bigla tuloy siyang kinilabutan sa paraan ng pagdampi ng daliri nito sa balat niya.
"Hey! Don't you dare, to touch again your filthy hand to mine. You're a disgusting jerk!" Inis na sambit ni Aize at umalis sa pagkakaupo para sana gising na si Izzy ng hindi niya akalaing gagawin iyon ng lalaki sa kanya.
Natuod na lang si Aize, sa ginawa nito. Hindi niya magawang makakilos. Napatingin na lang si Aize sa lalaki na nanlalaki ang mga mata sa kapangahasang ginawa nito sa kanya.