Chapter 1

1438 Words
Maagang nagising si Cy lalo na at kulang ang kargador na papasok ngayong araw sa trabaho. Nagpaalam ang iba at fiesta sa lugar ng mga ito. Hindi naman kaya ng kalooban ni Cy na hayaan lang si Jose na ito lang ang pumasok ng maagap. Lalo na at alam niyang pagod ito sa trabaho ng nagdaan araw. Tapos ay kinukulit pa ito ni Rodrigo na maupo lang doon sa garden ng bahay nito. Hindi kasi mahindian ng huli ang naglilihi nitong asawa. At bilang mabait na kaibigan, dinadamayan niya si Jose sa pagod at pagtambay, with libreng pakikikape sa bahay nina Rodrigo. Si Rodrigo na rin ang humahawak ng mga tinatanggap na gulay at prutas na ibinabagsak sa palengke ng San Lazaro. Si Cy naman at Jose ang pinaka kanang kamay ni Igo. Pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagkakargador ni Jose. Sayang naman ang maganda nilang katawan kung hindi nila gagamitin. Kahit mismo si Rodrigo ay hindi pa rin mahahalata na iba na ang katayuan sa buhay. Walang halong pagyayabang. Sabi nga nagawa man ni Rodrigo na lumipad, pero palagi pa ring nakaapak ang paa sa lupa. Isang bagay na hinangaan ni Cy sa kaibigan. Paalis na sana si Cy ng bahay niya ng makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang tiya. Ang Tiya Celing niya ang kumupkop sa kanya mula ng namatay ang mga magulang niya. Kapatid ito ng kanyang ama. Mabait ang kanyang Tiya Celing. Ito na ang nag-alaga sa kanya mula noong siya ay dalawang taon pa lamang. Noong maliit pa lang siya ay nangangatulungan ito sa mayamang pamilya sa Maynila. Nakalilang hanap din ito ng trabaho bilang katulong dahil ayaw itong tanggapin dahil sa kanya. Hindi naman siya pabayaan nito. Kaya naman ng makilala ng kanyang tiyang iyong mayordoma sa isang malaking bahay ay natanggap ito. Kahit siya ay kasama nito sa pangangatulong na pinayagaan ng mga naging amo nito. Mabait ang pamilyang pinaglingkuran ng tiya niya. Kahit ang anak nga ng mga ito ay naging kaibigan din niya. Pero mula ng umalis ang pamilyang iyon, at mayordoma na lang ang natira sa bahay at ang anak nito ay napilitang silang bumalik sa San Lazaro. Nandoon na lang ang pasasalamat ng tiya niya gawa ng nakaipon ito, pampasimula nila. Noong tumuntong siya ng edad na labing dalawa ay nakahanap ang tiya niya ng lalaking taga Maynila na makakasama nito habang buhay. Biniyayaan ang mga ito ng dalawang anak, si Cleah at Chloe. Mabait naman ang Tito Roger niya. Ang asawa ng tiya niya. Pinapadalahan pa siya nito noon ng pera panggastos habang nasa Maynila ang tiya niya. Pero mula ng maging kargador siya, at nagkaroon ng sariling pera ay ipinatigil na niya ang pagbibigay nito. Nahihiya na rin siya sa pamilya ng kanyang tiya. Dahil sa sobrang mapagbigay ng mga ito at palaging bukang bibig ng tito niya na ampunin na siya ng tuluyan, para makasama na siya sa Maynila, na labis niyang tinanggihan. Ang San Lazaro ang buhay niya. Kaya naman sa puso at isipan niya. Magtutungo siya ng Maynila, pero para magbakasyon at hindi para doon manirahan. Nakangiti naman si Cy na sagutin ang tawag. Matagal na rin mula ng huli silang nagkakumustahan ng kanyang tiya. Hindi din naman niya nadalaw ang mga ito noong nasa Maynila sila. Lalo na at hindi naman niya maiwan si Rodrigo. Bilang kaibigan ay todo suporta sila ni Jose sa kaibigan. "Tiyang napatawag po kayo. Kumusta po kayo kayo diyan? Ang mga pinsan ko po at si tito?" Bungad agad ni Cy sa nasa kabilang linya. "Kuya si Cleah 'to." "Oh! Bakit kay tiyang ang gamit mong cellphone?" "Wala akong load kuya, madaling araw pa naman. Mamaya pa ako magpapaload. Ay maload naman si mommy. At akala mo ay teenager si daddy at mommy. Pag nasa trabaho si daddy ay palaging may unlimited call ang dalawa. Isa pa kasalanan mo naman kasi kuya, dapat kasi ngayon may fa.ce.bo.ok ka na. Di mas madali ka sana naming makukumusta." Humagikhik pa si Cleah sa pinagsasasabi nito sa kanya kaya naman natawa na rin siya. "Kuya, hindi mo ba napupusuang magtungo ng Maynila. Namimiss ka na ni mommy at daddy pati ni Chloe." Anito na may himig ng pagtatampo. "Pwede pa naman ang tawag. Hindi ko naman gamit iyon sa trabaho. Tawag at text lang at okay na. Ay ikaw hindi mo ako namimiss?" Panunudyo pa ni Cy sa pinsan. "Luh si Kuya Cy. Ako nga ang tumawag sayo kasi namimiss na kita. Namimiss ko na ang pakikipaglaro mo sa akin ng badminton. Wala namang kabuhay-buhay si Chloe mukha ng cellphone." Pagkukwento nito na ikinatawa niya. "Sayang nga noong mga nakaraan, malayo kasi kayo doon sa tirahan ng napangasawa ni Kuya Igo mo kaya ayon, hindi ko kayo nakumusta." "Eh nag-asawa na nga si Kuya Igo. Sayang crush ko pa naman iyon. Pero love ko pa rin si Kuya Jose." "Asus ikaw na bata ka. Tumigil ka sa crush at love na iyan ha. Magtapos ka muna ng pag-aaral mo kayo ni Chloe at bago ang love life, na iyan. Madaling makahanap ng mapapangasawa ang mahirap ay ang maghanap ng matino." "Sus kuya, hindi naman ako mag-aasawa kung hindi katulad ninyo ni daddy, o Kuya Igo, at Kuya Jose ang makikilala ko." "Nambola ka pa. Ay ano nga ang dahilan at napatawag ka." "Nangungumusta lang ako kuya. Busy si mommy at naghahanda ng almusal. Pag may pagkakataon, lumuwas ka dito sa amin ha. (Oo nga Cy miss na kitang bata ka.) Ang tiyang niya. (Miss you too kuya.) Si Chloe. (Magsabi ka lang kung kailan mo gustong magtungo dito Cy at ng masundo kita kahit sa may terminal.) Ang tito niya." Isa-isang wika ng mga ito ng sa tingin niya ay nakaloudspeaker si Cleah. "Opo. Thanks tito. Miss you tita. Miss you too Chloe. Gusto ko man pong makipagkwentuhan ng matagal need ko na pong magpaalam. Baka mamaya ay nasa palengke na rin si Jose ay may trabaho po kami ngayon." Aniya sa mga kausap. "Cy ayaw mo ba talagang tumira dito sa Maynila. Akala ko ba noong nangangatulungan ako, sabi mo gusto mong tumira dito sa Maynila, kasi malalaki ang bahay dito." Malambing na wika ng tita niya ng maalala niya bigla ang kaibigan niya noong bata pa siya na si Zeze at si Ai sa pagkakatanda niya. Sa malaking bahay nagtatrabaho ang tiyang niya noon at mabait ang amo nito. Naging kalaro niya ang dalawa noon. Kaya naman hindi niya makalimutan si Zeze dahil mabait ito sa kanya habang si Ai ay medyo suplada kasi ayaw nitong lalapitan niya si Zeze. Selosa kasi si Ai. "Bata pa ako noon tiyang. Masaya na po ako dito isa pa po. Iyong bahay na inuupahan natin dati at iyong lupa, isang hulog ko na lang po at akin na. Naayos na rin po ang papel noon. Ibibigay na lang po sa akin sa huling hulog ko. Kaya ayos lang po ako dito. Isa pa masaya po akong may mga kaibigan ako dito. Hindi ko po kayang iwan si Jose at Igo dito." Aniya ng marinig niya ang pagbuntong hininga ng kanyang tiya. "Ay siya kung hindi ko mapapagbago ang isip mo, ay palagi kang mag-iingat dyan. Kung may kailangan ka. Tawagan mo lang ako o kaya ang tito mo, or maalin kay Cleah at Chloe ha anak." Wika pa ng tiya niya kaya naman mas lalo niyang naramdaman ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. "Salamat po sa inyo. Opo magsasabi po ako kung sakali man. Pero sa ngayon po ay masaya po talaga ako dito. Salamat po." "Ay s'ya, ingat anak." Ang Tita Celing niya. "Bye kuya, miss ka na namin." Sabay na wika ni Chloe at Cleah. "Bye hijo." Ani ng tito niya, bago tuluyang nawala ang tawag. Napangiti pa si Cy dahil sa pangungumustang iyon ng pamilya ng kanyang tiya. Oo nga at nag-iisa siya sa buhay mula ng mawala ang kanyang mga magulang. Pero nagkaroon pa rin siya ng ikalawang pamilya sa pamamagitan ni tiyahin niya. Palabas na ng kwarto si Cy ng mapatingin siya sa maliit na frame at nandoon ang valentine card na bigay ni Zeze. Nakatago naman sa likod noon ang litrato ni Zeze. "Nasaan ka na kaya? Natatandaan mo pa kaya ako?" Tanong ni Cy bago tuluyang lumabas ng kwarto niya. Dinaanan lang niya ang susi ng kanyang tricycle sa salas bago tuluyang lumabas ng bahay. Nakita pa niya ang pagdaan ni Jose ng bumusina ito sa tapat ng bahay niya ng makita siya. "Hindi naman ako sobrang late, kalalampas lang ng isang iyon." Aniya at mabilis ng sumakay ng tricycle niya at nagpatuloy na rin sa pag-alis, patungong palengke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD