Chapter 3

1666 Words
Alas otso na ng gabi ng makatapos ng meeting si Aris at ang kanyang buong board member sa isang prospect investor lang sana. Pero dahil sa magandang performance ng mga board member, nakuha agad nila ang kiliti ng investor at walang pag-aatubiling pumirma na kaagad ng kontrata. Nasa labas na sila ngayon ng isang five star restaurant at hinihintay lang ang pag-usad ng sasakyan ng kanilang client. Ilang sandali pa nga ay umandar na paalis ang sasakyan nito. Ibinaba pa nito ang bintana at nagpaalam sa kanila. "Sir, baka naman po gusto mong sumama sa amin. Chill lang po tayo sa bar. And pangungunahan na kita sir. Bar po iyon alak lang chill-chill lang no more girls. Music and only a dance floor." Paliwanag ng isa sa board member. "Bawal ang kj sir. Tayo naman ay pare-pareho na ng edad at pare-parehong happily married sa mga mahal nating asawa. Minsan ay pagbigyan din muna nating marelax ang ating mga sarili. Game?" Ani pa ng isa. "May magagawa pa ba ako? Makakatanggi ba ako sa inyo?" Tanong niya sa limang lalaking kasama. "Hindi sir!/ No sir!" Sabay-sabay na sagot sa kanya ng lima kaya naman napailing na lang siya. "So lets go? Saan tayo? Saang bar ba iyan?" Tanong ni Aris. "Doon sa high end bar syempre sir. Para makarelax doon tayo sa isang VIP room nila." Wika pa noong isa. "Okay my treat." Wika ni Aris kaya naman nagkahiyawan pa ang kanyang mga kasama. May mga edad na sila at may kanya-kanyang pamilya. Pero ang mga board member niya ay halos kaibigan na rin niya. Kaya naman magkakasundo sila sa lahat ng bagay. Walang lamangan, walang inggitan. Pantay-pantay lang. Convoy silang nagtungo sa isang high end bar. Pagbaba niya sa kotse niya ay natanaw niya ang pamilyar na kotse. Pero dahil madilim ang pwesto noon hindi siya sigurado kong kilala ba niya ang kotse na iyon or baka naman katulad lang ng modelo. Hindi na sila dumaan sa may counter at tumuloy na sila sa VIP room. Maganda doon at malinis ang lugar. Tumawag lang sila ng waiter, para makuha ang order nilang pulutan at mga alak. Ilang sandali pa ay nadala na ang kanilang order. "Cheers!" Sabay-sabay pa nilang sigaw. Nag-inuman at nagkwentuhan lang sila hanggang sa hindi nila namalayan ang oras. Tumawag pa ang asawa ng isang board member na umuwi na, lalo na at malapit ng sumapit ang alas onse ng gabi. Nagkanya-kanya na silang nagpaalaman. Si Aris na lang ang naiwan sa kanila. Ilang sandali pa at dumating na rin ang waiter para sa kanilang bill. Nagbigay na rin siya ng tip dito na ikinatuwa ng waiter. Pagbaba ni Aris mula sa VIP room ay nakaramdam siya ng uhaw kaya naman napadaan siya sa counter, para kumuha ng tubig. Nang mahagip ng kanyang mata at paghalik ng isang lalaki sa isang babae. Napailing na lang siya. "Ang mga kabataan talaga." Aniya ng lalampasan na sana niya ang mga ito ay bigla niyang nakilala ang babae. Nag-init ang kanyang ulo sa tagpong nakita niya kani-kanina lang. Ang kanyang pinakamamahal na anak ang hinalikan ng lalaking sa tingin niya ay may lahing banyaga. "Who are you bastard! You son of a b*tch!" Sigaw ni Aris sa lalaking nakabulagta na ngayon. Hindi kasi nito inaasahan na hihigitin niya ito at uundayan ng isang suntok sa pisngi. "Who are you old man? A sugar daddy?" Nakangising wika ni Benzel kay Aris. "She's my daughter! Bastard! Don't try to lay your dirty hands to my daughter. I warning you!" Galit na sigaw ni Aris at nakakaagaw na rin sila ng atensyon sa mga taong nandoon. "I'm sorry sir. But she flirts with me." Paliwanag nito. "No, daddy! He's a fvcking liar!" Inis na wika ni Aize kay Benzel. "Don't come closer bastard. If you don't want to taste again my fists." Galit na wika ni Aris kaya umalis na rin si Benzel sa harapan nila. "D-daddy!" Nauutal na wika ni Aize at hinawakan sa braso ang ama. Si Izzy na nakaidlip kanina ay biglang nagising na makita ang Senior Aris sa kanyang harapan. Binayaran ni Aris ang lahat ng alak na nainom ni Aize at Izzy bago nito hinila palabas ng bar ang anak. "D-daddy, sorry." Nauutal na wika ni Aize ng tumigil sa paglalakad ang ama. Nakasunod lang naman sa kanila si Izzy na tahimik lang. "Pinadala kita sa ibang bansa noon para magbago ka. Pero itong nakikita ko, hindi ka pa rin nagbabago. Kailan ka ba magbabago anak at babalik sa dati. Nagkulang ba kami? Nagkulang ba kami ng mommy mo? Kung may boyfriend ka ipakilala mo. Hindi iyang kauuwi mo pa lang hindi ka pa nagtatagal tapos makikita kitang nakikipaghalikan sa isang lalaki sa loob ng bar!" Napahilot pa si Aris sa sentido sa konsumisyon na anak. "Daddy let me explain. Mali ka ng nakita hindi ganoon." "Anong sasabihin mo, nawalan siya ng balanse at nahalikan ka!" "Daddy magpapaliwanag po ako. Sorry po." Pagsusumamo pa niya. "Lasing ka ngayong oras na ito. Mag-usap tayo bukas. Ipapakuha ko na lang ang kotse na ginamit ninyong dalawa. Ngayon alam ko na kung bakit pamilyar ang kotse na iyon." Wika ni Aris sabay bukas ng sasakyan. "Sakay!" Inis na wika ni Aris sa dalawa, kaya naman mabilis na binuksan nila ang pintuan ng back seat para makasakay kaagad. Tahimik lang sila buong byahe. Walang naglakas loob na magsalita. Alam ni Aize na may pagkakamali siya. Pero hindi niya ginusto ang bagay na iyon. Pero dahil sa mga nagdaan noong mga nakalipas na taon. Ramdam niyang sarado sa paliwanag niya ang daddy niya. Nakakalungkot lang na sa pagkakataong ito ang kasalanan lang niya ay tumakas sila ni Izzy at uminom. Pero hindi niya kasalanan iyong nahalikan siya ng manyakis na lalaki na iyon. Napatingin na lang si Aize sa labas ng bintana. Ngayon nakikini-kinita niya na siguradong ipapatapon na naman siya ng daddy niya sa ibang lugar. "Saan naman kaya ako ipapatapon ni daddy? Nakakasawa na. Pero anong magagawa ko, kung ito palagi ang natatanggap kong parusa." Aniya sa sarili niyang isipan, bago napabuntong hininga. Tahimik lang silang bumaba ni Izzy. Binalingan pa niya ang kanyang ama. "Sorry daddy." Maikli niyang sambit pero puno ng sinseridad, bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay. "Magandang gabi yaya." Bati niya sa Yaya Sena niya. Yumakap naman si Izzy sa kinilalang ina. "Sorry inay. Ikukwento ko po sa inyo ang lahat." Anito sa ina at inakay na siya nito papasok ng kwarto nila. Pagdating ng kwarto niya ay napaiyak na lang si Aize. Hindi pa siya nagtatagal sa bahay nila, pero ngayon, parang need na naman niyang umalis, para sa sinasabi ng daddy niya na need niyang matuto at magtanda. Inayos na lang niya ang sarili, tapos ay nahiga sa kanyang kama. Dahil sa dami ng alak na nainom niya kanina. Iginupo siya kaagad ng antok. Si Aris naman ay kinausap ang kanyang asawa na si Zen. "Kung wala sa ibang bansa ang makakapagpatino kay Aize baka sa probinsya." Ani Aris na nakaupo sa couch. "Bakit hindi kina Celing? Alam mo naman na mabait si Celing. Noong nabalitaan niyang umuwi tayo noong nangibang bansa tayo kasama si Aize ng mawala sina papa at mama ay babalik sana sila ng pamangkin niya dito. Iyon nga lamang at sayang din iyong maliit daw nilang negosyo noon sa probinsya. Isa pa ay nandito sa Maynila si Celing ngayon. Dito nakatira kasama ng pamilya niya." Wika ni Zen. "Puntahan natin si Sena. Siya ang may koneksyon kay Celing." Kinausap ng mag-asawa si Sena, at kahit malalim na ang gabi ay nakausap nila si Celing. Natuwa ito ng maalala nila. Mabait naman kasi ang mag-tiya noon sa kanila. Kaya naging mabait din sila dito. "Senyor, Senyora, madalang na ako sa probinsya. Pero kung nais po talaga ninyong makapagrelax ang senyorita sa San Lazaro nandoon po ang pamangkin ko. Hindi po sumama sa akin dito sa Maynila. Baka naman po magkakasundo ang dalawa. Lalo na at magkaibigan sila noong mga bata pa." Paliwanag ni Celing na ikinatuwa ng mag-asawa. Napangiti din naman si Yaya Sena lalo na at kilala niya ang pamangkin ni Celing napakabait na bata nito. Kay Aize at kay Izzy noon. "Gusto ko sanang turuan ng leksyon si Aize, nais kong paghirapan niya lahat ng perang gagastusin niya." Paliwanag ni Aris. "Yaan mo senyor hindi ko akalaing malaki ang ipagbabago ng senyorita. Pero kakausapin ko na lang ang pamangkin ko, at ako na ang bahala. Mabait iyon at sigurado akong may matututunan ang senyorita kahit pa gaanong katigas ang ulo niya ngayon." Ani Celing kaya napangiti ang mag-asawa. "Salamat Celing. Isa pa hindi mo na kami amo kaya Aris at Zen na lang tulad ng tawag mo kay Sena." Wika pa ni Aris. "Walang problema, Aris, Zen. Tatawagan ko ngayon din ang pamangkin ko." "Salamat Celing." "Walang ano man. Kayo ang naging pamilya namin noong nangangailangan kami ng pamangkin ko. Ano pa ang kaunting tulong na magagawa ko, para kay Aize. At sisiguraduhin kong matuturuan ng pamangkin ko na maging mabuting bata si Aize. Lalo na at dati naman ay napakabait talaga ng batang iyon. Gawa din nga siguro ng barkada. Pero wag kayong mag-alala. Mabuti ang mga kaibigan ng pamangkin ko. Sure na mapapabuti siya doon." "Maraming salamat talaga Celing." Wika ni Zen. "Wala iyon ano ba kayo. Pero gaano bang katagal?" "Kung hanggang kailan matututo si Aize na mamuhay ng tama at marealize ang kanyang pagkakamali." "Okay, ipapaliwanag ko na lang kay sa pamangkin ko." Ani Celing at naputol na rin ang tawag. Nakahinga naman ng maluwag ang mag-asawa. Nagpasalamat din sila kay Sena dahil tinulungan silang makausap si Celing. Sa ngayon si Celing lang ang pag-asa nila para, matuto sa buhay si Aize at iwasan ang kahihiyang dulot sa pamilya. Pasalamat na lang talaga si Aris kanina na walang nakakilala sa kanya. Lalo na sa kanyang anak. Kung hindi siguradong. Uungong na naman ang pangalan nila tulad noong kolehiyo ito at nahuling umiinom ng alak. Sa likod mismo ng unibersidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD