Dalawang araw din ang inilagi ni Aize sa ospital. Kahit sabihing pwede na siyang lumabas kinaumagahan ay hindi naman siya pinayagan ng doktor. Talagang nag-aalala din siya sa magagastos ni Cy sa ospital. Pero hindi naman pumayag ang doktor sa nais niya.
Kinausap pa sila ng doktor ng masinsinan na kung maaari ay magstay pa siya sa ospital ng kahit isang linggo, pero talagang hindi na siya pumayag. Hanggang sa nagkasundo sila na dalawang araw na lang.
Pinapirma na din sila ng weaver na, nagsasabing kagustuhan na talaga ng pasyete na lumabas na pag naka dalawang araw at sa bahay na magpagaling.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Cy habang ibinababa sa tricycle ang mga gamit nila, na dinala ni Rodrigo at Jose ng balikan sila kinaumagahan. Hindi naman sila nasundo ng dalawa, dahil sa dami ng trabaho. Siya naman ay hinayaan ni Igo na magbakasyon ng isang linggo para mabantayan si Aize.
"Okay lang ako." Wika ni Aize at naupo muna sa upuan na nasa balkonahe.
Matapos maibaba ang lahat ng gamit nila ay, binuksan na rin ni Cy ang pintuan ng bahay.
"Saan mo ba gustong mag-stay. Dyan na sa balkonahe o sa kwarto mo?"
"Dito na lang muna. Gusto kong magkape." Ani Aize na ikinangiti ni Cy.
"Nahihilig ka na ba sa kape o mahilig kang talaga sa kape?"
"Mahilig na talaga ako sa kape. Pero iyong galing sa mga mamahaling cafe. Pero ngayon ko lang narealize na masarap din pala ang simpleng black coffee. Oi may nakita ako dyan noong nakaraan. Milo and coffee. Masarap yon. Kasi parang mas pinadark ng lasa ng kape ang pagkakachocolate ng milo." Natatakam na wika ni Aize.
"Gusto mo ba noon? Naubos na ang milo, bibili lang ako doon sa may tindahan. Malaki na ang bibilhin ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na iyon lang binayaran natin sa ospital. Nailabas ko na ang ipon ko. Pero hindi ko akalaing kauti lang ang binayaran natin. Hindi ko masabing swerte. Kasi naospital ka naman. Sige na, mabilis lang ako. Gusto mo ba ng pandesal kahit hapon?" Ani Cy na ikinatango ni Aize.
"Okay. Dito ka muna mabilis lang ako."
Mabilis namang tumalima si Cy at sumakay na ng tricycle kahit malapit lang talaga ang tindahan. Nag-iisa lang iyong tindahan. May bakery din ito, at doon sila bumibili ng pandesal tuwing umaga.
Sinundan naman ni Aize ng tingin si Cy hanggang sa mawala sa tingin niya. Talagang palaisipan din sa kanya at napakaliit lang ng binayaran nito noong magbayad ito ng bill niya sa ospital.
Flashback
"Magkano na po ang bill ni Aize Hernandez?" Tanong ni Cy sa billing station. Nagpapakwenta kasi siya ng bill ni Aize for 12hrs.
"Sir ito po ang partial statement ng bill po ni Ms. Hernandez."
Tinanggap niya ang papel na inabot sa billing. Napailing na lang siya ng makitang nasa thirty five thousand iyon. Pero baliwala ang gastos, kahit medyo malaki. Ligtas naman si Aize.
"Magkano daw Cy?" Tanong ni Aize na iniabot no Cy ang papel.
Napangiti na lang din si Cy ng hindi na KalanCy ang tawag ng dalaga sa kanya.
"Cy, lumabas na kaya ako. Okay naman ako eh. Mas lalaki pa ang bill ko pag nagtagal ako dito." Ani Aize ng pumasok ang doktor na tumitingin kay Aize.
Doon sila nakipagtawaran sa doktor kung ilang araw siya siya lalabas. Ayos lang naman kay Cy. Ang problema ay kay Aize na nahihiya sa binata.
"Okay dalawang araw, pero kailangan talagang magpahinga ka sa bahay Ms. Hernandez." Ani ng doktor, na ikinatango ni Aize.
Kinausap naman ng doktor si Cy para sa pagpirma nila ng weaver para sa maagang paglabas.
Makalipas ang dalawang araw na sinabi ng doktor ay inaayos na ni Cy ang bill ni Aize. Nagready siya ng nasa seventy thousand, mula sa ipon niya. Binilinan naman siya ni Igo na kong sakaling kukulangin siya ay tumawag lang ito sa kaibigan.
Hinanap ng cashier ang pangalan ni Aize. Nang makita iyon ay matamis itong ngumiti sa kanya. Pero hindi naman ngiting inaakit s'ya, ang ngiti nito ay mukhang masaya lang.
"Sir, ayon po sa statement of account ni Ms. Hernandez. Five thousand pesos lang po ang bill na babayaran po niya." Wika ng cashier na ikinagulat niya.
"Huh?"
"Sabi ko po five thousand lang po ang babayaran ninyo." Nakangiti pa ring wika nito.
"Paano po nangyari iyon? Nagpa-partial statement po ako noong nakaraan, pero nasa thirty five thousand po iyon. Tapos ay ang mga sumunod ay halos nasa forty eight thousand na. Bakit po ngayon ay five thousand na lang?" Naguguluhang tanong ni Cy sa cashier.
Oo nga at malaking tipid kung five thousand lang ang babayaran niya. Pero hindi naman kaya ng kanyang konsensya kung ang dating ay parang nakapanlamang siya. Hindi niya kayang manglamang. Bagkus ay nais pa nga niya na maging mapagbigay.
"Sir ganito po kasi. Kahapon po ay nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng matataas pong personalidad dito sa ospital. Tapos po ang order po sa amin, lahat ng lalabas po ngayong araw na ito na less than one hundred thousand ang babayaran ay maaari lamang magbayad ng five thousand. Tapos po ang mga ang bill po ay higit sa one hundred thousand, ay pinagbabayad lang po ng ospital ng nasa twenty thousand. Tapos po ang mga susunod na araw hanggang sa maka-isang linggo ay madadagdagan lang po ng another five thousand. Kaya kung bukas kayo lalabas magiging ten thousand ang babayaran ninyo at ang iba na higit sa one hundred thousand ay twenty five thousand. Okay na po sir?" Mahabang paliwanag ng babae sa cashier na hindi pa rin mapaniwalaan ni Cy.
Wala sa sariling iniabot ni Cy ang five thousand na ikinangiti muli ng cashier ng mapansing sobra pa iyon ng dalawang libo.
"Lutang ka sir? Sobra po." Sabay balik kay Cy ng sobrang bayad. "Wag po kayong mabigla sir, kasi po may nagdonate po ng malaki sa ospital. At bilang pagtugon sa mga pasyenteng malalaki ang bill at walang perang pambayad iyon po ang naging plano nila, na sinang-ayunan naman ng nagdonate."
Nang makaalis si Cy sa cashier ay lumapit naman ang isang lalaki na nag-abot ng donasyon para sa ospital. Malaki ang ibinigay nito, na ayon dito ay bigay ng magulang ni Ms. Hernandez. Iyon nga lang para hindi maghinala ang anak, ay kinuhanan pa rin nila ng maliit na bayad si Cy. Ang sinabi din ng cashier kay Cy ay totoo. Pasasalamat na rin ng magulang ni Aize dahil ligtas at hindi pinabayaan ng mga ito ang anak.
Matapos makapagbayad ay mabilis na nagtungo si Cy kay Aize. Ikinuwento niya sa dalaga ang nangyari. Kahit si Aize ay hindi makapaniwala.
Pero nagpapasalamat siya sa nagdonate, dahil hindi gaanong nagastusan si Cy sa pagpapaospital sa kanya.
End of flashback
Napapitlag naman si Aize ng makarinig ng malakas na busina. Sinamaan niya ng tingin ang bagong dating. Napalalim yata ang kanyang pag-iisip at hindi niya napansin ang pagdating ni Cy.
"Bakit ka ba nanggugulat?" Inis na tanong si Aize.
"Galit agad! Nakatulala ka kasi. Nga pala. Walang pandesal pero may pineapple pie. Masarap din ito sa kape."
"Oo na lang. Basta lagayan mo ng milo ang akin ha." Nakangiting wika pa ni Aize.
Mabilis namang inilapag ni Cy sa lamesa na nasa harap ni Aize ang pie na binili tapos ay pumasok sa loob ng bahay. Nagpainit muna siya ng tubig sa electric kettle, bago dinala sa kanya-kanyang kwarto ang mga gamit nila.
Nais man niyang ayusin na sana ang gamit ni Aize, pero ayaw niyang masabihan siya na nagingialam lalo na at babae ito. Kaya naman inayos na lang niya ang pagkakalagay ng bag nito sa may tabi ng kama.
Napatingin naman si Cy sa milo na binili niya. Napangiti pa niya ng maisip na gawin na lang pareho ang timpla ng kape nila ni Aize total naman at masarap iyon sabi nito.
Sumisipol pa si Cy habang nagtitimpla ng kami. Kahit papaano ay magaan ang kalooban niya. Lalo na at ligtas na si Aize. Iyon nga lang ay may gasa pa rin ang sugat nito sa braso. Higit sa lahat hindi na sila, parang aso at pusa na tuwing maglalapit ay magpapamag-it.
"Aize, chocolate coffee mo." Ani Cy ng ilapag niya ang kape sa harapan nito.
"Thanks." Sagot nito ng mapansing magkapareho sila ng timpla. "Natikman mo na? Anong masasabi mo?" Nakangiting tanong pa ni Aize na parang bata na naghihintay ng sagot.
"Masarap." Sagot niya na ikinapalakpak ng dalaga ng biglang mapasigaw ito.
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Cy ng matawa si Aize. "Pinaglololoko mo na naman ba ako?" Matabang niyang tanong na ikinailing ni Aize.
"Napapalakpak ako. Nakalimutan ko ang sugat ko. Ay masakit pala." Natatawang sagot ni Aize na hindi malaman ni Cy kung maaawa ba sa dalaga o matatawa. Pero iyong inis na biglang bumangon ay agad ding nawala.
"Ikaw talaga akala ko kung ano na. Kape na, masarap yang pineapple pie kahit mukhang hindi bagay dito sa kape."
"Babagay yan, ako nga mukha namang bagay sayo." Ani Aize na ikinasamid ni Cy.
"Luh, ito naman, hindi na mabiro. Paano ako tatakbo para makakuha ng tubig. Ano bang gagawin ko sayo." Nag-aalalang wika ni Aize ng makahuma si Cy sa pagkakasamid ng kagatin ang pineapple pie. "Sorry naman." Dagdag pa niya.
"Wala akong masabi sayo kundi napakakulit mo." Sagot na lang ni Cy at ginulo pa ang buhok ni Aize.
Ipinagpatuloy nila ang pagkakape habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Hindi akalain ni Aize na masarap kausap ni Cy. Kahit papaano ay may sense of humor ito. Akala niya ay mainitin ang ulo nito noong una, kaya puro pambubully ang ginagawa niya sa binata.
Sabi nga don't judge the book by its cover. Dahil hindi mo makikilala ang isang tao sa isang tingin lang. Mas mahalaga pa rin ang kilalanin mo ito ng masinsinan.