Nanonood lang ng tv si Aize sa salas ni Cy ng mga sandaling iyon. Nag-aagaw na rin kasi ang liwanag at dilim.
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng pagkatok mula sa labas ng pintuan. Napatingin pa siya sa may kusina dahil nandoon si Cy at nagluluto ng kanilang panghapunan. Siya naman ang malapit sa pintuan kaya naman hindi na niya inabala ang binata at siya na ang nagbukas noon.
Tumambad sa kanya ang isang magandang babae. Malawak ang ngiti nito sa kanya, pero hindi niya nakikilala. Pinagmasdan pa niya ito ng mabuti ng mapansing nakita na niya ito pero hindi niya alam kung saan.
"Hi." Bati nito sa kanya. Napatikhim naman siya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Na star struck kasi siya sa ganda ng babaeng nasa harapan niya.
Hindi tuloy niya alam kung papapasukin ang babae lalo na at hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Tatawagan na sana niya si Cy ng lumabas ito mula sa kusina.
Hindi na siya nakapagsalita ng, lampasan siya ng babae at lumapit ito kay Cy, ng walang anu-ano ay pinisil nito ang pisngi ng binata na wari mo sobrang close ng dalawa para gawin iyon.
Nakadama siya ng kirot sa kanyang puso. Ang gutom na nadarama kanina ay parang nawala. Naramdaman din niya ang pagkawalang gana.
Akmang papasok na lang siya sa kwarto ng bigla siyang tawagin ng magandang babae.
"Aize! Aize ang pangalan mo di ba?" Anito habang nakangiti sa kanya.
Kahit parang nang-aasar ang babaeng nasa tabi ngayon ni Cy ay binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti at tumango. Pagsang-ayon niya sa pangalang sinabi nito.
"You're so beautiful naman Aize." Wika ng babaeng hindi niya kilala. "Ako nga pala si Shey. Hindi ko masabing mabuti at nagkaroon ka ng pahinga at hindi napunta ng palengke. Sabi kasi ni Igo, pinapahirapan ka daw ni Cy para magtinda sa palengke." Nakangusong saad ni Shey na ikinalito ng isipan ni Aize.
"My bad. Nakimutan kong magpakilala. I'm Shey Cardenal. Asawa ako ni Igo. Natutuwa ako na hindi, kasi ang tagal na mula ng mabalitaan kong may kasamang babae dito si Cy ay gusto ko sana na makilala ka. Kaso busy ka naman at palaging wala dito." Paliwanag ni Shey na hindi malaman ni Aize ang biglang paggaan ng kalooban niya sa babaeng kaharap. Kung dahil ba sa sinabi nito na asawa ito ni Rodrigo ay hindi niya alam.
Napatingin naman si Aize sa tiyan ni Shey na mayroon ng umbok. Hindi niya iyon na pansin kanina. Sa tingin niya ay ilang buwan na rin iyon. Nang biglang pumasok si Jose na may dalang prutas. Matapos iabot kay Cy ang prutas na dala nito ay humilig pa si Shey ng ulo sa balikat ni Jose na ikinangiwi ni Cy at ikinailing.
Napatingin pa siya sa may pintuan ng pumasok si Rodrigo na nakatingin sa asawa na nakahilig kay Jose. "Pambihira. Mag-aayang magtungo dito tapos gusto pang kasama si Jose. Kung hindi ko lang talaga alam na walang gusto si Jose kay Shey kanina pa ako nagselos." Rinig niyang himutok ni Rodrigo na kahit papaano ay may hint na siya sa ikinikilos ni Shey.
Dumako naman sa kanya ang tingin ni Rodrigo. Kaya sa halip na umalis ng salas at magtungo sa kwarto ay naupo siya sa pang-isahang upuan sa tapat ni Rodrigo.
"Kumusta ka na?" Tanong ni Rodrigo sa kanya.
"Maayos naman. Hindi ako pinapakilos ni Cy. Namamahinga lang ako, mula ng makalabas ako ng ospital."
"Mabuti iyan."
"Hindi ka ba nagseselos?" Hindi mapigilang tanong ni Aize gawa na rin ng curiosity.
Napatingin naman si Igo sa asawa sa tabi ni Jose, na mukhang may sinasabi pa kay Cy.
"Noong una, pero ngayon hindi na. Sabi ng yaya ni Shey, malamang ang pinaglilihihan ng asawa ko ay si Jose. Kasi ito palagi ang gusto niyang makita pati na rin si Cy. Pero sa gabi naman at kami ng dalawa ang magkasama. Isa pa ramdam kong mahal na mahal ako ni Shey at walang duda iyon. Kaya hinahayaan ko na lang. Isa pa gusto ni Shey na nakikita ako pag kasama niya ang dalawa. Pero ang gusto malayo ako sa kanya. Ang weird ng buntis di ba?" Pagkukwento ni Igo sa kanya.
Napatango na lang si Aize sa kawerduhan ng paglilihi ng asawa ni Rodrigo.
"Igo, tocino daw, itlog at bacon." Natatawang sigaw ni Cy. Alam niyang si Shey ang may request noon.
"Mahal ko naman, pang breakfast iyon eh. Anong ulam mo Cy dito kami kakain ha."
"Ginataang malunggay sana. Tapos magpipirito lang ako ng karne."
"Masarap yan." Sagot ni Igo.
"Pero gusto ko ng tocino, itlog at bacon." Nagrereklamong wika ni Shey na ikinabuntong hininga ni Igo.
"May available ka ba?" Tanong ni Igo na ikinatango ni Cy. "Parequest na Cy." Ani Igo na ikinapalakpak pa ni Shey.
"I love you mahal ko. Sige na magluto ka na." Nakangiti pang saad ni Shey.
"Wait! Akala ko ba?" Naguguluhang tanong ni Igo sa asawa.
"Ikaw na ang magluto please. Gusto ko ay luto mo." Pakiusap ni Shey na wala ng nagawa si Igo at sumunod sa asawa.
Sumunod si Igo kay Cy na tawa ng tawa habang si Jose ay iginaya ni Shey sa isang upuan na nandoon sa harapan ni Aize.
Pinalipat siya ni Shey sa mahabang upuan at tumabi ito sa kanya. Napakamot naman si Aize ng ulo ng sa kanyang braso humilig si Shey at iniwan si Jose sa pang-isahang upuan.
Nagkakwetuhan sila nito at nakwento ni Aize kay Shey kung paano siya napunta sa poder ni Cy.
"Ang galing noh. Nakakatuwa na napunta ka dito kay Cy. Pero hindi naman pala kayo close." Namamanghang wika ni Shey.
"Ewan ko ba kay daddy ang laki ng tiwala kay Cy. Pero nakakatuwa kasi mabait pala si Cy." May umalpas na munting ngiti sa labi ni Aize ng banggitin ang pangalan ng binata.
"Oi inlove ka kay Cy noh." Akusa ni Shey.
"Oi, wag kang maingay. Baka mamaya lumaki ang ulo nun sa walang katotohanang bagay." Pagtanggi pa niya.
"Pero bakit ka namumula. Hala s'ya." Biro pa ni Shey na hindi malaman ni Aize kung paano sasawayin ang kausap.
"Naku naman Shey. Ngayon lang tayo nagkausap pero ang kulit mo ha."
"Makulit ako kasi magkaibigan na tayo."
"Kaibigan mo na ako?"
"Oo naman, kaibigan ko nga si Cy ikaw pa ba ang hindi."
"Salamat." Sagot na lang niya.
Napatingin naman si Aize kay Jose na mukha namang walang pakialam sa pinag-uusapan nila.
"Maiba ako. Mukhang si Jose ang pinaglilihihan mo ah. Si Cy din ba?"
"Siguro ang cute kasi ni Jose. Minsan ganoon din si Cy. Tapos ang baho naman ng asawa ko." Nakanguso pang wika ni Shey na ikinatawa ni Aize.
Noong pag-upo kasi ni Rodrigo sa ngayon ay kinauupuan ni Jose ay naamoy niya na mabango ito. Kaya imposible ang sinasabi ni Shey sa asawa. Naisip niyang ganoon nga siguro minsang ka weird ang buntis.
Ilang sandali pa at tinawag na sila sa kusina nakahayin na rin ang mga pagkain. Madami ang naluto ni Rodrigo at Cy. Sapat iyon para sa kanilang lahat.
Sinandukan muna ni Rodrigo si Shey ng itlog, tocino at bacon sa isang plato. Sa ibang pinggan din nito inilagay ang kanin ng asawa.
Sabay-sabay silang kumain ng mapansin ni Aize na ang ulam na kinakain ni Shey ay ginataang malunggay at ang pritong karne.
"Mahal, akala ko ba gusto mo nitong niluto ko?" Tanong ni Rodrigo sa asawa, ng mapansin din nito na hindi ginagalaw ni Shey ang bigay na pagkain ni Igo. Sila namang tatlo ay nakatingin lang sa mag-asawa.
"Masaya na akong natitigan ko sila. Okay na ako mahal ko. Kainin mo na yan." Wika ni Shey na ikinanganga ni Rodrigo.
"Mahal naman?"
"Ayaw mong kainin? Gusto ko lang namang titigan. Tapos natitigan ko na." Ani Shey na may paghikbi. Nataranta naman si Igo, dahil iiyak na ang kanyang asawa na hindi alintana ang titig ng mga kasama.
"Ito naman. Hindi ka na mabiro mahal. Kakainin na oh." Ani Rodrigo sabay subo ng tocino, na ikinagiti naman ni Shey. Naging magana namang kumain, ito ng nilutong malunggay ni Cy, ng makitang kinain ni Igo ang pagkaing ipinaluto niya dito.
Napailing na lang si Rodrigo sa kakulitan ng asawa. Napangiti naman si Cy at hindi na nagsalita. Ganoon din si Jose na nanonood sa mga kaharap.
Nagkatinginan naman si Aize at Cy, ng mga sandaling iyon. Nginitiian pa siya ng binata. Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ni Aize sa ngiting iyon. Palihim niyang hinawakan ang kanyang puso, na wari mo ay mapipigil noon ang pagbilis ng pagtibok nito.
"Okay ka lang?" Tanong ni Cy ng mapansing hawak niya ang parte ng puso niya.
"Wala naman, biglang kumati." Palusot niya. "Ang sarap pala nitong luto mo." Pagbabago niya ng usapan.
"Talaga? Kain ka lang ng maayos." Ani ni Cy sa kanya.
Nilibot naman ni Aize ng tingin sa mga kasabay nila sa pagkain. Napangiti pa siya sa reaksyon ng mag-asawang kasabay nila. Napakakulit kasi ni Shey. Nang halos iyong ipinaluto nito sa asawa ang mismonv ipinakain kay Igo. Halos nakatikim lang ito ng kaunting ginataang malunggay.
Napatitig naman siyang muli kay Cy na patuloy lang na kumakain. Hindi niya maintindihan ang puso niya. Bakit mula ng maospital siya? Naging mas gwapo sa paningin niya si Cy. Higit sa lahat ang mumunting damdamin na nabubuo sa kaibuturan ng puso niya na noon naman ay hindi niya nararamdaman.