Chapter 13

1669 Words
Malamlam na ilaw ang bumungad kay Aize ng magmulat ang kanyang mga mata. Inilibot niya ang tingin kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Hindi pamilyar sa kanya ang silid. Pero nasisigurado niyang wala siya sa bahay ni Cy. Nagawa niyang iangat ang isang kamay at doon lang, ay bigla siyang napasinghap ng mapansing nakabenda iyon. Saka lang niya naalala ang biglang pananakit ng ulo niya. Samahan pa ng pagkahilo na naging dahilan kung bakit siya bumagsak. Nakaupo na siya noon sa silya, pero pakiramdam niya ay nahulog pa siya mula sa pagkakaupo at may nasanggi pa siya na sigurado siyang iyon ang may dahilan kaya nakabenda ngayon ang braso niya, dahil sa pagkabasag ng bagay na iyon. Pilit naman niyang hinihila ang isang kamay, pero may bagay na nakadagan doon kaya naman hindi niya mahila ang sariling kamay. Napatingin na lang siya sa kanyang ulunan ng mapansin ang kinalalagyan ng dextrose, hanggang sa sundan niya iyon. Doon lang niya napansin na may kasama pala siya sa kwartong kinalalagyan niya. "Ospital?" Hindi niya mapigilang sambit ng maisip kung nasaan siya. Napatingin siya sa taong nakasubsob sa kamang kinahihigaan niya na siyang nakahawak sa kamay niya. "Cy?" Aniya at hindi niya napigilan ang paglabas hikbi at mga luha sa kanyang mga mata. Bigla namang naalimpungatan si Cy ng makarinig siya ng mga hikbi. "Aize." Sambit niya sa pangalan ng dalaga na ngayon ay patuloy lang lumuluha. "What happened? May masakit ba sayo? Sandali tatawag lang ako ng doktor." Ani Cy na akmang tatayo ng pigilan ito ni Aize, habang umiiling. "Bakit? Nag-aalala ako sayo. Ayaw mong tumawag ako ng doktor pero umiiyak ka naman. May masakit ba sayo?" Tanong pa niya sa dalaga na ikinailing nito. "Sorry Cy. Hindi na mauulit ang kapilyahan ko. Sana mapatawad mo ako. Hindi ko sinasadya na mapikon ka. Sana wag ka ng magalit. Ikaw lang ang mapapagkatiwalaan ko ngayon. Lalo na at hindi man lang ako kinukumusta ni daddy. Walang pakialam sa akin si daddy." Patuloy pa rin sa pagluha ang dalaga, ng iangat ng kaunti ni Cy ang kama na kinahihigaan nito, para makaupo ito. "Hindi na ako galit. Oo masama ang loob ka sa mga kalokohan mo pero hindi ako galit. Kaya lang bakit naman nagpalipas ka ng gutom? Isa pa na sobrahan ka pa sa pagod. May paltos tuloy itong kamay mo. Halata na hindi ka sanay magwalis gamit ang walis tingting." "Gusto ko lang makabawi sa mga kakulitan ko sayo, sa mga pambubully ko. I know I'm wrong, kaya pinagsisihan ko naman ang ginawa ko. Isa pa gustong-gusto ko sanang kumain ng niluto mo. Pero dahil naiisip kong galit ka. Umuurong ang lakas ng loob ko para kumain. Nawalan ako ng gana. Tapos kaninang hapon na nagugutom na ako, biglang daan ng hilo at sakit ng ulo ko. Hanggang sa magdilim ang paningin ko. Sorry ulit." Nakayukong wika ni Aize na ikinabintong hininga ni Cy. "Naguilty tuloy ako na kompleto ang kain ko, dahil pinakain ako ni Jose. Habang ikaw ay nakaranas ng sobrang gutom at pagod. Sorry din." "Wag kang maguilty. Lahat ng naranasan ko kasalanan ko rin naman. Wag kang mag-alala." "Kahit nahihiya ako, sa daddy mo dahil napabayaan kita. Gusto ko pa rin sanang ipaalam sa kanila ang nangyari sayo." "Wag! Pakiusap. Baka ipadala na naman ako ni daddy sa ibang bansa. Magpapakabait na ako, promise. Hindi na ako magiging pasaway. Please lang Cy dito na lang ako sayo. Ngayon ko narealize kung gaano kahalaga ng buhay. Buhay na inaaksaya ko lang sa pagrerebelde kay daddy dahil hindi niya ipinaranas sa akin na maging malaya. Na gusto agad ni daddy magfocus ako sa pag-aaral noon, sa bahay, para mapamahalaan ang kompanya. Pero ang kalayaan ko bilang ako, hindi ko naranasan. Pero ang totoo, ang pagpapadala pala ni daddy sa akin sa ibang bansa ay kalayaan ko na. Dahil gusto niya akong mag focus sa future ko habang inaabot ko ang future ng kompanya." Mahabang paliwanag ni Aize na ikinangiti ni Cy. "Maswerte ang isang katulad mo na may magulang pang nakakasama. Hindi tulad ko. Pero masaya akong may tiya akong nag-alaga sa akin at nagmahal. Pahalagahan mo lang ang lahat ng nasa paligid mo. Masasabi mong ikaw lang pala ang nag-iisip na pinaghihigpitan ka ng mundo. Sobrang pagmamahal sayo ng magulang mo ang isipin mo at doon mo maiisip na ang lahat ng ginagawa nila ay para din sa ikabubuti mo." Paliwanag ni Cy na mas nakapagpagaan sa kalooban ni Aize. "Thank you for being here with me, kahit sa kabila ng pagiging bully ko sayo iniintindi mo pa rin ako. Thank you Cy. Pero wag mong sabihin kay daddy na natuto na ako. Gusto kong maging malaya dito. Masarap magtinda sa palengke kasama nina Aling Hana, Amy at Lena." Nakangiti pang sambit ni Aize ng guluhin ni Cy ang buhok nito. "Sa ngayon magpagaling ka muna at kumain. Bago kita hayaang magtinda muli." Ani Cy at tumayo muna para kunin ang lugaw na binili ni Igo at Jose. "Ipapainit ko muna. Pwede naman daw, sabi noong nurse kanina." "Lugaw ba iyan? Hindi naman ako pihikan. Kung malamig lang naman okay na iyan sa akin." Ani Aize at wala ng nagawa Cy kundi ihayin kay Aize ang malamig na lugaw. "Susubuan na kita." Sabi ni Cy ng mapatingin si Aize sa kamay niya. Ang isa ay kinakakabitan ng dextrose at ang isa ay iyong may benda. "Ano ang nabasag ko? Iyon ang dahilan kaya ako nasugatan di ba? Sorry ulit nakasira pa ako." Nahihiya pa niyang sambit. "Iyong salamin ng center table. Pero wag mo ng isipin iyon. Ang mahalaga ligtas ka at iyan lang ang natamo mo. Hindi ko alam ang gagawin kung may mas malala pang nangyari sayo." Paliwanag ni Cy habang sinusubuan siya ng lugaw. "Sorry talaga, babayaran ko na lang iyon." "Sabi ko nga sayo, wag mo ng kaisipin, ang mahalaga ligtas ka, at walang ibang masamang nangyari sayo. Okay sige bayaran mo ako sa pamamagitan ng magpapagaling ka na at hindi na magpapasaway." "Ang dali naman ng kondisyon mo. Pero paano itong ospital. Nakadagdag gastos pa ako sayo." "Wala namang problema sa akin. May ipon ako, at hindi naman makakahirap sa akin ang gastos dito sa ospital lalo na at mahirap naman talaga ako. Pero ang ibig kong sabihin may ipon talaga ako. Kaya wag ka ng mag-isip at sa halip ay ubusin mo na ito. Tamang-tama mag-aalas dyes na ng gabi may papasok na nurse para painumin ka ng gamot. Kaya wag ng mag-alala ha. Kain na." Nakangiting wika pa ni Cy habang patuloy siyang sinusubuan nito. Napangiti pa si Aize na hindi niya akalaing napakabait pala ni Cy. Medyo nakaramdam siya ng pagsisi sa mga kalokohang ipinaranas niya dito. Ngayon naisip niyang bumawi sa binata na wala naman talagang ibang ipinakita sa kanya kundi puros kabutihan. Samantala, habang nasa opisina at may tinatapos na mga papeles si Aris ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may mangyayari na hindi maganda. Biglang pumasok sa isipan niya ang anak, na ipinagkatiwala niya sa pamangkin ng dati nilang katulong sa bahay. Mabait si Celing at mahal nito ang kanyang anak, tulad ng pangangalaga ni Sena dito. Kaya malaki ang tiwala nilang mag-asawa na hindi mapapabayaan ang kanilang anak. Ilang sandali pa sa kanyang pananahimik ay bigla na lang siyang nakatanggap ng tawag mula sa pinagkakatiwalaan niyang tao na siyang nakasubaybay sa anak habang nasa probinsya ito. "Anong sabi mo? Anong pang hinihintay mo. Dalahin mo na kaagad sa ospital ang anak ko! Hindi kita mapapatawad pag may nangyaring masama sa aking anak!" Sigaw ni Aris sa lalaking kausap niya sa telepono. Narinig niya ang pagkilos nito ng magsalita itong muli. "Hindi po ako makalapit sa senyorita, dumating po si Cypher. Hindi ko po nakikita ang nangyayari sa loob ng bahay lalo na po at medyo lumayo po ako. Ayaw ko pong mag-isip sila ng masama." "Okay basta balitaan ko ako. Hindi ako makakapayag na may masamang mangyari kay Aize. Oo nga at matigas ang ulo ng batang iyan. Pero ang pagmamahal ko sa anak ko ay sagad at buong puso. Kaligtasan pa rin ni Aize ang pinakamahalaga, ganoon din ng kanyang ina." Ani Aris sa kausap ng biglang pumasok sa opisina niya ang asawa. Ibinalita niya dito ang nangyari sa anak. Tumawag muli ang tauhan niya na dinala si Aize sa ospital. Kasama pa ni Cypher ang mga kaibigan nito. Tahimik lang na nagdadasal si Zen, para sa kaligtasan ng anak. Gusto man nilang puntahan ang anak. Alam nilang magtataka ito kung paano nila nalaman. Kaya naman naghintay na lang sila ng balita mula sa taong iyon. Nakahinga naman ng maluwag si Aris at Zen ng marinig na maayos lang ang kalagayan ni Aize. Gusto man nilang sa anak nila mismo marinig na maayos lang ito. Pero sapat na ang balita ng taong nagbabantay kay Aize. "Anong masasabi mo mahal ko?" Tanong ni Aris sa asawa. "Masaya ako Aris. Ngayon ko talaga narealize na may magandang maiidulot kay Aize ang paglalayo mo kay Aize sa atin. Pero hindi pa ba natin siya pababalikin dito? Miss ko na ang anak natin." Tanong ni Zen na ikinailing ni Aris. "Sa tingin ko mahal ko, hindi pa ngayon ang oras. Narinig mo naman na ayaw iparating sa atin ni Aize ang nangyari sa kanya. Ibig sabihin masaya ang anak natin sa probinsya. Hayaan nating maging masaya ang ating anak. Dahil pag handa na siya, kusa siyang babalik dito. Ang mahalaga sa akin. Wala ng pagrerebelde. Walang ng alak, bar at kung sino-sinong tao ang nakakasalamuha niya. Kaya naman. Ngayon ay hayaan natin kay Cypher ang pangangalaga kay Aize at sa taong pinagkakatiwalaan natin na nakabantay sa kanya. Hmmm." Paliwanag ni Aris na ikinatango lang ni Zen. Mahirap ang malayo sa anak. Lalo na at nag-iisa lang ito. Pero para sa kapakanan ni Aize gagawin nila ang lahat para mapabuti ang kalagayan ng anak. Kaya masaya na rin si Aris na napunta sa probinsya ang unica hija nila. Dahil ngayon marami na itong napagtanto sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD