Masama ang tinging ipinukol ni Aize ng dumating sila ni Cy sa palengke ng umagang iyon. Alas kwatro pa lang ng umaga ay ginising na siya ni Cy para mag-almusal, para makarating sila ng palengke ng alas singko ng umaga.
Matapos nila sa munisipyo ay inayos naman ni Cy ang pwesto daw niya sa palengke. Hindi naman siya sumama na dahil alam niyang galit sa kanya si Cy. Mabuti na lang at may nasabayan siya pauwi sa bahay ni Cy.
"Seriously?" Mataray na tanong ni Aize habang nakangisi lang si Cy sa kanya.
"Yeah! Seriously!" Nakangising sagot ni Cy sa kanya, habang nakatingin sa pwesto ng tindahan na sinasabi nito.
Akala ni Aize ay parang stall iyon na may kalakihan na nandoon sa loob ng tindahan ang mga paninda. Pero hindi ganoon. Para lang iyong maliit na pwesto na kasya lang ang dalawang tao pag nakaupo. Ang mga paninda mo ay nasa lapag. Pag isasara ang tindahan, need mong ipasok lahat ng paninda mong natira sa loob ng stall at hindi iyong basta ka lang magsasara. Napakaliit noon kaysa sa inaasahan niya.
"Ito na iyong pwesto na sinasabi mo? Napakaliit naman yata?" Naiinis niyang tanong.
"Hep! Bago ka magreklamo. Ako ang nagbayad ng paunang upa dito kasi wala kang pera. Ibig sabihin may utang ka sa akin. Kaya naman magsimula ka na. Ako pa naglagay ng mga ititinda mo. Kaya need mong galingan."
"Wait! Hindi ko naman ginusto ang ganito ah. Bakit parang kasalanan ko?" Naiinis na tanong ni Aize na ikinangisi ni Cy.
"Mas lalong hindi ko ginusto. Nananahimik ako dito sa probinsya. Pero dahil pasaway ka, nagkaroon ako ng alagaing bata."
"For your information KalanCy! Hindi na ako bata!" Inis na sigaw ni Aize.
"Hindi ka na bata? Pero sa halip na magpakaayos ka, puro ka reklamo. Need mong makabenta ngayong maghapon. Okay."
"Okay po KalanCy. Makaipon lang ako aalis ako dito sa poder mo at kahit kay daddy hindi na ako magpapakita!" Inis na wika ni Aize bago padabog na naupo doon sa bangkito na upuan ng mga katulad niyang nagtitinda din ng gulay sa parteng iyon.
"Bwisit na KalanCy iyon!" Pahabol pa niya ng makaalis si Cy sa tabi niya.
"Grabe ka naman kay Cypher. Ang swerte mo nga, kasi doon sa tatlong magkakaibigan walang magtangkang lumapit kasi napakasuplado pero mababait naman. Tapos pinagtatarayan mo lang. Ako nga pala si Amy." Pakilala ng isang babae na nagtitinda ng mga kakanin.
"Naku hija, kung may anak lang akong dalaga ay ipapakilala ko sana diyan kay Cypher or doon sa isa pa nilang kaibigan, kaya lang napakatahimik. Nag-asawa na kasi si Rodrigo. Iyon talaga iyong pinaka bet ko kung may anak lang akong dalaga. Ako nga pala si Hana. Pwede mo akong tawaging Aling Hana." Pakilala naman sa kanya ng ginang na nagtitinda ng mga tuyo (dried fish).
"Ako nga pala si Lena. Alam mo bang crush ko yang si Cypher. Napakaswerte mo girl kasi ikaw lang ang nag-iisang bagong tindera dito na inihatid pa niyang si Cy." Kilig na kilig naman ng dalagang nagpakilalang Lena. Medyo malaki naman ang tindahan na kinapupwestuhan nito. Lalo na at maliit grocery store iyon.
Prutas at gulay naman ang tinda ni Aize. Gusto man niyang irapan ang tatlong babae, na grabe kong humanga kay Cypher pero hindi niya ginawa. Lalo na at nahiya naman siya sa ginang. Kaya naman nginitian na lang niya ang mga ito.
"Ako nga po pala si Aize. Taga Maynila po talaga ako. At isa pa po. Bakit po ba kayo humahanga sa KalanCy na iyon? Hindi naman po kagwapuhan." Hindi pa rin niya mapigilang tugon.
"Ikaw ha. Baka mamaya kayo magkatuluyan." Biro ni Amy.
"Never! Over my dead body!" Matatag na sagot niya.
"Ay sus. Halata namang crush mo si Bebe Cy." Kinikilig pa ring wika ni Lena.
"Tigilan ninyo ako ha. Kailangan kong makabenta ngayong araw na ito. Para maipamukha ko sa KalanCy na iyon na hindi ko siya uurungan at lahat ng bagay kaya kong gawin." Inis niyang sambit sa mga ito.
Napairap pa siya kay Lena na tinawanan lang ng dalaga. Si Amy naman natawa na lang din pati si Aling Hana.
Maliwanag na ng magsimulang magdatingan ang mga mamimili. Mabuti na lang at may listahan na ginawa si Cy sa mga presyo ng prutas at gulay na tinda niya ngayon. Dahil kung hindi ay baka wala siyang mabenta lalo na at hindi niya alam ang presyo ng bawat isa. Kilala naman niya ang mga gulay kaya madali na niyang nalaman ang presyo ng bawat isa.
Kumakain na sa pwesto nila sina Amy, Lena at Aling Hana. Inaalok naman ng mga ito si Aize pero tumanggi lang ang dalaga.
"Bwisit na KalanCy iyon! Papatayin ba niya ako sa gutom. Hindi ba niya ako pakakainin!" Inis niyang sambit sa isipan, ng magulat na lang siya na nasa tabi na niya ang binata.
"Ginagawa mo dyan!" Sikmat na naman ni Aize ng palisin niya ang kamay nitong ipinantapik sa balikat niya.
"Aayain kang kumain at baka mamatay ka sa gutom." May pagkasarkastikong wika ni Cy na ikinatakip ni Aize ng bibig.
"Paano mo narinig ang sinabi ko? Ay sa isipan ko lang naman iyon?" May pagtataka pa niyang tanong pa rin ni Aize.
"Malamang sinabi mo." Sagot ni Cy bago tumingin kina Amy.
"Narinig naman ninyo ang sinabi ng Yelo na ito di ba?" Nakangiting wika ni Cy na sunod-sunod ang pagtango ng dalawang dalaga.
"See. Tara na. Nga pala. Aling Hana, Amy, Lena. Ihahabilin ko muna ang paninda nitong Yelo na ito. Pakakainin ko muna at baka po mamatay na sa gutom." Nakangising wika ni Cy ng tadyakan ito ni Aize.
"Nakakasakit kang Yelo ka ha!"
"Bakit ba yelo ang tawag mo sa akin? Aize ang pangalan ko Aize. Nakakainis ka ng KalanCy ha!" Singhal ni Aize.
"See Aize(Ice) meaning Yelo. Kaya Yelo. Ikaw nga kung matawag akong kalansay. Sa katawan kong ito kalansay talaga? Tss." Reklamo ni Cy.
"Hep-hep! KalanCy hindi kalansay magkaiba iyo." Paliwanag pa ni Aize.
"Oo na lang, tara na pakakainin na kita." Pag-aaya pa ni Cy sabay hawak sa kamay ni Aize para maitayo.
"Kayo na po muna ang bahala sa paninda ni Yelo. Salamat po." Bilin pa ni Cy sa tatlo na ikinatango ng mga ito.
Napatingin naman si Aize sa kamay ni Cy na nakahawak sa kamay niya. Hindi niya maintindihan ang init na dala ng pagdait ng kamay ng binata sa kanya. May dala iyong kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwang. Ang alam lang niya ay masarap ang pakiramdam na iyon.
Nawala sa malalim na pag-iisip si Aize ng maramdaman niya ang masakit na bagay na tumama sa kanyang noo. Tiningnan naman niya ng masama si Cy ng mapansin niya ang pwesto ng daliri nito sa isang kamay na mukhang katatapos lang talaga siyang pitikin.
"Masakit iyon ha!" Inis niya sikmat niya kay Cy. Talaga naman kasing masakit ang pitik nito sa kanyang noo.
"Sasama ka ba para kumain? O iiwan na lang kita dito at tumulala ka na lang."
Hindi pala niya napansin na sa pagtulala niya ay napatigil din pala siya sa paglalakad. Bibitawan na sana ni Cy ang kamay niya ng mabilis siyang humakbang. Kaya naman sa halip na bitawan at mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay niya.
"Tara na!" Ani pa niya na mas lalong binilisan ang paglalakad ng marinig ang panunukso ng tatlo niyang bagong kakilala. Kahit may edad na si Aling Hana ay nakikisabay pa rin ito sa panunukso sa kanila ni Cy.
"Kinikilig ka na sa akin noh?" Tanong sa kanya ni Cy kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Mangarap ka! Hindi ang tulad mo ang pinangarap ko noh!" Inis na sagot ni Aize at kumawala sa pagkakahawak ni Cy.
"Sabi mo eh." Natatawang wika ni Cy at nagsabay na lang sila sa paglalakad.
Nakarating sila sa karinderya ni Aling Lucing na paborito nilang kaninan. Na kahit tanghalian ay talagang available pa rin ang silog meals na paborito nilang tatlo.
Doon nakilala ni Aize ang dalawang kaibigan ni Cy. Si Rodrigo na siyang pinaka boss ni Cy ngayon na may asawa na, at ang kaibigan nito na si Jose na hindi man lang niya malaman kung hindi talaga nagsasalita or ayaw lang magsalita.
Naging maayos at matiwasay naman ang kanilang pagkain, hanggang sa makatapos sila.
"Hay ang sarap talagang kumain. Pero mas masarap sana kung kasabay ko pagkain ang asawa ko." Ani Igo na nagniningning ang mga mata ng banggitin ang asawa nito. Napangiti naman si Aize dahil kitang-kita niya na inlove si Rodrigo sa asawa nito kahit hindi pa niya nakikilala ang babae.
"Bakit hindi ka umuwi?" Tanong ni Cy.
"Di palalayasin na naman ako nun. Alam mo namang ayaw na ayaw na makikita ako sa umaga. Ang hirap din pala pag naglilihi ang babae. Pero dahil mahal ko naman. Napakaworth it naman kahit naiinis siya sa akin." Sagot ni Rodrigo na ipinagkibit balikat na lang ni Cy.
"Masarap pala talagang mainlove." Hindi maiwasang bulalas ni Aize sa kanyang isipan ng biglang sumagi sa isipan niya ang kakaibang sensasyon na dulot ng mainit na palad ni Cy.
"Erase! Eraser!" Aniya ng makatanggap na naman ng pitik sa noo mula kay Cy.
"Masakit iyon ha!" Sigaw ni Aize habang hawak ang noo. Tinawanan lang naman siya ni Cy.
"KalanCy bakit ganito ang laman ng bottled water ko?" Tanong ni Aize kay Cy, habang hawak ang bote ng mineral water.
"Patingin nga?" Si Rodrigo ang unang sumilip pero wala namang nakita.
"Merong, basta. Tingnan mo." Wika ni Aize kaya naman napilitan si Cy na silipin ang bottled water na dapat iinumin ni Aize.
Katatapat pa lang ng mukha ni Cy sa bottled water ay bigla na lang bumulwak sa mukha niya ang tubig nito na ikinagulat ni Rodrigo kahit si Jose.
Bigla kasing pinisa ni Aize ang bote ng mineral water ng makatapat doon ang mukha ni Cy.
"Yelo!" Sigaw ni Cy ng mabilis namang nawala sa tabi niya si Aize. Naabutan na lang nila ito ng tingin na nasa may pintuan na ng karinderya. Sabay taas ng gitnang daliri kay Cy.
Natawa na lang si Rodrigo at Jose sa sinapit ni Cy. Ibang klase din talaga ang babaeng kasama ni Cy sa bahay.
"Pambihira! Kapapalit ko lang ng damit. Tapos nabasa na naman!" Reklamo ni Cy habang patuloy pa rin sa pagtawa si Rodrigo at Jose sa kanya.