Kalalapat lang ng katawan ni Cy sa kama ng mga oras na iyon. Hinintay pa nilang makatulog si Shey ang asawa ni Rodrigo bago sila umuwi ng bahay ni Jose.
Dahil sa naglilihi ito at sa pisngi ni Jose na gustong-gusto nitong makita, pati siya ay napupuyat kahihintay. Hindi naman nila matanggihan ang buntis kahit sinasamaan sila ng tingin ng kaibigan ay wala naman itong magawa. Asawa nito ang makulit, na nais palagi nasa bahay ng mga ito sila.
"Ang sarap talagang ilapat ang katawang pagal sa kama." Ani Cy sabay tingin sa orasan na nandoon sa kwarto niya. "Alas dose ng lampas. Tamang-tama anim na oras na tulog." Pagkasabi noon ay ipinikit na rin ni Cy ang mga mata.
Nag-aagaw na ang diwa ni Cy ng biglang tumunog ang cellphone niya. Antok na antok man ay pinilit niyang sagutin ang tawag.
"Hello! Sino 'to? Ako nga pala si Cy na gwapo." Bungad agad ni Cy sa kung sino man ang nasa kabilang linya. Dahil sa antok niya hindi na niya nagawang tingnan kung sino ang caller si Igo lang naman ang madalas tumawag sa kanya.
"Anak, after nitong tawag itulog mo na iyan ha." Natatawag sagot ng nasa kabilang linya.
"Tiya? Bakit po napatawag kayo may problema po ba?" Nag-aalalang tanong ni Cy dito. Alanganin kasi ang oras ng tawag nito, kung mangungumusta lang.
"Wala anak. Pero may ipapakiusap ako sayo."
"Ano po iyon?"
"Naalala mo ba anak noong bata ka pa at namasukan akong katulong sa mayamang pamilya?" Napalunok si Cy sa sinabing iyon ng kanyang tiya. Isa lang naman ang pamilya ng tumanggap sa kanila noong panahon na nakikiusap na sila na sana ay tanggapin silang katulong. Pamilya Hernandez lang talaga ang tumanggap sa kanila ang pamilya ni Zeze.
"Ano pong meron po sa pamilya nila tiya? May problema po ba?"
Ikinuwento naman ng Tiya Celing niya ang nangyari kay Aize at ang pagbabago ng ugali nito. Nalungkot siya sa pagiging pasaway nito. Pero ang ikinagulat niya ay ang hinihiling nito.
"Tiyang naman. Babae pa rin iyon. Isa pa sabi mo matigas ang ulo. Paano iyon matututo ng dahil lang sa akin? Madami naman silang pera, bakit po hindi nila dalahin sa ibang probinsya."
"Kasi nga, nais din ng daddy niya na matuto siyang pahalagahan ang mga bagay na meron siya ngayon. Una ay reputasyon, pera. Kasi nagiging waldas. Oo nga at mabait si Aize pero anak nakikiusap ang daddy niya."
"Tiya ano pong gagawin ko para matuto siyang kumita ng sarili niyang pera. Pagtitindahin ko yan sa palengke ng San Lazaro. Para magkapera need niyang magtrabaho." Halos mapaungol pa si Cy sa kanyang sinabi. Biro lang iyon para hindi na siya pilitin ng tiyahin niya.
"Sige anak. Suhestiyon din iyan ng daddy niya. Sige anak salamat sa pagpayag. Bukas abangan mo na lang sila sa terminal. Sige anak matulog ka na."
"Tiyang hindi pa naman po ako----."
"Naku ang batang ito, mapupuyat ka lalo kaya matulog ka na. Ibabalita ko kaagad sa mommy at daddy ni Aize ang pagpayag mo. Alagaan mo si Aize ha. Nang matuto ang batang iyon. Salamat anak. Mahal na mahal ka ni tiya. Miss you. Bye." Wika ng kanyang tiya at mabilis na pinatay ang tawag.
Napatingin na lang si Cy sa harap ng kanyang cellphone, na wala ng bakas na tumawag ang kanyang Tiya Celing.
"Pambihira. Mukha ba akong baby sitter? Para mag-alaga ng pasaway na malaking bata? Na-man?" Napasabunot na lang si Cy sa buhok dahil sa pakiusap ng tiyahin niya.
Kinabukasan ay binulabog na naman siya ng tawag ng tiya niya para sa pagdating ni Aize sa hapon. Sinabi nitong pasasakayin lang ito sa taxi ng daddy nito at hindi nito alam na wala itong dalang pera. Lalo na at ang atm, cellphone, at pera nito ay palihim daw na inalis ng mommy nito. Naaawa man ang mga magulang nito sa anak. Pero need pa ring may matutunan ang anak nila, kaya iyon ang ginawa ng mga ito.
Habang nasa palengke ay kinausap naman ni Cy si Rodrigo at Jose tungkol sa kanyang unexpected guest na ikinatukso pa ni Rodrigo sa kanya. Itinanggi pa nga niya na hindi iyon si Zeze na nasa picture frame na nasa kwarto niya. Tumigil nga sa panunukso ito. Pero ang mata naman ay talagang parang nais na niyang magpalit ng kaibigan.
"Hoy! Romero madami pang trabaho! Walk out na kaagad. Binibiro lang eh." Sigaw ni Rodrigo sa kanya.
"Baliw! Sino kaya ang nagpababa ng dalawampong sako ng sibuyas doon sa kabilang part ng kalsada. Tapos nagtatanong na may nawawalang sako ng sibuyas." Nakangising wika ni Cy sabay kunot noo Rodrigo.
"Kasalanan iyan ni Jose. Kinakausap ko pa iyong magbababa kanina ay sumabay si Jose. Tapos kinamalayan kong si Jose ang sinunod, ay tinanong ko si Jose kong nasaan ka na. Tinuro ka. Kaya nakita kita. Tapos nandyan pala ang sibuyas? Nalintikan na. Buhatin mo na sa loob. Tapos ay ibigay mo na doon sa may mga order." Paliwanag ni Rodrigo. Na sinunod kaagad ni Cy na buhatin.
Tanghali na ng mga oras na iyon kaya naman kumain muna sila sa karinderya ni Aling Lucing.
"Rodrigo bigyan mo naman ako ng maliit na pwesto sa palengke. Need ko lang turuan na magtinda iyong new housemate ko." Ani Cy na ipinagtaka ni Rodrigo.
"Bakit? Isa pa bakit sa akin ka, magsasabi? Namamahala lang ako ng mga gulay na dinadala dito ng plantasyon ni daddy pero wala akong karapatan sa palengke."
"Dali na Igo. Ipagsabi mo ako kay mayor." Pangungulit pa ni Cy.
"Wala nga akong alam doon." Tanggi pa ni Rodrigo ng hindi nila napansin na bumibisita pala si Mayor Dedace.
"Kumusta naman kayo?" Bati nito sa kanila na ikinagulat nilang dalawa. Si Jose naman ay ganoon pa rin. Tahimik lang.
"Mayor, magandang tanghali po." Bati nilang dalawa habang tahimik pa rin si Jose.
"Magandang tanghali din sa inyong tatlo. Narinig ko ang pagpanggit ninyo sa akin kanina may problema ba?"
"Kasi mayor nais ko sanang kumuha ng isang bakanteng pwesto sa palengke. Mayroon kasi akong kakilala need ng pwesto, baka po mapapahintulutan mo?" Nahihiyang wika ni Cy na ikinatawa na lang ni mayor.
"Iyon lang ba? Bukas na bukas, kumuha ka lang ng sanitation permit, at ilan pang mga legal documents para makapagsimula na iyong may nais na magtinda sa palengke. May limang slot pa na natitira na doon sa parteng unahan. Malapit sa tigilan ng mga truck na nagdedeliver. Upa na lang ang babayaran. Okay lang ba iyon sayo?" Tanong ni mayor at napapitik pa si Cy.
"Tamang-tama mayor. Salamat po. Bukas na din ay aayusin ko na ang mga dapat ayusin. Thank you po." Sagot ni mayor ng mapatingin ito kay Rodrigo at Jose.
"Mahusay ang palakad mo sa palengke hijo. Nakakatuwa kasi hindi man lang nag-aagawan ang mga tindera sa mga gulay na dinadala dito. Wala silang reklamo sa pantay-pantay na pakikitungo mo sa kanila. At sa patas na pagbibigay ng mga gulay." Ani Mayor kay Igo sabay tapik sa balikat nito.
"Walang anuman mayor salamat din po sa mabuting pamumuno dito sa ating bayan." Wika naman ni Igo na ikinangiti ni mayor. Napatingin naman si mayor sa tahimik na si Jose.
"Hijo ganyan ka bang talaga katahimik?" Agaw pansin ni mayor kay Jose na ikinangiti ni Jose.
"Pambihira, parang gusto na lang kitang maging anak hijo, ampunin na lang kaya kita." Biro ni mayor kaya naman natawa si Cy at Jose.
"Mayor mapapanis laway mo dyan kay Jose." Ani Cy.
"Tama si Cy mayor. Pero mabuting kaibigan iyang si Jose. Kaya nga po, mula ng magkakilala kaming tatlo, naging sandigan na namin ang isa't-isa." Ani Igo na ikinalawak ng ngiti ni mayor.
"Natutuwa lang ako sa pagiging tahimik ng kaibigan mo. Lalo na at sa katahimikan ni Jose, ay naiisip kong bigla ang anak ko. Wala namang itigil sa pagsasalita, napakatanong, or magkukuwento kahit hindi naman kailangan." Natatawang pagkukwento ni mayor sa kanila.
"Bagay kayo ng anak ni mayor, Jose." Biro ni Cy.
"Oo nga Jose." Segunda pa ni Igo.
Nagkakwentuhan pa sila, ng ilang saglit, bago nagpaalam si Mayor Dedace sa kanila. Nang makatapos silang kumain ay bumalik na rin sila sa trabaho sa palengke.
Hapon na ng makatanggap ng text si Cy galing sa unknown number na sinasabing ito ang driver ng taxi na sinasakyan ni Aize.
Mabilis namang nagpaalam si Cy kay Rodrigo at Jose para makapunta ng terminal. Limang minuto lang ang layo noon sa palegke kaya naman hindi na rin nagtagal at natanaw niya ang isang taxi na mula sa Maynila. Mabilis naman niyang nilapitan ito at nagpakilala.
Ibinaba naman ng driver ang mga gamit ni Aize saka bumaba ang babaeng sa tagal ng panahon ay ngayon lang niya ulit nakita. Huli niya itong nakita ay anim or pitong taon lang yata sila.
Naka blue jeans ito at nakasuot ng black boots. May suot din itong white t-shirt na napapatungan ng black leader jacket. Nagpaalam na rin ang driver ng taxi sa kanila, pagkababa ni Aize.
Medyo natulala pa si Cy ng makita si Aize. Sobrang ganda kasi ng dalaga, higit na mas maganda kay sa, inaasahan niya. Ganoon din si Aize ng makita si Cy. Pero agad ding nagbawi ng tingin, bago pa mahalata ng kaharap.
"Hi! I'm Cypher, sa bahay ko nga pala ikaw titira." Pagpapakilala ni Cy ng makabawi sa pagtitig kay Aize. Sabay lahad ng kamay pero pinadaana lang ni Aize ng tingin ang kabuoan niya.
Medyo nainis si Cy sa inasta ng dalaga. Pero hindi na siya nagsalita. Hahakbang na sana ito ng mapansin siguro ang nakalahad niyang kamay, kaya natigilan ito.
Bigla nitong kinuha ang kamay niya at nakipaghand shake. Tapos ay pansin ni Cy ang pagngisi nito sa kanya. "Hello. I'm Aize." Pakilala ni Aize kay Cy, ng mabilis bitawan ng dalaga ang kamay niya at mabilis siyang tinalikuran.
Napatingin naman si Cy sa kanyang kamay na ginamit sa pakikipagkamay ng mapansin ang isang pink na bagay na nakakapit sa kamay niya.
"What the fvck!" Inis niya sambit ng matitigang mabuti ang bagay na iyon. "Pvtang *na! Bubble gum ito ah!" Sigaw ni Cy ng mapahinto paglalakad si Aize palayo sa kanya.
Nakangisi itong humarap sa kanya, sabay taas ng gitnang daliri. "Wala pang limang minuto kaming nagkakaharap problema na. Sh*t lang talaga! Hindi ba niya alam ang basurahan at sa kamay ko ikapit ang sinapa niyang chewing gum!?" Inis na wika ni Cy habang naghahanap ng kung anong bagay ang pwedeng ipang alis sa chewing gum na nakakapit sa palad niya.
Napansin na lang niya si Aize na nakasakay sa tricycle niya habang malawak ang ngisi sa kanya. Napansin siguro nito kanina na sakay siya doon. Itinuro pa nito ang dalawang maleta nito na wari mo ay sinasabing lalaki naman siya kaya siya na magbuhat sa mga gamit nito.
"Pambihira, baka mas mauna pa akong mabaliw kaysa sa magulang ng babaeng ito!" Reklamo ni Cy ng sa isang maleta na lang ni Aize ikinapit ang bubble gum na nakakapit sa palad n'ya.