Chapter 6

1545 Words
Nakangising nakatingin si Cy sa mga pagkaing niluto niya. Naalala kasi niya si Shey na isang mayaman na hindi kumakain ng gulay. Natuto lang ito gawa ng asawa nitong si Rodrigo na kaibigan niya. Nagluto kasi siya ng bulanglang na gulay. Pinaghalo-halong kadyos, patani, kamatis, at papaya ang gulay na iyon na nilagyan ng luya. Para sa tulad niyang mahirap ang gulay na iyon ay yaman na. Nagprito din siya ng tuyo na siyang masarap kasama ng gulay na bulanglang at mainit na kanin. Sa isip ni Cy ay walang magagawa si Aize para tanggihan ang pagkaing nakahayin. Ganti na rin niya iyon sa pag-uutos nito sa kanya, na akala nito ay katulong siya nito. Tahimik lang si Aize na dumulog sa hapag ng tawagin siya ni Cy. Sa isip niya ay hindi niya akalaing paborito niya ang pagkaing ihahayin ni Cy sa kanya sa mga oras na iyon. Namiss na naman niya ang kanyang Yaya Sena, ng makita ang luto ni Cy. Ito kasi ang nagpakilala sa kanya ng lutong iyon. Pero hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa pagkain. Ayaw niyang ipakita sa kasama na sobra siyang nasisiyahan sa inihanda nito at baka lumaki pa ang ulo. "Kain na." Alok ni Cy kaya naman naupo na rin si Aize. Nakangisi pa si Cy ng simulang sumandok ni Aize ng gulay at ilagay sa isang mangkok. Nawala ang ngisi ni Cy ng higupin mismo ni Aize ang sabaw noon. Sumandok na rin ito ng kanin at kumuha ng tuyo. Ang akala niyang magrereklamo ito sa pagkaing hinayin niya. Pero mukhang nagkamali siya sa mga oras na iyon. Dahil tila nag-eenjoy pa ito sa pagkain ng bulanglang na gulay, kapartner ang tuyo at mainit na kanin. "KalanCy hindi ka pa ba kakain?" Tanong ni Aize ng mapansing nakatitig lang siya dito. "Hindi ka ba magrereklamo sa pagkaing niluto ko?" Naguguluhang tanong ni Cy habang nakangisi lang si Aize sa kanya. "Hindi! Bakit naman ako magrereklamo kung itong mga niluto mo ay isa sa mga paborito ko?" Nakangising sagot ni Aize na laglag pangang ikinatitig ni Cy dito. "Kain na. Ang sarap ng luto mo." Ani Aize at patuloy lang sa pagkain. Napailing lang si Cy sa pagganting naisip niya kanina. Akala niya ay makakaganti na siya in a good way. Pero lumabas na, very good pa siya ng lagay na iyon. Sabagay, masarap kaya ang bulanglang na luto niya at ang pritong tuyo. Matapos kumain, ay si Cy na rin ang nagdayag ng pinagkainan nila. Nakaraos din sa unang araw ng pagkikita nila ni Aize. Dahil ng makapasok ang dalaga sa kwarto nito ay hindi na ito lumabas pa. Kinabukasan ay maagang nagising si Cy para magluto muna ng almusal nila ni Aize. Alam na rin naman ni Rodrigo na hindi siya nakakapasok sa araw na iyon. Pero pagbukas pa lang niya ng pintuan ay delubyo na kaagad ang sumalubong sa kanya. "P*tang *na!" Sigaw niya ng bigla na lang siyang bumagsak sa sahig. Sino ba namang sugod ni lucifer ang naglagay ng isang timbang tubig sa harap ng pintuan ng kwarto niya kaya naman hayon at swak ang kanyang paa sa loob ng timbang may tubig. Hindi pa natatapos sa pagkakalublob ng paa niya ang pangyayari, hayon at nadulas pa siya kaya ang tubig sa timba ay tumapon sa salas niya. "YE-LO!" Sigaw ni Cy sa sobrang pagkainis. Dahan-dahan namang bumukas ang pintuan ni Aize na wari mo ay nashock pa na makita siyang nakahandusay sa sahig na wari mo ay basang sisiw. "Ginagawa mo dyan KalanCy? Wala bang tubig sa banyo mo kaya dyan ka naliligo?" Natatawang wika ni Aize kaya pinaningkitan niya ito ng tingin. "Itanong mo kaya sa sarili mo kung ano ang ginagawa ko dito, at bakit basang-basa ako ngayon?" "Baliw ba ako para tanungin ko ang sarili ko? Like duh!" Umikot pa ang itim na bola ng mata ni Aize. "So paano mo maiipaliwanag itong timba ng tubig dito sa harapan ng pinto ng kwarto ko?" Inis pa niyang usal. "Bakit hindi mo kaya tanungin ang timba kung paano nakarating dyan sa harapan ng pintuan mo? Natutulog ang tao eh. Inaabala mo." Sagot ni Aize at natatawang iniwan si Cy sa basang-basang kalagayan. "Bakit parang kasalanan ko pa na hindi ko napansin ang bwisit na timbang ito?" Inis na wika ni Cy ng hindi napansin ang pagbalik ni Aize sa harapan niya. "Yeah, truth. Kasalanan mo talaga. Imagine mo, nananahimik iyang timba na may tubig sa harap ng pintuan ng kwarto mo. Tapos tapakan mo at itapon ang tubig. Kaya naman tumayo ka dyan at linisan iyang pinagkalatan mo. Handa mo na rin ang breakfast natin ha. Ayaw kong mag skip ng breakfast ngayon." Wika pa ni Aize at tuluyan na ngang iniwan si Cy. "Pambihira." Iyon na lang ang salitang lumabas sa bibig ni Cy bago hinayon ang mop para mapunasan ang parte na natapunan ng tubig. Sa halip na magluto ay bumili na lang si Cy ng pandesal sa malapit na panaderya doon at nagtimpla ng kape. "Anong breakfast?" Tanong ni Aize kahit kitang-kita naman niya na pandesal at kape lang ang nasa hapag. "Kung ano ang nakikita mo, iyon lang ang meron ngayong araw na ito. Isa pa, need mong magbanat ng buto para makabili ka ng mga nais mo. Kaya bilisan mo at mag-ayos ka na ng sarili pagkatapos nito ng malakad na natin ang dapat lakarin." Mahabang paliwanag ni Cy na pabagsak na ikinaupo ni Aize sa upuan na nandoon. "Ang daming sinabi. Nagtatanong lang ako kung anong breakfast. Daig pang babae ng isang ito. Puro talak." Bulong ni Aize na halos ipaabot naman sa pandinig ni Cy ang ibinubulong. "Bumulong ka pa. Dinig ko din naman." "Ay ang galing. Iyon nga ang plano." Buska pa ni Aize na ikinailing na lang ni Cy. Tanghali na rin sila nakaalis ng bahay. Lalo na at wala yatang minuto, ang pagitan ng kanilang pagbabangayan. Mabuti na lang kahit papaano ay kakaunti lang ang mga taong nag-aakikaso ng kung ano sa munisipyo kaya sigurado silang, magtagal may sila ay hindi gaano. Habang nilalakad nila ang papel na sinasabi ni Cy ay hindi maiwasan ni Aize na pagtaasan ng kilay ang mga babaeng kung makatitig dito ay halos gusto ng tunawin ang lalaki. Aminado siyang gwapo si Cy. Simple at masasabi niyang makakahatak talaga ang kagwapuhan nito ng mga kababaihan. Pero hindi siya kasama sa mga babaeng iyon. Mula ng ipagkatiwala siya ng ama sa isang lalaki na hindi niya kilala ay nainis na siya dito kahit hindi pa niya nakikita at nakikilala. Dangan nga lang at maswerte pa rin siya sa part na, mabait nga ito at mukhang hindi naman siya gagawan ng masama. Ang masakit lang ay kung paano kaya pagnapuno na ito sa kanya, sa mga pang-iinis na ginagawa niya dito. Pero ang isiping iyon ay ipinagpawalang bahala na lang niya. Lalo na at kung may masamang mangyari sa kanya sa poder ni Cy. Baka doon pa lang magsisisi ang daddy niya na ipinagkatiwala siya nito sa binata. "Anong tingin yan?" Tanong ni Cy ng mapansin ang pagtaas ng kilay ni Aize sa huling babaeng nakausap nila na siyang nag-abot ng permit sa kanila. "Kalalaking tao, ang harot. Ilang babae ba ang nakausap natin ngayon. Halos ngitian mo ng bongga ah. Para lang makipagflirt." "Ang judgmental mo ha! Hoy babaeng yelo, hindi ako humaharot o nakikipagflirt. That's what you call, respect, pakikipagkapwa at mabuting ugali." Paliwanag ni Cy. "Don't me KalanCy. Pakikipagharutan ang tawag doon. Ano pang gagawin siguro naman pwede na tayong umuwi. Tapos na di ba? Nakuha mo na ang dapat mong kunin!" Naiinis na wika ni Aize at padabog na naupo sa isang silya. "Oo tapos na. Kaya umuwi na tayo. Because, tomorrow is another day. And hindi ka na prinsisita habang nasa poder kita. Kaya magtrabaho ka ng maayos ha." Wika ni Cy na natatawa. "Wag kang mag-alala KalanCy. Mahilig ako sa adventure kaya sisiw lang iyang pagtitinda na iyan. Ako pa. Ako kaya si Aize Hernandez, na hinubog ng panahon, para maging ma------." "Hinubog ng katigasan ng ulo kaya ka nandito. Iyon ang sabihin mo." Pagtutuloy ni Cy sa sasabihin ni Aize. "Okay sabi mo eh." Nakangising wika ni Aize ng akmang lalampasan na ito ni Cy ng iharang ni Aize ang kanyang isang paa sa dadaanan ni Cy. Hindi iyon napansin ni Cy. Sa bilis ng pangyayari ay nabitawan ni Cy ang papel na inabyad nila ng maghapong iyon, pero nasalo naman iyon ni Aize. "ARAY!" Malakas na sigaw ni Cy ng mapasubsob siya sa sahig. Mabilis naman ang pagkakaflex ng kamay niya kaya naman, naiharang niya kamay para hindi tumama ang kanyang mukha sa semento. "Pambihira talaga!" Inis niyang sambit. Mabilis namang tumakbo si Aize palabas ng munisipyo, pagkatalapid kay Cy. Alam niyang magagalit ito sa kanya. Pero naiinis talaga siya sa lalaki kaya naman hindi niya mapigilang ang sarili na mas lalo pang inisin ito. Napatingin na lang si Cy sa likuran ng babaeng napakalakas ng loob na talapirin siya. Napailing na lang siya sa dami nitong baon na kalokohan at katigasan ng ulo. "Pakiusap po, bigyan pa po ninyo ako ng mahabang pasensya, at talagang baka hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ako pa mismo ang maghatid sa babaeng yelo na iyon sa mga magulang niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD