Nakataas ang kilay, ni Aize ng itigil ni Cy ang tricycle nito sa tapat ng munting bahay. Mula sa pinakabayan ng San Lazaro. Ngayon ay nadoon sila sa isang liblib na lugar. May nadaanan naman silan bahay. May natanawan pa nga siya doon sa nilampasan nila na isang malaking bahay na sa tingin niya ay bagong gawa pa lang.
Sinuri pa ni Aize ng mabuti ang bahay na nasa harapan niya ngayon. Maliit man iyon pero masasabi niyang maayos ang pagkakagawa.
Noong hindi mapilit si Cy ng kanyang Tiya Celing na manirahan sa Maynila ay pilit nitong ipinaayos ang bahay na iyon. Kaya naman kahit papaano ay masasabing isa ang bahay ni Cy sa pinakamaganda sa lugar na iyon. Dangan nga lang at nabago ang bahay ni Igo at ng asawa nito. Kaya naiwan na naman sa uso ang bahay niya. Habang ang lupang kinatitirikan noon ay isang bayad na lang at masasabi na niyang sarili na niya.
"Saan mo ako dinala?" Mataray na tanong ni Aize habang sinusuri ang bahay niya.
"Malamang sa bahay ko, saan pa? Mukha bang hotel yan?" May pagkasarkastikong balik tanong ni Cy.
"Hindi ako titira dyan sa bahay mo! Ayaw ko nga dyan. Baka mamaya rap*st ka pa. No! No!No!" May inis sa pagkakasabi ni Aize na ikinangisi lalo ni Cy.
"Grabe sa rap*st ha. Kung tama ang ibinibintang mo, di malamang wala ako sa harapan mo! Baka nasa kulungan ako ngayon. Magbubuhat ako ng bangko pasintabi lang ha. Gwapong kargador ako at hindi rap*st. Wag gaanong advance mag-isip. Kung makapagsabi ka naman. Isa pa kilala ako sa bayan dahil tinitilian ako ng mga kababaihan. Kaya hindi mangyayari yang sinasabi mo. Kung gugustuhin kong magka girlfriend, magkakaroon ako. Kaso ayaw ko. Kaya choice ko ang wala. Okay. Isa pa. Baka nga dapat ako pa ang matakot sayo. Baka mamaya kung anong gawin mo na ikapahamak ko." Ani Cy na ikinatawa ni Aize.
"Good idea, sa huling sinabi mo." Nakangising wika ni Aize at hindi pinansin ang mga naunang sinabi ni Cy. na ikinatitig niya dito.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Cy, pero iling lang ito ng iling.
"Wala naman. Basta be ready. Ipasok mo na ang mga gamit ko sa maliit mong bahay." Utos ni Aize kaya sinamaan ito ng tingin Cy.
"Nakikitira ka na nga dito sa bahay ko. Gagawin mo pa akong katulong? Kung makalait ka na maliit itong bahay ko." Halos paningkitan ni Cy si Aize sa tanong na iyon.
"Malamang maliit na bahay. Alang naman na sabihin kong malaking bahay ay maliit nga. Isa pa, di ba kaya ako nandito kasi pumayag ka na dito ako ipatapon ni daddy? So ano pang hinihintay mo. Kilos na! Bitbitin mo na iyang mga gamit ko." Sabay palakpak pa. "Ang bagal. Kilos na!" Dagdag pa nito. Napailing na lang si Cy sa inasta ng kayang mala boss na bisita.
"Oi nga pala KalanCy. Gusto ko ay solo lang ako sa kwarto ha. Kung isa lang kwarto mo. Magtiis ka sa labas. Hindi ako papayad na ako ang matutulog sa labas. Okay?"
"Alam mo Yelo wag mo akong tawaging kalansay dahil hindi ako iyon. Cy or Cypher. Gets! At wag kang mag-alala. Dalawa ang kwarto dito sa bahay ko. Kaya solo mo ang kwartong gamit ng tiya ko noon." Inis na wika ni Cy.
"Goods. And for your information KalanCy hindi ako Yelo!"
"For your information too. Kaya ka nandito kasi matigas ang ulo mo. Para kang Yelo. Kaya tigilan mo ako sa kalansay mo!"
"I call you. Ka-lan-Cy not kalansay. Kasi para kang kalansay." Sabay tawa ni Aize at iniwan si Cy sa pwesto nito. Nauna pa si Aize magtungo sa balkonahe niya. Hindi pa naman bukas ang pintuan kaya naman hindi ito makakapasok sa loob.
"Tiya Celing ano po ba itong pinasok ko?" Tanong ni Cy sa kawalan bago binuhat ang dalawang maleta ni Aize at padabog na ibinaba sa tapat ng pintuan. Para mabuksan ang pinto.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay sumunod na rin naman si Aize kay Cy. Itinuro ni Cy ang kwartong dating gamit ng kanyang tiya.
"Dyan ang kwarto mo. May maliit din yang banyo sa loob. May banyo din sa may kusina. Mahahanap mo naman siguro kung saang parte iyon. Lalo na at sabi mo nga maliit lang itong bahay ko. Lahat ng kailangan mo. Nasa cabinet ng kwarto. Punda, cover ng kama at kumot. Malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo. Maliwanag?" Ani Cy na hindi na lang pinansin ni Aize, at mabilis na hinayon ang kwartong itinuro nito.
Laglag panga naman si Aize ng makita ang kwartong kinalalagyan niya ngayon. Oo nga at malinis iyon. Pero hindi naman niya akalaing single bed lang ang kama tapos ay napakanipis pa ng foam. Napaungol pa siya ng maisip kung gaano kasakit sa likod pagnatulog siya kamang iyon.
"Ayaw ko dito!" Inis niyang sambit at mabilis na hinila ang dalawang maleta palabas ng kwartong iyon.
"Oh! Saan ka pupunta?" Nakangisi pang tanong ni Cy.
"Aalis! Bakit? Hindi ko kayang matulog sa ganoong kaliit na kama, at napakanipis na foam. Gosh! Nakikita ko pa lang. Siguradong sasakit ang likod ko." Eksaheradang wika ni Aize at walang pag-aatubiling lumabas ng bahay.
Malapit ng dumilim ng oras na iyon. Napalunok naman si Aize ng mapansing hindi man lang siya sinundan ni Cy palabas.
"Bwisit na lalaki iyon! Saan ba iyon nakilala ni daddy at ipinagkatiwala ako doon? Hindi ko naman kilala iyong KalanCy na iyon. Nakakainis talaga!" Aniya at kahit lalong dumidilim ay hinayaan niyang ihakbang ang kanyang mga paa, palayo sa bahay ni Cy.
Nakakalayo na siya ng bahay ni Cy pero hindi pa rin siya sinusundan ng lalaki.
"Bahala ka sa buhay mo! Pag ako talaga napahamak sa lugar na ito. Mumultuhin kitang lalaki ka. Hanggang sa mamatay ka din dahil sa konsensya!" Naiinis niyang sambit ng nakaramdam siya ng patak ng ulan.
"Bwisit talaga! Tapos uulan pa!" Naiinis niyang sambit ng maramdaman niyang dumarami na ang mga patak. "Naman! Ano bang problema ng panahon ngayon!" Sigaw pa niya ng mapansin ang isang lalaking nakangisi na papalapit sa kanya. Sa takot na kanyang nadarama ay kumaripas siya ng takbo pabalik sa bahay ni Cy.
"KalanCy! Bwisit ka!" Tawag niya kay Cy habang habol ang paghinga. "C-Cy." Nauutal pa niyang ulit pero walang lumalabas sa loob ng bahay.
Nagkusa na siyang pumasok at halos hindi na mapigilan ang mga luha sa takot. Oo nga at matigas ang ulo niya. Pero malaki ang takot niya ng mga oras na iyon. Hindi siya sanay sa lugar tapos madilim na at ngayon umuulan na ng malakas.
"Cy! KalanCy!" Paulit-ulit niyang sambit hanggang sa pumasok ng bahay ang hinahanap niya.
"Saan ka galing? Bakit hindi mo ako sinundan? Alam mo bang takot na takot ako kanina ng may nakita akong lalaking nakangisi. Hindi ko nakita ang buong mukha pero kita kong nakangisi siya!" Sigaw ni Aize habang hinahampas ang dibdib ni Cy.
"Sandali nga!" Sigaw ni Cy na nagpatigil kay Aize.
"Nakakasakit kang Yelo ka ha! Hindi kita girlfriend para habulin! Isa pa sinundan kita kasi uulan. Tapos nung malapit na ako sayo tinakbuhan mo ako. Mabuti na lang dito ka nagpunta." Paliwanag ni Cy tapos ay inilapag ang bitbit na payong. Nakabukas iyon para mapatulo at ng matuyo.
"Bwisit ka. Kaya pala nakangisi iyong lalaking nakita ko ikaw pala iyon! Ngayon pa lang kita nakikilala pero iyong pambubwisit mo sa akin sobra-sobra na." Ani Aize na halos parang gusto na nitong ipukpok kay Cy ang payong na kapapatong lang nito sa isang tabi.
"Kung ang ginagawa mo ay naglilinis ka na ng sarili mo at inaayos mo na ang gamit mo sa kwarto na gagamitin mo di mas mabuti kaysa talak ka ng talak. Lalakad pa tayo ng permit bukas sa munisipyo para makapagsimula ka ng magtinda sa isang araw." Wika ni Cy na nagpatigil kay Aize sa paglalakad patungong kwarto.
"What do you mean? Ako?" Sabay turo sa sarili. "Magtitinda! No way!" Matapang niyang sagot.
"Yes way prinsisita. Kasi po sabi po ng magulang mo. Wala kang pera na dala ngayon. Kaya lahat ng gagastusin mo, lahat ng pangangailangan mo paghihirapan mong pagtrabahuhan bago mo makuha." Paliwanag ni Cy ng biglang binuksan ni Aize ang kanyang maleta kung saan nandoon ang four hundred thousand na dapat dala niya. Pero walang four hundred thousand na nakalagay doon kundi five thousand na halos kung hindi yata naaawa ang mga magulang niya sa kanya ay hindi siya bibigyan ng pera.
"Baka ninankaw mo ang pera ko dito ha!" Bintang pa niya kay Cy.
"Wait lang nakakahalata na ako sayo. Kanina ka pa bintang ng bintang. Para maniwala ka. Ito tawagan mo ang dapat mong tawagan." Wika ni Cy sabay abot ng hindi naman kagandahang cellphone. Pero touchscreens na iyon.
"Yucks, ang pangit ng cellphone mo. Hindi ako gagamit n'yan." Tanggi niya.
"Maka yuck ka naman. Mas lalo naman sayo wala kang cellphone."
"Pati ba naman!"
"Yes! Kaya tumawag ka na sa tatawagan mo, para malaman mong wala akong kinukuha sayo."
Napilitang kunin ni Aize ang cellphone ni Cy at tinawagan ang numero ng daddy niya. Galit man siya ay need niyang malaman ang totoo.
Pabagsak na napaupo si Aize sa sahig, ng malamang hindi nagsisinungaling si Cy sa kanya. Halos maiyak pa siya sa kaalamang pinahihintulutan nito si Cy na alalayan siyang maging tindera ng prutas at gulay sa palengke. Halos hindi niya alam kung paanong naaatim ng daddy niya ang ganoong parusa sa kanya. Bagay na akala niya hindi niya mararanasan kasi mayaman sila. Pero dahil sa pagiging matigas ng ulo niya. Ito ang napapala niya.
Sa inis niya sa daddy niya ay si Cy ang pinagbalingan niya. Pero sa halip na magalit iba ang naisip niya. Hahayaan niyang si Cy mismo ang magbalik sa kanya sa daddy niya.
"Okay kung gusto ni daddy na nandito ako. Di dito lang ako. Basta dapat ready ka sa bawat araw na kasama mo ako. Okay." Nakangiting wika ni Aize at inayos muli ang laman ng maleta na niya.
Napalunok naman si Cy sa sinabi ng dalaga. Hindi niya alam, ngunit may halong pagbabanta ang sinasabi nito sa kanya. Napatingin na lang siya sa dalagang papasok sa dating kwarto ng tiya niya.
Bago pumasok ng kwartong tutuluyan niya habang nasa poder ni Cy ay binalingan pa nito si Cy.
"Oi KalanCy magluto ka na. Nagugutom na ang alaga ko sa tiyan. Siguraduhin mong makakain ko ang lulutuin mo. Kung hindi isusumbong kita sa mommy ko na ginugutom mo ako dito. Tsk." Ani Aize at tinalikuran na si Cy.
"Pambihira! Siya na itong nakikituloy, tapos naging katulong pa ako sa sarili kong pamamahay. Siya kaya ang magluto. Sa pagod ko kanina, tapos ganito pa pag dating ko ng bahay ay talaga namang. Ah ah Tiya Celing. Binata pa ako, pero bakit daig ko pang may sampung apo, kahit isa lang itong kasama ko." Reklamo ni Cy at nagtungo na rin ng kusina para magluto ng hapunan nila.